NAPABALIKWAS ako ng bangon pagkagising ko. Agad akong napangiwi ng maramdaman ang kirot sa aking buong katawan. Sa paa, tuhod, baywang at balikat. Inalis ko ang kumot na nakatabon sa aking katawan. Nakasuot na ako ng isang black na oversized t-shirt. Ang haba noon ay sakto lang para sa akin dahil natatabunan noon ang dapat na matabunan sapagkat wala naman akong suot na panloob.
I sighed in relief nang mapagtantong walang nangyaring masama sa akin. Hindi ako ginalaw ng lalaking tumulong sa akin. Hindi rin ako namatay or worst narape ni Vergel Guevarra.
Hanggang ngayo'y puno pa rin ng galit ang aking puso't isipan sa lalaking iyon. I promised to kill him. Kung hindi man, gagawin ko ang lahat maghirap lang siya.
Tumayo ako at paikaikang naglakad palabas ng master cabin. Sariwang hangin, amoy ng dagat at sinag ng papalubog na araw ang bumungad sa akin. Tumatakbo ang yate at hindi ko alam ang direksiyon nito kung saan ang punta. Mangilan ngilan lamang na bundok ang aking natatanaw at tingin ko'y malayo na kami sa Alta.
Nasaan ako at sino ang lalaking tumulong sa akin?
Inikot ko ang aking paningin at nahinto ito sa lalaking prenteng nakatayo hindi kalayuan sa akin. Mataman siyang nakatitig sa aking mukha.
"Are you lost?" sa baritonong boses ay tanong niya.
"Who are you? And where we are?" naniningkit ang mga matang tanong ko.
"I'm Kris Alexandros. And as you can see we are in the middle of the ocean, baby."
Nakocornyhan talaga ako sa mga understatement pero hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil imbes na mainis o maasar sa paraan ng pagtawag niya sa akin ay nagbigay iyon sa akin ng pakiramdam na hindi ko naman mapangalanan. Don't tell me I'm really attracted to this guy? Of course not! And will surely not!
"Saan papunta ang yateng ito?" Gusto ko nang umuwi upang mapaghandaan ang mga bagay na kailangan kong gawin para makaganti sa mag-amang Guevarra. Tiyak ko rin na nag-aalala na sina Jhun at Mommy sa akin.
"Sa Corcuera," tipid niyang sagot. Anong Corcuerang pinagsasabi niya?
"Gusto ko nang umuwi! Ibalik mo muna ako sa Alta!" giik ko.
"No. Sasama ka sa akin sa Corcuera." matigas nitong sabi.
"A-At anong gagawin ko sa lugar na iyon? At bakit ikaw ang nagdedesisyon sa akin, huh?" Galit kong sigaw.
Umigting ang kaniyang panga. "Sasama ka sa akin dahil utang mo sa akin ng iyong buhay. I saved you remember?"
Matalim ko rin siyang tinitigan. Oo nga't siya ang tumulong sa akin sa pag-aagaw buhay ko pero wala siyang karapatan sa mga desisyon ko.
"I don't care if you saved me or not. I want to go home so bring me back to Alta!" I shouted. Nagpupuyos pa rin ang galit sa dibdib. Damn this guy for telling me what to do.
"At ayokong sumama sa iyo sa lugar kung saan mo man gustong pumunta. Maghanap ka ng ibang babaeng pwede mong isama roon!" Dagdag kong sabi sa paraang pasigaw.
"Ikaw ang isasama ko roon at wala kang magagawa kundi ang sumunod sa ayaw mo man o sa gusto." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mas lalo ata akong mapapahamak sa kamay ng lalaking estrangherong ito.
"What are you doing this to me? Wala naman akong natatandaang may atraso ako sa'yo." Hindi ko kilala ang lalaking ito. Maliban sa pangalan niyang sinabi kanina at maliban sa nagkita kami sa cruise ship ng mga Guevarra'y wala na akong alam tungkol sa kaniya.
"You're right. Wala kang atraso sa akin pero meron sa pinsan ko." What? Sinong pinsan?
