Chereads / Lost With You (Tagalog BL) / Chapter 16 - LOST: CHAPTER 15

Chapter 16 - LOST: CHAPTER 15

Bitbit ni Red sa mismong mga bisig niya ang tila lantang gulay na si Cyan. Mukhang pagod na pagod ito sa kanilang ginawa. Natawa siya ng bahagya si Red sa naalalang ginawa nila kanina lang. He never thought doing it with Cyan will be that great, that splendid.

Pinagmasdan niya ang mukha nito, at kagaya nang una niyang naramdaman noong una niyang makita ito ay kagaya lang. Pagmamahal. Pagkahumaling. Noong una, hindi niya matukoy iyon. Pero batid niya sa sarili niyang may patingin siya dito.

Ayaw niya lang bigyan ng kahulugan ang pagtingin dito dahil maging siya mismo ay naguguluhan. Mas lalo pa tuloy niyang ginustong malaman kung ano ba siya bago niya malimutan ang lahat. Kung talaga bang typical siyang lalake o talagang nagmahal na siya noon ng kapwa niya Adan. Pero habang nakakasama niya ito, unti-unti naman siyang nahuhulog dito.

Napangiti siya habang bitbit ito papuntang kweba. Naisip niyang napagod niya ata ng husto ito kaya mas mabuting dalhin niya nalang doon para kung anumang oras ito magising ay okay lang, samantalang kung sa dalampasigan ay baka magising ito sa sikat ng araw.

Looking at his face made him crave for a kiss. Pero dahil pagod ito, nagtitimpi lang siya. And since the two of them are alone in the island, wearing no clothes, living in a prehistoric way, it feels like they're the first human ever lived on earth. And he how he hope what they have now won't end.

Nakarating na nga siya sa kweba. Nilapag niya si Cyan na tulog na tulog parin. Inayos niya ang pagkakahiga nito tsaka tinabihan sa pagtulog. Hindi niya mapigilang hindi hagkan sa labi si Cyan. Those pink lips are tempting, luscious and sweet. Kaya kahit tulog ito ay hinalikan niya parin.

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hindi man niya maaninag ang buong mukha nito pero sa alaala niya ay nakamarka na ito. Sa puso niya at naiukit pa. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ito. Knowing na napagod niya ito in just a round or two and he would love to do it till dawn but Cyan was already knocked out.

What gives him the drive to be crazy over it is knowing that he's his first. He was insecure with Skyrus knowing that he already got some Cyan's first. Like being his first love, kiss, hug. And being Cyan's first this time mattered to him most. At least he don't to pity over himself or being jealous with their past.

But after all, it's always the last that matter. And he wanted to be Cyan's last. No matter what lies ahead. They will conquer it holding hands.

"Mahal na mahal kita..." Nasabi niya habang hinahaplos ang buhok nito. "Kahit pa tawagin nila akong bakla. Kahit pa ipahiya ako ng mga magulang mo sa dyaryo o kahit saan, ipaglalaban kita." Sabay halik sa noo nito.

Tinabihan niya ito sa paghiga. Tinititigan bawat detalye ng maamo nitong mukha na tila minememorya ang bawat parte para hindi makalimutan. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mahimbing nitong pagtulog. Naririnig niya ang mumunting hilik na ginagawa nito.

Biglang kumirot ang ulo niya. Dumating na naman. Mga ganitong oras ng gabi ay sumasasakit ang ulo niya. Kung ano mang dahilan ay hindi niya alam. Mga tatlong beses naring nangyari iyun. Tatlong magkasunod-sunod. Pero ang kirot ngayon ay iba kumpara sa naunang dalawa.

Hinawakan niya ang sintido at minasahe. Sa sobrang sakit ay napagulong siya at pinipigilang makagawa ng ingay. Ayaw niyang marinig o makita siya ni Cyan sa ganoong kalagayan. Kaya mas minabuti niyang sarilihin ang lahat.

Nang biglang may mga alaalang pumasok sa isip niya.

"Domingo, Riley Estimo. Bachelor of Science in Business Administration major in Business Economics. Magna Cum Laude." At nagpapalakpakan ang lahat habang naglalakad siya papuntang stage.

Matapos ang ang graduation ay may babaeng sumalubong sa kaniya. Nakangiti ito na abot hanggang tenga at agad siya nitong niyakap.

Melania ang pangalan nito, ang kaniyang matalik na kaibigan.

Another memory flashed.

"Riley, hon... I love you," sabi ng isang babae sabay halik sa kaniyang pisngi.

"I love you too." Sagot niya at niyakap ito.

Melania. Melania Alvaro ang pangalan nito, ang kaniyang kasintahan...

Dinala siya ng isa pang alaala sa isang bulwagan.

"For better or for worst...." Nakita niya ang sariling kaharap ang babae. Nakasuot ito ng trahe de boda at at nasa harap sila ng altar. Ilang sandali pa'y hinalikan niya ito sa mga labi at naghiyawan ang mga tao sa paligid.

Melania. Melania Alvaro-Domingo na ang pangalan nito, ang kaniyang kabiyak...

Nawala ang sakit sa ulo ni Red, o ngayon na naaalala na niya lahat, siya si Riley Estimo Domigo. Anak ng isang business man at business woman. Graduate siya ng kursong Economics.

Gusto nitong sumunod siya sa yapak nito bilang isang business man kaya wala siyang magawa kundi sundin ang mga kagustuhan nito. He grew up deprived of pursuing his own dreams.

Pati ang pakikipagrelasyon ay pinanghimasukan din ng kaniyang ama. Si Melania ay matalik niyang kaibigan mula nang mga bata pa sila. Pero ang mga magulang nila ay ipinagkasundo sila. And all he wanted is to make his dad proud, kaya lahat ng gusto nito ay sinusunod niya.

