Chereads / Love At First Hate / Chapter 1 - Prologue

Love At First Hate

Maria_Ayagil
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 9.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"MISCHA ALAINA ALCOTT!!!" Napangiwi ako ng dumagundong sa buong canteen ang sigaw na iyon. Lahat napatigil sa kanikanilang ginagawa at napatingin sa babaeng sumigaw ng aking pangalan gamit ang kaniyang napakalakas at matinis na boses.

Kahit hindi ko tingnan ang kaniyang direksiyon ay tiyak namang kilala ko ang babaeng iyon. Siniko ako ni Jhun na katabi ko mula pa kanina. Liningon ko siya at nakita ang pagnguso niya sa pinagmulan ng boses na iyon.

I rolled my eyes.

Hindi na sana ako titingin at babalewalain ang kaniyang malaeskandalong pagpasok dito sa canteen pero wala akong nagawa nang lumapit siya sa aming tabi.

Tamad kong tiningnan si Jenny.

Namumula ang kaniyang mukha at mukhang galit na galit. Tinaasan niya ako ng kilay sa ginawa kong pagtitig sa kaniya.

"How dare you!? Mang-aagaw ka ng boyfriend! Lahat sinusulot mo! Malandi ka!"

Halos nanginginig sa galit niyang sigaw habang nakaturo sa akin. Now, she's making a scene her. Hindi na talaga ako magtataka kaya nasabi ni Vergel na may sakit siyang ADHD.

"Pati boyfriend ko nagawa mong landiin! Talaga bang makati na yang katawan mo o talagang passion mo na ang manulot ng boyfriend nang iba?"

Hindi ko na sana siya papansinin dahil hindi ko ugaling makipagtalaktakan sa mga walang sense kausap. Masasayang lang ang laway ko sa kakaexplain. Pero dahil dada siya ng dada na hindi ko na maintindihan dahil sa dami niyang sinabi, nainis na ako.

Kinuha ko yung juice na hindi ko pa nakalahati ng inom at mabilis na isinaboy sa kaniyang mukha dahilan para matigil siya sa kaniyang walang katuturang sinasabi.

"Ops! Sorry nadulas ang kamay ko."

Tumayo ako tsaka kinuha ang aking bag at siya'y inirapan bago ako naglakad paalis.

"How dare you!?"

Naramdaman ko ang malakas na paghawak niya saking braso tsaka ako pinaharap sa kaniya at malakas na sinampal.

PAK!

Humugot ako ng malamin na buntong hininga tsaka siya tinitigan ng masama.

"Do that again at sisiguraduhin ko sa'yong maghihiram ka ng mukha sa aso." Mahina pero mapanganib kong sabi.

"Kaya ko pang pigilan ang sarili kong hindi ka saktan kaya wag mo akong piliting gawin iyon."

Nakita ko ang bigla niyang pagkatakot sa'kin na gusto kong ikatawa ng mapakla. Ang lakas ng loob na kalabanin ako pero takot naman pala.

"Bitch!" I know, right.

"Mang-aagaw! Malandi! Manang mana ka sa nanay mong manunulot ng asawa---"

PAK!

I can't help it! Hindi ako ganoon kapasyenyoso na tao. Ayaw niyang paawat magsalita? E, 'di daanan natin sa dahas.

"Una, hindi ko inaagaw yung boyfriend mong mukhang unggoy. Siya itong sunod ng sunod sa'kin at para bang papatulan ko ang mukhang iyon?" I said in my normal intonation.

"Ikalawa, say what you want wala akong pakialam pero ito tandaan mo, sa susunod na isali mo ang nanay ko sa usapan natin manghihiram ka talaga ng mukha sa aso. At huli," inayos ko ang kaniyang necktie na magulo ang pagkakaribbon. Kahit papaano may malasakit naman ako sa iba hindi lang talaga halata. "Ayusin mo naman ang sarili mo, darling. Nagmumukha ka na kasing losyang hindi pa man kayo nagbebreak ng boyfriend mo. Papano nalang kaya kung break na kayo?"

Ngumisi ako tsaka naglakad paalis. Sumunod sakin si Jhun pero bago pa kami tuluyang makaalis sa canteen narinig ko pa ang kaniyang sinabi sa mga nakiusyoso.

