Chereads / BETWEEN WORLDS / Chapter 11 - PRESENT WORLD: Twin's Presence 2

Chapter 11 - PRESENT WORLD: Twin's Presence 2

Maganda sana ang ihip ng hangin sa labas kaso tila nag-iba ito ng dumating si Drayce.

"anong ginagawa mo dito?" nakaekis na naman ang kilay nito nang makita niya ang dalaga.

"sabi ko na kasing umuwi ka na lang eh" bulong naman ni Drake sa kanya.

"gusto lang naman kitang makita dito saka nacurious lang naman ako sa company na pinapasukan mo" she explained.

Naintindihan naman ito ni Drake ang kaso, hindi ito nagustuhan ni Drayce.

"I can't believe na someone like you ay pagala-gala lang dito" Drayce added while glaring at her.

"p_pasensya na po" she said nervously.

Then she tried na umalis na at sundin na lang ang sinabi ni Drake pero hinigit siya sa braso nito.

"huwag kang bastos at kinakausap pa kita" iritang sabi niya.

"Hey, bitawan mo siya" Drake tried to stop him dahil pansin niyang nasasaktan na si Avyanna.

"huwag kang makialam dito!" he said.

Dahil sa lakas ng boses nito, pinagtitinginan na sila ng mga tao sa labas.

"don't say that, ako ang nagpatuloy sa kanya sa mansion kaya mas may karapatan akong sabihin iyan"

Pero imbis na makinig ang kanyang kakambal sa sinabi nito, hinila niya ang dalaga somewhere.

"please let me go sir, nasasaktan na po ako" pagmamakaawa ng dalaga dahil masyado nang mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"Di ba gusto mong paswelduhin ka ng maayos?"

Hindi na makasagot pa ang dalaga dahil nanginginig na siya sa takot. Hindi niya maimagine na ang ang mukhang anghel na binata ay may ugaling kabaliktaran nito.

"ano ba? are you dumb?!! sumagot ka!"

She nodded pero this time umiiyak na si Avyanna.

Hindi na nakapagpigil pa si Drake dahil dito. Drayce won't listen kaya naisipan niyang suntukin na lang ito sa mukha para tumigil na siya.

Nagdugo ang labi nito because of what he did.

And Drayce can't even believe na gagawin iyon ni Drake to him over that girl. Tiningnan niya ito ng masama.

"Are you okay?" worried namang nilapitan ni Drake si Avyanna.

Patuloy pa rin ang paghikbi ng dalaga this time.

"halika na...." Drake decided na pauwiin na siya so he held her hand at dahan-dahan na silang naglakad papalayo sa kanyang twin brother.

This time, para siyang nagsilbing knight in shining armor ng dalaga. Gumaan naman ang loob nito habang kasama siyang nilalakad ang daanan.

She wiped her tears and looked at him sincerely.

"thank you Master" mahinang sabi niya.

Napangiti naman ang binata dahil dito.

"don't thank me, ang pangit mo kasi kapag umiiyak ka" birong sabi niya.

Di na lang pinansin ng dalaga ang sinabi nito since alam naman niyang he meant to help her against his twin brother. Despite na napaiyak siya nung kakambal ni Drake, she feels happy kasi kasama niya ang binata habang hawak nito ang kanyang kamay.

Ilang saglit pa ng paglalakad, nagpara na ng taxi si Drake.

"doon ka na muna sa mansion and don't worry I'll be back naman ng mas maaga mamaya, okay lang ba iyon?" he said bago pumasok ang dalaga sa loob.

"huwag ka nang mag-alala, I'm fine. Kasalanan ko rin naman kasi pakalat-kalat ako sa labas." she said.

Hindi na lang umimik pa ang binata kasi alam naman niyang mali talaga ang ginawa ni Drayce. He has no right na sigaw-sigawan at saktan ang dalaga.

This time, he just waved his hands at bumalik na sa office niya. He feels proud dahil sa ginawa niya kanina.

And now, he's still thinking about sa pagpapasalamat ni Avyanna sa kanya.

"sir, pinapatawag po kayo ng Chairman" sabi ng secretary niya.

He sighed.

After nang kanina, alam na niya ang reason why his dad called him.

Tumayo na siya sa kanyang swiveling chair at sumunod na kay Aldrich.

(Chairman's office)

Naabutan niya si Drayce na nakaupo na sa sofa habang kaharap ang kanilang daddy.

Tiningnan lang siya nito habang papalapit ang binata sa Chairman.

"pinatawag niyo daw po ako" he said.

Without saying anything, tumayo ang matanda at sinapok ang binata sa kanyang mukha.

Nagdurugo na rin ang labi nito dahil sa ginawa ng daddy niya sa kanya.

Napapikit siya this time, he needs to calm down. He's expecting it anyway to happen kaya he's controlling his emotions this time.

"you deserve it more fool" then pinagpag niya ang kanyang nagusot na damit before umupo ulit.

Humarap siya sa kanyang kakambal na tahimik lang nanonood sa nangyari.

