NAGISING si Kwame dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mga mata sa bintana.Kanyang nilingon ang binti at braso n'ya at magaling na ito.
Nilingon n'ya ang buong paligid at nakita n'ya si Chester sa kanyang kanang gawi na puno ng benda ang dibdib hanggang tiyan.
Tumayo ang binata at nilapitan si Todd na kaharap lang ng kanyang higaan.Natutulog ito ng mahimbing at mukhang mabuti ang kalagayan nito dahil wala nang galos ito sa mukha.
"Gising kana pala"
Napalingon si Kwame sa kanyang likuran at nakita si Kirsten na naka suot ng maluwag na palda at wala ang kaluban ng espada nito.
"Ilang araw akong natulog?"tanong ng binata.
"Isang linggo kang walang malay Kwame.Samantalang si Todd ay dalawang araw lang at si Chester ay tatlong araw.Kung nakita mo lang kung papaano sila nag-iyakan nang makita ka nilang nakahiga at walang malay.Maraming dugong nawala sayo kaya sinalinan ka ng dugo ng isang doctor"paliwanag ni Kirsten.
Lumingon sa paligid si Kwame at inusisang mabuti ang buong lugar.Wala sila sa clinic nila Miss Vin at Canus kaya nasa ibang lugar sila.
"Nasaan tayo?"tanong nito.
"Nasa Butterfly Estate tayo,Kwame.Ito ang lugar kung saan ang tirahan ng mga demon slayer,headquarters na rin ba.Dito din nakatira ang kasalukuyang pinuno ng demon hunters"
Napalingon si Kwame sa suot ni Kirsten.Nagtataka ito kung bakit ganito ang suot ng dalaga.
"Sinuot ko ito dahil sabi ni Miss Kim ay komportable ito sa katawan.Magaan ang paldang ito na hanggang ibaba ng tuhod ko.Inilagay ko muna ang Nichirin sword ko sa isang room na malapit lang dito sa clinic"Umikot-ikot pa ang dalaga para ipakita ang buong disenyo nito.
Napalingon naman si Kwame sa kanyang kasuotan.Nakasuot s'ya ng pang pasyente at amoy na n'ya ang napakabahong amoy nito.Ikaw ba naman na mahimbin ng isang linggo at walang ligo.
"Mukhang kailangan ko nang magpalit.May palitan ba dito ng damit?"tanong ni Kwame kay Kirsten.
"Meron,halika samahan kita"
At sabay silang lumabas ng clinic.Ilang metro lang ang layo ng palitan ng damit at pumasok doon ang dalawa.Maraming damit ang pagpipilian at pumunta ang dalawa sa isang sampayan ng mga magiginhawang kasuotan sa katawan.
Pinili ni Kwame ang kulay yellow na damit at pants at pumasok sa dressing room.Naghintay naman si Kirsten doon at tumalikod pa sa pintuan ng dressing room.
Habang nagtatanggal ng damit si Kwame ay narinig n'ya si Kirsten na nagsalita.
"Uhmmm,Kwame?"mahinang sabi ng dalaga ngunit rinig ito ni Kwame.
"Bakit?"At hinubad n'ya ang kanyang pang-ibabang kasuotan.
"Anong naging dahilan kaya ka naging demon hunter?"tanong ni Kirsten.
Nagtataka man si Kwame sa tanong ng dalaga ay agad n'yang sinagot ito.
"Dahil sa isang kaibigan.Isang matalik na kaibigan na kailangan kong maligtas"malungkot na sabi ni Kwame habang sinusuot ang dilaw na pants.
"Bakit kailangan mo s'yang iligtas?"nakakunot noong tanong ni Kirsten.
"Naging demon s'ya at gusto kong ibalik s'ya sa pagiging normal na tao.Kapag nagawa ko 'yun ay mukhang titigil na ako sa pagiging demon hunter"Bahagyang ngumiti si Kwame dahil naalala n'ya ang mukha ni Yves.
