"WHY took you so long?" may pag-alalang tanong ni Jhun pagbalik ko.
"Hinanap ko pa 'yung cr kaya natagalan," sabi ko tsaka napatingin sa babaeng kasayaw niya kanina. Matamis itong ngumiti sa akin kaya gumanti rin ako ng isang ngiti.
"I'm Bernadeth Arque," iminuwestra niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. Alam na hindi ko siya kilala at siguro siya rin.
Tinanggap ko iyon. "Mischa Alaina Alcott." Pagpapakilala ko. Namilog ang kaniyang mata at humahangang napatitig sa akin. "The only daughter of Engineer Darcy Alcott?"
Tumango ako bilang pagkumpirma na tama siya.
Natutop niya ang kaniyang bibig. "Oh! I'm a great fan! Naging speaker namin siya ng grumaduate ako sa high school. Nakakainspire 'yung kaniyang kwento sa buhay. I took engineering because of him. How is he by the way?"
"He passed away year ago," I answered. Nasa dibdib pa rin ang kinikimkim na galit sa mga taong may gawa ng pagkamatay ng aking ama.
Nalungkot siya. "I'm sorry,"
Tumango lang ako. Kinuha ng alak na saktong binigay ng waiter na pagalagala sa buong cruise ship.
"You like my bestfriend," komento ko. Iniiwas ang paksa tungkol sa aking ama. Namula ang kaniyang pisngi. Napalingon kay Jhun na may kausap na ngayong lalaki. Probably because of business o nagpapansin na naman siya roon.
"He doesn't like me." Aniya. Natawa ako sa aking isipan. Kita naman talagang walang interes sa kaniya si Jhun o sa kahit na sinong babae man. He's gay, pero hindi halata. Mapagkakamalan mopa rin siyang lalakikung hindi mo siya nakakasama ng mga tatlong araw.
"Are you two are in a secret relationship?" Muntik na akong masamid sa sinabi niya. Sumilay ang aking ngiti sa labi.
"Why do think that we are in a secret relationship?" Nagkibit-balikat siya.
"Gwapo siya pero wala akong nababalitaang babae na nalink sa kaniya maliban sa'yo." Mahina niyang tugon. Papano nga malilink sa ibang babae kung mas prefer niyang kasalamuha ang mga lalaki.
"Tsaka ikaw ang lagi niyang kasama." Dagdag niya. I chuckled. Never sumagi sa isip ko na pagseselosan ako ng isang babae dahil kay Jhun.
"Lagi ko siyang kasama because he's my bestfriend!" giik ko. Matamang nakatitig lang sa akin si Bernadeth. Mukhang hindi pa rin naniniwala.
"Rest assured. Hindi ko siya aagawin sa'yo. He's not my type anyway." nakangisi kong sabi para mapanatag siya.
"And what kind of a man is your type?" may himig na galit sa kaniyang tono. Mukhang iba ang dating sa kaniya ng sinabi ko.
I sighed. What kind of a man? Hmm.. Kung tutuusin ay ngayon ko lang napagtanto ang bagay na iyan.
Itinuon ko ang tingin sa transparent na baso kong hawak. Nagtaka nang makita ang imahe ng lalaking nakasalubong ko kanina sa aking isipan. Who is he? Napailing ako. Bakit ko ba siya iniisip?
"You're not answering my question," sambit ni Bernadeth makalipas ang ilang saglit. Liningon ko siya. Mukhang determinadong malaman kung anong klase ng lalaki ang gusto ko.
I smiled at her. "Like, Engineer Darcy Alejandro Alcott."
Ngumuso siya at napangisi na rin sa sinabi ko. Biglang lumakas ang tugtog. Naging wild lahat ng nagsasayaw sa loob nitong cruise ship. Tinanaw ko si Jhun na pabalik na ngayon sa aming gawi. Sa suot suot niyang black tuxedo ay hindi makakailang binabae ang aking kaibigan. Bakat ang muscles nito sa braso at dibdib dahil sa training nito lagi sa gym. Pinagbibigyan ang kagustuhan ng kaniyang ama kahit na ang kaniyang talagang gusto ay pagbabalerina.
"Sayaw tayo?" Yaya ni Bernadeth pagkarating niya. Pinaunlakan namin ni Jhun ang kaniyang gusto. Mas lalong naging maingay at maharot ang tugtog. Dagdagan pa ng biglang pagdim ng mga ilaw. Tawa nang tawa si Bernadeth habang gumigiling. I bite my lips ang do the same. I move my body in the tune of the music. Last year pa ata ako nakasayaw ng ganito dahil natigil na akong lumabas ng mga clubs dahil pinagbawalan na ako ni Mommy.
