Chereads / Unstoppable:Series / Chapter 9 - Chapter 8:The Impending Danger

Chapter 9 - Chapter 8:The Impending Danger

SA lugar ng America ay doon na nanirahan si Yves kasama ang iba pang demons.Ang mansiong ito ay pinagkaloob sa kanya ni Wukas at siya ang ginawang kanang kamay.

Ang lahat ng katulong,body guards at drivers ay mga lubhang tao manlang ngunit hindi alam ng mga ito na isang demon si Yves.

Mahigit tatlong linggo ang nakalipas nang dalhin siya ni Wukas sa ibang bansa at sanayin na huwag kakainin ang mga trabahador niya.

Habang nakaupo sa malambot at malaking sofa ay nakadekwatro pa ang binata habang ninanamnam ang tamis ng wine na kanyang iniinom.Nakasuot lamang siya na wardrobe at nakatulala lang sa kawalan.

"Mukhang malalim pa rin ang iniisip mo simula nung pumunta tayo sa lugar na ito"

Napalingon siya sa pintuan ng kanyang bahay at nakita ang naka tuxedo outfit na si Wukas at agad napatayo sa kanyang kinauupuan.

"Sinabihan mo manlang sana ako Panginoong Wukas para nakapag handa ako ng makakain para sa iyo"Sabay yuko ni Yves.

"Tawagin mo nalang akong Master Wukas,Yves.Ayokong tinatawag akong Panginoon dahil masiyadong malalim ang salitang iyon"Humakbang si Wukas papasok sa bahay at pinagmasdan ang buong sulok ng mansion.

Nakatingin lamang si Yves kay Wukas at sa pagkurap niya ay nawala ito sa kanyang paningin.

"Mukang maganda ang buhay mo ngaykn dito"

Lumingon si Yves sa kabilang sofa sa kanang gawi at nakaupo na doon si Wukas.Ni hindi manlang niya ito napansin na umupo sa sofa sa sobrang bilis nitong kumilos.

"Bakit nga pala kayo nandito Master?"nagtatakang tanong ni Yves.

"Binisita kita dito dahil may gusto akong ibalita sa iyo"Kinuha nito ang baso ng wine ni Yves at inamoy. "Ang kaibigan mong si Kwame na sinabi mo sa akin noong nakarang linggo.Alam mo na 'ba na isa na siyang Demon Slayer?"

Nabigla si Yves sa kanyang narinig at halos mapaawang ang kanyang bibig sa narinig.

"Hindi lang 'yon Yves.Si Kwame Salazar ay nakatadhana bilang hahalili sa kasalukuyang Master ng Demon Slayers.At pinoprotektahan siya ng Pillars.Imposibleng magkita kayo at magkasama muli.Sinisigurado ko rin na sa oras na makita ka niya ay papaslangin ka niya na walang pagdadalawang isip—"

"Hindi totoo 'yan"Hindi naniniwala si Yves sa mga sinasabi nito.Isang kabaliwan ang paslangin siya ng sariling matalik na kaibigan.

"Nasasabi mo 'yan dahil hindi pa kayo nagkikita.Well,let's see kung mas magiging matatag ang pagkakaibigan niyo sa oras na traydurin kana niya patalikod—harap-harapan pala"

"Naniniwala akong hindi niya ako papaslangin.Alam kong wala na akong magagawa sa sarili ko dahil hindi na ako makakabalik sa pagkatao"Namuo ang kalungkutan sa mukha ni Yves at tumalikod kay Wukas.

"Hindj ko hahadlangan ang mga susunod na mangyayari.Marami ka nang napatay na tao.Sa tingin mo ba kapag nalaman iyon ni Kwame ay hindi siya magagalit?"

Lumakas ang hangin kahit nakasara ang mga bintana at napalingon si Yves sa pintuan niya at nakita si Wukas na palabas na ng kanyang bahay.

