PASADO alas diyes na ng gabi nang makarating kami sa sinabi niyang mansion. Ang sinasabi niyang mansion ay hamak na mas malaki ng triple sa mansion namin sa Manila. Ang buong kabahayan ay yari sa pulang limestone bricks. Ang tanging kahoy ay ang mga balustre sa malaking hagdanan at mga upuan na fully varnished. Modernong chandelier ang bumibigay ilaw sa loob ng mansion. Gawa ang mga ito sa iba't-ibang disenyo. Malaki at marangya ang buong loob noon. Halos pinaparamdam nito sa akin kung gaano lamang kayaman ang mga Acuzar at kung gaano sila kapanganib kalaban.
"Kalex! Kanina ka pa hinihintay ng ama at ng iyong ina." Sabi ng matandang babae mabilis na lumapit kay Kris pagkapasok namin sa mansion.
"Hindi pa po ba sila natutulog, Nana Julia?"
"Excited sa pag-uwi mo ang dalawa kaya hanggang ngayon ay hindi pa natutulog." masaya nitong deklara.
Napalingon siya sa akin. Mukhang nagtataka. "May kasama ka pala, hijo." Sambit niyang hindi na inalis ang tingin sa akin.
"Si Mischa, Nana Julia." Pagpapakilala sa akin ni Kris. Matamis akong ngumiti sa matanda, ngumiti rin naman ito pero hindi pa rin naalis sa mata ang pagtataka.
"Tatawagin ko lang sa library sina Sir para ibalitang nakarating ka na." Tumango si Kris kaya umalis na rin kaagad si Nana Julia. Dumiretso siya sa pinto malapit sa hagdan at pumasok doon.
Umupo sa malaking sofa si Kris at hinimlay doon ang sarili na mukhang pagod sa biyahe. Pinaupo niya ako sa tabi niya ngunit hindi ko iyon sinunod. Ilang oras din kasi akong nakaupo kanina sa biyahe. Masakit na ang puwitan ko kakaupo kaya minabuti kong tumayo na lamang. Nakatapis pa rin sa aking baywang ang puting tuwalya na binigay niya sa akin kanina. Wala akong suot na panyapak pero hindi ko naman ininda ang lamig ng semento. 'Di hamak namang mas malamig pa rin ang dagat sa paglangoy ko kagabi.
"Kalex!" Sabay kaming napalingon ni Kris sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko ang mag-asawang Acuzar na lumabas sa pinasukang kwarto ni Nana Julia.
Nakahawak sa baywang ni Mrs. Jamaica si Engineer Lawrence habang inaakay ito palapit sa aming gawi. Nabasa ko dati sa periyodiko ang tungkol sa love story ng dalawa. Kapwa alam na magkapatid sila ngunit minahal nila ang bawat isa nang higit pa sa pagmamahalan ng magkapatid. Huli na nang malaman nilang hindi pala sila tunay na magkapatid. Umalis ng bansa si Jamaica at doon na nanirahan. At nang bumalik siya sa Pilipinas ay muling umusbong ang kanilang pagmamahalan. Alam kong limang taon ang agwat ng kanilang edad, katulad din ng agwat nina Mommy at Daddy. Kakilala na ni Daddy ang mga Acuzar bata pa lang ako. Pero hindi ganoon kaclose ang pamilya namin sa pamilya ng mga ito sa hindi ko malamang dahilan.
Ang buong atensiyon ng dalawa ay nakafocus lang sa kanilang anak. Lumapit si Kris kay Mrs. Jamaica at ginawaran ito ng halik sa pisngi. Isang tapik naman sa balikat ang binigay niya sa kaniyang ama.
Hindi ko tuloy maalis ang tingin sa kanila. Kamukha ni Kris ang kaniyang ama at kutis naman ang nakuha nito sa kaniyang ina. Pareho rin sila ng mata. Black dark eyes. Nakumpirma ko iyon nang matanaw ako ng kaniyang ina. Her black dark eyes shot on me. Hindi ko alam kung anong magiging unang reaksiyon. Ngingiti ba ako o babati? Hindi ko alam. Kaya naman I maintain my poker face.
"Hindi mo sinabing may kasama ka pala sa pag-uwi, Kalex. Who is she?" Napasinghat ako sa naging tanong na iyon ni Mr. Lawrence. Ibinuka ko ang aking bibig upang makapagsalita ngunit wala akong maapuhat na boses doon.