He said that his name is Kris Alexandros. Wala akong matandaang kaapelyido niya na nagawan ko ng kasalanan. Magtatanong na sana ako nang may lumapit na crew sa aming gawi. Nabitin sa ire ang dapat na itatanong ko.
"Mr. Acuzar, labinlimang minuto na lang po ay makadadaong na tayo sa Corcuera. Ipapahanda ko na po ba ang inyong masasakyan pabalik ng mansion?" Napasinghap ako.
Tumango si Kris bilang sagot habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Tumango rin ang crew. Nakuha agad ang gusto ng kausap. Isang tingin ang binigay niya sa akin bago siya tumalikod at naglakad paalis.
"Acuzar?" nakakunot ang noo kong tanong.
Umangat ang gilid ng kanilang labi. "I'm Kris Alexandros Acuzar," pakumpirma nito. Namilog ang aking mata sa pagkamangha.
I knew him. Nabasa ko sa diyaryo ang tungkol sa kaniya month ago. He's the only son of Jamaica and business tycoon Lawrence Acuzar! A model, playboy and multi-millionaire. At the age of 25 he is much more like his father, a business monster. He's a family oriented man, willing to do anything for his family.
Napaungol ako ng maisip na pinsan nga pala siya ni Jennifer Acuzar. Ang babaeng sinampal ko sa canteen!
"Fiancee ni Jenny si Vergel Guevarra and they expecting to marry this coming December pero sa ibang kadahilanan ay pinakacancelled ni Vergel ang kasal. Jennifer doesn't know the reason why Vergel cancelled their weddings, that's why she decided to investigate Vergel only to find out that he is lustfully in love with you."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Nanginginig pa rin sa galit sa mga Guevarra. Sariwa pa rin sa isip ko ang ginawang kapangahasan ni Vergel kagabi. Hanggang ngayon ramdam ko pa ang sakit ng aking braso.
"Because of that Jenny becomes very vulnerable. Mas tumindi ang galit niya sa'yo nang sampalin mo siya sa harap ng maraming tao sa school n'yo."
"I'm just defending my mother kaya ko siya nasampal." Sabi ko. Hindi niya iyon pinansin.
"She wanted me to kill you, you know." mariin niyang sabi. Hindi ko alam kung tinatakot niya lang ba ako o ano? Bigla kong nahigit ang aking paghinga.
"So, mas pabor pala sa'yo na yate mo ang napuntahan ko kagabi." mapakla kong tugon.
Tadhana nga naman. Mapaglaro talaga. Buong akala ko nakatakas na ako sa mga mapagsamantala at mamatay na tao pero hindi pala. I stucked to someone who are more powerful and dangerous than Guevarra.
"Yes, dahil hindi na ako mag-aaksaya ng pera para dukutin ka. You're not worth spending much money, anyway." painsulto niyang sambit. Hatred is evident in his dark black eyes.
Hindi ko alam kung bakit siya ang galit na galit sa akin. Dahil lang ba sa pagsampal ko sa pinsan niya? O, dahil sa sinabi niyang may pagnanasa sa aking ang finacee ni Jenny? Bakit sa akin sila nagagalit? Hindi ba dapat ay kay Vergel sila magalit dahil wala naman akong ginagawa para mapansin lang ng isang rapist. Sa kaisipang iyon ay gumuhit ang galit sa aking sistema. Bakit ako ang pinahihirapan gayong inosente ako at walang kinalaman sa kanila?
"At bakit hindi mo pa ako patayin ngayon? Bakit kailangan mo pa akong dalhin sa lugar na sinasabi mo?" sigaw ko sa kaniya.
He smirked. "Darating tayo d'yan. Wag kang mag-alala but for now rest assured na hindi kita sasaktan dahil may kailangan pa ako sa'yo."
Umismid ako. Wala naman siyang mapapala sa akin. Hindi ako ganoon kayaman para kidnapin niya upang makakuha ng malaking halaga. At hindi siya ang tipo ng lalaking mangkikidnap para lang sa pera. Don't tell me, gusto niya akong maging bed partner? Nanlaki ang aking mata sa naiisip. Hell no! Over my dead body!
