Chereads / BETWEEN WORLDS / Chapter 12 - PRESENT WORLD: Love Angles

Chapter 12 - PRESENT WORLD: Love Angles

"do you like that fool?"

Napaisip naman ang dalaga kung bakit bigla na lang niya iyong itinanong sa kanya. As if naman na may pakialam ito sa buhay niya. Saka wala naman ding masama kung magustuhan niya ang kapatid nito dahil kung tutuusin, hindi rin naman ito mahirap magustuhan.

"don't you dare not to answer me" sabi ng binata.

"if I like him, would you also stop me for liking him?"

He smirked.

Tumayo ito at nilapitan ang dalaga. Iniangat naman ng dalaga ang kanyang mukha ng bahagya dahil medyo matangkad si Drayce.

"well, I won't stop you for liking him because I know na someone like you wouldn't even have a chance na magustuhan ng kapatid ko" then he smiled mockingly.

Because of what he said, feeling ng dalaga na sobra siyang minaliit ng binata. She can't even believe na sasabihin niya iyon ng harap-harapan not thinking kung masasaktan ba siya.

Bumuntong hininga na lang siya saka nagsimula nang maglakad.

"Huwag ka nang umasa yaya. Isang hamak na katulong ka lang naman"

Napatigil sa paglalakad si Avyanna at hinarap ang binata.

"Hindi ka mamumuhay ng ganyan katiwasay kung wala ang kagaya namin... kaya huwag mo kaming minamaliit. Everyone's existence has its own purpose, tandaan mo iyan" she said.

"then tell me, sino ka ba talaga Ms. Avyanna?" he suddenly asked.

Kaya biglang sumagi sa isipan ng dalaga na baka nakakahalata na ito sa pagkatao niya and hindi ito maganda. As much as possible kasi, gusto niyang mawala ang pagdududa ng dalawa sa kanya without needing to tell them her true identity para hindi siya mahirapan sa kanyang mission. Iniisip niya kasing magiging madali na lang ang lahat kapag nagustuhan na siya ng kakambal nito (thinking na he's Drayce Sebastian) kasi willing naman siyang magsacrifice for the sake of her world.

"di ba ikaw na ang nagsabi na isa lang akong hamak na katulong? bakit mo ako ulit tinatanong?"

Hindi na nakapagsalita pa ang binata. Kaya bumalik na ang dalaga sa kwarto niya. She tried to sleep pero mas lalo siyang hindi nakatulog.

Tumatak sa isipan niya ang sinabi ng binata na she has no chance na magustuhan ng kapatid.

"I'll prove you wrong punk" she mumbled.

-----------

Kagigising lang ni Drayce. Bumaba na siya para magkape at lumanghap ng sariwang hangin sa veranda nila.

But he was shocked ng makita ang masasarap na pagkain sa lamesa pagpunta niya sa kusina. He was about to taste some of it ng pigilan siya ng kakambal.

"get your hands off me" he said to Drake.

"are you sure that you want to eat these? kasi ako hindi" sabi ni Drake kasi hindi niya pa rin makakalimutan 'yung c.r incident dahil sa niluto ni Avyanna.

"your opinion doesn't matter" walang pake namang sabi ni Drayce. Umupo na siya sa chair at sinimulan nang kainin ang hinanda ng dalaga.

"bahala ka, basta ako.. I already warned you. W_wait....hey!"

Nagulat naman si Drayce sa biglaang pagtaas ng boses ng kapatid. Tiningnan niya kung sino ang tinatawag niya.

Its Avyanna.

Nakastretchy crop tank top ito kaya medyo kita ang navel ng dalaga na dinagdagan pa ng pagkahighlight nito sa magandang hubog ng kanyang katawan, tapos nakajogger shorts din siya kaya kitang-kita din ang kanyang milky-like legs na tila nagniningning sa mga mata ng dalawang magkapatid.

"saan ka ba pupunta? w_why are you wearing those?" tanong ni Drake while glancing with Drayce.

He's really acting weird this time since mga lalaki sila and kilala niya si Drayce pagdating sa mga ganyan. He's just trying to be conservative para sa dalaga.

"magjo-jogging lang Master total maaga pa naman po eh. And tapos ko na po kayong lutuan ng food kaya kumain na kayo" then she smiled, 'yung ngiting halos mababaliw ka dahil sa pinagsamang cuteness and charm nito.

She's really pretty lalo na kapag nakangiti kaya mas lalong hindi mapakali ang binata.

"magpalit ka kaya ng suot mo, b_baka kasi malamigan ka at...ubuhin ka at..... s_sipunin, tama..." he said trying to find reasons para maconvince ang dalaga.

"ah, don't worry po Master, nagtake na po ako ng antihistamines with decongestants kaya I'm fine"

"aish! doctor ka ba't kung anu-ano na lang gamot ang binabanggit mo? saka, you don't need to wear something like that lalo na't magjojogging ka sa labas" he said na tumataas na naman ang kanyang boses.