"Tapos na po ang patalastas, kain kain din ulit pag may time!"

"Dumarami na talaga ang tsismoso't tsismosa dito. Hindi na ako magtataka kung masasakop na nila ang mundo." Maarteng pahayag ni Jhun habang naglalakad kami sa hallway.

Si Tenorio Jhun Domico o Jhun na ata ang pinakamalapit kong kaibigan. Bading siya at masarap kasama. Kababata ko siya at lagi kong napagsasabihan ng aking sekreto. At siya lang ang nag-iisang kaibigan kong binigyan ko ng permisong malaman lahat ng tungkol sa akin.

Habang naglalakad hindi makaila ang tinging pinupukol sa akin ng mga nadadaanan namin. As usual, paghanga para sa mga lalaki at pagkaiinggit naman sa mga babae ang aking nakikita.

Napabuntong hininga ako at tsaka itinuon ang aking mata sa daan.

"Sasama ka ba sa party ni Vergel mamayang gabi?" Tanong ni Jhun habang paakyat na kami ng hagdan.

"Party?" taka kong tanong pabalik sa kaniya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Oh gosh! Don't tell me nakalimutan mo?"

Nakalimutan ko na nga iyon. May invitation nga pala akong natanggap kay Vergel last week. Nawala sa loob ko.

"Yeah, I forgot." Napaungol siya.

"So, pupunta ka pa ba?" Tanong niya. "I can be your chaperon." Dagdag niya.

"No." Umiling pa ako.

Nanlumo siya bigla. "But, I can give my invitation to you." Bigla ang kislap sa kaniyang mga mata sa isang iglap lang.

"Really?" hindi maalis ang malawak niyang ngiti sa labi.

"Really." Tipid kong tugon bago nauna nang maglakad.

Gaya ng napag-usapan binigay ko kay Jhun ang invitation para sa party ni Vergel nang mag-uwian. Si Vergel Guevarra ay ang nag-iisang anak ni Mayor Cong Guevarra. Kilala bilang dakilang playboy sa aming campus dahil sa papalit-palit ito ng kinakasama. Marami rin itong eskandalong pinapasok na hindi naman gaanong nagtatagal sa tabloid dahil agad na nililinis ng kaniyang ama. Hindi naman talaga siya ganoon kagwapo pero maraming attracted sa kaniya. Especially that spoiled brat slash Acuzar's Princess, Jenny Acuzar.

Si Jenny ay anak ni Congressman Bernard Acuzar, one of the most influential man here in Alta. Bukod kasi sa katayuan ng kaniyang ama sa lipunan ay sadyang malawak ang pag-aari ng kanilang angkan dito sa Alta. Balita ngang sila ang nagdonate ng lupa para mapagtayuan ng Alta Community College. Ang kaisa isahang kolehiyo rito sa Alta.

Kung normal lang akong estudyante ay sigurong nanginginig na ako ngayon sa takot dahil sa ginawa kong pagsampal sa kaniya kanina. But I'm not. Siya naman kasi ang may mali. She being rude and I can't help it. Idamay niya na lahat hindi ko siya papatulan 'wag lang ang aking ina. Don't be rude to my mom, I will lose all my manners.

Pinarada ko sa parking lot ng condominium ang aking kotse. Buhat doon ay bumaba ako tsaka naglakad papasok ng building. Dumiretso ako sa elevator at doon ay sumakay upang makapunta sa unit ko. Ilang minuto pa'y nakahiga na ako sa sofa ng aking condo.

Mariin akong napapikit at wala sa sariling napahawak sa aking pisngi. Hindi ako ganoon kamanhid para hindi sabihing hindi ako nasaktan sa sampal na iyon ni Jenny kanina. Pang-ilang babae na ba si Jenny na kumonpronta sa akin dahil daw inaagaw ko sa kanila ang kanilang mga boyfriends? Hindi ko na mabilang!