It think it is not really that bad to be here tonight. "You're great, honey!" malakas na sabi ng lalaking sumulpot na lang bigla sa aking harapan. He's handsome, alright. But not my type.
"Really?" Nakangisi kong tanong. Tumango ito. Hindi ko alam kung sa tugtog ba o dahil sa papuri niya kaya mas lalo akong ginanahan sa pagsayaw. Kung gaano kaharot ang tugtog ay ganoon na lang ang harot ng aking paggiling.
"I'm Derick, by the way. And you are?" tanong niya habang hindi tumitigil sa pagsayaw.
"Mischa," nakangiti kong tugon.
"Nice name," he said. Again, I move my body in the tune of the music but this time.. in a very provocative manner. Napaungol si Kane sa ginawa ko. Hinapit niya ako sa aking baywang. Naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga.
"You really turn me on, Mischa." malisyoso nitong sabi. I rolled my eyes. Lustful jerk. Not worth my time.
Hindi ako makawala sa yakap ni Derick kaya hinayaan ko na lang muna siya sa kaniyang ginagawa habang hinahanap ko ng tingin sina Jhun at Bernadeth. Inikot pa ulit ng ilang beses ang tingin sa buong paligid nang mapako ang aking tingin sa lalaking prenteng nakasandal malapit sa bar.
Nagkatinginan kaming dalawa. Siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyong lalaking nakasalubong ko kanina.Guest rin pala siya rito?
Madilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin na para bang may mali akong ginawa. Bumaba ang tingin niya sa likod ko kung saan nakahawak ang isang kamay ni Derrick at sa braso nito na nakapulupot sa aking baywang. Painsulto siyang ngumiti at umiling tsaka inubos ang laman ng kaniyang hawak na baso. Hindi ko alam pero mukha akong naaalarma sa ginawa niyang iyon. Mabilis akong kumawala sa yakap ni Derrick. Napamura pa siya nang malakas ko siyang tinulak.
"I'm sorry. I'm tired." Sabi ko bago siya tinalikuran. Bumalik ulit ang tingin ko doon sa bar at nakita ko ang pagtaas ng kilay ng lalaki sa akin. Inirapan ko siya at naglakad na ako palayo sa bulwagan.
Nakita ko na lamang ang sarili kong nakatanaw sa madilim na karagatan habang dinadama ang hangin na humahaplos sa aking buong katawan. Nasa deck ako ng cruise ship. Dinig pa rin dito ang tugtog sa loob ngunit hindi na ganoon kalakas.
I sighed. Sobrang tahimik sa parteng ito ng cruise ship. Malayo sa magulo at maingay na tugtog galing sa loob. Kaya nga bumili rin si Dad ng ganito noon. Pero nang tumagal ay ipinagbili na lamang ni Mommy iyon dahil hindi na masyadong nagagamit.
Bumaling ako sa madilim na kalangitan. Punong puno iyon ngayon ng mga makukulay na bituin. Naalala ko pa noon bata pa ako sa beranda ng aming terrace ay mahilig akong kargahin ni Dad upang ipasilip sa aking ang magandang kalangitan na katulad sa ngayon. Mukha kasing nagsasayawan ang mga bituin dahil sa iba't ibang kislap na binibigay ng mga ito sa aking paningin.
Lumipas ang ilang minuto'y pinagmamasdan ko pa rin ang kalangitan hindi alintana ang lamig na bumabalok sa aking buong katawan. Natigil lamang iyon ng may marinig akong yapak na palapit sa aking gawi.
Lumingon ako sa pinanggaling ng mga yapak at nakita ko ang ilang mga nakaunipormeng kalalakihan. Lumapit sila sa akin. Napasigaw ako nang marahas nilang hinawakan ang aking magkabilang kamay. Nanlaban ako pero wala iyong nagawa mas lalo na ng takpan nila ang aking bibig ng panyo at naramdaman ko na lang na unti-unti na akong nanghihina at nawawalan ng malay.
NANLALAMIG ang aking buong katawan dahil sa malamig na hangin na linalabas ng aircon nang ako ay magising. Ipinikit ko ulit ang aking mata at agad na nagmulat ng mapagtantong wala ako sa aking kwarto. Napabaling ako sa aking katawan. Hubod hubad ako! Walang saplot kahit underwear man lang.
