Maagang nagising si Kwame para sa unang araw niya sa pagsasanay.Nakahiga lamang siya sa malinis at malambot na sapin at napaka luwag ng kanyang kwarto.Kinusot niya ang kanyang mga mata at binigyan ng atensyon ang pintuan na unti-unting bumubukas.
Bumungad ang pigura ni Ginoong Romeo at nakabusangot ito sa kanya.Napabangon siya sa titig nito at wala siyang ideya kung anong balak ng ginoo.
"M-Magandang umaga Ginoong Romeo"bati n'ya dito.
"Ayusin mo ang pinaghigaan mo at tumungo sa hapagkainan para mag-agahan.Mga ilang oras nalang ang nalalabi bago ka magsimula sa una mong araw dito sa templo"malamig na bungad ng boses nito sa kanya at iniwan siya doong nakatunganga.
Anak ba niya si Zeus?Hindi manlang siya marunong ngumiti.Iyon ang nasa isipan ni Kwame sa mga sandaling iyon.Gusto niyang malaman kung ano ang mga tinatagong kagalingan ng matanda ngunit sigurado siyang hindi ito sasagot sa bawat katanungan na ibibigay niya dito.
Inayos niya ang kanyang pinaghigaan at nag-hnat ng katawan.Hinubad niya ang kanyang puting t-shirt at naglakad palabas ng kwarto dala ang kanyang damit na pinapaypay niya sa namamawis niyang katawan.
Tahimik ang buong templo dahil siya lamang at si Ginoong Romeo ang tao sa loob nito.Maraming iba't-ibang rebulto ang nakatayo sa gilid ng corridor at kumikinang ito dahil sa sobrang kintab.
Pagkatungo niya doon ay nakita n'ya ang isang lamesang napupunuan ng mga pagkaing nakahain dito.Nakaupo na si Ginoong Romeo sa hapag kaya naman umupo na 'rin siya dito.
Hinawakan niya ang chopsticks na nakapatong sa tabi ng plato at kumuha ng itlog at kanin.Masarap ang bawat handang pagkain sa kanyang agahan at nakangiti ito habang kumakain.
Nakaramdam siya ng kakaiba sa paligid niya kaya napaangat siya ng ulo kay Ginoong Romeo at nahuli niya itong nakangiting nakatitig sa kanya at nag-iwas ng tingin.Hindi nalang niya pinansin iyon at nagbakas iyon ng ngiti sa kanyang mga labi at nagpatuloy sa pagkain.
"Sinabi sa akin ni Zeus ang nangyari sa iyo bago ka napadpad dito sa aking templo"pagbasag ni Ginoong Romeo sa gitna ng katahimikan.
Napaangat muli ng ulo si Kwame at binigyan ng atensyon ang ginoo.Sumagi sa kanyang isipan ang mukha ni Zeus at napailing siya at nagfocus sa kasalukuyan.
"Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinatawag na Master.Maging si Wint ay ganu'n din ang tawag sa akin.Hindi ko maintindihan ang nangyayari"Naguguluhan ang isip ni Kwame.
"Dahil iyon sa ikaw ang itinadhana na hahalili sa Master ng mga Demon Slayer.Balang araw ay makikilala mo siya"pagpapalinaw sa kanya ni Ginoong Romeo.
"Nararamdaman ko ang prisensya nila Zeus at Wint.Ang mga galaw nila,ang pananalita nila,kung gaano kabilis ng pintig ng kanilang puso.Lahat ng iyon naririnig ko dahil sa kakaiba kong kakayahan na makarinig ng malakas—malapit ka man o malayo"Napayuko si Kwame dahil sa pagkalunod sa pag-iisip.
Natapos sa pagkain si Ginoong Romeo at lumingon kay Kwame.Hinawakan niya ang baso ng tubig at ininom ito habang hindi naaalis ang mata sa binata.
"Hindi lang si Zeus at Wint ang makikilala mong tagapagligtas mo"
The eyes of Kwame's widen when he heard Mister Romeo's said. "You mean—"
"May limang Hashira o Pillar pa ang naglakakbay para makabalik sa templo ng mga Demon Slayer.Ang iba sa kanila ay nakikipaglaban at ang iba ay binabantayan ka"saad pa nito.
Napalingon si Kwame sa kanyang pagkain at ipinikit ang kanyang mga mata.Naririnig niya ang mahinahon na kapaligiran.Ang malamig na prisensya ni Zeus.Ang maligayang prisensya ni Wint at ang isang demon slayer na naglalakbay patungo sa kinaroroonan ng dalawa.
_____________________________________
TAHIMIK at nakamasid sa malaking templo si Zeus mula sa malayong tuktok ng bundok na kanyang kinatatayuan ngayon.Iniisip niya ang kalagayan ni Kwame dahil sa wala pa itong alam sa pakikipag laban.
