Chereads / Unstoppable:Series / Chapter 6 - Chapter 5:Wukas Beal Farrant And The Final Selection

Chapter 6 - Chapter 5:Wukas Beal Farrant And The Final Selection

UMISING si Kwame sa huling umaga niya sa Templo.Ramdam niya niya ang pagka-miss sa lugar na kanyang pinagsanayan lalo na ang ginoong nagturo sa kanya na halos isang taong mahigit.

Ngayon ay tutungo na siya sa Final Selection kung saan ay kailangan niyang makaligtas dito upang maging ganap na demon slayer.Kailangan niyang tumagal pa sa mundong ito para mailigtas sa kapahamakan si Yves.

Bitbit ni Kwame ang kanyang mga damit at nang papunta na siya sa pintuan ng Templo ay nakita niya doon si Ginoong Romeo ang nag-aabang sa kanya.Seryoso ang mukha nito na para 'bang may pagkahalong pag-aalala sa mukha nito.

Nang makalapit sa ginoo ay huminto siga at yumuko bilang pagpapaalam at pagpapasalamat.Malaki ang naitulong ng ginoong ito sa kanya at marami siyang natutunan.

"Marami pong salamat Ginoong Romeo"nakangiting sagot nito.

"Ipagdarasal ko kay bathala na makakaligtas ka.Palakasin mo ang kidlat sa iyong pangangatawan at ibigay ang iyong buong makakaya na parang isang kulog na dumadagundong sa buong sakop ng mundo"Tinapik ni Ginoong Romeo ang binata at napangiti na hindi inaasahan.

"Susundin ko ang lahat ng itinuro niyo.Marami pong salamat"

Humarap si Kwame sa malaking pintuan ng Templo at binuksan ito.Lumabas siya rito at isang malakas at sariwang hangin ang sumalubong sa kanya.Nagpatuloy na siya sa paglalakad at bago pa man makalayo ay lumingon siyang muli kay Ginoong Romeo at kumaway.

Kumaway si Ginoong Romeo at hindi niya inaasahan na lalabas ang luha sa kanyang mga mata.Naalala niya bigla ang lahat naging estudyante niya.Ang mga estudyante na lahat ay minahal niya..Ang mga estudyante niya na lahat ngayon ay namayapa na maliban kay Zeus.

Kaya ganun na lamang ang pag-aalala ni Ginoong Romeo na baka mabigo ang binata sa Final Selection at doon bawian ng buhay.Hindi niya minamaliit si Kwame,dahil may isang demon na nag-aabang sa kanya sa Final Selection.

_____________________________________

INALALA ni Kwame ang buong pinaalala sa kanya ni Ginoong Romeo.Ngunit hindi niya makalimutan ang ibinigay ng ginoo na pangalan ng isang lalaki.Isang lalaking balang araw ay makakaharap niya sa oras na dumating ang tamang panahon.

"Ang mga demons na may kakaibang lakas katulad ng supernatural power ay tinatawag na Morphed Demon.Ngunit may mga malalakas at matatas na antas din na Demon na siyang mailap sa lahat ng demon slayer.Sila ay tinatawag na Twelve Demon Moons.Ang Twelve Demon Moons ay ang mga makakapangyarihang demons na tagasunod ng Demon Lord at ang kanyang pangalan ay Wukas Beal Farrant.Bawat Demons ay pinagkalooban ni Wukas ng kanyang dugo.Ang Twelve Demon Moons ay nahati sa dalawang grupo,Upper Moons na may bilang na isa hanggang anim,at ang Lower Moons na katulad din ang bilang nito.Ang kanilang numero ay simbulo ng kanilang ranggo na tumutukoy batay sa kanilang lakas.Ang mga Lower Moons ay merong numero at ranggo ay nakaukit sa kanilang isang mata,habang ang mga Upper Moons ay nakaukit ang kanilang mga numero sa kanilang isang mata at 'Upper Moon' sa isa pa nilang mata"Iyon ang mga natandaan ni Kwame sa kanyang isipan.

Hindi niya alam kung bakit siya kinilabutan sa kanyang nalaman tungkol sa panginoon ng mga Demon.Ang demon na naglaganap ng kasamaan at karahasan sa buong daigdig.

Ilang oras naglakad si Kwame para makatungtong sa bundok ng cherry blossom at hindi niya namalayan na nakarating siya sa lugar na kanyang pupuntahan.Maraming puno ng cherry blossom ang nakatanim dito napaka tingkad nito.

Napalingon siya sa kanyang harapan nang makita ang mataas na hagdan at sa dulo ng itaas nito ay naghihintay ang maliwanag na ilaw.Umakyat siya rito ng mabilis at napahinto nang makatungtong sa itaas nito.

Maraming tao ang nakatayo sa harapan ng isang maliit na entablado.May mga nag-uusap at naglalakad sa iba't-ibang sulok.

"Hello"

Napalingon si Kwame sa kanyang kanang gawi at nakita ang isang magandang babaeng kulay soft berry ang mata na papalapit sa kanya.