"Mukhang mahal mo ang kaibigan mo ah.Ano bang pangalan n'ya?"tanong ng dalaga.
Nang maisuot ni Kwame ang damit ay lumabas na s'ya sa dressing room at sinagot si Kirsten.
"Yves Ruby ang pangalan n'ya"nakangiting sabi ni Kwame.
Nagulat si Kirsten sa kanyang narinig at humarap sa binata.Nagtaka si Kwame sa inasta ng kaibigan at hindi n'ya mabasa ang nasa isipan nito ngunit rinig n'ya ang kabog ng dibdib nito.
"Y-Yves–S-Sya ang kaibigan mo?"tanong ni Kirsten.
"OO?Bakit?"magkasalubong ang mga kilay ni Kwame.
Yumuko si Kirsten at pinagtaka iyon ng binata.Nakaramdam si Kwame ng pag-aalala nang makita n'yang may tumulong luha sa sahig.
"K-Kirsten ayos ka lang ba?"Hinawakan pa n'ya ang balikat ng dalaga.
"Ang kaibigan mo na naging demon,at ang may ngalan na Yves Ruby.Walang iba,kundi ang.."Iniangat ni Kirsten ang kanyang ulo at ipinakita ang kanyang namimighating itsura. "S'ya ang ex-boyfriend ko"
Natulala si Kwame sa kanyang narinig.Is it a coincidence na magkatagpo sila ng dalagang ito?Isang babaeng may itinatagong lihim tungkol sa kanyang kaibigan?
Magsasalita na sana si Kwame nang biglang dumating si Joriz.
"Master!"maliit na boses ang pinakawala ni Joriz.
Agad na napalingon si Kwame sa pintuan ng damitan at pinunasan naman ni Kirsten ang kanyang mga mata.
"J-Joriz ikaw pala"masayang bati n'ya dito.
"Pinuntahan kita sa clinic kaso wala ka doon.Kaya pinuntahan kita dito at sakto nandito ka nga—Oh,andito pala ang love breathing na si Kirsten"Kumaway pa si Joriz kay Kirsten.
"Kamusta ka Joriz?"masayang bati ni Kirsten.
"Ayos lang naman.Kakagaling ko lang sa misyon kanina at nautusan akong lapitan si Master Kwame para sa isang bagay"Ngumisi si Joriz at nagbakas ng magandang ngiti sa kanyang labi.
Napalingon si Kirsten kay Kwame at napataas s'ya ng kilay dito.
"Master ka n'ya?"tanong nito.
"Hindi lang ako.Kaming s'yam na Pillars.Pero hindi panaman talaga s'ya ang Master namin dahil s'ya ang hahalili sa kasalukuyang pinuno"singit pa ni Joriz.
Napakibit balikat nalang si Kwame dahil napaliwanag na nj Joriz ang kanyang sasabihin sa dalaga.
Hinawakan ni Joriz ang kanang kamay ni Kwame at hinila ito palabas ng damitan.Agad silang sinundan ni Kirsten at halos hindi nila masabayan sa pagtakbo ni Joriz dahil napakabilis nito.Halos mahila na ng batang Pillar ang binatang si Kwame.
Lumingon si Kwame sa buong paligid.Ang buong lugar ay napapaligiran ng matataas na pader at napupuno ng maraming halamanan at mga bulaklak na dinadapuan ng maraming paro-paro.
Napalingon si Kwame sa kanilang dinaraanan at nakita ang isang entablado na kung saan ay nakaharap ang pitong tao dito.
Huminto sila sa pagtakbo at hiningal sina Kwame at Kirsten.Habang si Joriz ay parang nasiyahan pa at wala manlang naramdamang pagod.
"Andito na tayo"masayang sabi ni Joriz. "Wint!!!"tumakbo si Joriz sa lalaking naka kulay asul na kimono at pumasan s'ya sa likod nito.
