NAGISING si Saidee dahil sa sikat ng araw at bumangon siya sa kanyang kinahihigaan.Iniliot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid at napansin n'yang nasa loob na s'ya ng kanyang bahay.
Tumayo ang dalaga at inayos ang kanyang buhok.Lumabas siya sa kanyang kwarto at sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng isang pagkain.
Agad siyang tumungo sa kusina at napahinto sa paglalakad nang makita ang mga katulong niya at ang lalaking nakangiting nagluluto.She is wondering why Wint is in her house.Is this man drove her car when she was drunk?
Napalingon ang isang kasambahay nila at nabuhayan ang mukha nito. "Ma'am,gising na pala kayo!"masayang bati nito.
Napalingon naman si Wint na pawis na pawis na ang buong katawan at hindi naiwasan nj Saidee na mapatingin sa magandang katawan ng binata.Her cheeks starts to blush.
"Gising ka na pala"Iniwan ni Wint ang kanyang niluluto at agad na nilapitan si Saidee.
Kinapa ng binata ang noo ni Saidee para matukoy kung may nararamdaman itong masama.
"Kagabi kasi nilalagnat ka habang lasing kaya pinunasan ko 'yung buong katawan mo"Sabay ngiti nito na matipid.
Napaawang ang bibig ni Saidee at napatingin sa kanyang katawan.
"Buong katawan?!I-Ibig sabihin—"
"'Wag kang mag-alala.Si Manang Marian ang nagpunas sa katawan mo na bawal kong makita.'Wag mo ring isipin na pinagsamantalahan kita habang tulog dahil hindi ko 'yon gagawin"Ngumisi si Wint sa reaksyon ni Saidee at pinisil ang pisngi ng dalaga.
Lalong namula ang pisngi ni Saidee dahil sa pagkisil ni Wint ng kanyang pisngi.Nailang tuloy siya sa lalaking kanyang kaharap at tinabig ang kamay nito na nakadampi sa kanyang mukha.
"Balikan mo na 'yung niluluto mo.Ano 'bang agahan?"masungit na sabi nito kay Wint.
"Egg omelette and brown rice.Kakatimpla ko lang ng kape mo at nakapatong na 'yun sa lamesa.Alam ko kasi na ganitong oras ka nagigising"nakangiting sagot sa kanyan ni Wint.
Tumalikod na si Wint sa kanya at bumalik na sa kusin para ituloy ang kanyang niluluto.Napailing na lamang si Saidee at tumungo sa hapag para umupo at lasapin ang kapeng tinimpla sa kanya ni Wint.
Pagkatungo sa hapag ay sumalubong sa kanya ang kape at agad niya iyon kinuha at umupo sa isang upuan.Napangiti siya nang malasahan niya ang timpla ni Wint at kuhang-kuha ng binata ang tipong lasa ni Saidee pagdating sa kape.
"Hindi ko alamna kabisado niya pala ang mga natitipuhan ko"
_____________________________________
WALANG magawa si Kwame at Chester kundi umilag at umiwas sa atake ng Lower Moon sa kanila.Hindi pa nila nalalapitan ang Lower Moon ni hibla ng buhok nito ay hindi pa nadadampian ng kanilang espada.
Kapag susubukan nilang lumapit sa demon na kanilang kalaban ay magpapakawala ito ng malakas na hangin hanggang sa itaboy sila nito.
Nag-uumpisa nang mainis ang dalawa dahil ramdam nilang pinaglalaruan lang sila ng demon at paikot-ikot na lamang sila sa pagtakbo sa paligid nito.
"Breath Of Thunder,Fourth Form:Distant Thunder"A multiple ranged lightning attack came to Kwame's sword and flow towards the demon.
The demon avoid the lightning attack and put his feet on the branch of a tree.Ngumiti ito at nagpakawala ng malakas ma pwersa ng hangin sa kanyang kamay at agad itong inilagan nila Kwame.
Nang tumama ang malakas na hangin sa lupa ay nakalikha ito ng pagkawasak at pagyanig sa buong kalupaan.
"Paano natin siya malalapitan kung tinatangay tayo ng hangin nya?!"sigaw ni Chestee kay Kwame dahil magkalayo sila ngayon ng distansya.
"Basta subukan lang natin siyang lapitan!"At umilag muli si Kwame sa atake nito.
"Breath Of The Beast,Fourth Fang:Slice 'N' Dice!"Mabilis na tumakbo papalapit si Chester at umatake sa demon.
Chester create a multiple diagonal double slashes with both swords.The demon got shoked when his both arms cut by Chester.Mabilis itong lumayo kay Chester at mabilis na tumubo ang magkabilang braso nito at pinatamaan ng malakas na pwersa ng hangin ang binata.Tumilapon si Chester at bumungo sa malaking puno ngunit agad itong nakatayo.
