HINDI ko alam kung papaano pa ako nakatulog ng mahimbing sa gabing iyon. Siguro dahil sa pagod sa biyahe at pagod sa kakasagot sa walang kwentang sinasabi ni Kalex.
Pagkagising ko'y wala na siya sa loob ng kaniyang kwarto. Mabilis akong bumangon ng kaniyang kama. Hindi na sinulyapan ang sarili sa salamin at dumiretso na sa paglabas. Walang ingay kong hinila pasara ang pinto upang walang makakita sa akin. Ingat na ingat ang mga galaw ko para walang makarinig. Pagkasara ko ng pinto ay agad akong tumalikod para lang mabangga sa matipunong dibdib ni Kalex. Inangat ko ang aking mukha upang makita ang kaniyang mata.
"Good morning," nakangisi niyang bati sa akin. Nagulat man ako sa bigla niyang pagsulpot ay hindi ko naman iyon pinahalata sa kaniya.
"Morning," ganti kong bati tsaka lumayo sa kaniya ng ilang pulgada. Walang 'good' dahil sadya namang hindi maganda ang gising ko kung siya agad ang makikita ko.
"Saan ang punta mo at mukhang ingat na ingat ka sa pagsara ng pinto?" Napairap ako sa tanong niya.
"Aalis na sana sa bahay na ito at babalik na sa Alta." I said out of humored.
"Alam mong hindi mo 'yon magagawa. Siguro nga'y tuluyan kang makakalabas ng mansion at makakagala ng farm pero hanggang doon lang iyon. Hindi ka malalabas ng compound dahil maraming nakaantabay sa'yo sa baba. Kaya kung ako sa'yo 'wag mo nang pagkaabalahan pang tumakas dahil magsasayang ka lang ng pagod at oras."
Matalim ko siyang tinitigan. Kung ang mga tauhan niya ay nakaantabay nga sa akin sa baba, siguradong wala nga talaga akong pag-asang makatakas. Pero hindi naman siguro sa bawat minuto o segundo ang pagbabantay ng mga iyon.
"Alam mo sa ating dalawa, ikaw ang nagsasayang ng pagod at oras. Sinasayang mo 'yon sa pagkulong sa akin sa lugar na ito. Ano ba talaga ang kasi ang pakay mo sa akin, huh?" Inis kong tanong. Bakit gustong gusto niya akong ikulong sa lugar na ito kahit ayoko naman?
"To kill you," he answered.
"At bakit mo pa pinapatagal? Aside sa pagsasayang mo ng pagod at oras kababantay sa akin nagsasayang ka lang din ng pera pambayad sa mga taong inupahan mong magbantay sa akin. Bakit hindi mo na lang ako patayin kung ganoon?" matapang kong sabi.
Nagkibit siya ng balikat. "Walang thrill kung ganoon. Tsaka marami naman akong pera pangbayad sa mga inuupahan kaya wag kang mag-alala."
"And you said, I'm not worth spending thousands of your money." Sinabi niya iyon. Tandang tanda ko pa noong nasa yate pa kaming dalawa.
"Yeah, you're not worth spending thousands of my money but millions, I guess."
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Baliw na ba siya?
"Let's end our conversation. Bumaba ka na muna para makakain ka. Naghihintay sa'yo si Nana Julia sa baba. Pagkatapos mong kumain ay aalis tayo."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa langit."
Matalim ko siyang tinitigan. Ngumisi lamang siya at bumaba ang kaniyang tingin sa akin dibdib. Ang bilis magbago ng mood. Hindi na ako magtataka kung may mood syndrome itong lalaking ito.
"So, hindi ka nga pala talaga natutulog ng may suot na bra." komento niya. Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib at napacrossed armed ng mapansing wala akong suot na bra. Nahigit ko ang aking hininga at napakagat labi ako sa inis.
"Manyak!"
He chuckled. "Ang pagkakaalam ko kapag manyak ang isang lalaki, siya ang gumagawa ng paraan para makitaan ang babae. Katulad na lang ng paninilip ng isang tao ng walang consent. Pero sa kaso ko ikaw mismo ang nagpakita nun. So, hindi ako manyak."
"Tiningnan mo nang walang paalam kaya manyak ka pa rin." I hissed.
"So, next time pala na gusto ko 'yang makita magpapaalam na ako?" Namula ako sa sinabi niya. Alam na alam ang gusto niyang iparating. Naikuyom ko ang aking daliri sa inis.