"Master, dito lang naman po ako sa malawak niyong lupa magjo-jogging kaya huwag po kayong mag-alala, walang ibang makakakita nito kundi ikaw lang....saka....yung...suplado mong kakambal" she said na medyo mahina na sa last part na iyon.

Napataas naman ang kilay ng binata dahil dito.

However, tiningnan lang siya ni Drayce while eating breakfast. He looks unbothered sa suot ng dalaga unlike kay Drake na over nang makapagreact making his twin brother to think na maybe, he's really starting to like her.

Lumabas na ang dalaga para makapagjogging na but Drake is still murmuring.

On the other hand, masaya naman ang dalaga dahil nagwork ang plan niyang iprove sa kakambal ng binata na mali siya ng inaakalang she has no chance na magustuhan ng kapatid. And that's her mission kaya hindi rin siya papayag na mawalang kabuluhan na lang ang pagpunta niya sa mundo nila.

Ipinagpatuloy pa ng dalaga ang mga paraan niya to make Drake freak out more.

After jogging....

Lumipas ang isang oras, she took her shower and lumabas siya sa kanyang kwarto na nakapulupot lang ang towel sa kanyang katawan.

Nanlaki ang mata ni Drake dito at napapikit silang magkakapatid ng di oras.

"Avyanna, please.." Drake freak out.

She smiled.

"Pumasok ka na doon sa loob at magbihis" he said habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.

"magdadasal ba kayo't nakayuko kayo at nakapikit?" Avyanna said teasing them.

"hey!... huwag kang makulit. I can't talk to you na nakaganyan ka" he said.

Napangiti naman ang dalaga dahil dito. Mas naappreciate niya tuloy ang pagiging gentleman ng binata.

"ah...may kukunin lang ako saglit then I'll be back in my room" tapos dumiretso na ang dalaga sa kitchen and after nun, pumasok na ulit siya sa kwarto niya.

Doon lang nakahinga ng maluwag ang dalawa. Pati si Drayce ay nastress na, since hindi siya nasanay na may kasama silang babae sa bahay. He didn't even had a girlfriend kaya awkward din para sa kanya ang mga ganoong pangyayari.

"That crazy girl, hindi niya ba naiisip ang future niya? hindi naman siya bulag para hindi niya makita na may dalawang lalaki dito sa mansion...aish!" ginulu-gulo ni Drake ang kanyang buhok dahil sa sakit ng ulo sa dalaga.

Drayce just sighed.

He was just so speechless kasi he's not expecting na magiging immediate ang action ng dalaga sa mga sinabi niya kagabi. Now, mas naliwanagan na siyang his brother really likes her.

Napangiti siya ng bahagya dahil dito, kasi mawawalan na siya ng kaagaw kay Mikaela.

Ilang saglit lang ang lumipas, agad siyang napabalikwas sa kanyang inuupuan.

"What's the matter?" tanong ni Drake sa kanya.

He didn't answered at dumiretso na agad siya sa c.r nila sa baba.

"tsk. sinasabi ko na nga ba eh. Ayaw niya kasing maniwala sa akin" mahinang sabi ni Drake sa sarili.

Then, Avyanna suddenly popped out on his mind na nakatowel lang. Because of it, sinampal-sampal niya ang kanyang sarili.

"That girl" he sighed.

Kasi kapag hindi talaga siya nakapagpigil, baka anong magawa niya sa dalaga kaya nag-iingat din siya as a guy.

After a minute, may biglang nagdoorbell.

Agad naman siyang pumunta sa pinto nila to know kung sino ang andoon.

Its Mikaela again.

---------------

Nakapagbihis na si Avyanna kaya minabuti na niyang lumabas sa kwarto niya. She can't stop smiling kasi nagwork ang mga plans niya.

And mas lalo niyang natipuhan ang binata dahil sa cute reactions nito sa mga ginawa niya. He's like a shy type person na hindi mapigilang magworry sa babaeng kagaya niya.

Halos lumundag-lundag na siya habang nilalakad niya ang living room. Pero nagtaka siya dahil hindi na mahagilap ng mga mata niya ang binata. Inilibot niya ang kanyang paningin sa napakalaking bahay pero she failed to see him.

She decided na mag-umpisa na lang sa kanyang trabaho at punasan ang malalaking bintana ng mansion. When she started wiping the glass window, doon lang niya napansin si Drake at Mikaela.

Nasa labas sila at tila masayang nag-uusap.

That moment, nakaramdam ng pagseselos ang dalaga. Iniisip niyang siya dapat ang nasa kinatatayuan ng dalaga ngayon. She's jealous din kasi sobrang saya din ng binata while talking to her. 'Yung ngiting parang abot tenga.

Sakto namang kalalabas lang ni Drayce ng banyo. Himas niya pa rin ang tiyan and now, sobrang inis niya dahil wala na siyang ibang masisisi kundi ang dalaga na nagluto ng kinain niya kanina.

"gusto mo ba akong lasunin?" sabi niya nang makita si Avyanna malapit sa glass window.

Ngunit hindi siya pinansin nito. Bigla siyang nacurious dahil halatang may pinagmamasdan ito sa labas.

