Chereads / Unstoppable:Series / Chapter 10 - Chapter 9:A Strange Wind and Strange Expression

Chapter 10 - Chapter 9:A Strange Wind and Strange Expression

NAPANGIWI si Kwame dahil sa lakas ng prisensya ng demon na kanilang kaharap.Kakalubog pa lamang ng buwan at masyadong mahaba ang gabi para sa pakikipag laban sa demon.

"Ano plano"bulong ni Chester kay Kwame.

"Kailangan nating kalkulahin ang galaw ng demon na 'yan.Sa oras na magmadali tayong lumapit sa kanya,malalagay tayo sa panganib"pabulong na sagot din ni Kwame.

Hinawakan ng dalawang mandirigma ang kanilang espada at naghanda kung sakaling umatake ang demon na kanina panakatingin sa kanilang dalawa.

"Kung ganon bigyan muna natin siya ng basic attacks"

Patagilid na tumalon ang dalawa at nauna si Chester na magbato ng form. "Breath Of The Beast,Second Fang:Rip and Tear"

Isang pa 'X' na atake mula kay Chester ngunit agad iyong nailagan ng demon.Sumampa ang binata sa sanga ng puno at nilingon si Kwame.

"Breath Of Thunder,Fourth Form:Distant Thunder"

Isang napaka lakas na kidlat ang lumabas sa espada ni Kwame at tumungo ito sa direksyon ng demon at muli itong nakailag.

"Mabilis ang mga galaw niya.Hindi natin siya malalabanan kung malayo tayo sa kanya!"sigaw ni Chester.

Tumango lang si Kwame sa kanyang kaibigan at sabay silng lumapit dito. Itinaas ni Chester ang dalawang kamay na parehas na may hawak na espada at inihahanda na ni Kwame ang kanyang first form.

The demon raise his arms sideward and the waves of the air going strong and stronger.

Tinangay ang dalawa ng malakas at bumangga sa malaking puno.Nawala ang malakas na hangin at napalayo sila sa direksyon ng demon.

"Ang hangin na iyon....Isa ba 'yung Blood Demon Art?"tanong ni Chester.

"Malamang.Hindi man gaano kalakas ang Blood Art niya at hindi man ito nakakamatay.Ngunit kaya nitong gawing dipensa ang malakas na hangin para hindi natin siya malapitan"At iyon ang kinainis ni Kwame.

Seryosong lumingon sa kanila ang demon at malawak itong ngumiti.The Blood Demon Art of this demon was so strange.He can play the fight using the waved of the strong air.

"Subukan n'yo mang lumapit ngunit imposible iyon sa inyo.Ang isang katulad kong air type blood art demon ay hindi n'yo magagawang putulan ng ulo"Ang boses ng demon na ito ay normal lang gaya sa mga boses ng mga tao.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo!"Mabilis na tumakbo si Chester sa direksyon ng demon.

Itinapat ng demon ang kanyang palad sa direksyon ni Chester at isang malakas na hangin ang dumating mula sa kanyang harapan.

Napatigil si Chester sa pagtakbo at ginawang panangga ang kanyang braso sa kanyang mga mata at halos tangayinnna siya nito.

"Breath Of Thunder,Forth Form:Distant Thunder"

Mulingg nagbuga ng malakas na kidlat ang espada ni Kwame at tumungo ito sa direksyon ng demon.Sa puntong iyon ay hindi ito nakailag at natamaan ang balikat nito at tumilapon padausdos sa lupa.

"Chester ngayon na!"sigaw ni Kwame sa kanyang kaibigan.

Mabilis na tumakbo ang dalawa papalapit sa demon na nakahilata sa lupa at hindi na sila nagbitaw ng breathing form dahil wala na itong tyansa na makalaban pa.

Ngunit agad na nakabangon ang demon at tumalon ng napaka taas at inilapat ang mga palad sa direksyon ng dalawang nakatingala sa kanya.