"Kung hindi n'yo pa nalalaman ang aking pangalan,ako ay si Leonardo"Seryosong sabi ng demon na ito sa kanyang ngalan.
Agad na tumakbo si Kwame papalapit sa kalaban at tumalon nang malapit na siya dito. "Breath Of Thunder,Third Form—"
Hindi natapos sa pagsasalita ang binata nang ibato siya ni Leonardo sa gawing kanang gamit ang malakas na hangin nito.Pinigilan ni Kwame ang paggulong sa lupa at agad na bumangon.
"Mabilis din kayong dalawa ng kaibigan mo ngunit hindi ito sapat"pang-iinsulto ng demon sa kanila.
"Maling paraan ang maliitin kami"Tuwid sa dereksyon ng demon na lumundag si Kwame at nagbigay ng simpleng atake.
Iniilagan lang ito ng demon at kapag nakakalapit siya dito ay pinapaatras siya nito at ibinubunggo sa puno gamit ang kapangyarihan nito.
"ARGHHH!"gigil na sigaw ni Kwame.
Nakailag muli ang demon at hinawakan siya sa braso at tinadyakan nito si Kwame sa sikmura dahilan para tumalsik at dumausdos sa lupa.
"Mamatay kana!"
Sinubukan ni Chester na hiwain ang ulo ng demon ngunit mabilis itong yumuko at hinampas ang kanyang dibdib.Napaatras siya at nagpatuloy sa pag-atake hanggang sa sabay na sila ni Kwame na umatake dito.
Mabilis na naiilagan ni Leonardo ang atake ng dalawang mandirigma at nakangiti pa ito habang inaatake.
Nang magkaroon ng tyansa ang demon na maglabas ng kapangyarihan sa dalawa ay agad niyang kinapa ang dibdib ng dalawa at naglabas ng malakas na hangin sa kanyang palad.
Napasigaw sa sakit ang dalawa dahil ramdam nila ang pagkabali ng kanilang buto sa dibdib.Tumilapon sila sa lupa at nahirapan sa pagbangon.
"Sa atakeng iyon ay imposible na kayong makabangon.Inatake ko iyon para mahirapan kayo sa paghinga at pasukahin kayo ng dugo"
Nanlaki ang mata nina Kwame at Chester nang bilang sumakit lalo ang kanilang dibdib at sumuka ng dugo.Nanginginig ang buong katawan nila at dumadaloy na rin sa butas ng kanilang ilong ang dugo.
Lumingon si Kwame sa itaas at nakita ang bilugan na buwan.Hindi na niya maigalaw ang kanyang katawan at ramdam niya ang kirot ng kanyang dibdib.Dumidilim na ang kanyang paningin at malapit na siyang pumikit.
"Don't die....Don't die!!!"Isang tinig na nanggaling sa kanyang isipan.
*Flash Back*
Puno ng pasa si Kwame sa ibang parte ng kanyang katawan at nanginginig ang kanyang mga tuhod habang nakaluhod sa asin.Nakaitaas ng bahagya ang kanyang mga braso habang hawak-hawak ang dalawang malaking tipak ng bato sa magkabilang palad.
Ito ay isa sa mga parte ng pagsasanay ni Kwame tungkol sa Total Concentration Breathing.
Total Concentration Breathing increases the user's capabilities beyond that of a normal human through advanced breathing forms. This breathing expands the user's lung capacity. This allows oxygen to reach every cell in the user's body, increasing their blood circulation and heart rate.
Ginagamit din ito para maibsan ang pagdaloy ng dugo sa sugat.Ito ay isa sa mga itinuro ni Ginoong Romeo kay Kwame nang matutunan nito ang Breath Of Thunder.
Nakatingin lang si Ginoong Romeo sa binata at seryoso itong nakatitig kaw Kwame.
"Isa sa mga mabibigat na bagay na kailangan sanayin ay ang Total Concentration.Mahirap man ngunit napaka ginhawa at masarap sa pakiramdam sa oras na ma-master mo ang ganitong technique.Ang lahat ng bagay ay hindi nakukuha sa madaliang proseso.Tandaan mo Kwame,na kung mahirapan ka man sa pakikipagsagupa ay tandaan mo na palaging may paraan para makaligtas ka"seryosong pangangaral ng ginoo kay Kwame.
"Ngunit paano kung dumating sa punto na wala na talagang pag-asa?P-Paano kung dumating na ang oras ng pagkamatay ng isang demon slayer sa oras na mapuruhan siya"Nanginginig ang boses ni Kwame dahil sa nahihirapan siya sa kanyang pwesto ngayon.
"Alalahanin mo ang mga bagay na kayang magpalakas sa iyong loob.Ang mga bagay na naging dahilan kung bakit ka nandito ngayon sa aking harapan at nagsasanay.Alalahanin mo ang mga bagay na pwedeng makaligtas sa'yo sa kamatayan"
*End Of Flash Back*
Natauhan si Kwame sa pagkatulala nang maramdaman niyang may dumamping palad sa kanyang kanang kamay.Nilingon niya kung sino iyon at nakita niya si Chester na nakadapa at nakatitig sa kanya at tumango ito para sabihan siyang piliting bumangon.
