Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Lost With You (Tagalog BL)

🇵🇭xueyanghoe
31
Completed
--
NOT RATINGS
117.1k
Views
Synopsis
Sumabog ang sinasakyang cruise ship nina Cyan at nang lalaking pinangalanan niyang Red—nagkaamensia ito matapos makaligtas sa trahedya—na papuntang Japan. Kapwa sila nangangapa sa pagsubok ng survival sa isla. Magkatuwang sila sa paghanap ng pagkain, tubig at matutuluyan upang mabuhay habang naghihintay ng tulong. Lumipas ang mga araw, ang dating magkakilala ay napalapit sa isa't isa, kasabay nito ang pagtayo nila ng sarili nilang kastilyo sa paraisong sila ang namumuno. Bumuo ng pangako sa isa’t isa na ang isla ang tanging saksi. Dumating ang tulong na dati’y inaasam nila—pero ngayo’y kinakatakutan na nila. Bumalik din ang mga alaala ni Red, at natuklasan nilang pareho na nakatali na pala ito sa iba. Paano na ang mga pangakong binuo nila? Paano na ang pagmamahalan nila?
VIEW MORE

Chapter 1 - PART ONE: LOST

"Cyan…" wika niya sa hangin. Ilang beses niyang binalikan ang bookstore kung saan niya ito huling nakita. He remembered the face and the name so well. Naalala niya ito bigla dahil akala niya'y nakita niya ito sa sinasakyang cruise ship. Well, he must be mistaken.

He look at the ring the used to wear for almost a year. Hinubad niya iyun at inilagay sa arm rest. Sa paghubad niya dito nakaramdam siya ng kaginhawaan. Ang singsing na ito ang dahilan kung bakit masasabi niyang nakakulong siya sa isang hawla.

"Oh…anong ginagawa mo dito sa upper deck, Direk?" nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Katya—ang kaniyang matalik na kaibigan at confidant.

"Stop calling me 'Direk', I'm not even one!" he replied.

"Yet. Not yet!" Wika pa nito. "Kaya nga nandito tayo, para magkaroon ng mga contacts."

"My dad will really kill me if he knew what I've been doing!" natatawang sambit niya.

"Nakatapos ka na sa kursong siya ang may gusto. Plus you married Melania kahit pa kaibigan lang ang tingin mo sa kaniya. And that is all because of your father! This time, you're doing it for yourself," pahayag nito.

Huminga siya ng malalim. "You're right."

Film making has always been his dream career since a kid. Pangarap niyang gumawa ng kwento at maipakita ang mga ideyang nasa kaniyang isipan. He always dream of seeing his name on the big screen on film credits. He wanted to inspire people with his craft. He wanted it so bad, but his dad doesn't want him to.

Umupo ito sa katabi niyang deck chair. "So, ano nga ang ganap mo dito sa ganitong oras ng gabi?" tanong nito. He realize he's been sitting there since the sun set.

"I dunno, maybe I need a fresh air?" natatawang tugon niya dito.

"How come, Mr Director? You should be at the wilderness or rural places if you needed one!"

"Do I have an option?"

"You have, but you chose this!" naiinis na wika nito. Katya has been vocal about the wrong decisions he made in the past. She always reminded him to decide for himself and not just following an order from his dad. But he's weak. He can't even say no to his father. He wanted to please his father, but he also wanted to be happy. He don't know when will they meet halfway.

"Pero okay na rin ito... at least may panahon pa akong makapagisip isip." Isinandal niya ang likod sa kinauupuang deck chair.

Napatingin si Katya sa kaniyang arm rest at napansin ang singsing na hinubad niya. Agad niya itong tinakpan. She gave him a soft comforting smile.

"Well… how about Melania?" Katya asked.

"Alam niya ang rason kung bakit ako nandito. She's supportive of my dream… but both of us are afraid on my dad's reaction,"

"Ang ibig kong sabihin, iyan…" turo nito sa kaniyang kamay na tinatakpan ang singsing.

"Ohhh!" bumagsak ang mga balikat niya sa turan nito. He can't really keep a thought from her. "I don't know, Katya…"

"Hindi mo ba talaga kayang mahalin si Melania?" Katya asked.

"I always love her… but as a friend, as a sister. Pero nakatali na ako sa kaniya, what can I do?" mabigat ang kaniyang damdamin sa tuwing pinaguusapan si Melania. Ito ang kaniyang nakababatang kaibigan at ipinagkasundo sa kaniya. Isang taon na rin silang ikinasal nito, he tried his best to be the best husband and a lover to Melania. But he can't love her, he just can't.

"Alam mo naman siguro ang isasagot ko sa'yo diba?" nakataas ang kilay nitong nakatigin sa kaniya.

Natawa siya sa ekspresyon nito. "I know. You will tell me, I always have a choice." He said copying Katya's voice and gestures.

"Tumpak!" Katya snapped. Halos lahat ba naman ng problema niya, ito halos ang sagot nito. Isa pa, naniniwala siyang may choice naman talaga siya, kaya lang takot siyang sumubok.

"Pero alam mo, Katya…I think I found someone…" he said dreamily.

Biglang lumiwanag ang mukha ng kausap. "Talaga? Omg. Spill!" excited nitong wika.

"Ang alam ko lang ang pangalan niya pero hindi na kami nagkita pa…" he sighed.

"Ano ba yan!" reklamo pa nito. Ganyan din ang kaniyang reaksyon. Hinanap niya ito nang limang buwan, pero hindi na niya ito nahanap. If only he knew that was their last meeting, he will really ask for its number.

"I don't know pero there's something about that person that made me want to take risks. Alam mo yung ganoong feeling?" he said thinking about that person. May kung anong enerhiyang nagpapagaan ng kaniyang nararamdaman na tila nagpapalutang sa kaniya.

"Omg. We need to look for that per—" Hindi na natapos ni Katya ang nais niyang sabihin nang biglang may malakas na pagsabog na narinig sa buong cruise ship. Nagsimula na ring magsigawan ang mga tao sa paligid.

Hinanap niya agad kung saan nanggaling ang pagsabog. Nakita niyang nanggagaling ito sa likod ng cruise. Nagsitakbuhan na ang mga tao. Maging si Katya ay nawala na sa kaniyang paningin. The next thing he saw, people are jumping off the ship.

Nagsimula na siyang magpanic. Malaki ang apoy na nagsisimulang lamunin ang buong cruise. Isang pagsabog ulit ang naramdaman sa buong cruise ship na dahilan para matumba siya. Tumama ang ulo niya sa dalaydayang gawa sa bakal. Nakaramdam siya ng pagkahilo pero sinubukan niyang tumayo para isalba ang buhay niya.

Hindi niya alam kung saan pupunta. Umiikot ang kaniyang paningin at kung sinu-sino na lang ang nababangga niya. Hinahanap niya si Katya but she's nowhere to be found. Sumasakit ang kaniyang ulo at medyo lumalabo na ang kaniyang paningin. He saw people running towards the edge and jumping to the cold dead water. Tumalon na rin siya, hindi na niya alam ang susunod na gagawin.

At ang huli niyang matandaan; ang lumangoy para mabuhay.