Isang malakas na pwersa ang lumitaw sa palad ng demon na ito at mabilis itong tumama kay Chester.Halos bumaon ang katawan nj Chester sa lupa at muntikan na siyang mawalan ng malay.Nakailag naman si Kwame.

"CHESTER!"sigaw ni Kwame.

Lumapag sa lupa ang demon at lumingon sa pinagbagsakan ni Chester.Ibinaling nito ang atensyon kay Kwame at ngumiti ng malaki.

"Kung ako sayo ay iwan mo na ang kaibigan mong ito.Isa siyang mahinang nilalang at walang kwentang tao.Malakas ang bawat atake mo bata ngunit hindi iyon sapat para matalo mo ang isang morphed demon na katulad ko"Tinakpan nito ang kanang mata nito gamit ang kanang kamay din nito at pinagtaka iyon ni Kwame. "Dahil ang isang demon na katulad ko" Ibinaba nito ang kanang kamay at ipinakita ang isang numero at kanang mata nito ngunit nabalutan ito ng pilat na pa korteng X. "Isang dating Lower Moon ang nasa harapan mo ngayon"

Halos manginig sa takot si Kwame at mapaatras sa kanyang kinatatayuan.Hindi lang isang pangkaraniwan na demon ang nasa harapan niya ngayon.Isa itong dating Lower Moon ngunit nananalaytay parin dito ang lakas nito.Kailangang mag-ingat ni Kwame dahil maaari siyang mapuruhan sa labang ito.

"Dating Lower Moon 'ba kamo"Paika-ikang bumangon si Chester at masamang tinitigan ang demon na umatake sa kanya. "Wala akong pakialam kung ano ka man.Mas malakas ako sa'yo"

Ang laban sa pagitan ng dalawang mandirigma at fating Lower Moon ay nagsisimula pa lamang.

_____________________________________

ISANG magarbong sasakyan ang pumarada sa harapan ng isang malaking mansion.Nang bumukas ang pintuan nito ay niluwa nito si Saidee na nakasuot ng fitted dress na kulay pula.Ang lahat ng kalalakihan ay napalingon sa kagandahan niya at hindi manlang niya ito inintindi.

Ang pagkalugay ng buhok ni Saidee ay napakaayos,tuwid at bagsak na bagsak ang buhok nito.

Lumabas ang isang babaeng katulong na hindi gaano ang kaedaran at pinagbuksan ng pinto si Saidee.

"Manang Rose si Zeus po?"tanong niya dito.

"Nasa garden po humihigop ng tsaa at nagbabasa ng diaryo"sagot sa kanya ng katulong.

"Can I come in?"she said with a smile on her pinkish lips.

"Sure ma'am.You are always welcome sabi ni Donia Delia at ikaw pa rin ang gustong babae nito para kay Zeus.Sana magkabalikan na kayo"

Nag-apir ang dalawa at nagtawanan.

"Sana nga magkabalikan pa kami"Biglang lumungkot ang mukha ni Saidee. "By the way I'll send my make-up products for you Manang Rose.Nabalitaan ko kasi sa kapatid ni Zeus na malapit ka nang magbirthday.Dahil supportive ka para sa amin ni Zeus,isipin mo nalang na regalo ko ito para sa'yo"At tinapik ni Saidee ang balikat ng katulong.

"Naku salamat talaga Saidee.Hayst,ewan ko banaman kay sir Zeus.Gwapo nga,macho at malakas ang appeal sa mga babae pero napaka suplado niya.Kung hindi siya mag-ayos-ayos ay paniguradong tatanda siyang binata"At napangisi silang dalawa sa sinabi ni Manang Rose.

"Hayaan mo Manang ako ang bahala sa alaga mo"pabirong sabi ni Saidee ngunit sa kanyang isipan ay seryoso iyon.

"Ay sige na at baka masunog ang niluluto kong ulam para sa hapunan nila"paalam ng katulong at nagmadaling bumalik sa bahay.

"Ingat sa paglalakad Manang baka madulas ka"

Napalingon si Saidee sa kanang gawi kung saan papunta ito sa garden.Huminga siya ng malalim at naglakad papunta dito.

