Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Cherry Lips - ODS #1

🇵🇭thelast1_2sleep
--
chs / week
--
NOT RATINGS
21.2k
Views
Synopsis
For some people, loneliness could just be a single season or a pinch of time. But for you, it is your whole existence and lifetime. You always have been wanting to be alone⁠— to be indepedent and unchained. This is to breakfree from the burden that has been keeping you from spreading your wings and soaring up to the sky. This burden that has been stopping you from becoming a beautiful butterfly. But outside the big wide world, you felt out of place. There are myriad of problems that you've faced. You may think that there's no one who got your back, and that if you fail and fall, everything will fade to black. You must not worry, my darling. I'm always here for you, listening. You are strong and not weak. You always have courage to express yourself and speak. Come meet me in our favorite place at dawn. With me, you always have someone to hang on. Hold my fingertips and kiss me with your cherry lips. - Sawyer
VIEW MORE

Chapter 1 - Panimula

     "San Guillermo. Dalawa pa dito. San Guillermo. Dalawa pa! Dalawa pa!"

     "Isa na lang, lalarga na!"

     "Sakay na kayo, mga mamser! 'Wag tayo umarte."

     "Sakay na, sakay!"

     "Sa'n ka? Palengke? Dito ka na."

     Halos magsilabasan ang ngalangala mula sa bibig ng mga barker na nakapwesto sa paanan ng mga jeep na nakaparada na kanilang tinatawagan ng mga pasaherong maagang bumabiyahe.

     Karaniwang senaryo tuwing umaga sa isang terminal ang naglalakasang mga boses at iba't-ibang pakulo ng mga barker upang makarami at mapuno ang jeep na maagang pumila upang makapamasada.

     Bawat tao rito ay parang mga kalabaw na sa pagkayod. Ginising ang kanilang diwa ng isang tasa ng mainit na kape. Nilamnan ang sikmura ng malambot at masarap na pandesal na bagong luto mula sa panaderya. At higit sa lahat ay pinagtitibay ang kanilang kalooban ng sari-sariling mga pamilya na sa kanila ay umaasa.

     Sa isang tabi kung saan nagbebenta ang ilang maliliit na mga tindahan, iniabot ng isang tindera ang sukling sampung piso sa palad isang babaeng nakaitim na blusa at nakasuot ng saktong sukat na pantalon. Isang botelya ng buko juice ang kaniyang binili at ito ay napakalamig pa.

     Lumingon siya sa mga nakaparadang jeep at naningkit ang kaniyang naggagandahang mga mata. Maliwanag ang pagbati ng haring araw nang mainit nitong hinagkan ang kaniyang namumulang mukha.

     Binuksan niya ang kaniyang payong at lumapit siya sa isang mahabang jeep na halos puno na at umakmang sumakay pagkatapos patayin ang payong na kaniyang hawak.

     "Sige, miss ganda. Pasok lang. Kasya ka pa," sabi ng kuyang barker sa kaniya. "Usog na lang po tayo ng konte sa may kanan. Dalawa pa po ang kasya d'yan. Usog na lang po para makaalis na," dagdag pa nito upang mabigyan ng espasyo ang bagong pasaherong sasakay.

     Marahan siyang humahakbang pasulong upang makahanap ng pwesto. Sa gawing kanan ay may nakita siyang malayang espasyo. Ikalimang tao mula sa labasan ng jeep.

     Ngunit napansin niyang hindi na ito sapat para sa dalawang tao pang sasakay. Mabuti na lamang at nauna na siya at nakaupo na sa upuan.

     "'Miss, nahulog mo po." napalingon siya sa kaniyang katabi sa bandang kaliwa at nakita ang isang binatilyong estudyante na iniaabot sa kaniya ang kaniyang nahulog na panyo.

     "Thanks." Kinuha niya ang kaniyang panyo at nag-ayos ng upo.

     Inilapag niya ang dalang payong sa may ibaba ng kaniyang upuan at saka siya sumandal sa dingding ng jeep. Nagsuot din siya ng isang earpiece sa kaliwang tainga upang patayin ang pagkabagot habang naghihintay.