Mabilis akong bumaba ng kama at hinanap ang aking damit ngunit wala akong nakita. Isang tuwalya lang na nakapatong sa isang upuan ang tanging tela na pwede kong magamit upang pantabon sa aking katawan. Mabilis ko iyong kinuha at tinapis na agad sa akin. Mahigpit kong binuhol iyon sa aking dibdib. Sino ng walang hiyang nagdala sa akin sa lugar na ito? At sino ang walang hiyang naghubad ng aking mga damit?
Mabilis kong linakad ang espasyo ng aking kinatatayuan hanggang sa nag-iisang pintuan. Laking gulat ko ng hindi ko iyon mabuksan! Nakalock! Napalingon ako sa maliit na bintana. Hindi ako kasya roon pero mula doon ay kita naman ang mga tao na nasa labas.
I saw Vergel and Cong Guevarra!
Tinawag ko ang kaniyang pangalan pero hindi niya ako narinig. Siguro dahil sa lakas ng hangin na biglang umihip. Tiningnan ko ang paligid. Sigurado akong nandirito pa rin ako sa cruise ship nila. Nakita kong kausap niya ang kaniyang ama. At dinig ko ang kanilang pinag-uusapan dahil kapwa malakas ang kanilang boses.
"Lahat ay planado na son. Iyo na buong magdamag ang babaeng nasa loob ng cabin na iyan."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mayor Cong. Maslalo na nang tumingin siya sa kwarto kung nasaan ako.
"Hindi ba magagalit si Tita Jewel sa ginawa mong ito, Dad?" hindi ko alam kung pag-aalala ba ang narinig ko sa boses ni Vergel. Mabilis na umiling si Mayor Cong.
"Hindi niya malalaman hanggang walang ebidensiya at walang magsasalita. Gaya rin ng pagkamatay ni Darcy."
Natutop ko ang aking bibig. Hayop! Napakahayop!
So, may kinalaman nga talaga siya sa nangyaring pagpatay kay Dad! Hindi paghihirap ang magiging sagot para sa ginawa niya. Hindi rin ang kaniyang yaman kundi ang kaniyang buhay. At sisiguraduhin ko iyon.
"Rest assured son. It's my birthday gift to you. Do whatever you like to her. Fuck her endlessly. It's up to you. Just enjoy the night." Tinapik nito sa balikat si Vergel at humalakhak na naglakad paalis kasama ang kaniyang bodyguards.
Naiwang mag-isa si Vergel habang nakangising nakatanaw sa kwarto na kung nasaan ako hawak ang isang bote ng alak. Mabilis siyang lumakad palapit sa kwarto ko at sa isang iglap ay kaharap ko na siya. Nagtaka pa siya nang makita akong nakatayo.
"What? Disappointed to see me awake?" mapait kong tanong.
"No. Mas gusto ko ngang gising ka. After all, hindi ako nakikipagtalik sa babaeng tulog o walang malay. It doesn't excite me much." Malisyoso niyang sabi. Binaba niya ang alak na hawak niya sa tabi ng kama at inubos ang alak sa kaniyang baso. Binalingan niya ako pagkatapos.
Tinitigan niya ako habang nakangisi. Bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Kahit nakatapis ako ng tuwalya mukhang hubot hubad na ako sa paningin niya. Pervert!
Nanginginig pa rin ako sa galit hanggang ngayon sa kanilang dalawa ng kaniyang ama. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Hindi ko makakalimutan ang pagmumukha nilang dalawa. Sila ang dahilan kaya namatay ang aking ama. Sila ang dahilan kung bakit nasira ang aking pamilya. Sila ang dahilan kaya dapat akong makatakas sa lugar na ito upang makaplano sa kung papaano sila mamawala sa mundo. Ang kamatayan nila ang sagot sa lahat.
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo palapit sa pinto. Laking pasasalamat ko nang bigla kong mahawakan ang seradula nun. Pinihit ko iyon ngunit hindi bumukas. Nasa labas ang lock!
"Wag mong sayangin ang oras at lakas mo para maghanap ng pwede mong labasan sa kwartong ito dahil hindi mo iyon magagawa. Why not join me in this bed? Come on." yaya niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Over my dead body!" I fired back.
Ngumuso lamang siya. Isa-isa niyang inaalis ang pagkakabutones ng kaniyang suot. Naghuhubad siya sa aking harap! At sa isang iglap ay boxer na lang ang kaniyang suot.