Sumigaw ang lalaking pinasanan ni Joriz at humarap kina Kwame. "JORIZ!!!AMBIGAT MO!!!"
Tinawanan lang s'ya ni Joriz at kinutusan pa sa ulo.
"Ang mga Former Pillar"mahinang sabi ni Kirsten.
Napalingong si Kwame kay Kirsten at nakatulala lang ito sa walong Pillars.
"Ngayon ko lang sila nakita"namamanghang sabi ni Kirsten.
Lumingon si Kwame sa kanilang harapan at nagtaka s'ya dahil ang lahat ng Pillars ay nakatitig na sa kanila at seryoso ang mga mukha nito maliban kay Wint at Joriz na nag-aaway pa rin.
"Magandang umaga,Master"sabay-sabay na bati ng mga Pillars.
Lumapit si Kwame sa mga ito at naiwan si Kirsten sa kanyang lugar.Pumagitna si Kwame sa pitong Pillars at inusisa n'yang mabuti ang mga mukha nito at napansin ng binata na wala si Zeus ngayon.
"Ano 'bang meron at nagtipon ang lahat ng Pillars?"tanong ni Kwame.
Bago paman sagutin s'ya ni Wint ay nakarinig silang lahat ng dalawang palakpak at napaangat ang kanilang ulo sa entablado na napalilibutan ng mga magagandang cherry blossom.
Napaangat ng kilay si Kwame nang makita ang batang lalaking matagal na na n'yang nakilala.Ang batang lalaki sa Final Selection at ngayon ay napagmamasdan n'ya muli ngayon.Nakasuot ng violet na kimono ang batang ito at nakasukbit ang violet na kaluban ng Nichirin Blade nito sa kaliwang baiwang.
"Magbigay pugay sa kasalukuyang pinuno ng Demon Hunters"bungad nito sa kanila.
Nagsiluhuran ang lahat ng Pillar pati na rin si Kirsten.Natulala lang si Kwame at hindi n'ya maigalaw ang kanyang mga tuhod para itiklop sa lupa.
Isang malalakas at mababagal na yapak ang kanyang narinig at napaangat s'ya ng kilay ng makita ang isang lalaking naka maroon na kimono at hanggang balikat ang itim na buhok.Ang kutis nito ay napaka puti,manipis na mga labi at napaka tangos na ilong.Ang mata nito ay katulad kay Joriz na dark red.
"Magandang umaga sa inyong lahat.Aking mga anak-anakan"Napaka lambing ng boses nito na kayang makabighani ng isang babae.
Kung susukatin ang edad nito ay parang kasing edad nito ang Stone Pillar na si Julius.Malakas ang mga kabog ng puso ang naririnig ni Kwame at hindi n'ya masukat kung gaano ito kalakas.
Ibinaba ng pinuno ang kanyang tingin kay Kwame at nginitian n'ya ito ng bahagya at halos mawala ang mata nito dahil sa pagkachinito.
"Salamat at pagkatapos ng isang linggo ah muli ka nang nagising Kwame Salazard,ang lalaking hahalili sa aking trono pagdating ng tamang panahon"nakangiting sabi nito kay Kwame. "Ako ang kasalukuyang pinuno at ang aking pangalan ay Mathew James Hales"
Napaangat ng ulo si Kirsten at hindi s'ya makapaniwala na magiging pinuno si Kwame pagdating ng panahon.There are few of questions that rolling on her mind,but she didn't give attention on that things and focus the present.
"Aming mahal na pinuno.Ano ang naging dahilan kaya kami pinagtipon-tipong muling mga Pillars?"deretsahang tanong ni Julius.
"Dahil sa isang masamang kadahilanan"mahinahon na sabi ng pinuno. "Isang mensaheng galing sa media at tinutukoy nito ang karahasang ginawa ng isang malakas na demon"
Napaangat ng kilay si Kwame at Kirsten ngunit hindi natinag ang ekspresyon ng mga Pillars.Tahimik lang ang lahat at hinihintay na magsalitang muli ang pinuno.