Mga wala kasing tiwala sa kanilang mga boyfriends. Sabagay mukha namang hindi sila katiwa-tiwala. Bakit kasi ako napapasok sa kanilang mga gulo? For pete's sake! Gusto ko rin naman mamuhay ng normal dito sa mundong punong puno ng kaabnormalan. Pero tuwing gagawin ko iyon I ended up troubled.

Tumunog ang cellphone ko at doon ko tinuon ng aking atensiyon. Kinuha ko iyon sa nakapatong na mesa hindi kalayuan sa aking gawi. Nakarehistro ang salitang 'mommy' roon. Napatitig ako roon ng ilang sandali. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon o hindi? Sa huli, bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag.

"Hello," bati ni Mommy sa kabilang linya.

"My," I said in my normal intonation.

"Are you okay? Nabalitaan ko kay Vergel na sinampal ka ni Jenny." Puno ng pag-aalala ang kaniyang boses.

"I'm fine. Don't worry. Nasampal ko rin naman siya bilang ganti. Bumakat nga ang kamay ko sa kaniyang pisngi, e."

Umungol si Mommy tsaka napabuntong hininga. "And you're proud of it?"

Ngumisi ako. Of course! I'm a legend. Ako pa lang ata ang kauna unahang nakasampal sa Acuzar's Princess.

"Dapat hindi mo na lang ginantihan. She's too young."

Napaismid ako. "Hindi siya ganoon kabata para hindi malaman ang kaniyang nasabi at nagawa."

"Pero dapat pinalampas mo na lang--"

"She said you're a bitch." Bumuntong hininga ulit ito.

"Her opinion doesn't matters."

I rolled my eyes again for the second time.

"Hindi mo gugustuhing nakatunganga lang ako sa harap niya habang nilalait ka, My. And don't defend her dahil lang financee siya ni Vergel. Hindi ka nga niya ginagalang, e."

Isa pa uling buntong hininga ang kaniyang ginawa. "Don't do it again, Mischa. Control your temper."

"I wonder where I get it?" inosente kong tanong.

"Surely, hindi sa akin," mabilis na sagot ni Mommy sa kabilang linya.

"Of course! I only get those traits to the great Mr. Darcy Alejandro Alcott." I answered.

"Watch your mouth, Mischa." Nasa tono nito ang galit pagkarinig sa pangalan ni Daddy.

I smirked. Nagalit ko siya. Okay, I'm good.

"Why? Affected much?" inis ko sa kaniya.

"Let stop this coversation. See you in Vergel's party." Pag-iiba niya ng topic.

"I'm not going." bored kong sabi.

"Why not? Binigyan ka niya ng invitation 'di ba?"

Hindi ko iyon pinansin. "Hanggang kailan mo balak makipaglaro sa Mayor Guevarra na 'yan, My?" Seryoso kong tanong kaysa sagutin siya.

Matagal bago siya sumagot sa kabilang linya.

"Not until I know the whole truth, Mischa."

I sighed.

"Pero linalagay mo lang sa panganib ang iyong buhay." naiiling kong tugon. Napahawak sa aking sentido.

"I can take care of myself. You should do the same."

I let out an exasperated sighed. "I will."

Nagpaalam siya sa akin at pinatay niya na ang tawag. Naipagpasalamat kong hindi niya na ako pinilit pang pumunta sa birthday party ng kaniyang magiging step son.

Napangiwi ako sa aking naisip. I don't want to be part of that family. The Guevarra Family. Bukod kasi sa hindi ko sila gusto, alam kong may kinalaman si Cong Guevarra sa pagkamatay ni Daddy. Kahit anong pilit ko kay Mommy na 'wag gumawa ng hakbang hindi siya nakikinig.

Matagal nang may gusto sa kaniya si Cong Guevarra, kita naman iyon sa kaniyang titig kaya iyon ang naging sandata ni Mommy upang walang hirap na makalapit dito. Pero ang isiping magkasama sila sa iisang bahay ay nakakapagpainit ng aking ulo.

Kung mag-aasawa mang muli si Mommy hindi si Cong Guevarra ang lalaking iyon. At hindi ako makakapayag na siya ang pumalit kay Daddy. Daddy is irreplaceable. Walang makakapantay sa kaniyang kagalingan at pagmamahal sa amin ni Mommy. Kaya laking lumo namin isang araw nang makitang dead on the spot siya pagbaba ng kaniyang sinasakyang eroplano sa NAIA galing America for some business matters.