"She's Mischa Alaina Alcott," pagpapakilala ni Kris sa akin. Magkaiba ang naging reaksiyon ng mag-asawa ng marinig na sinabi ni Kris ang aking pangalan. Mangha ang makikita sa mata ni Mr. Lawrence samantalang galit naman ang nakikita sa mata ni Mrs. Acuzar.
"Are you familiar with Jewel Alcott and Engineer Darcy Alcott?" Tanong ng kaniyang Ama.
Tumango ako. "I-I'm their only daughter." Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa harapan nila. Siguro dahil sa wala akong confidence at dahil na rin sa kung anong itsura at suot ko ngayon.
Hindi inalis ni Mrs. Acuzar ang tingin sa akin bagkus ay tinitigan niya pa ako mula ulo hanggang paa at pabalik pa. Sa huli'y makikita ang pag-iinsulto sa kaniyang mga mata.
"You're not that beautiful enough pero hindi ko pa rin maisip na pinacancelled ni Vergel ang kasal kay Jenny just because of you." Para akong nanliit sa prangkang sinabi na iyon ni Mrs. Acuzar. Hindi agad ako nakareact.
"Mom,"
"Darling.."
Sabay pang tawag ng dalawang lalaki na may babala sa tono ng boses. Sa huli'y napairap na lamang si Mrs. Acuzar at naglakad na paalis ng sala. Napahungot ng malalim na hininga si Mr. Lawrence.
"I'm sorry about that. Masyado lang makareact ang aking asawa when it comes to Jenny. Paborito niya kasi iyong pamangkin." Tumango ako sa sinabi niya.
"Okay lang po." Sanay naman na akong mapagbintangan at masabihan ng masasakit na bagay na hindi ko naman ginawa o wala naman talaga akong kinalaman.
"Anyways, welcome to Corcuera, Ms. Alcott. Hope you don't have a hard time living in here."
Tipid akong ngumiti. "Thank you."
Binalik niya ang kaniyang tingin kay Kris. Tinapik niya ito sa braso.
"We're living tomorrow morning. Your mom need to go to Dr. Asunsion. I'm happy that you're back. Ikaw na ang bahala sa lahat, Kalex."
"Yes, Dad." Isa pang tapik sa braso ang binigay ni Mr. Lawrence kay Kris bilang simbolo ng pinal na usapinin nilang dalawa bago ito nagpaalam na umalis.
Nang mawala na sa aming paningin ang kaniyang ama ay napatingin na siya sa akin.
"Let's go," yaya niya sa akin at naunang naglakad pataas.
"Hindi mo dapat ako dinala sa lugar na ito." Sabi ko sa tonong siya lamang ang makakarinig. Tumigil siya sa tangkang paglayo at binalik niya ang tingin sa akin. His brows furrowed. He looks tired.
"Corcuera is the safest and even more remote place than Alta. Aside from it, you can do horseback riding or cliff diving here. Sa buong lugar ay maraming beaches at clubs na pupwedeng puntahan. I will tour you to those places but not tonight. You see, I'm dead tired."
Hindi ko siya pinansin. I don't care kung maganda itong Corcuera o hindi. Ang gusto ko ay makaalis na dito. Period.
"Your mother hates me! Dinala mo na lang sana ako sa ibang lugar hindi rito sa mansion ninyo." I hissed.
Bumuntong hininga siya. "My mom is very nice person. She doesn't hates you that much. Kasi kung ayaw niya sa iyo hindi ka na umabot ng limang minuto sa loob nitong mansion." Pagod nitong sabi.
"And you said, opinion of other people doesn't matters to you. What now?" Napakagat ako ng labi sa tanong niya. Bakit nga ba ako nagpapaapekto sa mama niya? Ano ngayon kung malandi rin ang tingin nito sa akin? Alam ko naman sa sarili kong hindi iyon totoo.
Oh well, the fact na totoo naman talagang may kaniya kaniya tayong kalandian sa katawan.
"My opinion doesn't matters to you, but why are you being alarmed when mom insulted you, huh?" Napakagat labi ako. Hindi makaapuhat ng tamang salita pwedeng ipanlaban sa kaniya. In the first place, wala naman talaga sa akin kung anong tingin ng ibang tao sa katauhan ko. Basta alam ng pamilya, kaibigan at sarili ko kung sino talaga ako at kung ano ang totoo. Pero hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang naging epekto sa akin ng sinabi kanina ni Jamaica Acuzar. I just really don't know why. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Don't want to answer his damn question.