"I would never allow myself to be your bed partner!" matatag kong tugon. Pinapangunahan na siya sa gusto niyang mangyari.
Napakunot noo siya then he chuckled to my surprised! Then he stopped. Naglakad siya palapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa maramdaman kong wala na akong maaatrasan. Linapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga.
"I will never allow you sa my bed partner neither. Hindi ako katulad ni Vergel Guevarra na sa kaunting pakita lang ng balat ay nagkakandarapa nang maikama ka. And I don't like girl like you who I know that you've been kissed and fuck to countless times."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Lumayo siya sa akin ng ilang pulgada at ngumisi. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko iyon magawa dahil sa talim ng mga mata niyang nakatitig sa akin.
"I-I..." nabitin sa ire ang mga salitang gusto kong sabihin at iparating sa kaniya. So, he assumed that I've been touched by different guys? So be it! He's opinion doesn't matters anyway.
"Can't defend yourself because reality hits you?" mapanuya nitong sabi. Tinitigan ko siya ng mariin.
"Ayokong magsalita dahil useless lang rin naman. Hindi mo lang din naman ako papakinggan. And your opinion doesn't matters anyway. Kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng laway o oras na magpaliwanag sa'yo." I fired back.
Mariin niya akong tinitigan at hindi ako nagpatalo sa kaniya. Tinitigan ko rin siya pabalik. Biglang huminto ang yate na aming sinasakyan.
"Nandito na po tayo sa Corcuera, Sir. Hinihintay na po kayo sa baba ng inyong assistant." Pagbibigay impormasyon ng crew.
"Pakibaba na ang aking gamit sa sasakyan, Gilbert." Utos niya rito nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Masusunod po," Nakita kong naglakad papasok sa loob ang crew at bumaba rin kaagad na may dalang malaking travel bag. Una akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at sinundan ng tingin ang crew pababa.
"You like him?" Matalim nitong tanong sa akin. Napakunot-noo ako kaya lumingon ulit ako sa kaniya.
"What?" taka kong tanong.
"You like Gilbert?" balik niya ulit tanong sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kapag ba tinitingnan ko ang isang tao ay gusto ko na agad?
Naningkit ang mga mata ko. "Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin Mr. Acuzar kaya nasasabi mong gusto ko kaagad ang isang taong dalawang beses ko lang ata nakita at hindi ko pa alam ni pangalan?"
Nagkibit siya ng balikat. Pagak akong natawa. Hindi makapaniwala sa lalaking ito.
"Siguro nga gusto ko siya. He's very obedient and gentle. Not someone like you, you know."
His jaw clenched. "If I not that gentle baka nakahubad ka pa rin sa ngayon o hindi kaya kinain na ng pating sa dagat." He fired back.
Alam ko ang nais niyang iparating pero nagbungol bungolan lang ako. He doesn't deserve my thank you pero naguguilty naman ako. Pagbalibaliktarin ko man ang sitwasyon dapat akong magpasalamat sa kaniya dahil kahit papaano ay natulungan niya ako.
"You doesn't deserve this word but thank you." mahina kong sabi. Nakita ko ang pagkagulat niya na sinundan ng pagngisi pagkatapos. Hindi siya nagsalita at bumuntong hininga lang.
Tumalikod siya at naglakad na paalis. "Sumunod ka sa akin." Utos niya.
Bumuntong hininga ako tsaka tumingin sa dagat. Hindi ko kayang lumangoy sa lagay ko at wala sa isip ko ang lumangoy para lang makatakas sa Kris Alexandros na ito. Mas mabuting mag-ipon muna ako ng kunting lakas upang makapagplano ng maigi kung papano ako makakatakas sa lugar na ito. Paika-ika akong sumunod sa kaniya.
Nasa baba na siya nang lingunin niya ako. Nakita niya sigurong nahihirapan akong maglakad kaya naman bumalik siya palapit sa akin.