"Mukhang mabigat ang atmosphere dito"
Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita ang nakangiting si Wint habang hinahawi ang midnight blue nitong buhok.
"Kamusta ang ibang Pillar?"tanong nito kay Wint.
"Mabuti.Ang tatlo ay nakamasid sa ginagawa ni Kwame at ang dalawa ay nakikipag laban pa sa mga mahihinang demon sa iba't-ibang syudad"masayang sagot sa kanya nito.
Muling lumingon si Zeus sa malaking templo at ramdam niya ang buong katahimikan ng lugar.Hindi niya maramdaman ang prisensya ni Kwame dahil sa hindi pa niya kabisado ang buong pagkatao nito.
"Paniguradong naging malamig ka sa unang beses ng pagkikita niyo ni Kwame.Hindi mo kailangang gawin iyon.Nakita ko ang maliit na pasa sa leeg niya ay alam kong gawa mo iyon"pananalita ni Wint habang sinisipa ang mga maliliit na bato.
"Kung may problema ka sa mga pakikitungo ko sa mga taong katulad niya ay sabihin mo ng deretsahan"malamig na pananalita nito.
"Ibahin mo si Kwame.Siya ang hahalili sa ating kasalukuyang Master at kahit kanang kamay pa lang siya ay dapat natin siyang igalang"Napatigil si Wint sa kanyang ginagawa at lumingon sa malayo.
"Sapat nang tawagin ko s'yang Master.Kapag tuluyan na siyang malakas at mahusay sa paggamit ng sword at breath ay doon ko siyang buong gagalangin"Naningkit ang mga mata ni Zeus.
"Dahil ba sa isang taong naging dahilan ng pagkawala ng masayahin mong mukha?Ang taong nawala sa tabi mo nang kalabanin ang isa sa mga Upper—"
"Breath of Thunder,Fourth Form:Distant Thunder"A multiple ranged from Zeus strikes towards Wint.
Paatras na napalundag si Wint para iwasan ang atakeng iyon at hinugot ang kanyang espada sa kanyang kaluban.
"Mukhang hindi mo nagustuhan ang aking mga sinabi Zeus—"Hindi ito muling natapos sa pagsasalita nang mabilis na humarap si Zeus at umatake ulit gamit ang sariling Breathing Technique.
"Breath of Thunder,First Form:Thunder Clap And Flash"
Muntikan mang matamaan si Wint ng first form nito,mabuti't agad siyang nakailag at nakalayo ng distansya kay Zeus.
Malamig ang tingin ni Zeus kay Wint ngunit ang masayahing binata ay nakangiti lamang sa kanya.
"Breath Of Thunder,Fift Form:Heat Lightning"Zeus performed a single,focused,slashing attack to Wint.
"Breath Of Water,First Form:Water Surface Slash"a calm voice of Wint and performed a powerful single concentrated attack.
Nagkasalubong ang dalawa sa pag-atake at ang kanilang mga espada ay nagsipagbanggaan at ang tubig at kidlat ay naglaban sa gitna nilang dalawa.
Nagpakawala sila ng simpleng atake at depensa sa bawat isa.Hindi sila nagkakatamaan ng pag-atake dahil sa parehas sila ng bilis.Lamang man si Zeus sa bilis dahil sa kanyang breathing ay nasasabayan siya ni Wint at pinaglalaruan lamang siya gamit ang depensa nito.
"Nakikipag laro ka 'ba Zeus?"pabirong tanong ni Wint at tumawa ng malakas.
"Breath Of Thunder,Second Form:Rice Spirit"Zeus generate five straight attacks around him in a single moment.
"Breath Of Water,Third Form:Flowing Dance!"Wint swings his blade at Zeus' attacks in a way that mimics the movement of waves on the surface of water.
Nakaramdam si Wint ng kirot nang tumama ang kidlat sa kanyang sword at gumapang ito sa kanyang kamay papuntang braso ngunit hindi niya masyadong ininda iyon.
Napaatras ng sabay ang dalawa at wala manlang silang naramdamang pagod.Lumakas ang hangin sa gitna ng saglit nakatahimikan.Ilang sandali ay tumakbo ang dalawa palapit sa isa't-isa at nakaamba ang kanilang mga atake.
"Breath Of Mist,Fifth Form:Sea Of Clouds and Haze"A breathing technique from unknown person that charges towards Wint and Zeus at high speed and unleashes a flurry of slashes.
Dinipensahan ng dalawa ang kakaibang atakeng iyon gamit ang kanilang espada at napaatras muli nang kumapal ang hamog sa gitna ng kanilang paglalaban.
"Nahihibang na 'ba kayong dala?"isang boses ng babae ang narinig ng dalawa.
Napangiti at nanlaki ang msta ni Wint nang marinig ang boses ng isang babae na nagtatago sa mga makapal na hamog.Walang reaksyon ang lumabas kay Zeus at itinago ang kanyang espada sa kaluban nito sa kanyang baiwang.