Quietly, mas lumapit siya sa dalaga at nakiusisyoso na rin sa kanya. Sakto naman na pagtingin niya, niyayakap na ni Mikaela si Drake.

"tss. I told you, you will never have a chance with my twin brother" he said coldly kasi hindi rin siya nasiyahan sa mga nakita.

Doon lang nahimasmasan ang dalaga. Doon lang niya napansin ang presence ni Drayce sa likuran niya.

"she looks perfect, she has everything a guy should want..... that's why I'm telling you, you cannot win against her"

"no. you're wrong.... you're totally wrong"

Habang sinasabi ito ng dalaga, napansin naman ng binata ang expression ng mukha nito. Halatang nasasaktan siya sa mga nakita.

Balak pa sana nitong pagalitan si Avyanna dahil sa pagsama ng tiyan niya ngunit nagbago na ang isip niya because of what he saw. Napalitan din kasi ng pain sa puso niya ang inis na kanyang nararamdaman kanina lalo na ng makita niya si Mikaela na kayakap ang kakambal niya. He really liked her simula pa noong una and its one of the reason kung bakit hindi siya nage-entertain ng mga babae. And he's patiently waiting for her hoping that he would have a chance in her heart.

Pero meroon na talagang nagmamay-ari sa puso nito. At ang taong iyon ay walang iba kundi ang twin brother niya.

"Hindi ako susuko...he'll be mine" she said.

Tahimik na lang nilang pinagmasdan ang mga sandaling iyon hanggang sa pumasok na ang dalawa.

"Di ba you told me na ipapasyal mo ako sa isang place na hindi ko pa napupuntahan?" Mikaela said habang nakapulupot ang kanyang kamay sa braso ng binata.

Napaisip naman si Drake kung kailan niya iyon sinabi.

"Sinabi mo iyon dati after you confessed your feelings to me" she smiled.

Those conversations made both of them (Avyanna and Drayce) felt more jealous. Hindi naman din maikakailang nagkaroon sila ng same fortune pagdating sa matter na iyon. Nagmistula silang extras between sa lovestory ng dalawa.

Drayce tried to cover up his pain kaya he came up with an idea. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Avyanna na siya namang ikinagulat nito.

Nag-eemote pa ang dalaga that time when he gently held her hand at hinila siya papalayo sa dalawa. She didn't understand why he did it but for some reasons, hindi na siya nagoppose pa. Dahil na rin sa mga nakita, naisip niyang mas makabubuti na ring gawin ang bagay na iyon. For a moment, mas makabubuting takasan muna ang mga sandaling iyon.

In the corner of their house....

Ibinaba ni Drayce ang kamay na hawak nito. Humarap siya at tiningnan ang dalaga.

Hindi naman naging komportable ang dalaga sa mga tingin na iyon.

"b_bakit po?"

"tss. you really liked my brother but you didn't even try to do something kanina" he said habang nakapamulsa pa.

"honestly.....hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin to really win his heart"

"I told you, wala ka talagang panama kay Mikaela" he said.

"did you bring me here just to tell me that? Ilang ulit mo na iyong sinabi sa akin ah"

"I'm just telling the truth yaya" then he smirked.

"akala ko pa naman, icoconsole mo ako..hmp, kainis ka talaga kahit kailan" she murmured.

"ah...yaya, can you get us some soft drinks?" Drake said nang makita niya si Drayce at Avyanna na seryosong nag-uusap.

Halata naman ding ayaw niyang nag-uusap ang dalawa kaya he made a way para maitigil ito.

Sinunod naman ng dalaga ang utos ng binata kaya silang dalawa na lang ni Drayce ang naiwan sa sulok.

"I thought you're with Mikaela" Drayce said kahit alam na niya ang reason why bigla na lang siyang sumulpot.

"hindi mo ba nakitang inutusan ko si yaya na kumuha siya ng soft drinks?" Drake said trying to hide his real emotion, yung emotion na nagseselos siya that moment.

"you can just shout, iyon naman ang lagi mong ginagawa sa mga dati nating yaya di ba? so why need to effort na puntahan pa siya dito" Drayce trying to get on his nerves.

But Drake remained calm. Ayaw niyang magtalo ulit sila lalo na't nasa mansion nila si Mikaela.

"people do change" he just said. Seryoso pa rin siya this time.

"huwag kang masyadong maging seryoso...I'm just asking, alam ko namang gusto mo si Mikaela right? and hindi mo siya sasaktan"

(a moment of silence)

"we're just friends"

Nagulat si Drayce sa sinabi nito.

"I liked her when we were in high school but its all different now"

Iniisip ni Drake na sabihin ang totoo niyang nararamdaman patungkol kay Mikaela and he's sincere about it. Yung pagkagusto niya sa dalaga ay mananatiling kahapon na lamang. Kaya he's hoping na it will serve as a hint sa twin brother niya na, iba na ang gusto niya at layuan na niya si Avyanna.

"seriously?"

Hindi na siya umimik pa at umalis na siya.

"that fool." Drayce reacted. Hindi rin kasi siya makapaniwala sa mga sinabi ng kapatid niya.