"What?" mataray kong tanong ng makalapit siyang muli sa akin. Hindi siya nagsalita at walang sabi niya akong hinawakan sa magkabila kong baywang at sinampay sa kaniyang balikat.
"Put me down!" sigaw ko habang nagpumiglas sa kaniya.
"No! Kapag hindi ka tumigil kakapalag huhubaran kita at ipapasok sa SUV ng nakahubad." He warned.
Bigla akong natigil sa pagpalag kahit na naninikip ang dibdib ko sa galit dahil sa kaniya.
"Jerk." I hissed.
Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon o hindi. Pinasok niya ako sa loob ng SUV at marahas na pinaupo sa harap ng kaniyang inuupuan. Bumagsak ako sa upuan at kusang naangat ang aking suot na t-shirt hanggang sa aking baywang.
Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa mukha ni Kris ang sensitibong parte ng aking katawan na namamagitan sa aking hita. Mabilis kong binaba ang aking suot na t-shirt.
"W-What?" Puno ng galit at pagkapahiyang sabi ko. Hindi siya umimik. Tinaas niya ang kaniyang ulo at mariing pumikit.
"You've been with so many women before that this doesn't shock you at all, huh?"
Napatitig siya sa aking bigla. His dark eyes really keep mysterious to me.
Unti unti siyang lumapit sa akin. Hanggang sa kakarampot na pulgada na lamang ang layo niya. Ramdam ko ang mainit niyang paghinga sa aking pisngi. Bumaba ang tingin niya sa aking labi ng ilang segundo tsaka niya binalik ang tingin sa aking mga mata.
Bigla akong kinabahan. Gumalaw siya at tinabingi ng kaunti ang kaniyang mukha. Ngayon ramdam ko na ang kaniyang mainit na hininga sa aking labi. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng excitement all of the sudden. Damn!
Isang galaw niya pa'y mahahalikan niya na ako. Napapikit ako ng gumalaw siyang muli. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi ko sa pisngi niya. Bigla akong napamulat. May inaabot siyang kung ano sa likuran ko! At nang maabot iyon ay bumalik na ulit siya sa pagkakaupo hawak ang kulay puting tuwalya. Tinapon niya iyon sa iyon sa akin. Saktong tumama sa aking kandungan.
"Cover your legs. I don't want to see it." Nakapikit niyang sabi habang nakasandal sa upuan. Wala sa sariling ginawa ko ang kaniyang sinabi. Umandar ang SUV kapagdaka. Walang namutawing salita sa aming dalawa. Kinasaya ko iyon dahil mapupunta lang sa pagtatalo ang lahat kung mag-uusap kami. Wala pa naman siyang sense kausap.
Tinuon ko na lamang ang aking atensiyon sa nagkikislapang mga ilaw na aming nadaraanan. Makalipas ang ilang sandali, hindi pa rin tumitigil ang SUV. Napalingon ako sa lalaking kaharap. Mukhang himbing na siyang natutulog. Biglang kumalam ang aking tiyan. Wala sa sariling napahawak ako roon. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga. Matagal pa ba kaming babiyahe? Nagugutom na ako.
"Jaime," nagmulat ng mata si Kris at agad na napatingin sa akin. "Meron bang tayong madadaanang restaurant o foodchain sa daan?" he asked.
Hindi ko alam kung gutom lang din siya o napansin niyang gutom ako. "Nakalampas na tayo sa restaurant, Sir. Jollibee na lang po ang madadaanan nating foodchain."
"Are you okay with that?" tinutukoy ay ang Jollibee. Mabilis akong tumango. Choosy pa ba ako? Kahit ano kakainin ko ngayong pang gutom na gutom ako.
"Ihinto mo doon. We are going to eat." deklara nito.
"Yes, sir." Si Jaime. Ngumuso ako para maitago ang ngisi sa aking labi. He's very attentive. I think his girlfriend is very lucky to have him. May kaarogantehan nga siyang tinatago but I think he's not that bad as Vergel or Cong Guevarra. Kasi hindi ako magiging ganito kakomportable sa aking inuupuan kung mapanganib nga talaga siyang tao.