Ang mga nakatayong ilaw ang nagbibigay liwanag sa buong paligid at sang-ayon ang mga liwanag sa kagandahan ni Saidee.

Napahinto si Saidee sa paglalakad nang makita ang binatang naka puting sando at black jeans na nakaupo sa bench.Nakatakip sa mukha nito ang diaryo at isang maliit na table naman sa gilid nito at nakapatong ang isang baso ng tsaa.

Hindi maiwasang mapalingon ni Saidee sa napaka gandang katawan ng binata at napapalunok na lamang siya.She admit that her ex boyfriend is so hot.

"Binigyan tayo ng day off ng ating Master ngunit nag-aksaya ka lamang ng panahon para pumunta sa bahay ko"Ibinaba ni Zeus ang diaryo at nabigla sa kanyang kaharap na magandang dilag.

"Gusto ko lamang bisitahin ka pati si Tita Delia.Kamusta kana?"

HINDI magawang makasagot ni Zeus sa tanong ni Saidee dahil natulala siya sa kagandahan nito.Ang magandang mukha nito,ang magandang korte ng katawan nito at ang ngiti nito na nang-aakit.

"Zeus,kanina pa kita kinakausap"

Napailin-iling si Zeus at ibinaba ang diaryo na hawak niya.Huminga siya ng malalim at muling ibinaling ang atensyon sa dalaga.

"Ano ba ang okasyon at ganyan ang suot mo?"walang ganang tanong niya dito.

"Maganda ba?"Umikot-ikot pa si Saidee sa harapan niya at napataas ang kanang kilay ng binata.

"Ilang oras na lamang at bibilug na ang buwan.Wala ka manlang dalang Nichirin Blade.Mabuting umalis kana"Kinuha ni Zeus ang kanyang tsaa at humigop dito.

Walang dahilan na yumuko si Saidee at natapunan ito ni Zeus ng atensyon.Nagtaka siya sa kinikilos ng dalaga at gusto niya itong kamustahin ngunit hindi niya magawa.

Why is she here?Is she did this to make out relationships back?Iyan lang lamang ang bumibilog sa isipan ni Zeus.

"Aaminin ko.Namiss ko na ang Zeus na napaka masayahin"malungkot na boses ni Saidee. "Ang Zeus na gagawin ang lahat para lang mapasaya ako sa oras na malungkot ako.Si Zeus na hahagkan ako sa oras na kailangan ko ng kalinga ng isang taong mahal na mahal ko.Ang Zeus na patutulugin ako sa kanyang bisig at sasamahang solohin ang oras ng gabi"

Aminin man ni Zeus ay hindi niya pwedeng sabihin sa dalaga na kumirot ang kanyang puso sa sinabi nito.Sumagi sa kanyang isipan ang lahat ng pinagsamahan nila ng magandang babaeng nasa harapn niya ngayon.

Iniangat ni Saidee ang kanyang ulo kay Zeus at dumadaloy ang mga luha nito mula sa kanyang mga mata.

"Kung naririnig man ako ng Zeus na dati kong minahal diyan sa puso mo.Pakisabi sa kanya na miss na miss ko na siya kahit napaka daya niya"may kasamang paghikbi na sabi ng dalaga.

Tumayo si Zeus sa kanyang kinauupuan at hinawakan ang baba ni Saidee para palingunin sa kanyang mga mata.

"Pasensya na.Ngunit wala na ang Zeus na dati mong minahal"mapait na sabi niya sa dalaga.

Hinampas-hampas siya ni Saidee sa kanyang dibdib at hinayaan niya lang ang dalaga na gawin ang gusto nito.Gusto niyang ibuhos nitoa ng lahat ng kalungkutan na siya ang gumawa sa damdamin nito.Hirap man siyang makita ang babaeng minsan na niyang minahal na umiiyak ngunit kailangan niyang itago ang kanyang totoong nararamdaman.

"Ang daya mo.Ang daya mo!"galit na sabi ni Saidee sa kanya.