"Gusto ko pa sanang magtagal dito ngunit ayokong abutan ng sikat ng araw.Magkikita muli tayo Yves"At naglaho si Wukas na wala manlang nililokhang ingay.

_____________________________________

ILANG minuto ay sumulpot si Wukas sa rooftop ng isang malaking hotel building at sinalubong niya ang malakas at malamig na hangin sa oras ng gabi.

Nakalingon siya sa tanawin at napaka seryoso ng kanyang mukha.His peach eyes are now darken and the veins on his face are now appearing.

"Ramdam ko ang napaka bigat mong prisensya ngayon Master.Mukhang galit na galit ka"

Isang malambing na tinig ang narinig niya sa kanyang likuran ngunit hindi niya iyon nilingon.

"Kung nandito ka lamang para bwisitin ako,mas mabuting umalis ka nakang"malumanay na sabi ni Wukas.

Lumapit ang naka puting binata na mayroong gitara sa likuran nito na nakasabit at flute sa kanyang tagiliran.

"Base sa malumanay mong boses ay hindi ayon ito sa nararamdaman mo ngayon"

A dark caramel eyes of this man are now sighting the view at the top of the roof.He's look innocent because of his jaw,black barbers hair and clear and handsome face.

Lumingon si Wukas dito at napangiti sa itsura ng binata. "Whenever you go,your guitar and flute are always stick in to you"

"Because it's my passion.You know...as your deputy and ally at the first place,you saw me plucking my guitar and blowing my flute.And this is art.I also acting everyday to catch my prey and paint their blood on my canvas"A fabulous voice came on this guy voice.

"How's the Twelve Moons.I want to see them soon"Wukas' voice going deeper and deeper.

"I visit the Twelve Moons.About the Upper Moons,they're still amazing and fabulous as a demon.I really like to watch how they devour their victims specially the Upper Moon Two.She's so wonderful—"

"And the Lower Moons?"Wukas cut the word on what this artist man saying.

"Oww"He cleared his throat. "Well,about the Lower Moons,they're still coward when they feel the presence of Pillars.I always watching them like you said to me and that makes me annoyed when I see their useless moves"

"Every year I always searching for the new crew of Lower Moons.I always picked a coward demons."And the figures of the six stronger Moons appears on his mind. "They are different to Upper Moons.My Upper Moons are so powerful that no one can beat except me.Their power are so strong and they beat all the recent Pillars before.They can play the fight between their apponents and devour all the body parts when they killed it"

Wukas look to his deputy. "I want to see my minions"

Tumango ang lalaking nakaputing tuxedo at kinuha ang plawta sa kanyang baiwang.Itinapat niya ang ihipan ng flute sa kanyang bibig at nagpakawala ng hangin.

Isang matinis at nakakatakot na tunog mula sa plawta ang nilikha nito at lumitaw ang dalawang minions sa kanilang likuran.

Humarap si Wukas sa dalawa niyang utusan.Nakaluhod ang dalawang tagasunod nito at nakayuko ang ulo.

"Axer and Delilah.Ipinag-uutos ko sa inyong dalawa na hanapin ang binatang nagngangalang Kwame Salazard.Ramdam ko na malapit na magsisimula na s'yang maglakbay para sa kanyang mga mission at gusto kong sirain niyo iyon"May kung anong ginawang spell si Wuka sa kanyang isipan at nanindig ang buong balahibo ng dalawang demon na kaharap niya. "Buhay man o patay ay dalhin niyo ang ulo niya sa akin.Gusto kong makita kung paano malugmok ang mga Pillars at Master nila"

"Masusunod Master"sang-ayon ng lalaking nagngangalang Axer.

"Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin"saad naman ng babaeng nagngangalang Delilah.

"Kung magawa niyo ang ipinag-uutos ko.Ay bibigyan ko muli kayo ng aking dugo at ibibilang sa aking Lower Moons.Maliwanag?"

Inihipan muli ng lalaking kanang kamay ni Wukas ang plawta nito at naglaho ang dalawang tagasunod.