Really, Mischa? He's going to kill you remember?
I sighed nang maisip ang sinabi niya kanina. Tama ang aking naisip. Hindi dapat ako nagpapakita ng karupukan sa lalaking ito. At maslalong hindi ako dapat ipakita na komportable ako sa kaniya. Alam kong gagawin niya iyong dahilan para makuha ang gustong makuha sa akin. Sa ngayon, wala akong pwedeng pagkatiwalaan kundi ang aking sarili. Malay ko bang si Vergel o Cong Guevarra pala ang naghihintay sa amin sa mansion na sinasabi niya.
Hindi ako pwedeng magpabaya. Kailangan kong maghanda sa kung anumang pwedeng mangyari. Umikot ang SUV at huminto sa parking lot ng Jollibee.
Tumingin sa akin si Kris. "Anong gusto mong ioorder?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Hindi mo ako isasama?" Mariin niya akong tinitigan sa mukha tsaka bumaba ang tingin niya sa aking dibdib at bumaba pa hanggang sa parte ng katawan ko kung saan may tuwalyang nakatabon. Napamura ako sa aking isipan. I'm so stupid to asked that kind of question.
"Do you think papayagan kitang lumabas na walang suot na panloob?" seryoso niyang sabi habang nakatitig na ulit sa aking mukha.
"Anong gusto mong pagkain?" tanong niya ulit.
"Kahit ano," mabilis kong sagot. Tumango siya.
"Okay. Just wait here." aniya. Hinila ni Kris ang pinto at lumabas doon. Sinandal ko ang aking buong katawan sa malambot na upuan pagkalabas niya at tsaka pumikit. For now, I'm going to act like nothings happen. Kailangan ko iyong gawin para kahit papaano'y mabuhay ng walang pag-aalinlangan habang bumubuo ng plano para mapabagsak ang mga Guevarra. At habang nasa kamay ako ni Kris Alexandros, kailangan kong pantayan ang lahat ng ginagawa niyang kabutihan sa akin para hindi ako magkaroon ng maraming utang na loob sa kaniya.
Nagmulat ako ng mata nang bumukas ang pinto ilang minuto matapos niyang makalabas. Pumasok doon si Kris at may inabot na pagkain sa akin. Kinuha ko iyon. Nag-umpisa na uli kaming bumiyahe.
"Kumain ka na," hindi iyon statement kundi utos. Bucket meal ang kaniyang binili. Linapag ko sa tabi ng aking upuan ang coke at binuksan ang pagkain. Hinanap ko ang kutsara at tinidor pero wala akong makita.
"Any problem?" taka niyang tanong.
"Walang kutsara at tinidor ang meal na binili mo." deklara ko.
"Use your hands." Utos niya. Napairap ako. May magagawa pa ba ako? Gaya ng sabi niya wala akong nagawa kundi ang magkamay. Wala namang kaso sa akin iyon dahil sanay naman ako roon. Una kong linantakan ang chicken joy at gravy. Nakakalahati ko na iyon ng mapansing walang ginagawa ang kaharap ko kundi ang titigan lang ako habang kumakain.
Tumikhim ako at uminom ng coke. "Hindi ka bumili ng pagkain mo." mahina kong komento.
"I'm not hungry." Aniya.
"So, bakit pa tayo dumaan sa Jollibee?" taka kong tanong.
"Dahil napansin kong gutom ka na," sagot niya. Natigil ako sa pagkain at napatingin sa kaniya. Nakangisi na siya ngayon.
"'Yan ang gusto mong marinig na sabihin ko, right? Sorry but that's not totally the case. Naririndi lang kasi ako sa tunog ng tiyan mo. Hindi magandang pakinggan." Hindi ko alam kung amusement ba iyong narinig ko sa tono niya.
Kaysa sagutin siya ng balabal, isang nakakamatay na irap ang binigay ko sa kaniya.
:)