Chereads / Cherry Lips - ODS #1 / Chapter 8 - CARNATION 1/2

Chapter 8 - CARNATION 1/2

"Sino ba sila?" pang-uusyoso ni Oliver habang nakapalumbaba at naniningkit ang mga mata sa tatlong babaeng estudyanteng magkakasamang umiinom ng kanilang malamig na kape.

Nagdadaldalan ang mga ito at maya't-maya ang pagtatawanan. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ang gawi nila ni Oliver ngunit umiiwas din sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin.

"Just some folks from the past," matamlay na sagot niya sa katrabaho habang abala siya sa pag-aayos ng ilang mga baso at tasa. "Tsk. Oliver, 'wag mo nga silang titigan."

Napansin ni Oliver ang namumuong pagkainis sa kaniya kaya napangiti siya at tila may naisip na kalokohan. "Some folks? O baka naman 'some foes'?"

Nilingon niya ito ng masama ngunit nginitian lamang siya ni Oliver sabay ng pagkibit-balikat. Napairap na lamang siya at itinuloy ang pagtatrabaho.

Habang mariin niyang pinupunasan ang hawak na tasa ay muling nagsalita si Oliver. "Sis, dahan-dahan naman. Ingatan mo. Mababasag 'yan."

Dalawang kahulugan ang sumirklo sa kaniyang isipan mula sa mga katagang kaniyang naulinigan. Nagtigil ang isang saglit, tila mababasag na nga. Isang patak ng luha ang muntikang makawala.

Napatiim siya ng kaniyang bagang at nagsimula siyang magsalita.

"Not actually. One of them was actually very close to me, like really, really close,"

"Which one?" tanong ni Oliver habang nakapatong pa rin ang baba sa kamay na nakadantay sa mesa.

"The one on the left, pretty and morena. Her smiles are free ride to heaven. She's Janelle, my ex." Sumulyap siya sa magandang dilag na minsan na siyang pinasaya at naging malaking bahagi ng buhay niya.

"Come again?" Nagtaka at nanlaki ang mga mata ni Oliver ngunit bago pa man nito masundan ang sinasabi ay naudlot ito nang muli siyang magsalita.

"My ex-best friend." Tutok pa rin ang kaniyang tingin sa babaeng si Janelle at hindi mawari ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Punong-puno ng damdamin na mahirap basahin.

Ilang saglit pa ay bumawi siya ng tingin dahil sa pagkakataong ito ay tumagal ang pagtama ang kanilang mga mata. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya pa rin kinaya.

Samantala, napatango-tango naman si Oliver sa bagong impormasyong nalaman. "How about the other two?" tanong muli nito sa kaniya.

"I only have one word to describe them, straw. And I know you know what I mean." Napangisi na lamang siya at gano'n din si Oliver. Naupo siya sa isang silya dahil katatapos lamang niya sa pag-aayos.

Naging tahimik sila nang ilang sandali. Walang sinuman ang nagsasalita at musika ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kapehan.

Pinakinggan nila ang musikang tumutunog mula sa stereo. Malumanay ito. Masarap sa pakiramdam. Idinuduyan ang tainga ng mga taong tahimik na nakikinig.

Sa himig pa lamang ay alam na alam na niya kung ano ang pamagat ng kantang ito. Marahan siyang napapikit at dinama ang kagandahan ng musika.

But I only think of you
Will we be together soon?
I'm thrown to the wayside
You're planted in my mind

But I don't wanna be okay without you

I Don't Wanna Be Okay Without You - Charlie Burg

"Uhm, excuse me?"

Napamulat siya nang isang boses ng babae mula sa tatlong estudyante ang nagtawag ng kanilang atensyon. Nakita niya itong nakataas ang kanang kamay at malawak ang ngiti. Sinenyasan siya nitong lumapit sa kanila.

Napalingon siya kay Oliver upang manghingi ng suhestiyon kung pupunta ito ngunit isang awkward na ngiti lamang ang isinagot nito.

Kaya naman napilitan siyang tumungo sa tatlong babaeng estudyante. Pinilit niyang ngumiti upang maitago ang samot-saring damdaming kanina pa niya nararamdaman.

"Yes, would you like to order anything?" tanong niya sa mga ito.

"No, not actually, Rise. We want you sana to sit with us kasi gusto rin naman naming mangumusta. 'Di ba, girls?" wika ng babaeng nasa gitna habang sinasabayan ng pagpilantik ng mga daliri ang kaniyang pagsasalita.

"Sorry, Lily, pero duty ko kasi, e," pagtanggi niya sa alok ng mga ito. "And wala ba kayong mga pasok?" tanong na rin niya.

"Oh, come on. Hindi naman magtatagal pag-uusap natin, e. We cut na den kase ba naman ang tagal ng prof. And we miss you kaya." wika naman ng nasa gawing kanan habang sinusuklay-suklayan ang kaniyang kinulot na buhok gamit ang mga daliri nito.

"Hindi talaga pwede, Shane. I really have to work. And baka magalit 'yung co-worker ko." Sa ikalawang pagkakataon ay tumanggi itong muli sa kanilang alok.

Napatingin si Shane kay Oliver at sinenyasan ito bago magsalita. "Kuya? Kuya, we'll just borrow Rise lang for a while. We'll just pay extra so hope you don't mind." At isang ngiti na kita ang ngiping mapuputi ang binigay niya rito.

"Aaah— sige lang. Sure. I'll just make up for it. Enjoy your time," nag-aatubiling sagot ni Oliver.

"So, pumayag na si kuya. What do you think? Come and sit with us," anyaya ni Lily at umusog sila nang kaunti papunta sa kanan upang magkaroon siya ng espasyong mauupuan.

Napayuko na lamang siya sa sinagot ng kasama niya sa trabaho. Bakit nga ba niya kailangan pang makisama sa mga babaeng nasa kaniyang harapan? Nagsimulang dumagdag ang kaniyang pagkainis.

Ngunit, isang malambot na kamay ang bumalot sa kaniyang kaliwang kamay na naging dahilan ng paghupa ng inis na ito. Ito ay kamay ni Janelle na ngayon ay tinitignan siya nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Please, Che?" pakiusap ni Janelle sa kaniya at pinisil nang marahan ang kaniyang kamay.

Mula sa kaniyang kamay ay may kung anong init na dumaloy na tila tinunaw ang yelong nakabalot sa kaniyang puso at muling lumambot nang naupo siya't tinabihan si Janelle na dati niyang kaibigan.

"Yes! Finally, napapayag ka rin namin. We never get along so much kaya no'ng classmates pa tayo. By the way, you're working na pala, ha?" wika ni Shane at humigop mula sa kaniyang iced coffee.

"Yeah, actually it's my first day kaya kailangan ko talaga bumalik nang maaga at baka matanggalan ako ng work," sagot naman niya at medyo naaaligaga na rin sa pag-aalala.

Isang kamay ang dumulas sa kaniyang likod at kumapit sa kaniyang tagiliran. Napaigtad siya nang bahagya ngunit 'di na lamang niya inisip iyon dahil alam niyang kay Janelle ito.

"The iced coffee is great. I didn't expect. Alam na alam mo talaga 'yung timpla na gusto ko. Bagay na bagay mong maging barista tulad lang nung pangarap mo nung nasa junior high school pa tayo," pagpuri ni Janelle na sinabayan ng matamis na ngiti. "By the way, do you want some?"