"ano, masaya ka na?" he asked him.

Iniangat lang nito ang kanyang mukha sa kanya. Napakamao naman si Drake dahil dito, naiinis kasi siyang tingnan ang emotionless face ni Drayce.

Since they were young, lagi niyang nakikita ang kakambal na pinapanood lang siyang saktan ng kanilang daddy. Not even once, wala siyang naalalang nagtanong ito kung okay lang ba siya? may masakit ba sa kanya?

He just maintained his emotionless face until now. Kung noon, iniintindi niyang its because they were just kids pero now? napapatanong talaga siya sa kanyang sarili kung bakit ganon siya.

"hanggang kailan ka ba magmamature Drake? tell me...." his dad asked him na mas lalong nagpainis sa kanya.

"tss. gusto mong malaman kung kailan? kapag natutunan mo na akong pahalagahan over my twin brother!!" tapos agad na siyang lumabas sa office na iyon.

He needed to breathe some fresh air. Gusto niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Nasabi na niya ang gusto niyang sabihin so he thinks na enough na iyon sa ngayon.

Nagpunta na lang siya sa garden area ng building. Umupo siya sa may bench at ninamnam ang sinag ng araw. Nararamdaman rin niya ang pagdampi ng hangin sa kanyang balat.

Pumikit siya at sinubukang kalimutan ang nangyari kanina.

He will be fine.

Iyon ang paulit-ulit niyang inisip hanggang sa matapos ang mga sandaling iyon.

--------------

Sa mansion...

Maagang umuwi ang binata tulad ng ipinangako nito kay Avyanna.

Hinanap niya ang dalaga sa loob ng mansion until nakarinig siya ng isang napakagandang boses. Lumapit siya kung saan ito naroroon at dahan-dahang nagmasid sa kumakanta.

Si Avyanna.

Masaya siyang nagkukuskos ng mga kaldero habang buong puso niyang kinakanta ang nakakaantig damdaming lyrics.

Hindi siya familiar sa melody pero masarap itong pakinggan sa tenga.

Pinakinggan lang niya ang dalaga hanggang sa matapos ito.

(he clapped)

Agad na napalingon si Avyanna dahil hindi niya alam na kanina pa nakatayo ang binata sa likuran niya.

"ah...Master, sorry kung medyo maingay ako" she said na medyo nahihiya pa.

Nilapitan lang niya ang dalaga tapos pinitik ito sa noo.

"aray! bakit mo iyon ginawa?" kunot-noong tanong nito.

"iyan.. bumabalik ka na sa dating ikaw. Mas gusto ko iyan" then Drake smiled.

"hay naku, gutom ka na naman ba at naisipan mo na naman akong asarin?"

"eh kanina ka pa kasi Master ng Master eh.. okay lang tawagin mo ako ng ganon kapag nandito ang kapatid ko" sabi ng binata.

Saka lang napansin ng dalaga ang nangyari sa labi ng binata.

"anong nangyari dyan?" then she accidentally touched it.

"ouch!"

"so_sorry...dahil ba iyan sa kakambal mo?Masyadong naman din kasi siyang mainitin ang ulo" she said.

"I told you, masanay ka na doon. Ganon talaga ang ugali nun" he said while touching his lips gently. His worried kasi na baka magdugo ulit ito.

"masakit ba? gusto mong gamutin natin?"

"no, its okay. Don't worry." he said para di na magworry ang dalaga.

"kainis talaga ang Drake na iyon, hmp! hula ko, hindi pa iyon nagkakagirlfriend" sabi naman ng dalaga habang patuloy na siya sa kanyang ginagawa.

"bah, ang galing mong maghula ah" Drake said.

"sabi ko na nga ba eh, kasi wala naman talagang babae ang magtatagal sa ganoong klaseng ugali na meroon siya" sabi naman ng dalaga.

"sa bagay, may point ka rin naman."

"saka lagi siyang nakasimangot, sinasayang lang niya ang handsome face niya"

"hmm..well, atin-atin lang ito huh, hindi naman siya ganyan eh kapag kasama niya si Mikaela"

Nang marinig ng dalaga ang tungkol doon, medyo nagulat siya.

"bakit?" nagulat din si Drake sa reaction nito.

"so you mean, may gusto rin siya kay Mikaela?"

Napaisip bigla si Drake. Nawaglit na naman sa isipan niyang he's pretending na siya si Drayce.

"ah....actually.....ako ang may gusto kay Mikaela" sinabi na lang niya since totoo rin namang may gusto si Drayce kay Mikaela.

(a moment of silence)

"then prove it to me" tapos daling ibinaba ng dalaga ang kanyang hawak at hinarap ang binata.

"h_hey, di ko gusto ang tingin na iyan." Drake said tapos bahagya siyang umatras papalayo sa dalaga.

"prove it to me nga kung nagsasabi ka ng totoo sa akin" Avyanna said.

"h_how can I prove it to you?"

"hubarin mo ang long sleeves mo" she said.