"At sa tingin mo papayagan kita? In your dreams!" Asar kong sabi at pumasok sa loob ng kaniyang kwarto. Binalibag ko pasara ang pinto. Walang pakialam kung narinig man iyon sa baba o hindi.
"I'm going downstair. I'll wait for you." Nasa boses pa rin nito ang panunukso.
"Go to hell!" I shouted.
"With pleasure," he answered. Napaungol ako sa inis. Jerk!
Napasabunot ako sa aking sarili ng maramdamang wala na siya sa labas. Mabilis kong kinuha ang aking bra sa baba ng aking unan at mabilis iyong sinuot. Bumaba ako pagkatapos para kumain. Nadatnan kong naghihintay si Nana Julia sa akin. Umaliwalas ang kaniyang mukha ng ako ay kaniyang makita.
"Good morning po," magalang kong bati sa kaniya.
"Morning, hija. Kain ka na." yaya niya sa akin at sinandukan ako ng kanin sa aking pinggan.
"Salamat po," nakangiti kong sabi kay Nana Julia at nag-umpisa na akong kumain. Naalala ko si Yaya Linda sa kaniya. Buhat ng manirahan ako sa condo unit ko ay madalas na akong nakadadalaw sa Mansion namin sa Manila. Kapag nasa mansion kasi ako'y wala na akong iniisip kung hindi si Daddy. Kung bakit siya namatay ng maaga, kung bakit ginawa ni mommyng makipaglapit kay Cong Guevarra, at kung bakit ang unfair unfair ng mundo sa akin.
"May problema ka ba, hija?" nabaling ang tingin ko kay Nana Julia. Makikita ang pag-aalala niya sa kaniyang mga mata. Just like Yaya Linda at all.
Umiling ako. "Wala naman po." I lied.
"Inaway ka ba ni Kalex? Narinig ko kasing lumagabog ang pinto at parang sumigaw ka kanina sa taas." Napangiwi ako.
"May hindi lang po kami pinagkasunduan." Mariin niya akong tinitigan. Mukhang sinusukat kong nagsasabi ba ako ng totoo sa kaniya o hindi.
Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
"Mukha kayong magkasintahan at bagay kayong dalawa," komento ni Nana Julia na nagpasinghap sa akin. Mabilis akong uminom ng tubig. Never na pumasok sa isip ko na magustuhan ang arogante at mayabang na katulad ni Kalex. Never!
"Nagkakamali po kayo. Hindi po kami bagay." Ngumuso si Nana Julia.
"Kung wala lang kasintahan si Kalex ay baka maisip kong gusto ka ng batang iyon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Hindi niya pa ako magugustuhan, Nana Julia." Ngumiti siya.
"Bakit naman hindi. Maganda ka at mabait." Umiling ako. Gustuhing patayin o asarin okay pa mas matatanggap ko pa pero magustuhan in a romantic way. Isang malaking NO. At anong sabi ni Nana? Si Kalex, may kasintahan? May nauto rin pala ang lalaking iyon?
"Sino po ang kasintahan ni Kalex, Nana Julia?"
"Yang nasa t.v," napalingon ako sa telebisyon na nakabitin sa dingding sa kanilang sala. Nakangiting mukha ng babae ang nakita ko roon habang hawak ang isang beauty product na iniindorse nito. Nang matitigan ay nakilala ko ang babae. Eunice Guevarra Magallanes!
Si Eunice ay isang sikat na model at tv artist. Isang beses ko lang siyang nakita noon sa party ng Daddy ni Jhun. Matangkad ito, sexy at napakaintimidating. Daring ang mga kinocover nito sa lahat ng magazine. Ang last cover nito na nakita ko sa magazine ay nagtrending pa sa buong Pinas dahil napakabulgar. Wala itong saplot na suot at pawang sariling kamay lang ang nakatabon sa parte ng katawan na dapat ay tabunan. Pinsan ito ni Vergel at pamangkin ni Cong Guevarra sa nag-iisang nitong kapatid. Halos lahat ata ng taong nakapaligid sa akin ay may kinalaman sa mga Guevarra.
"Kilala mo ba si Eunice, hija?" tanong ni Nana nang makita ang pagkagulat ko.
"Sino pong hindi makakakilala sa sikat na katulad niya, Nana?"