Napapikit ako. "Can't look at me? Why? Naiinis ka ba sa sarili mo because you find me hot?"
Para akong masusuka sa sinabi niya. Hot? 'Yan na ba yung hot sa kaniya? E, 'di hamak namang mas hot pa si Jhun sa kaniya. Nakakaloko akong tumawa. Napakunot-noo siya.
"I'm sorry. Nakakatawa lang talaga ang sinabi mo. Don't say that again. Baka hindi na ako tumigil kakatawa sa susunod." Nakita ko ang pagdilim ng kaniyang itsura. Mukhang naoffend sa naging sagot ko. Gusto kong matakot pero pinigilan ko ang aking sarili na matakot sa kaniya. Hindi dapat ako matakot sa mga taong may atraso sa akin.
Lumapit siya sa akin at umatras ako palayo ngunit mabilis niyang nahawakan ang aking braso. Malakas niya akong hinigit at marahas niyang inalis ang pagkakapulupot ng tuwalya sa aking katawan. Sa isang iglap ay nahantad sa kaniya ang aking hubad na katawan.
Malakas niya akong tinulak sa kama. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng kaniyang ginawa. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik pa. He stopped staring at the middle of my thighs.
Napangisi siya. Kitang kita ang matinding pagnanasa sa kaniyang mga mata. Lumapit siya kaya umusod ako hanggang sa maramdaman ko ang headboard ng kama. Napatili ako nang hawakan niya ako sa magkabilang paa at hinila ako palapit sa dulo ng kama. Naramdaman ko ang kaniyang paghalik sa sensitibong parte sa pabigatan ng aking hita.
Pilit ko siyang sinisipa ngunit hindi ko siya matigil sa ginagawang paghalik dahil hawak hawak niya ang aking baywang.
I promised to kill you, Vergel Guevarra! You motherfucker!
Buong lakas akong pumalag at nang medyo lumuwag ang kaniyang hawak sa aki'y mabilis ko siyang sinipa sa mukha. Mabilis akong bumaba ng kama ngunit nahawakan niya ulit ang aking paa. Nadapa ako at ininda ang pagtama ng aking kanang balikat sa upuang kahoy na naroon. Habol ko ang aking hininga nang daganan niya ako.
"You don't prefer bed, I guess. You want me to fuck you here instead?" pag-uyam niyang tanong. Dinuraan ko siya sa mukha.
"Never let me escape. Because I promise to kill you, you rapist!" I shouted.
He chuckled. "'Yon ay kung makakatakas ka nga." nakangisi niyang sabi habang pinaglalakbay ang kaniyang kamay sa aking buong katawan. Tumigil iyon sa aking dibdib. He massage it hardly while he kiss my neck. Maluha luha ako sa ginagawa niya. Pilit akong lumalaban pero hindi ko magawa.
Ayokong rumeact sa ginagawa niya pero hindi ang aking katawan. Mukhang may nainom akong kung ano dahil bigla na lamang ang pag-init ng buo kong katawan.
"Hmm.. I think the drugs are now working." He said.
Maslalong nag-init ang aking pakiramdam. So, totoo ngang nakainom ako ng drugs. Kelan at saan? Nanlaki ang mata ko nang maisip ag binigay ng waiter kanina. Damn it! Nandidiri ako sa pagkakahawak niya sa akin at ginagawa niyang panghahalik.
Inikot ko ang aking paningin. Naghahanap ng bagay na pupwedeng magamit para makatakas. Nakita ko ang bote ng alak hindi kalayuan. Mukhang maabot ko iyon. Habang busy siya sa paghalik sa aking magkabilang dibdib, busy naman akong maabot ang alak na iyon. At nang magawa kong maabot iyon ubod lakas ko iyong hinampas sa ulo ni Vergel.
Nawalan siya ng malay kaya nagawa kong makawala sa kaniya. Bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang lalaking nakauniporme. Mukhang bodyguard. Siguro naalarma sa nabasag dito sa loob.
Tinuhod ko ang maselang parte ng kaniyang katawan kaya ako tuluyang nakalabas. Napamura ako ng makitang marami pa pa lang nakabantay sa labas. Hindi lang iisa kundi lima! Napatingin sa akin ang mga bodyguards na gulat na gulat. Sino bang hindi kung makakakita ng hubot hubad?
"Hulihin n'yo baka makatakas!" sigaw ni Vergel na kakalabas lang. Napamura ako. Hindi alam kung saan tutungo. Lahat ng daanan pababa ay may bodyguards na nakaantabay. Isa na lamang ang pwede kong pagpilian. Tumingin ako sa ibaba ng cruise ship. Kaya ko kaya?
