Chapter 21 - KABANATA 19

DAMN this day!

Hindi ko aakalain na makikipaghiwalay sa akin ang girlfriend ko sa isang napakababaw na dahilan.

Idahilan ba naman na may koneksiyon daw sa aming magkakapatid ang nangyari kina Brennan, Cid at Mang Pilo?

Nyemas sa taong nagkakalat ng balitang iyon!

Ayoko na yatang pumasok ng school, tiyak na kalat na kalat na ang mga chismis sa amin.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang mga katok sa aking pintuan. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin sina Dexter, Toshiro at Jeyda.

"Kanina ka pa namin hinihintay. Bakit ayaw mo pang bumaba?" naiiritang tanong ni Dexter.

"Ah, eh. . ." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila. Gusto kong magsabi ng saloobin ko.

"Maaayos din ang lahat. Kung ang iniisip mo ay ang tungkol sa kumakalat na chismis. . . dont worry, bro. Lilipas din ang lahat."

Agad akong napatitig kay Dexter. wala akong mabakas na pag-aalala sa kaniya. Pagkatapos ay kusang lumipad ang tingin ko sa dalawa pa naming kakambal na kabaligtaran ng kay Dexter ang emosyon sa mga mukha.

Nauna nang maglakad si Dexter. Magkakasabay naman kaming tatlo nila Tosh at Dada. Nasa school grounds na kami at kasalukuyang naglilinya sa flagpole para sa morning routine ng school nang makarinig ako ng bulungan sa mga kapuwa namin mag-aaral. Hindi ko nagustuhan ang mga sinasabi ng mga ito lalo na't ipinupukol pa nila ang titig sa aming magkakapatid.

Nakaka-badvibes lang kaya itinuon ko na lang sa harapan ang atensiyon ko. Nagulat ako nang makitang nakipagsapakan na si Touishiro. Agad ko siyang pinuntahan at tinulungan. Mayamaya ay nakarinig kami ng pito galing sa dalawang guard ng school namin. Agad na pinaghiwalay ng mga ito sina Tosh at Zetch.

Dahil sa nangyari ay hindi na natuloy ang flag ceremony at ipinatawag kami agad sa Principals Office.

Nauna na sina Zetch sa loob ng office, habang kaming apat ay nag-usap-usap muna sa labas. Kinuwelyuhan ni Dexter si Tosh habang ang huli ay nag-iwas lamang ng tingin.

"Whats wrong with you, Tosh? 'Di ba't pinag-usapan na natin ito sa bahay kanina? Dahil sa ginawa mo ay napatawag tayo rito sa office!"

Napabuntong-hininga si Toshiro bago tiningnan si Dexter at sinagot nang mahinahon. Pero mababakas pa rin dito ang pagngingitngit.

"Dex, bulag ka ba o sadyang nagbibingihan? Lantaran na tayong pinagbibintangan sa walang makatotohanang pahayag ng mga kapuwa natin estudyante. Paano ako makakapagpigil kung ilang buwan na akong may naririnig? Pinagchi-chismisan tayo!"

Napatahimik ang panganay naming kakambal at tila may iniisip na kung ano. "Bakit, Tosh, naniniwala ka rin ba sa mga naririnig mo sa kanila?"

Napailing-iling si Tosh saka nito binitiwan ang mga salitang ayaw kong sabihin kay Dexter, dahil masasaktan ito. Pero sa totoo lang, iyon din ang naiisip ko. "Inosente ako, Dexter. Lalo na sina Dada at Nakame. Ewan ko lang sa iyo? Magmula nang bumalik ka ay nagkagulo na ang lahat. Malaki na ang ipinagbago mo."

Blangko pa ring nakatitig si Dexter kay Tosh ngunit kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito. Isa-isa kaming tinapunan ni Dex ng mapanuring tingin.

"Kayo rin ba, Nakame at Dada? Ganon din ba ang iniisip ninyo sa akin? Tulad din ba kayo ni Tosh na wala nang tiwala sa akin?"

Naramdaman ko ang tila paghinanakit nito nang labis, ngunit nanatili na lang tikom ang mga labi ko. Maski si Dada ay hindi rin nakapagsalita.

"I guess, your silence means yes."

Kumibot-kibot ang mga labi nito na nakagawian na niya kapag nasasaktan.

~~~~~~~

Dumaan ang ilang oras at napagdesisyunan ng School Principal na palipatin na lang kami ng ibang school. Pabor sa akin iyon dahil mas mainam nang umalis kaysa makarinig ng kung anu-ano pa.

Nasa bahay na kami ngayon. Si Dada ay dumiretso na sa kusina para magsaing. Habang ako ay napaupo naman sa sofa. Pagod na pagod ako sa araw na ito. Nakita kong lumabas ng kusina si Tosh habang si Dexter naman ay kalalabas lang ng kaniyang silid.

"Sirang-sira na tayo rito sa atin. Magpunta na lang kaya tayo sa Samar? Tutal ay naroon naman lahat ng naiwang pamana nina Lola at Lolo."

Tinapunan ako ng tingin ni Tosh kung sang-ayon ba ako sa mungkahi niya. Tumango ako habang si Dada na kalalabas ng kusina ay nag-okay sign lang.

"Walang aalis sa bahay na ito. Dito lang tayo."

Mabilis ang ginawang pagbaling ng tingin ko kay Dexter, ganoon din sina Dada at Tosh.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang determinasyon sa mga katagang binitiwan. "Pero kung gusto mo Tosh, ayusin mo pa rin ang mga dapat ayusin sa paglipat natin. Huwag lang sa Samar, dahil hindi ako sasama kung sakaling matuloy kayo roon."

Tila nagkaroon ng malaking puwang sa pagitan ng bawat isa sa amin. Pakiramdam ko ay magiging malaking balakid ang desisyon ni Dexter na manatili rito sa mansiyon. May pakiramdam akong unti-unting nang nalalayo ang loob namin nina Dada at Tosh sa kaniya. Ngunit sa kabila niyon ay naroon pa rin ang malasakit namin dito bilang kapatid.

Hahayaan ba naming iwanan na lang basta rito si Dexter nang nag-iisa? O mananatili kaming magkakasama dahil kahit malaki ang pakiramdam naming may kinalaman si Dexter sa mga patayang nangyari ay may posibilidad pa ring nagkakamali kami?

Naguguluhan na ako. Maging sina Dada at Tosh ay alam kong ganoon din ang nararamdaman.

Pipiliin ba namin ang bugso ng hinala na wala namang patunay o bugso ng damdamin bilang magkakadugo?