"Sabagay," anito at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi po ba dumadalaw rito si Eunice?" Umiling si Nana Julia.
"Malimit lang. Ang huling punta niya rito ay noong kasama niya ang kaniyang tiyuhing si Mayor Cong Guevarra upang makausap si Lawrence. Pagkatapos noon ay hindi na ito nakabalik sa mansion kahit na dineklara ni Kalex na kasintahan niya ito. Ikaw pa nga lang ang una niyang babaeng dinala rito sa mansion at pinakilala sa kaniyang Ama at Ina." Nagtaas ako ng kilay sa sinabing iyon ni Nana Julia. She's exaggerating! Sa pagkaplayboy ni Kalex sigurado akong matinik siya sa babae. Hindi lang siguro niya pinapahalata kay Nana Julia.
"At ikaw pa lang din ang kauna unahang babaeng pinatulog niya sa kaniyang silid. Kahit katulong ay hindi nakakapasok sa silid niya, hija." Ayaw kong bigyan ng malisya ang sinasabi ni Nana Julia.
"Pinatulog niya po ako sa kwarto niya dahil hindi pa raw po nalilinis ang mga bakanteng kwarto dahil hindi niya naman nasabing may kasama siyang uuwi." Paliwanag ko.
Kumislap ang mata ni Nana Julia. "'Yon ba ang sinabi niya sa iyo?" Tumango ako.
"Mischa, matagal ka pa ba?" Napatigil kaming dalawa ni Nana at napalingon kay Kalex na papalapit na sa aming gawi.
"I'm almost done." Sambit ko bago sinubo ng last na kanin sa aking pinggan.
"Aalis kayo, Kalex?" takang usal ni Nana Julia.
"Yes, Nana. Ipapasyal ko lang sa labas si Mischa para makabili na rin siya ng mga kakailanganin niyang gamit sa pagtira rito." Tumayo ako at uminom ng tubig.
"Mag-iingat kayo." Paalala nito.
"Salamat po sa pagkain," nakangiti kong pasasalamat kay Nana.
"Walang anuman, hija." masayang tugon ni Nana Julia bago ako hinila ni Kalex palabas ng bahay.
Kagabi ay madilim at hindi ko halos kita ang nasa paligid ng mansion. Ngayong umaga na ay hindi ko naman mapigilang mamangha sa labas ng mansion. May isang maliit na fountain sa mismong harap ng mansion na napapalibutan ng hardin na may tanim na iba't ibang kulay ng rosas! Pinasok ako ni Kalex sa SUV at binitawan lang nang tuluyan na akong makaupo sa upuan.
Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang tumingin sa aming dinaraanan. Nakalabas kami sa gate ng mansion. Dalawang security guard ang nakabantay roon. Looking back, may nadaanan din kaming manggahan na inaani ng mga manggagawa. Linalagay nila sa tiklis ang bawat bunga na nakukuha. Siguro'y nasa dalawangpo ang bilang ng puno ng mangga.
Matapos madaanan ang manggahan ay napaungol ako sa aking nakita. Buong lupain pa ang kasunod noon na may manaka manakang mga stallion! Nakita ko pang pinapaliguan ng isang matanda ang isang kabayo sa kuwadra.
"Sa inyo pa rin ba ang lupain hanggang dito?" Tanong ko kay Kalex nang hindi nakatingin sa kaniya.
"Yes, at hanggang plantilla sa baba ay sa amin pa rin." sagot niya. Wala sa sarili akong napabuntong hininga at napasandal sa aking kinauupuan.
Masyadong malawak ang lugar na kanilang pagmamay-ari para makatakas ako. Siguradong hindi pa ako nakakalampas ng manggahan ay malalaman niya na agad na nawawala ako dahil sa dami ng trabahador na nakamasid sa akin.
Sinulyapan ko si Kalex na mukha atang walang balak na inisin ako sa araw na ito at nagpapasalamat ako roon.
Nakatitig lamang siya sa kaniyang cellphone. Mukhang may binabasa. Siguro chats or texts ni Eunice.
"Iniinsulto mo akong nang makita akong walang saplot sa yate mo at kahit na rin nang nasa mansion na tayo pero hindi ko alam na mas bulgar pa pala sa akin ang tipo mong babae." Siyempre, ito naman ang pagkakataon kong bwisitin siya. Pinatay niya ang kaniyang cellphone. Hindi ko alam kung tapos na siya sa kaniyang binabasa o hindi pa. Nakakunot-noo niya akong tinitigan.