"Sumunod ka sa akin sa taas," utos niya matapos ang ilang sandaling katahimikang namagitan sa amin. Likod niya na lamang ang aking nakita nang lumingon ako sa gawi niya. Hindi ako sunodsunoran sa sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Even to my parents. Ako kasi yung tipo ng tao na gagawin ko ang anumang gusto ko—my way. Pero hindi ko ma-i-apply iyon sa pagkakataong ito.
Wala akong nagawa kundi sumunod kay Kris. Nagmukha tuloy akong sunodsunoran sa lalaking Acuzar na ito. And I hate him for that. I hate him for being like the boss to me. I hate his guts of ordering what I need to or not. And as the time passed I just really hate him more and more. Lumiko siya pakanan matapos makaakyat sa magarang hangdanan. Dumiretso siya hanggang sa dulo ng pasilyo at tumigil sa isang pinto. Binuksan niya iyon at tuloy-tuloy na pumasok doon. Hindi ako nagtangkang pumasok sa loob pero kitang kita ko naman ang kabuuan nun sa aking kinatatayuan. The room is quite dark. May isang king size bed sa gitna nito at sa hindi kalayuan ay isang malaking couch. May dalawang pinto sa bawat gilid ng kwarto, sigurado akong isa roon ay walk-in-closet at ang isa ay probably cr.
"Are you waiting for me to carry you inside of this room at hindi ka pa pumapasok?" Napasinghap ako sa sinabi niya. Of course not! Malay ko bang dito ako matutulog o sa ibang kwarto.
"Is this your room?" tanong ko ng makapasok.
"Yeah," sagot nito habang inaalis ang wristwatch sa kamay.
"So, dito ka matutulog. How about me?"
"Dito rin." walang gatol niyang sabi.
"What? Maraming kwarto akong nakita habang papaakyat tayo rito. Hindi ba pwedeng doon ako matulog?"
"Hindi ko nasabi na may kasama akong darating kaya hindi nakapaglinis ng mga bakanteng kwarto ang mga katulong. Tsaka ano naman kung dito ka matulog sa kwarto ko? Wala naman akong gagawing masama sa'yo." laglag ang panga kong napatitig sa kaniya.
"Iisa lang ang kama rito. Don't tell me magkatabi tayong matutulog sa kama?" halos panlakihan ko siya ng mata sa naisip.
"So?" he asked impatiently. "I know you've been sleeping with boys many times so what the sudden fuzz it we sleep together?"
"Jerk." mariin kong sabi.
Umigting ang kaniyang panga at kita sa kaniyang mga mata ang matinding galit sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Kung may galit man sa aming dalawa ako dapat iyon at hindi siya!
"I don't want to sleep with you. Sa couch na lang ako." deklara ko. He sighed.
"Ako ang sa couch. Diyan ka sa kama matulog." He said just to surprise me.
"At kung gusto mong maligo at magbihis pumasok ka lang sa pintuang iyan." Itutukoy ay ang pintuan sa kanang bahagi ng kama.
"What about my undergarments?" I asked. He smirked. Tinitigan ang aking katawan na para bang hubo- hubad ako sa pagkatitig niyang iyon. Jerk!
"I think kasya naman sa iyo ang bra at undies na nasa unang kabinet na makikita mo diyan sa loob ng pinto. Meron din pantulog diyan na maaari mong gamitin. At wag kang mag-alala, lahat ng pambabaeng gamit na makikita mo sa sinabi kong kabinet ay hindi pa nagagamit ng dalawang beses just once."
"At gusto mong gamitin ko ang mga gamit na sinuot na nang iba?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.
Nagkibit lamang siya ng kaniyang balikat. "Anong problema? Pumapatol ka nga sa boyfriend ng may boyfriend na 'di ba?"
Ikinuyom ko ang aking kamay. Wala ako sa mood makipag-away sa kaniya pero siya itong ayaw akong tigilan sa pang-iinsulto niya. Sinusubukan talaga nito ang aking pasensiya.
"Wala ka bang pera para bilhan ako ng mga bagong gamit kung plinano mo namang dalhin ako sa lugar na ito?"
"Kung pera lang naman ang pag-uusapan alam mo namang marami ako nun. At sa tingin mo ba may mabibilhan pa tayong tindahan sa oras na ito?" Wala sa sarili akong napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding ng kaniyang kwarto. Alas onse y media na ng gabi! That fast!
"Let's stop this conversation." Pinal na usal nito na para bang wala na siyang magagawa pa.
"You can refresh yourself," wika nito. "Make yourself at home. Bababa lang akong muli para kausapin si Jaime." Hindi ako sumagot hanggang sa makalabas siya at hinila pasara ang pinto.