"Isang libong bangkay ang natagpuan sa bayan ng Imus Cavite na mismong namatay sa kanilang mga tahanan.Ang ilan sa kanila ay hindi na natagpuan ang mga pinagpipirasong katawan at ilan sa kanila ay mga demon slayers na nagkataong naka day-off"Naging seryoso ang mukha ni Pinunong Mathew.
"Ako na po ang magpapadala ng mga daang kinoe na demon hunters,Master"sabi ni Kim ang Insect Pillar.
"Mukhang hindi gagana ang mga kinoe sa demon na ito kung magkataong magpakita muli ang isang tulad n'ya"Naglakad ang pinuno papalapit sa kanyang anak at kinuha ang isang papel rito.
Napaangat ng ulo si Ludy Teague at kinutuban siya sa kanyang iniisip.Ngunit nagdarasal ang Serpent Pillar na hindi magkatotoo ang kanyang iniisip.
"Huwag n'yong sabihing.."nag-aalala ang itsura ni Ludy.
"Parehas tayo ng kutob Ludy.May kutob ako na isang miyembro ng Twelve Moons ang may gawa nito"
Napaangat ng ulo ang lahat ng Pillars sa kanilang narinig at nagsimula silang manginig sa takot.Hindi lang masamang mensahe ang hatid ng balitang ito kundi isang nakakatakot na balita na titindig sa buong pagkatakot ng mga demon hunters.
"Alam kong nagulat kayo sa inyong narinig,dahil sa buong buhay n'yo sa pagiging demon slayer ay hindi ninyo pa nasisilayan ang itsura at lakas ng mga Twelve Moons"Binuksan ni Master Mathew ang papel at anim na pangalan ang nakasulat dito. "Kaya inihanda ko ang mga pangalan ng demon hunters na ipapadala ko sa misyon.At silay ay sina"
Halos mapakapit silang lahat sa lupa habang nakaluhod at kinakabahan si Kwame sa sasabihin ng pinuno.
"Chester Beufort,Kirsten Belcher,Todd Wiskey,Kwame Salazar at ang anak kong si Mark Vince Hales"malakas na boses ng pinuno.
Tumayo ang batang kasing edad ni Joriz at nagulat ito sa sinabi ng ama.
"Papayagan n'yo na po ako ama?"nabiglang tanong ni Mark Vince.
Ngumiti si Master Mathew at tinapik ang ulo ng kanyang anak.
"Ilang taon na ang nakalipas nang patigilin kita sa pakikipag laban.Ngunit naisip ko na hindj habang buhay ay mananatili kang naghihintay na payagan kitang muli.Bilang kinoe at isa sa mga beteranong demon slayer ay ibibigay ko sa'yo ang aking basbas"mahinahong sabi nito.
Humarap kina Kwame si Master Mathew at nilingon ang isa sa mga Pillar.
"Vin Lopez"pagtawag nito sa pangalan ng Wind Pillar.
"Ano po iyon,Master?"iniyuko ni Vin ang kanyang ulo.
"Ikaw ang ipapadala ko sa misyon kasama ng limang demon slayers"bilin nito.
Tumayo si Vin at tumango sa harapan ng pinuno upang pagsang-ayon sa utos nito. "Masusunod Master"
"At sa mga demon hunters na mananatili sa normal na misyon ay maging mapamatyag din kayo sa inyong paligid.Nagsisimula nang kumilos ang mga Twelve Moons at ang kanilang pinuno na si Wukas Beal Farrant"Bumuntong hininga ang pinuno at pinagpatuloy ang kanyang salita. "At sa anim na demon hunter na ipapadala ko sa misyon ay naway tuparin n'yo ang aking kaisa-isang hiling.
Humangin ng malakas at bumigat ang tensyon sa buong paligid.
"Naway makabalik kayong ligtas"