"What are you talking about?" mariin ang titig niyang tanong sa akin.
"Na mas bulgar pa kung makabalandra ng katawan ang kasintahan mo sa mga event at pictorial nito pero kung makapanglait ka sa akin ay ganoon na lang." Ayaw kong lagyan ng pait ang aking tono at ginawa iyong painsulto.
Nagtangis ang kaniyang bagang. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Eunice is far better than you. She's a model at naiintindihan ko ang klase ng trabaho na meron siya."
Para akong sinampal sa sinabi niya.
Better than me? Saan sa pasexyhan? Oo nga at sexy siya pero hindi naman nagkakalayo ang aming katawan. Malaman lang siya at slim ako.
Sa palakihan ng boobs? Aaminin kong talo ako pagdating dito. Normal lang kasi ang size ng boobs ko. Hindi maliit at maslalong hindi naman mukhang drum sa laki, unlike Eunice.
O, sa kama? Wala akong alam dito. Napakainosente ko para malaman kung sinong mas magaling sa amin. Siguro siya dahil sa dami ng naging flings niyang artista at modelo. Alangan namang magtitigan lang sila sa condo ng mga ito na lagi siyang nai-spotan ng paparapzzi.
Nainis ako sa aking naisip. Siguro nga tama si Kalex, kahit ayokong aminin Eunice is much better than me. Umayos ako ng upo at itinikom ang aking bibig. No comment. Kung tingin niya'y mas magaling ang kaniyang kasintahan, so be it.
"Nanahimik ka." wika nito. "Why? Can't stand the fact that your friend Eunice is better than you?" I looked at him with narrowed eyes. Friend?
Oo. Magkaibigan kami ni Eunice dati. We are not just only friends but more like a sisters. We're good, really. Pero nag-iba ang ihip ng hangin ng paghinalaan kong ang tiyuhin niya ang pumatay sa aking ama. Siya ang unang nang-iwan sa akin kahit kailangan ko siya sa mga panahong iyon. Inilayo niya ang sarili niya kahit gusto ko siyang makausap. Promised namin sa isa't isa na after graduation sasali kami sa modelling agency na lagi kaming kinukulit. Pero nalaman ko na lang isang araw na model na siya ng nasabing agency. I felt betrayed by her actions. At sa isang iglap lang ay naglaho na ang matagal naming pinagsamahan.
"Ex-friend," pagtatama ko. Nagkibit lamang siya ng balikat.
"And think whatever you want. As if I cares." Sabi ko bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. Nawala na ako sa mood na inisin siya. Bakit kapag ako ang nauna o siya ang naunang mang-inis pareho lang ang kinahahantungan. Asar talo ako.
Nahimigan ko ang kaniyang malalim na pagbuntong hininga at naipagpalasamat kong hindi na siya muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang langit kanina. Literal na napanganga ako. Talaga nga palang Heaven ang pangalan ng shop na pinagdalhan niya sa akin.
Napangisi siya nang makitang gulat na gulat ako. "Why? Ibang langit ba ang naiisip mo?" nanunukso niyang sabi. Inirapan ko siya sa inis. Nagmukha tuloy akong green minded.
Ang shop na ito halos kasing laki ng maliit na building sa Alta. Sa first floor ay maari kang makabili ng iba't ibang uri ng sapatos at tsinelas. Sa second floor naman ay maaari kang pumili ng gusto mong design ng bags. Third floor is literally heaven for me. Don kasi makikita ang halos magagandang uri na damit pangbabae mapacasual man o formal. Ang dami kong napili roon na walang pag-aalinlangan binili naman ni Kalex. Sa fourth floor naman ay mga undergarments. Napaungol ako nung sinamahan niya pa talaga ako sa hanggang sa loob nun. He looks bored habang pumipili ako ng two piece.
Hindi ko na lang siya pinansin. Siya ang may gusto nito kaya bahala siyang maghintay kung kailan ako matatapos. Halos pasado alas dose na ako natapos kakabili ng mga gamit na kakailanganin ko sa pagtira sa mansion nina Kalex. Kahit na alam kong hindi naman ako tatagal sa mansion ay ganoon na lamang karami ang damit na binili ko. Kung hindi man ako makakatakas agad sa kaniya ang una kong plano ay ubusin ang kaniyang pasyensiya at ganoon na rin ang kaniyang pera.