Napagod sa paghampas si Saidee sa dibdib ni Zeus at tinulak niya ang binata.Napailing-iling si Saidee at umalis na sa garden.

Gusto mang habulin ni Zeus si Saidee at yakapin patalikod ngunit kailangan niyang magmatigas kahit na hindi sang-ayon ang kanyang puso't isipan sa kanyang reaksyon.

"Saidee.....Mahal"pabulong niyang sabi sa sarili.

_____________________________________

PASADO alas dose na ng madaling araw ngunit sigi parin sa pag-inom si Saidee sa alak na kanyang sa isang super market.Nakakasampung bote na siya ng alak ngunit wala s'yang tigil sa pag-inom.

Lasing na siya at tuloy parin ang pag-iyak ng dalaga.Nakasandal lang siya sa harapan ng kotse niya na nakaparada sa isang park.

Tutunggain na sana niya ang panghuling bote ng alak nang may isang umagaw nito sa kanya at isinangga ang kamay nito sa nangangati niyang mga kamay na gustong humawak sa alak.

"Anong oras na pero sigi ka pa rin sa pag-inom ng alak.Ganyan ba ang ugali ng isang Pillar"Isang boses ng binata ang kanyang narinig.

Nilingon niya ang isang binata at inaninag ng mabuti ang mukha nito.Inis na mukha ang iginawad na reaksyon sa kanya ni Wint at ngayon lang ito nainis sa kanyang ginagawa.

Itinabi ni Wint ang botw ng alak sa ibabaw ng kotse na kanilang sinasandalan at tinapik ang likuran ni Saidee.

"Bakit ka ba nandito?Day off ng mga Pillar ngayon at ngayon nandito ka sa tabi ko.Para ano?Para damayan ako sa pag-iyak?!—"

"Dahil nahihibang kana.Hinahayaan mong malunod ang sarili mo sa kalungkutan—"

"Dahil gusto kong magkabalikan kami ni Zeus.S-Siya,siya na lang ang kaligayahan ko pero hindi ko magawang maibalik iyon"Pinunasan ng dalaga ang kanyang luha.

Hindi magawang makangiti ni Wint dahil sa sinabi ni Saidee.Parang hiniwa ang kanyang puso ng paulit-ulit at halos gusto niyang sumigaw sa kalungkutan.

"Binibigyan mo ng atensyon ang isang taong wala nang paki sa nararamdaman mo.Bakit hindi mo nalang bigyan ng atensyon ang mga taong may paki pa sayo.Mga taong nag-aalala sayo sa oras-oras at palagi kang iniisip.Katulad...Katulad ko"Pinipigilan lamang ni Wint na umiyak.

"Mawawala rin naman kayo sa tabi ko.Iiwan n'yo rin naman ako katulad ni Zeus.Kaya para saan pa para bigyan ko kayo ng atensyon?"humihikbing sabi ni Saidee.

"Pwes ako hindi kita iiwan"hinawakan ni Wint ang magkabilang balikat ng dalaga. "Palagi akong nasa tabi mo"

Umiling-iling si Saidee at mapait na ngumisi. "Everything has end.Lahat ng taong nakapaligid sayo.Lahat ay mawawal rin na parang bula"

Wala nang nagawa si Wint kaya niyakap na nalang niya si Saidee.Ang taksil niyang mga luha ay kusang lumabas at isang matinding kalungkutan ang kanyang nadarama ngayon.

Dahil sa kalasingan ay nakatulog na si Saidee sa mga bisig ni Wint.Pinakawalan na ni Wint si Saidee sa kanyang pagkayakap at napansin niyang tulog na ang dalaga.

Binuhat ni Wint si Saidee para ipasok sa kotse nito.Umupo naman ang binata sa driving seat at binuhay ang makina ng sasakyan.Bago paandarin ang kotse ay napalingon pa siya sa magandang mukha ni Saidee.

"Dumating sana ang araw na matututunan mo akong mahalin.Please Saidee.Ako nalang"At sinimulan na niyang paandarin ang kotse.