"Sawyer, hindi pa nga pala ako nagpapakilala. Ako si Alona Cerise Seriano. At ngayon ay patungo ako sa bago kong trabaho. Pagkatapos kong grumaduate ng SHS last year ay hindi na 'ko nagkolehiyo. Nagsimula na 'kong magtrabaho para suportahan ang sarili ko. Ginusto ko nang maging independe--" Natigilan siya nang halos nahahampas na ang kaniyang bibig ng iilang hibla ng buhok ng kaniyang katabing babae sa may gawing kanan. Napatiim na lamang siya ng bagang at pinilit kumalma. "Naniniwala naman ako na ako ay maganda. Maputi at makinis ang akin kutis. Mapupungay ang kulay hazel kong mga mata. Matangos ang aking ilong kissable ang aking labi--" Napalunok na siya ng kaniyang laway at kumunot ang kaniyang noo dahil naiirita na siya sa buhok ng katabi niya na kanina pa humahampas sa kaniyang mukha.
Hindi na siya nakapagtiis kaya tumaas na ang tono ng kaniyang boses at hinarap nang buong tapang ang babae sa kaniyang kanan. "At putang ina, kaya ako nagpa-short hair para hindi ako mag-feeling Rapunzel katulad mo!"
"H-ha?" Gulat na tanong ng babaeng nagfi-feeling na nasa isang music video ng kaniyang paboritong kanta habang lumilipad ang kaniyang buhok.
"Hatdog! Ate, hindi mo naman ako ininform na may pa-mukbang ka pala ng buhok?! Eh, 'di sana nakapagdala ako ng microphone at vlogging cam para ASMR na den? Tangina mo, kanina pa 'ko nagpipigil sa'yo." Pangmalakasang banat niya dahil napuno na ang kaniyang salop ng pagkairita.
Panay naman ang bulungan ng mga pasahero at ang ilan pa sa kanila ay nagtatangka nang kumuha ng video sa kani-kanilang mga cellphone. May iilan ding sumubok na umawat sa mainit na komprontasiyong nagaganap sa loob ng sasakyan.
"S-sorry naman. Pasensiya ka na. Hindi ko naman kasi alam na tinatamaan ka. Eh, ikaw nga diyan 'yung mas nakakaabala kase napakaingay mo! May eng-eng ka ata sa utak at pakwento-kwento ka pa d'yan ng kadramahan mo!" Sagot ng babaeng Rapunzel sa kaniya.
"Anong hindi mo alam?! Teh, uso magtali ng buhok habang nasa jeep ka at may katabe. Uso din magsuyod. Kase puñeta, lasap na lasap ko 'yung crunchiness ng mga kuto mo. At sinasabi mo bang nakikinig ka sa'min ng kausap ko?! Tangina mo, tsismosa!" Muling pambabara nito dahil ayaw na magpatalo. Halos hingalin na siya sa pagpupuyos ng kaniyang galit.
"Hoy, mga babae. Kung dito kayo sa jeep ko mag-aaway, mabuti pa ay bumaba na lang kayo. Dagdag pa kayo sa perwisyo. Baba. Bago pa kayo makaladkad." Pang-aawat ng tsuper sa dalawang babaeng malapit nang gawing sabungan ang looban ng jeep.
"Manong siya na lang po pababain nyo. Siya naman po nagsimula ng eskandalo, eh." Pagdadahilan ng babaeng Rapunzel sa tsuper at nagkukunwari pang nagmamakaawa.
"Bakit ako? Eh, kung marunong ka lang magtali ng buhok, 'di na sana umabot sa--" Napatigil siya nang muling magsalita ang tsuper.
"Bumaba ka na, miss. 'Wag na mabunganga." Sabay turo ng daliri nito sa may labasan ng jeep sa pamamagitan ng rear view mirror.
"Pero wala pa po ako sa bababaan ko," nangangambang sambit niya sa drayber. "Baka ho pwedeng--" Hindi na niya natapos ang sinasabi nang pinutol na naman itong muli ng tsuper.
"Baba!" matigas na banggit nito.
"Oo nga. Bumaba ka na."
"Baba ka na, teh."
"Baliw, bumaba ka na kase. Napapatagal pa kami dito."
Panggagatong ng mga ibang pasahero. Tinutusta na siya ng kanilang matatalim na tingin na pawang hinuhusgahan na ang buo niyang pagkatao.
Napapikit na lamang siya at huminga ng malalim. "Sige po. Heto na. Bababa na." Paalis na sana siya ng kaniyang upuan nang muli siyang magsalita at hinarap ang babaeng Rapunzel. "Ate sa susunod shampoo-han mo na rin sana 'yang buhok mo. Parang supplier kasi ng gas station sa sobrang dami ng langis." Kasabay ng malakas na paghila sa buhok ng babaeng napangiwi sa sakit at ibinalot niya sa kaniyang gitnang daliri ang natanggal na hibla ng buhok.
"Tangina mo." Ang kaniyang panghuling salita at sinaludo ang gitnang daliri niya sa babaeng sumira ng kaniyang araw.
Bumaba siya sa jeep na parang isang kontrabida sa isang pelikula. Nag-iinit. Lumalagablab.
Literal na nag-iinit dahil sa ngayon ay nasa ilalim siya ng nakapapasong sinag ng araw. Nakatayo siya mag-isa sa may tulay na pinagbabaan ng jeep na nasakyan.
"Hay, buhay! Kailan ka ba magiging mabuti sa'kin?" Napahilamos na lamang siya ng kaniyang iritableng mukha at huminga nang pagkalalim.
Kinapa niya ang dala niyang payong sa loob ng kaniyang nakasukbit na sling bag. Naestatwa siya sa kaniyang kinatatayuan at tila naputukan ng baril ang kaniyang ulo nang malaman niyang nawawala ito. Napapikit na lamang siya ng kaniyang mata at napamasahe sa kaniyang sentido nang maalala niyang naiwan niya ito sa ilalim ng kaniyang upuan sa jeep.
"Tanginaaaaaaaa!" sigaw niya nang malakas habang nakatingala sa kalangitan. Halos sumabog na ang kaniyang ulo sa pagka-badtrip.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pagpaypay sa sarili at paghahabol ng hininga. Unti-unti na rin siyang nagsimula sa paglalakad.
"Apakamalas natin, Sawyer. Napaaway na nga sa jeep, mukhang mahuhuli pa 'ko sa trabaho. Hays," sambit niya na puno ng pagkadismaya.
"Pero kaya ko 'to. Lalakarin ko na 'to. Malakas ako. May tiwala ako sa sarili ko kaya 'di ako susuko," pangungumbinsi niya sa kaniyang sarili. "Keep moving forward, Cerise."
Binilisan niya ang kaniyang paglalakad sa gilid ng mahabang tulay habang ipinangsasangga ang kaniyang panyo mula sa mainit na sinag ng araw. Gayunpaman ay hindi pa rin niya maiwasan ang pagpawisan.
"Napakainet, puñeta." Muli na naman siyang nagpunas ng namuong butil ng pawis habang hinihingal na sa kaniyang paglakad-takbo.
Kakayanin niya 'to. 'Yan ang nakatatak sa kaniyang isipan.
Ang tanong.
Hanggang kailan?