"Bilisan n'yo. Huliin n'yo!" Sigaw ulit ni Vergel. Mas lalong lumapit sa akin ang mga bodyguards niya. Isa pa uling sulyap sa ibaba ang ginawa ko.
"Don't you dare, Mischa. Mamamatay ka!" Sigaw ni Vergel nang maisip niyang tatalon ako. Ngumisi ako sa kaniya.
"Mas tatamisin ko pang mamatay kaysa ang mahawakan mo, rapist!" Tumalon ako pagkatapos. Walang paki kung makakayanan kong lumangoy sa aking kalagayan.
Malamig na tubig ang bumungad sa akin. Mabilis ang ginawa kong paglangoy palayo sa cruise ship na iyon at naghanap ng pwedeng barko o bangka na maaari kong mahingian ng saklolo. Pero, wala akong nakita. Mukhang napalayo na ang cruise ship sa pangpang ng Alta dahil kadiliman na lamang ang aking natatanaw.
"Mischa!" rinig kong sigaw ni Vergel. Kinampay ko ang aking kamay at paa. Dinig ko pa ang pagsigaw niya. Ibig sabihin hindi pa ako nakakalayo ng tuluyan sa kanila. Minabuti ko ang paglangoy palayo kahit na wala akong barko o bangka na makita. Hinayaan ko ang aking sarili na dalhin ng aking paglangoy sa kung saan basta malayo sa Vergel na iyon.
Ilang minuto ang lumipas at mukhang nakalayo na nga ako sa cruise ship ngunit pagod naman na ako sa kakalangoy. Kaunti na lamang ay hihinto na ang aking kamay sa pagkampay. Nilalamig na rin ako. Namamalat na ang aking labi. Gusto ko nang maiyak dahil wala pa akong natatanaw na barko o bangka man lang. Ngunit hindi ako dapat tumigil dahil kailangan kong magpatuloy. Hindi lang dagat, lamig at pagod ang papatay sa akin.
At hindi ako makakapayag na mamatay lang dito ng basta-basta hanggat hindi ko pa nabibigyan ng histisya ang pagkamatay ng aking ama. Lumangoy pa ako at pilit na ininda ang magkahalong lamig at pagod. Kalahating oras na siguro ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong makitang sasakyang pandagat. Nawawalan na ako ng pag-asa.
Manhid na rin ang aking paa at kamay. Mukhang hindi ko na kayang magtagal pa ng ilang oras sa dagat. Namilog ang mata ko ng mapansin ang isang luxury yacht hindi kalayuan sa aking gawi. Nakasteady lang ito sa dagat. Hindi umaalis. Mabilis akong lumangoy palapit doon. Nagkaroon ng kunting pag-asa bigla sa aking dibdib. Sa likod ako lumapit at natuwa nang makita nakababa ng bathing platform noon. Mabilis akong nangunyapit doon at tumawag ng tulong.
"Help! Please help!" paulit ulit kong sigaw pero walang sumasagot sa akin.
Minabuti kong tumigil nang kakasigaw at tumangkang sumamba sa platform gamit ang lahat ng natitira kong lakas. Nakasampa ako gaya ng gusto kong mangyari ngunit wala ng lakas upang maglakad o gumapang man lang. Ang sakit na ng buo kong katawan, parang dinaig ko pa ang hinazzing ng paulit-ulit.
"What the hell?" Umangat ang tingin ko sa lalaking nagmura nang makita ako. Maski man ako ay ganoon rin ang pagkagulat nang makita siya. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking hubad na katawan. Nagtangis ang kaniyang bagang.
"Are you trying to seduce me?" naniningkit ang mata niyang sabi. Gusto kong matawa sa sinabi niya ngunit kahit pagtawa ay hindi ko magawa dahil sa pagod.
"Help..." mahina kong sambit. Hindi komabosesan ang aking sarili. Ilang minuto niya pa akong tinitigan hanggang napamura siya at lumapit sa akin para ako ay kargahin. Ayokong isiksik ang aking sarili sa kaniyang matipunong pangangatawan ngunit hindi ko magawa dahil ramdam ko ang kaniyang init at komportable ako sa kaniyang bisig.
He sighed heavily.
Naramdaman ako ang pagbaba niya sa akin sa malambot na kama at hindi ko na namalayan ang kasunod na pangyayari dahil nawalan na ako ng malay.
:)