     "Oh, isa na lang! Isa na lang!" muling pagsigaw ng barker. "Isa dito, sa kanan. Aalis na!"

     "Kuya, 'di na ata kakasya," masungit na reklamo ng isang ginang sa kaniyang harapan na nakasuot ng bulaklaking damit at tila naligo sa pulbo sa kapal ng kaniyang kolorete sa mukha. "Puno na kaya. Larga n'yo na!"

     Iginala niya ang kaniyang paningin sa loob at tunay nga namang puno na ang jeep. Sapat na ang espasyo upang maging komportable ang mga pasaherong nakaupo na sa loob.

     "Tig-siyam po ang bawat magkabilang upuan ng jeep, madam. Kulang pa po ng isa sa may kanan dahil walo pa lang sila," Pagpapaliwanag ng barker sa ginang at sa eksaktong pagkakataon ay isang mama ang dumating at pinapasok sa loob ng jeep.

     "Hayyy, josko. Sa'n mo pa ba isasaksak 'yan?" pataray na tanong ng ginang at saka inirapan ang barker.

     "Usog na lang po tayo, mga mamser. Upong pangmahirap lang po tayo. Kung nagmamadali po kayo ay umusog na para makaalis na," Nang napansin ng barker na hindi pa rin makahanap ng mauupuan ang mama.

     Nakaramdam siya kaya ipinilit niyang iusog ang kaniyang sarili sa bandang kanan dahil higit na mas malawak ang espasyo nila. Kahit nagmamatigas ang ibang pasahero ay nilakasan niya ang kaniyang pwersa hanggang sa may sumiwang na kaunting bahagi ng upuan.

     "Hayyy, rugo. Kalahati lang ng p'wet," muling patutsada ng ginang na may mukha ng isang coloring book.

     Samantala, nagpanting na ang kaniyang tainga sa karereklamo ng ginang kaya 'di na niya napigilan ang lumabas sa kaniyang bibig.

     "Mawalang galang na po, ma'am. We understand your concern but if you are already sitting comfortably on your place, it would be so much better if you shut your fucking mouth up. You're not helping at all. Nakakahiya naman po sa'ming nag-aadjust na para mapa-upo si manong at para makaalis na tayo. We don't need your putanginang opinion kung wala ka rin namang maitutulong," saad niya at tiningnan ng masama ang ginang na napatahimik dahil sa kaniyang pambabara habang nakakunot din ang noo sa kaniya.

     Halos malaglag din ang panga ng ibang pasahero ng jeep at binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Nabasag na lamang ito nang muling may magsalita.

     "Manong, upo na po kayo. Ako na lang po aabante para 'di ka na mahirapan," paanyaya ng lalaking estudyante sa mama na agad din namang nakaupo

     "Salamat, hijo," tugon nito sa binatilyo.

     Tiningnan niya ang binatang estudyante na halos kalahati na lamang ng kaniyang p'wetan ang nakaupo at suportado na lamang ito ng kaniyang tuhod. Nagsuot ito ng pares ng earphones at sinabayan ang saliw ng kaniyang pinapatugtog sa pamamagitan ng pakunwaring pagtatambol at marahang pag-headbang ng ulo. Pinatay ang kaisipan na siya ay nahihirapan upang ang iba ay matulungan.

     Napangiti siya sa kabutihang nasaksihan. Isang halimbawa ng nakamamanghang kabataan.

     Muli, isinandal niya ang kaniyang ulo sa dingding ng jeep na sinimulan nang paandarin ang makina. Bumulusok ang maitim na usok na sinabayan pa ng makapal na alikabok sa pag-andar nito.

     Napatakip siya ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang panyo at ganu'n din ang iba pang mga pasahero. Iniabot na rin niya sa kaniyang katabi ang sampung pisong isinukli sa kaniya kanina ng tindera ng buko juice. "Bayad po."

     "Saan 'to?" tanong ng tsuper nang makarating sa harapan ang sampung piso.

     "San Guillermo," tipid niyang sagot.

     Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at huminga nang malalim. Isang panibagong araw ng kaniyang pagpasok sa magulo, maingay, ngunit nakasasabik na mundo.