"Ako si Kirsten Belcher.Kakarating ko lang 'din pero nauna ako sa'yo ng ilang minuto lang—"

"Antagal ko nang nakatayo dito pero hindi ko alam kung bakit hindi pa nagsisimula ang Final Selection!"Sigaw naman ng isang lalaking naka topless at ang pang-ibaba nito ay parang balat ng kung anong mabalahibong hayop.

A man with maroon eyes step forward to them."Chester Beaufort.Isa akong half French-American and Filipino"Kita din ang napaka perpektong mukha nito at napaka tikas na pangangatawan nito.

"Hi sisters"

Napalingon naman sila sa isang lalaking kulay pink bubble gum ang buhok.Gumegewang pa ito at halatang may pagkapusong babae ang isang ito.

"I'm Todd Wiskey.Oh yes,I'm a gay but I'm wearing this black leather jacket and black pants co'z I like it"Lumingon ito sa lalaking nagngangalang Chester at maarteng kumaway dito. "I like your abs,can I touch?"

"If you touch it,I swear to god na makakapatay ako ng binabae ngayon"Nanlaki ang mata ni Chester at nakaamba na itong bunutin ang dalawang espada nito sa magkabilang baiwang.

"I like that.Gusto ko ng pa heart to get na lalaki.Sa gandang lalaki—babae kong ito,hindi dapat ako tinatanggihan" Nag pose pa ito. "Oh,PAK!"

Napangisi pa sina Kwame at ang babaeng nagngangalang Kirsten.Halos mandiri naman ang tingin ni Chester dito at napabuntong hininga na lamang siya.

Tumigil ang pag-uusap nila nang dumating ang isang batang lalaki at tumuntong sa maliit na entablado at nagsimulang magsalita.

"Magandang umaga sa inyong lahat mga swordsman.Ngayon ay ang araw ng inyong Final Selection.Sa hapong ito ay magsisimula na tayo at sa pagsapit ng gabi ay lulusob na ang mga demons na nakukulong sa Final Selection Area.Ito ay ang entrance exam bilang maging ganap na Demon Slayer at maging kaanib ng Demon Slayer Corps.Kailangan niyong makaligtas sa pitong gabing dadaan sa inyo ngayon sa loob ng battle field at inaasahan ng lahat ng mga trainers niyo ay makakaligtas ka'yo at magiging ganap na slayer.Naway sumainyo ang may kapal.Magsisimula na ta'yo"

At ang lahat ay nagsitungo na sa loob ng battle field.

_____________________________________

TUWING sumasapit ang gabi ay sige lang sa pagtatago si Yves sa mga demon slayers.Sa umaga naman ay nagtatago siya sa sikat ng araw dahil iniiwasan niyang masunog ang balat dito.

Ngayong gabi ay hindi na niya napigilan na mambiktima ng tao at hindi na niya makontroll ang sarili dahil sa pagkauhaw sa dugo at pagkagutom sa lamang loob ng tao.

Sa isang tagong eskinita ay nilalasap niya ang tumitibok pang puso ng isang binatang lalaki na kanyang pinaslang.Halos maubos na niya ang lamang loob nito at sinisimut ang mga dugo na naiwan sa kanyang mga kamay.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang makarinig siya ng mabibilis na mga yapak.Nang lingunin ang kanyang likuran ay nakita ang dalawang demon slayer na papalapit sa kanyang lugar.

Napatayo siya bigla at tumakbo sa mga pader at hindi manlang siya nalalaglag.Bawat paglapag ng kanyang mga paa ay nagsasanhi iyon ng pagkasira ng mga semento.

His vertical pupil of reddish eyes are now widened because of his aggressive movements and feelings.

Nang makarating sa napaka dilim na dead end ng eskinita ay napahinto siya at wala na siyang madaanan.Nakaramdam siya ng pagkahina na hindi niya maintindihan at nagsanhi ito ng pagkaluhod niya sa lupa.Ang dalawang demon slayer ay nakarating sa kinalalagyan niya ngayon at mabagal na naglakad.

Hinugot nilang dalawa ang kanilang espada at patakbong sumugod papalapit kay Yves.Ngunit hindi pa man nakakalapit ang dalawang slayers ay ang isa sa kanila ay tinamaan ng lumilipad na palakol sa ulo at nahati ito sa dalawa.Ang isa naman ay kislap matang nagkagutay-gutay ang katawan at dumanak ang dugo sa buong lugar.

Nabigla si Yves sa nangyari dahil hindi siya ang may gawa niyon.Nanlaki ang kanyang mga mata nang sumulpot ang dalawang 'di kilalang tao at nang mag-angat ito ng ulo ay nakita niya ang mala demonyong mukha nito.

Tumabi ang dalawang demon sa magkabilang gilid at nagpakita sa likuran ang isang lalaking naka tuxedo outfit at fedora hat.Napansin ni Yves ang mahabang malarosas na kuko nito at ang maugot na kamay nito.