Kumakalam na ang aking sikmura. Gutom na ako. Akala ko uuwi na kami sa mansion kaya laking gulat ko na lang nang huminto ang SUV sa isang restaurant. Pumasok kami roon kasama ang dalawang bodyguards na aming kasama. Napatigil ako sa paglalakad ng may mapansin sa hindi kalayuan. Napangisi ako nang may namuong plano sa isip ko.
"What are you looking at?" tanong ni Kalex. Lumingon ako sa kaniya. I shooked my head.
"Akala ko kakilala ko ang nakita ko kanina. Hindi pala." Sagot ko tsaka nauna nang lumakad papasok sa entrada ng resto. Akala ko kasama naming kakain ang dalawang bodyguards pero hindi. Nakabantay lang sila sa amin mula sa pinto ng restaurant. Hindi ko tuloy maiwasang magpabalik balik ang tingin sa kay Kalex at sa dalawang bodyguards.
"Why are you keep looking at them?" nakakunot-noong tanong niya.
"Hindi mo ba sila papakainin? I think gutom na rin sila." Uminom siya ng tubig.
"Binabayaran ko sila para bantayan tayo hindi para pakainin ko." Napairap ako sa sagot niya. Totoo nga naman binabayaran niya ang mga ito para bantayan kami.
Nagpunas ako ng table napkin sa bibig tsaka tumayo. Napaangat ng tingin sa akin Kalex. Nagtatanong ang mga mata niya.
"Cr lang ako." Paalam ko sa kaniya.
"Wag kang tatagal."
"Okay," sagot ko.
Pinigilan ko ang aking sarili na lumingon habang naglalakad papuntang cr dahil baka mabuko ako. Dumiretso ako ng cr gaya ng aking plano. Mayroong tatlong gripo at limang cubicle. Tinitigan ko maliit na bintana na napansin ko kanina bago pa man kami makapasok dito. Ito talaga ang tinitingnan ko hindi ang kung sino. Sa tingin ko nama'y kasya ako sa bintanang iyon.
Mabilis akong pumasok sa ikaapat na cubicle at tumuntong sa bowl. Iniangat ko ang aking kamay para maabot ang bintana. Nang maabot ko iyon ay tsaka ko naman tinulak ang aking sarili para tuluyang makasampa roon. Ingat na ingat ako sa aking bawat galaw dahil ayokong masugatan. Buong pwersa kong tinulak ang aking sarili para makalabas ng tuluyan ngunit nawalan ako ng balanse kaya derideritso akong nahulog sa kabilang banda. Napangiwi ako ng maramdaman ang kirot sa aking braso na tumusok sa bubog ng mga bote na aking napagbagsakan. Tiningnan ko iyon at maslalong nanlumo ng makitang dumudugo iyon.
Mabilis akong tumayo hindi alintana ang kirot at sakit ng braso. Derideritso ako sa paglakad para hindi maabutan ni Kalex o nang kaniyang mga bodyguards. Naabutan ko ang dalawang nakaunipormeng pulis. Walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kanila para humingi ng tulong.
"Sir, can you please help me?" Lumingon sa akin ang dalawang pulis kaya pinagpatuloy ko ang aking sentimento.
"Someone kidnap me. Can you please help me, so that I can go back to Alta." Sumbong ko. Nagkatinginan silang dalawa at napatigtig muli sa akin. Parang tinitimbang nila kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Hindi ako nagsisinungaling. Mayroon po talagang kumidnap sa akin." I said almost begging to them na paniwalaan nila ako. Akala ko ako pa ang tinitingnan nila pero huli na nang malaman kong nakatitig pala sila sa likuran ko.
"Good Afternoon, Mr. Acuzar." Sabay na bati ng dalawang pulis bago umalis. Napatulala akong napalingon kay Kalex na mariing nakatitig sa akin. Damn!
Halos ba lahat ng tao rito ay kilala siya?
"Are you lost, baby?"
Umangat ang gilid ng kaniyang labi para sa isang ngisi. Inirapan ko siya. At dumiretso ng lakad palayo pero mabilis niyang nahagip ang aking mga kamay.
"Hindi diyan ang tamang daan pauwi ng mansion. Dito sa kabila." Aniya bago ako hinila pabalik ng resto kung saan naghihintay ang kaniyang SUV.
:)