Pumunta ako sa aking kwarto at dumiretso sa banyo para makapaligo. Ang isiping pagkamatay ni Dad ay nagbibigay init sa aking buong katawan upang makaganti sa gumawa noon sa kaniya. Pero hindi ko pa kaya. Masyado pa akong bata, I'm just only twenty. Graduating pa lang this coming May at wala pang maraming pera para kalabanin ang mga Guevarra. Though, nasa pangalan kong lahat ang ari-ariang naiwan ni Daddy dahil na rin sa kagustuhan ni Mommy.

Iniayos ko ang pagkakatali ko sa aking bathrobe tsaka lumabas ng banyo. Dumiretso ako sa ref habang nagpupunas ng aking buhok. Kumuha ako ng malamig na tubig at ininom iyon. Pinagpatuloy ko ang pagpunas sa aking basang buhok hanggang sa tumunog ang doorbell.

Napalingon ako sa orasan. Alas otso na ng gabi. Kunot-noo ako tumingin sa monitor upang tingnan kung sino ang nasa labas ng pinto. Si Jhun out of my surprised! Anong ginagawa ng baklang ito rito?

Mabilis ko siyang pinagbuksan ng pinto. Napangisi siya ng makitang kakaligo ko lang.

"Good timing," Aniya. Pinapasok ko siya sa loob.

"Anong ginagawa mo rito?" deritso kong tanong.

"Hindi ako pinapasok sa cruise ship dahil wala ang pangalan ko sa invitation." Malungkot niyang sabi.

Napakunot-noo ako. "Don't tell me chinicheck pa talaga nila kung ang pinagbigyan ng invitation ay siyang dadalo sa party?"

"Yeah. Nag-iingat lang daw sila dahil pulos bigatin ang inimbita ni Mayor sa party na 'yon."

Bumaba ang tingin ko sa dala niyang dalawang box. Kung hindi ako nagkakamali gown iyon at heels.

"At pumunta ka rito para isama ako sa party ganoon ba?" Ngumiti si Jhun.

"Oo. Sana. Binilhan na kita ng dress at heels kung papayag ka." He said.

"Alam mong papayag ako kaya binilhan mo ako, Jhun." nakataas ang kilay kong sambit.

"Alam ko namang hindi mo ako iiwan basta basta sa ire, Mischa." Maarte niyang tugon. Inirapan ko siya at tumawa lang siya. Mabilis kong kinuha ang dalawang box sa tabi niya tsaka ako pumasok sa aking kwarto para makapagbihis.

Binuksan ko ang dress na sinasabi niya at kinuha iyon sa box. Napaungol ako nung makitang isa iyong sakura pink sexy satin jewel neckline backless short A-line cocktail dress. Binuksan ko rin ang isa pang box at katulad na dress ay ang heels na sakura pink. Napangisi ako habang nagbibihis. Jhun really have a nice taste at all. Kaya siguro kami nagkakasundo dahil pareho kami ng gusto.

Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa sala. Napasipol si Jhun pagkakita sa aking ayos. Ngumisi ako sa kaniya.

"You look stunning, Mischa! Baka naman hindi na ako mapansin ng crush ko n'yan. Dapat pala iba na lang ang binili kong dress sa'yo."

I just chuckled at him. Bumaba kami ng condo unit ko tsaka dumiretso sa parking lot kung saan ang kaniyang kotse. Inalalayan niya akong makapasok sa front seat bago siya tuluyang pumasok sa driver seat at pinaharurot ng takbo ang kaniyang kotse.

Nakarating kami sa malaking cruise ship na pagmamay-ari ng Guevarra. Hinawakan ako sa baywang ni Jhun at inakay papasok. Nasa loob na kami, at gaya nga ng sabi ni Jhun kanina napakaistrikto ng security nila. Marami nga rin talagang bigating artista ang pumunta sa party na ito. Pero karamihan ay mga typical na businessman/woman. May mangilan ngilan akong kakilala sa kanila pero mas maraming kilala si Jhun at ito'y kaniyang nginingitian. Iniikot ko ang aking paningin sa buong paligid habang hinahanap ko si Mommy. Sumama ako kay Jhun upang makita talaga ng aking mga mata na okay lang si Mommy.