"Salamat sa inyo, Axer and Delilah"mahinang boses nito sa dalawang demon na nagligtas kay Yves.

Nagtataka si Yves kung sino ang mga ito at bakit siya niligtas nito sa kapahamakan.Napaatras siya nang makitang humakbang ito papalapit sa kanya at tumigil 'din nang ilang metro na lamang ang pagutan nila.

"S-Sino ka?Anong kailangan mo sa akin?"puno ng takot at pangamba ang nasa damdamin ni Yves.

"Huwag kang matakot"Tinanggal nito ang itim na sumbrero at iniangat ang ulo kay Yves. "Isa akong mabuting kaibigan"A pinkish lips and peach eyes of his pale face are now glad to meet his deputy.

Wukas Beal Farrant meet Yves in a silent deadly night.

_____________________________________

MANGILAN-NGILAN na rin ang napapatay ni Kwame at patuloy lang siya sa pagtakbo at paghahanap ng mga demons.Ngunit hanggang maaari ay kailangan niyang makaiwas sa mga ito dahil iba-iba ang mga angking lakas ng mga demon.

Nakakita man siya ng bangkay ng isang swordsman ay nagpatuloy lang siya sa pagtakbo kahit na gusto niya itong lapitan upang malaman kung may magagawa pa siya para iligtas ito.

Lumalalim lalo ang gabi at lalong bumibigat ang tensyon sa buong paligid ng battle field.Ang battle field ay lugar ngayon ng isang malaking bundok ng cherry blossom dahil ito ay isang kulungan ng mga demons dahil sa buong sakop ng bundok ay laganap ang amoy ng cherry blossom na nagpapanatili sa matibay at malakas na pangharang nito sa mga demons.

Agad na nakaring si Kwame ng kakaibang tunog mula sa kanyang itaas at nakita ang isang demon na pabagsak sa kanyang harapan.Agad siyang umilag at pinadausdos ang mga paa at naghanda sa pag-atake.

"Breath Of Thunder,First Form:Thunder Clap and Flash!"At mala kidlat siyang umatake sa kalabang demon at nahiwa niya ang leeg nito.

Iniwan niyang nasunog ang demon at sumabit-sabit pa siya sa mga sanga ng puno.Lumilingon 'din siya sa kanyang paligid at ramdam niya ang iba't-ibang tunog na nanggagaling sa mga demons.

Nanlaki ang mga mata niya nang isang napakalaki at mahabang mga kamay ang pasalubong sa kanya.Hindi niya magawang umilag sa kanyang pusisyon dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo.

"Breath Of Flower,Fift Form:Peonies Of Futility!"A graceful flurry of nine consecutive attacks that flow and weave in on by Todd Wiskey.

Naputol ang nakaambamg mga kamay kay Kwame at madaling nasunog.

Tumigil si Kwame sa pagtakbo at napalingon sa pinaglapagan ni Todd at kumindat pa ang pusong babaeng lalaki na binata sa kanya at nilapitan siya nito.

"Ayos ka lang ba"malamya ngunit malambing na boses nito.

"Ayos lang—"Hindi natapos ni Kwame ang pagsasalita nang mapalingon silang dalawa sa kanilang kanang bahagi.

Isang palikong mahabang braso at malaking kamao ang papalapit sa kanila at wala na silang oras para umilag.

"Breath Of Love,Second Form:Love Pangs!" Kristen popped up somewhere and attacked the long arm approaching Kwame.Her second form breathing gives an extended whipping slash and breaks the attack of unknown demon hiding in the dark. "Patay na sana ka'yo kung hindi ako dumating"dagdag pa ng dalaga.

"Nice to meet you again"bati ni Todd.

Napalingon si Kirsten sa kanilang likuran at limang mahahabang kamay ang papalapit sa kanilang direksyon.

"Breath Of The Beast,Tenth Fang:Whirling Fangs!"Chester landed in front of Kwame and breathed a sigh of relief in the upcoming attack.Chester spin his swords in a circular motion and cut the five long arms.

"MY HERO!!"malanyang sigaw ni Todd.

"Tama na muna ang biruan Todd!Kailangan nating makaiwas sa matinding atakeng iyon!"sigaw ni Chester.

Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang isang batang demon na may sungay sa noo nito at napakalaki ng kamay nito.Ramdam nilang apat ang matinding presensya nito at isa itong malakas na Morphed Demon.

"Apat na swordsman katumbas ng apat na hapunan"Nakakatakot ang boses nito na halos gusto nitong kainin ang sinumang makakarinig ng kanyang boses. "Ihanda ninyo ang inyong mga buhay!"At humaba ang dalawa nitong kamay at naging triple pa ito habang papalapit sa direksyon ng apat.

Tumapang ang mukha ni Kwame ganun 'din ang tatlo.Nang dapuan sila ng katapangan sa kanilang damdamin ay sabay-sabay silang lumundag patakbo para salubungin ang atake ng demon.

"Breath Of Flower"

"Breath Of Love"

"Breath Of The Beast"

"Breath Of Thunder"