"Riley Estimo Domingo..." Bulong niya sa hangin habang humihingal. Pinagpapawisan siya nang malamig. Naisip niya RED din naman pala ang abbreviation ng pangalan niya.

Halos maluha siya sa mga alaalang bumalik. May asawa na siya. Si Melania. Mahal niya ito pero bilang kaibigan lang. At sa pagkakaalam niya ay mahal mahal siya nito kahit noong mga bata pa sila.

Binalikan niya ang panahong nasa VIP ship pa siya. Papunta silang Japan para makipag-deal sa mga producers ng pelikula, at suggestion iyon ni Melania na sumakay siya ng sasakyang pandagat kesa mag-eroplano.

And recalling how tragic it was. All he can do is cry looking at Cyan in his sound sleep. Hindi niya alam kung bakit pero natatakot siya. Natatakot kung ano ang mangyayari oras na malaman ni Cyan ang lahat. Natatakot siyang baka lumayo ito sa kaniya. Natatakot siyang baka hindi niya mapanindigan ang mga ipinangako niya dito.

He's so in love with Cyan that he can conquer everything. That was before. He don't know anymore. Naguguluhan siya. Gusto niya itong ipaglaban pero natatakot na siya.

What's with the fear, Red?

Alam niya sa puso niyang si Cyan lang ang laman noon. But his father... is a different story. He grow up following every command it says and for sure, tututol ito sa kung anong meron sila ni Cyan.

Kagabi lang ay sobrang saya niya. Ngayon ay hindi niya mawari ang sakit na nararamdaman niya. Sobrang sakit noon. Inaalala pa lang niya kung ano ang magiging reaksyon ni Cyan pag nalaman nito ang kalagayan niya, masasaktan din siya.

Now he realized, Cyan has been that rational, thinking about possibilities. Humanga siya dito, ngayong naalala na niya lahat. Cyan foresaw or intuited what will happen. He hope, Cyan will understand his stance.

Naalala niya kung gaano ito ka-obsess malaman ang mga posibilidad. Palagi itong nagtatanong kung anong mangyayari sa kanilang dalawa kung may girlfriend siya o di kaya kung may anak at asawa na siya.

God. How happy he was wala pa siyang anak. Pero asawa, meron na meron. Who would have thought that he's a married man in his look and besides he's wearing no ring since day one at the island. He remembered he detached it before the ship drowned.

And how fool he was to use that as an excuse to call himself a single? Now Cyan thought he can have him. Gusto niyang lamunin na lang ng lupa ng mga panahong iyon.

Gumalaw si Cyan. Idinilat nito ang mga mata at nakangiti sa kaniya. Unti-unti namang nadudurog ang puso niya ng mga sandaling iyun.

"Good morning, Red..." Bati nito. Nakahiga parin ito at nag-uunat. Hindi agad siya nakasagot. Tinitigan siya nito sa mga mata. At batid niyang nahulaan nito na may pinoproblema siya. Bumangon si Cyan at may pagtataka sa mga mata nito.

Parang may sariling utak ang kaniyang mga mata at biglang tumulo ang kaniyang mga luha.

Hinawakan ni Cyan ang kaniyang mukha at marahang pinahid ang kaniyang mga luha. "May problema ba, Red?"

Hinagkan ni Red ang mga kamay ni Cyan. "Riley..."

"Anong Riley?" nagtataka ito sa tinuran niya.

Tinignan niya ito direkta sa mga mata. "Riley Estimo Domingo ang tunay kong pangalan, Cy."

Lumiwanag ang mukha ni Cyan na lalong ikinabahala niya. "So, naaalala mo na ang lahat?" Tumango siya pero hindi niya ito matignan. Ang kagalakan ni Cyan sa pagbalik ng kaniyang alaala ay kabaliktaran naman ang impact sa kaniya. "Pero bakit ka malungkot, Red.... este, Riley?"

"Cyan..." Nalulungkot siya sa disposisyon niya. Bakit pa kailangan nilang magtagpo ni Cyan? Bakit kailangan pa nilang makulong sa isang isla at hayaan silang mahulog sa isa't isa kung mauuwi lang naman pala sa ganoong paraan?

He don't know who to blame, his self, the island or destiny?

"Bakit, Red?"

"M-may... may asawa na ako..." Agad tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Nawala ang masayang emosyon sa mukha ni Cyan. Ang ngiting nakaguhit sa mga mukha nito kanina lang ay napalitan ng lungkot.

Napaatras si Cyan. At agad tumakbo palabas ng kweba. "Cyan!" Sigaw niya. Hinabol niya si Cyan sa labas. Nabangga na niya ang mga natutulisang mga sanga at mga nagtataasang talahib mahabol at maunahan lang ito.

Halos mapaos na ang boses niya kakasigaw sa pangalan nito. He wanted to make it clear to Cyan... that he loves him. And that he will choose him over his father and wife.

Biglang tumigil ito sa pagtakbo, napatigil na rin siya. Lumingon sa kaniya si Cyan at ngumiti ng mapakla. Basang basa ang pisngi nito ng luha na halos ikabagsak ng mga tuhod niya. Seeing Cyan hurting gives him heartache.

"I guess it's a good bye now," kinilabutan siya sa mga sinabi ni Cyan. Ibinalik ni Cyan ang tingin sa unahan, at napadako narin doon ang tingin niya.

Mas lalong nabasag ang puso niya nang makita mismo ng dalawang mata niya ang tulong na noo'y inasam-asam nila.