Ginawang tungkod ng dalawang ang kanilang espada at pinilit na makatayo kahit na sa bawat galaw nila ay sumasakit ang kanilang dibdib.
Rinig na rinig ang mabagal at malalim na paghinga ng dalawa at nang iangat nila ang tingin sa demon ay sinamaan nila ito ng titig.
"Sa sitwasyon ninyo ay nagawan niyo pang makatayo.Mabuti kung ganun nang makapaglaro pa tayo"matapang na boses ng demon na si Leonardo.
"Walang kwenta ang mga dinanas naming training kung mamamatay kami sa ganitong sitwasyon"Agad na pinunasan ni Kwam ang dugo sa kanyang ilong at bibig.
"Ang isang katulad mo ay hindi dapat makatalo sa kagaya namin"maangas na saad ni Chester.
Nakaramdam ng inis ang demon na si Leonardo at nilakasan nito ang ihip ng hangin sa buong paligid.Nagsilitawan ang mga ugat nito sa noo at pisngi at namula ang magkabilang mata nito.
"Kwame"Napalingon si Kwame kay Chester. "May isa akong form ng breathing na pwedeng isabay sa first form ng breathing mo"
"Ano iyon?"tanong nito kay Chester.
"Ang third fang ko.Ang atake nito ay malapitang atake lang at direkta ito sa lalamunan ng demon dapat.Hindi ko iyon magagawa dahil hindi ako kasing bilis mo sa oras na gumamit ka ng first form at wala akong kakayahang makalapit sa oras na gumamit siya ng hangin muli.Kaya kung magagawa mong mailapit ako sa demon na 'yan paniguradong mapapatay natin siya"paliwanag ni Chester.
Mukhang maganda nga ang planong iyon para kay Kwame at naisip niya na samahan niya ang kanyang first form ng isa sa mga ginamit niya sa morphed demon na nakalaban nila sa Final Selection.
"Gagamitin ko ang Six Fold ko"seryosong pananalita ni Kwame. "Sa oras na bitawan ko ang form ko ay dapat nakahawak kana sa akin,Chester.Ilalapit kita sa demon na iyan at ikaw na bahala na pumutol sa leeg niya"
Hindi na nagsalita si Chester at tumango na lamang siya sa sinabi ng kaibigan.Sabay silang huminga ng malalim at kumapit ng mahigpit si Chester sa balikat ni Kwame.
"Ano mang planuhin n'yo laban sa akin ay walang kabuluhan iton.Hindi niyo ako magagawang paslangin"nakangiting sabi ni Leonardo.
"Kung gano'n,subukan mong ilagan ang atakeng kong ito"matapan,seryoso at matatag na sabi ni Kwame.
Kwame took a deep breath and shook the whole earth and the wind. His sword and eyes fluttered and his black hair blew by the air.
"Total Concentration..." Kumalat ang kidlat sa buong katawan ni Kwame. "Breath Of Thunder,First Form:Thunder Clap and Flash;Six Fold" At kumulog ng napaka lakas sa buong paligid.
"Hindi niyo ako matatakot!"Itinapat ni Leonardo ang kanyang palad sa dalawa. "Blood Demon Art Technique:Tornado Canon" At dalawang napakalakas at malaki na pwersa ng hangin ang lumabas sa mga palad niya at tumungo sa direksyon nila Kwame.
Ngunit bago paman tumama ang atake ni Leonardo kina Kwame ay naglaho ang dalawang binata sa kanyang paningin at nagulat siya sa nangyari.Isang mabilis na kidlat ang dumaan sa kanang gawi niya at dalawa sa likuran niya isa sa kanyang kaliwa.Napaatras siya sa pagkabigla nang isang malakas at mahabang kidlat ang lumitaw sa kanyang harapan na 'di kalayuan at nagpakita ang nagliliwanag na sina Kwame at Chester.
Kumulog ng napaka lakas at mas mabilis pa sa pagkurap na lumapit si Kwame kay Leonardo at hiniwa ang kanyang tiyan at nahati ang katawan ng demon sa dalawa.
Huminga ng malalim si Chester at inihanda ang kanyang dalawang espada. "Total Concentration" Mahigpit nitong hinawakan ang espada. "Breath Of The Beast,Third Fang:Devour"
Chester sway his two sword in horizontal slash and cut Leonardo's head.Tumagas ang maraming dugo sa ulo,leeg at putol na katawan ni Leonardo at bumagsak ito sa lupa.
"Hindi ko nakita ang galaw nilang dalawa"
Leonardo looked at the two guys with a fierce face and in a certain way he died at the hand of strong demon slayers.