"Hindi 'ba dapat nagbabantay kayo sa buong paligid ng templo at binabantayan ang ating Master Kwame?"matapang na boses nito.
Unti-unting naglaho ang makapal na hamog at nagpakita ang magandang mukha at balinkinitang katawan ng isang babae na nakatingin kay Zeus.Matapang ang mukha nito ngunit hindi nito maitatago ang kagandahan nito.Napaka haba ng kanyang itim na buhok na hanggang pang-upo nito at sumasabay ito sa malamig na simoy ng hangin.
"Ikaw pala Saidee Adira"masayang bati ni Wint at kumaway pa ito sa kanya.
Lumingon ang dalaga sa binata at inirapan ito.Itinago niya ang espada nito sa sariling kaluban at pinagpag ang black fitted jeans at dark blue hoodie jacket.
"Magsisimula na ng pagsasanay si Master Kwame at nakamasid lang sa kanya ang dalawa pang Pillar mula sa malayo.Maghiwalay kayo ng lugar at baka makasira pa kayo ng mga puno dahil sa paglalaban niyo"matapang pa rin na sabi nito.
Lumingon ang babaeng nagngangalang Saidee kay Zeus at nilapitan nito at tumigil nang ilang dangkal na lamang ang pagitan ng kanilang katawan.Nilingon niya ang mala gintong mata nito at itinago ang ngiti sa kanyang damdamin.
"Iwasan mo ang pagiging mainitin ang ulo dahil pwede iyon magdala ng kapahamakan sa bawat isa sa atin"panunuway nito kay Zeus.
Tinitigan siya ng binata sa mga mata niyang kasing kulay ng ulap at seryosong-seryoso ito.
"Hindi mo na kailangang pangaralan ang isang tulad kong Hashira.Maliwanag ba?"malalim at malamig na boses ni Zues.
"Aalis na ako.Mukhang napaka bigat ng atmosphere dito eh"At naglaho si Wint sa likuran ng dalawa.
Tumalikod naman si Zeus kay Saidee at inisip ang mga ilang bagay na gumulo bigla sa kanyang isipan.
"Palagi mo nalang ba akong tatalikuran sa oras na lalapitan kita?"malungkot na tanong ni Saidee.
Lumingon ng bahagya si Zeus sa kanya. "Matagal nang tapos ang anumang namamagitan sa ating dalawa"At naglaho ito sa mga mata ni Saidee.
Humalukipkip ang Mist Pillar at napalingon sa malaking templo at inisip ang mukha ni Zeus.
_____________________________________
HINGAL na hingal na si Kwame dahil sa pabalik-balik sa pag-akyat sa templo dahil sa mabigat ang dala niyang balde na nakapasan sa mahabang kahoy at nakapatong ito sa kanyang mga balikat.Matumba man ay ayaw niya dahil mapapagalitan lang siya ng kanyang trainer na nakatitig lang sa kanya.
Matapos niya gawin ang libing limang ulit na pag-akyat sa hagdanan ng templo ay tinuruan naman siya ng Ginoo kung paano makipaglaban gamit ang iba't-ibang estilo.Mula sa paggamit ng breath hanggang sa pagpapalakas ng katawan.
Dumating ang ilang araw ay minsan nang pinatayo siya ni Ginoong Romeo sa gitna ng malakas na bagyo at halos mamatay na siya sa lamig ngunit ginamit niya iyon para matutunan ang tamang maggamit ng paghinga.
May mga minsanan ay pinaghahampas na siya ni Ginoong Romeo ng tungkod nito sa ulo at iba pang katawan kapag nagkakamali siya sa bawat turo ng ginoo.
Paulit-ulit niyang ginawa ang lahat ng itinuturo ng matanda.Tatlong buwan na ang nakakalipas at gumamit na siya ng espada upang mapadali naman ang kanyang paggamit ng sword.
Patuloy din siya sa pagw-work out at halos hindi na siya makatulog kahit sobrang pagod.Minsan ay kapag umuuwi siya sa templo ay puno siya ng sugat sa kamay at pasa sa iba't-ibang parte ng katawan.Minsan ay naranasan na niyang mahimatay sa pagod at mabalian ng buto ngunit tuloy lang siya sa pagsasanay.
Hindi siya tatatag sa pagsasanay kung hindi niya iniisip si Yves.Gusto niyang mailigtas si Yves sa mga demon slayer na gustong pumatay sa kanyang kaibigan na naging demon kahit hindi nito kagustuhan.
Itinatak din ng binata na magiging malakas na demon slayer siya pagdating ng panahon at map-protektahan ang kanyang matalik na kaibigan.Iyon lamang ang pangako ngayon ni Kwame sa mga sandaling iyon at gagawin niya ang lahat para maibalik si Yves sa dati nitong pagkatao.
"Para kay Yves.Para sa mga taong may tiwala sa kakayanan ko"