"Inihatid ko sila sa lugar na pinaka malapit na luhar kay Kwame"sabi nito kay Wukas. "Kung ganon ay babawasan mo ang kasalukuyang Lower Moons?"tanong pa nito.

"Hindi mahirap ang magpatalsik ng walang silbi na katulad nila.Ngunit habang hindi pa nagagawa ng dalawang minions ko ang utos ko ay hahayaan ko munang magsaya ang mga Lower Moons"

Muling lumingon si Wukas sa tanawin na sagap ng kanyang mga mata.Ngumiti siya ng bahagya at nagkulay dugo ang kanyang mga mata.

"Uubusin ko ang mga Pillars sa pamamagitan ng mga Twelve Moons ko.Wawasakin ko ang buong sangkatauhan sa oras na mawalan na sila ng pag-asa"

_____________________________________

"KANLURANG DIREKSYON!"salita ng uwak ni Kwame.

"Nagsasalita ang enchanted crow?"sabi ng binata na nakatingala pa sa kanyang uwak habang naglalakad.

"KANLURANG DIREKSYON!"

Sa puntong iyon ay hindi na uwak ni Kwame ang nagsalita.Lumingon siya sa pinanggalingan ng huni ng uwak na iyon at nakita si Chester na naglalakad kasama ang uwak nito na nakapatong sa balikat.

"Chester!"Kumaway si Kwame para makita siya ng binata.

"Oh,Kwame ikaw pala!"Patakbong lumapit si Chester at lumipad naman ang uwak nito.

Ganun parin ang kasuotan ni Chester.Naka topless at nakasukbit ang dalawang Nichirin Sword nito sa magkabilang baiwang.

"Pakanluran ka rin?"masayang tanong nito kay Kwam.

"Oo,sabay na tayo!"sagot ni Kwame sa binata.

Habang nag-uusap ang dalawa ay kasabay nito ang malakas na malamig na hangin.Hindi manlang ito alintana ni Chester kahit wala itong pang-itaas na kasuotan.

"Ako ang nalalamigan sayo dahil sa suot mo eh"pangising sabi ni Kwame.

"As beast breathing kailangan nakaganito.Saka dito ako kumportable at maganda naman katawan ko ah"Kinindatan pa nito si Kwame.

"Anong kulay ng espada mo?"tanong ni Kwame sa kanya.

"Silver, saktong gusto ko ang kulay na silver kaya nasayahan ako"Napalingon ito sa kaluban na nasa baiwang ni Kwame. "Eh ikaw ano ang kulay ng espada mo?"

"Yellow,may disenyo pang kidlat kaya ang ganda"nakangiting sabi nj Kwame.

Humampas ang malakas na hangin sa kanila at napapikit silang dalawa dahil sa mga alikabok na tinatabot nito.

"Sobrang lakas ng hangin!!"sigaw ni Chester.

"Bakit ba ganuto kalakas—"

Nanlaki ang mata ni Kwame nang makarinig siya ng mga yapak na mabibilis.Mula sa kanang gawi ay may papalapit sa kanilang isang nillang.

Naramdaman na lamang ni Kwame na may humila sa kanyang manggas at tinangay siya nito.Pagkalingon niya kung sino iyon ay nakita niya si Chester na hawak-hawak ang damit niya at nakatingin sa kanilang direksyon.

Nilingon ni Kwame ang direksyon na tinitignan nj Chester at nabigla siya sa kanyang nakita.Isang demon na nakasuot ng kulay puting pantalon at walang saplot pang-itaas.Ang mga braso nito ay naglalakihan at nakasabit ang malaking dyamanteng kwintas sa leeg nito at naglalakihan ang ugat nito sa kamay.

"Walang sinuman ang pwedeng makadaan sa aking lugar.Mga hangal"Nagpakita ito ng namumuting mga mata.Wala rin itong buhok sa ulo at naghahabaan ang mga pangil nito.