Napako ang tingin ko sa kausap ni Vergel si Cong Guevarra katabi ang si Mommy na suot ang isang fitted black backless dress. Masaya siyang nakikipaghuntahan sa dalawang Guevarra.

"Tita Jewel looks happy," Komento ni Jhun na nakatingin na rin ngayon sa gawi nina Mommy.

"She's not really happy though," bulong ko. Kita naman sa mga mata niya iyon. Ibang iba ang ngiti niya noon kapag kausap si Daddy kaysa ngayong kausap ang mga Guevarra. But I think she's really okay, though.

"'Di ka lalapit?"

Umiling ako. "I like the idea pero baka kapag nakita ako ng papapalapit sa kanila ngayon ay magkagulo pa."

"Jenny Acuzar is here! Shit!" gusto kong matawa sa reaksiyon ni Jhun nang makita niya si Jenny na lumapit sa Guevarra.

"She's the financee, Jhun. Alangan namang mawala siya sa ganitong party 'di ba?"

"Pero ang alam ko pinacancel na ni Vergel 'yon."

Napalingon ako kay Jhun.

"What?"

"Narinig ko lang sa usapan nina Dad kanina. Hindi ko sure kong totoo." Lumingon ulit ako ang gawi ni Vergel at Jenny. Sila na lang ang nag-uusap dalawa. Nakita ko si Mommy na nag-iisa na habang lumilingon sa buong paligid, mukhang may hinahanap. Napako ang tingin niya sa akin.

I smirked at her. Itinaas ko ang baso ng alak na hawak hawak ko ire. Cheers to the pain we choose to hide.

She just smiled back at me bago nakipaghalubilo sa mga kasamahan ni Mayor Cong.

I sighed.

Inubos ko ang laman ng baso na hawak ko tsaka nag-excuse kay Jhun na may kausap ng isang model. Dumiretso ako pababa at naghanap ng cr dahil biglang kumakalam ang aking sikmura.

"Where I can find the comfort room?" tanong ko sa isang waiter na aking naspotan.

"Diretso lang po tapos kanan." sambit niya.

"Thanks," I smiled sweetly at him. Dumiretso ako at lumiko pakanan gaya ng sabi ng waiter na napagtanungan ko. Pero wala akong cr na nakita. Ginagago ba ako ng waiter na iyon?

Sa inis ko hinanap ko na lang mag-isa ang cr. Pero makalipas ang ilang minuto'y hindi ko pa rin iyon mahanap. Bumalik ako sa aking pinanggalingan nung may mabangga akong lalaki. Tumingin ako sa kaniya para sana singhalan siya pero nabitin iyon sa ire nang mapansin ang kaniyang mukha.

A man is good looking. He's tall and sharp featured. He also has broad face, narrow jaw, and high cheekbones, with full red lips. Ang klase ng lalaki na nakuha na ata ang lahat na taglay na kagwapuhan dahil gising na gising siya nang magsabog ang Diyos ng kagwapuhan sa mundo.

Napakagat labi ako. Nainis sa sarili dahil hindi ko man aminin ay naaattract ako sa kaniya. Who is he? Model ba siya? Mukha naman dahil matangkad siya at well, sabi ko nga good looking. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang katawan. Kahit na nakasuit ay kitang kita niya ang mga muscles nito na nakapakat sa panloob na suot. Well builted naman ang kaniyang katawan.

I guessed kung hindi model ay actor siya. Binalik ko sa kaniyang mukha ang aking tingin. Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. Napamura ako sa aking isipan. Obvious na obvious na tinititigan ko siya kanina pa!

Nag-init ang aking pisngi. Bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa lalaking ito? Tinitigan ko siya.

And the way his eyes meet mine makes me shiver. 

I gulped.

"Are you lost, baby?" tanong niya sa baritonong boses.

Hindi ko siya sinagot. Mabilis akong nag-iwas ngtingin at siya'y linampasan kahit na nanginginig yung tuhod ko.

:)