"Aish! umaandar na naman ang pagkamanyak mo. Bahala ka dyan" then nagsimula na siyang lumakad papuntang living room.

"eh...may titingnan lang kasi ako" sinundan niya naman ang binata.

"ano ba kasing gusto mong tingnan?"

She sighed. She decided na sabihin sa binata ang small details na nalalaman niya patungkol kay Drayce.

"gusto kong makita ang birthmark mo sa iyong upper left abdomen"

Napaisip saglit ang binata.

How did she know about it? Not unless, may nangyari na sa kanila ng kakambal niya kasi hindi naman iyon malalaman ng dalaga kung hindi niya mismo nakita ang katawan ni Drayce..

"hey! umamin ka nga, paano mo nalaman ang tungkol doon?"

"b_basta, I need to see it right now para ma-assure kong ikaw nga si Drayce"

Mas lalo tuloy'ng lumakas ang kutob ni Drake na baka nga may nangyari na sa kanila ng kakambal niya. And she's here kasi....

"buntis ka ba? at.....ako ang ama?" he said to know if magiging tatay na si Drayce.

Dahil sa tanong nito, nahampas siya ni Avyanna.

"anong buntis? porque nagtanong lang ng birthmark buntis agad? eh ano pa kaya kung tinanong ko ang birth month or birth year mo"

Napahinga ng malalim si Drake. Mali pala siya ng iniisip.

"eh bakit ba kasi gusto mo pang masiguro na ako si Drayce? Hindi mo ba kami makikilala kung hindi mo makikita ang sinasabi mo?"

Hindi umimik ang dalaga. Nag-iisip rin kasi ito ng isasagot sa binata. Ayaw niya rin kasing makahalata ito sa tunay na pakay niya why she's at their house. Nagkaroon tuloy siya ng kaonting pagsisisi kasi sinabi niya ang patungkol sa bagay na iyon.

"of course, makikilala ko kayo. Sa ugali pa lang eh. Saka....."

Napapikit ang dalaga saglit.

She's thinking of something to say kasi para hindi na siya kulitin ng binata tungkol dito. Ngunit medyo nakakahiya rin kasi sa part niya ang idea na iyon.

But she has no choice, baka magtanong at magtanong lang ang binata patungkol dito.

Kaya...

"saka....gusto ko lang talagang makita ang katawan mo, ginagawa ko lang excuse ang birthmark mo"

Nang sabihin iyon ng dalaga, pinagpawisan siya bigla dahil sobrang hiya niya sa kanyang mga sinabi. She never told that kind of thing sa mga lalaki. And she hopes na it would work sa binata.

"aha! sinasabi ko nga bang may pagnanasa ka sa katawan ko huh? kaya pala gustung-gusto mong hubaran ako huh?" Drake said habang yakap ang sarili.

Despite the embarrassment, medyo natanggal ang worries niya dahil kumagat ang binata sa palusot nito.

"ano, hindi ka na makapagsalita noh"

"ugh." tapos dali nang siyang lumayo kay Drake. Namumula na ang pisngi niya dahil sa mga pangyayari.

Paulit-ulit niyang niremind sa kanyang sarili na nakakahiya talaga ang mga sinabi niya kanina.

---------------

Time check: 1:00 a.m

Hindi pa rin makatulog ang dalaga dahil sa mga nangyari kanina. Ginulu-gulo niya ang kanyang buhok at bumangon sa kanyang higaan.

Naisipan niyang pumunta na lang muna ng kusina para uminom ng malamig na tubig.

Pagdating niya doon, may naaninagan siyang nakaupo malapit sa lamesa. Nakapatay kasi ang ilaw kaya medyo nakaramdam siya ng takot.

May multo kaya sa mansion ng mga Sebastian?

Agad siyang lumapit sa switch ng ilaw at binuksan ito.

"sir?" nasabi niya nang makita si Drayce na nakaupo lang sa chair at magulo ang buhok. Nakasando na siya this time and suot niya ang kanyang eyeglasses since katatapos lang rin niyang pirmahan ang mga papers na kailangan ng company bukas.

"b_bakit hindi niyo po binubuksan ang ilaw?" pagtatakang tanong ng dalaga since hindi pa rin nawawala ang nerbyos niya sa mga nakita kanina.

"I like it when its dark" he said while looking at her.

"creepy" bulong naman ng dalaga sa sarili.

This time, nagdadalawang isip na siyang uminom ng tubig since nandoon ang binata.

"here" Drayce said nang kunin ang pitcher sa ref at baso sa gilid.

"t_thank you" she decided na uminom na lang. Lumapit siya dito at nilagyan ang baso ng malamig na tubig.

"I'm just curious about you" bigla namang sabi ng binata sa kanya.

(a moment of silence)

Ininom na lang ng dalaga ang nasa baso niya.

"do you like that fool?"

Halos mabulunan siya ng bigla iyong itanong ni Drayce. Alam niya kasi na ang tinutukoy nito ay ang twin brother niya.