Humugot ako ng malalim na paghinga at nilapitan ang pinto na sinasabi niya kanina tsaka iyon binuksan. Gaya ng sabi niya tiningnan ko ang laman ng unang kabinet na bumungad sa akin. Mga nakatuping undies at mga bra na nasa mamahaling brand ang bumulaga sa akin.
Napaungol ako sa inis. Kanino kaya ang mga ito? Sa girlfriend niya kaya? Mas lalo lamang nadagdagan ang aking inis sa aking naisip. Marahas na hinugot ko ang isang puting tuwalya tsaka dumiretso ng banyo. Gusto ko sanang magbabad sa bathtub pero kailangan kong magmadali sa pagligo dahil baka kung ano pang maisip ng lalaking iyon at pasukin ako sa banyong ito. Pinatuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalya pagkatapos ay itinabi ito at lumabas ng shower room. Mabilisan akong nagbihis ng bra at undies tsaka kumuha ng isang pantulog sa kabinet. Isang simpleng night dress iyon na black. Tumalikod ako pagkatapos at lumabas ng kwartong iyon dala ang tuwalya na pinupunas ko sa aking buhok.
Wala si Kris pagkalabas ko. Pinakialaman ko ang kaniyang aircon at binuksan iyon. Naiinitan pa rin ako kahit na kakaligo ko pa lang. Siguro dahil na rin ito sa pabagong bagong klima. Lumingon ako sa kama tsaka sa couch. Hindi ko alam kung saan ako maaaring mahiga kaya nanatili akong nakatayo hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwal noon si Kris na bagong ligo. Nakajogging pants lang siya at gray na t-shirt. Hawak niya pa ang tuwalya na pinupunas sa buhok na tumutulo tulo pa. Hindi ko alam dahil napagtanto ko na lamang ang sarili kong nakatitig sa kaniya.
"I'm afraid, I might melt...." aniya sa amused na tono nang hindi naman nakatingin sa akin. Nag-init ang aking pisngi sa kaniyang sinabi. Obvious na obvious na tuloy na alam niyang tinititigan ko siya.
Mabilis akong kumuha ng unan sa kama habang hindi pa siya nakakaupo sa couch. Lumapit ako sa couch hindi kalayuan sa kaniya habang yakap yakap ang unan. "Dito na lang ako sa couch at doon ka sa kama."
Nakakunot-noo niya lang akong tinitigan. "That's your bed. At alam kong hindi ka kakasya dito sa couch." Dagdag ko pa. Isinampay niya sa mesa ang tuwalyang pinangpunas niya sa kaniyang buhok bago bumaling sa akin. Hinablot niya ang unan na yakap yakap ko.
"Will you stop protesting at sumunod ka na lang sa akin?" Aniya sa tinig na nagsasaway.
"Dito ako sa couch matutulog at doon ka sa kama." Sambit nito pagkatapos ay tinaas ang t-shirt at hinubad iyon sa aking harapan. What the hell?!
"A-Anong ginagawa mo?" may panic kong tanong sa kaniya.
"Ano sa tingin mo?" seryoso nitong sagot. Matutulog siya kaya hindi niya kailangan maghubad for pete's sake!
"H-Hindi mo kailangang... m-maghubad." Iniwas ko ang tingin sa kaniyang katawan.
"Gusto mong ikaw ng maghubad sa akin?" Anito sa tonong nanunukso. Napaungol ako at matalim na mapatitig sa kaniyang mukha. Tumawa lamang siya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Kris Alexandros Acuzar."
"Kalex," sagot niya.
"Ano?"
"Call me Kalex. Masyadong mahaba ang Kris Alexandros." Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaasar sa sinabi niya.
"Natutulog ako ng walang suot na damit. Pero alang-alang sa'yo hindi ako magtatangal ng pants. T-shirt lang." Nakangisi niyang sambit tsaka umupo sa couch. Wala sa sarili akong lumapit sa kaniyang kama at doon ay naupo rin. Tatlong unan ang natira doon. Kinuha ko ang isa at wala sa sariling yinakap.
"Siguro gusto mong matulog ng walang bra. Go ahead, hindi ako titingin. Hindi gaya ng pagtitig mo sa aking katawan kanina." Binato ko siya ng unan na yakap yakap ko. Nasambot niya iyon. Tumawa siya.
"Kunting sulyap lang siguro," hindi mawala wala ang nakarehistrong ngisi niya sa kaniyang labi.
Napatitig ako sa kisame at napaungol sa inis. Ugh!
:)