Chapter 4 - End of Chapter

"SIR! Sir!" Aniya ng boses na naririnig niya. "Gumising na ho kayo!" Dagdag rinig niya pa.

Napamulat siya. Naaninag niya ang isang pares ng mata sa kanyang harapan. Nakasuot ito ng protective equipment sa buong katawan. Napagtanto niya nasa hospital pa rin siya at panaginip lang lahat nang 'yon. Ang pagkamatay ni Rod at ang Dad niya na kausap niya sa phone. Napaangat siya ng tingin sa lalaking nurse.

"Y-Yung kasama ko?" Nag-aalalang sambit niya. Nang maalala niya si Rod.

"Nasa facility siya, Sir. Umiiyak ka habang natutulog kaya ginising kita" Ani ng nurse.

Agad niyang kinapa yung pisnge niya. Naramdaman niyang basa ito kung kaya't agaran ang pagpunas niya rito.

"Sir, umaga na. Hindi pa ba kayo uuwi? H'wag kayo mag-alala kami na bahalang mag-asikaso sa kasama niyo." Hirit pa nito.

"S-Salamat!" Usal niya.

"You're welcome and keep safe, Sir!" Aniya ng nurse bago siya iwan nito.

Saglit pa siyang napatulala bago niya napagpasyahan umuwi.

PAGKAUWI niya sa bahay nakaramdam agad siya ng gutom ngunit wala siyang gana kumain lalo pa't nag-aalala siya sa kalagayan ngayon ni Rod. Naupo siya sa sofa nang sumagi sa isip niya yung napanaginipan niya.

"Sana naman hindi 'yon totoo." Aniya sa kawalan at bumuntong hininga.

Nang makalipas ang tatlong araw may natanggap siyang tawag galing sa hospital. Positive sa covid-19 si Rod at siya naman ay negative ngunit kailangan niyang magself quarantine ng 14days dahil may nakasalumuha siyang positive patients. Tila Deja vú ang nangyari. Ngunit ang kaibihan nga lang di niya magawang tawagan ang Ama niya dahil sa abala ito sa pagtulong sa kanilang lungsod.

Bigla niya naalala si Rod noong gabing nagpapaalam ito. Kung Paano niya ito sinabihan na wag siya iwan nito. Hindi niya mawari kung bakit niya 'yon sinabi. Ang pinagpapasadiyos na lamang niya na sana'y magawa nitong labanan ang sakit. Lalo pa't sobra siyang nag-aalala ngayon dahil may iba pang sakit si Rod. Gusto man niya dalawin si Rod ngunit alam niyang hindi pwede.

After 14days of self quarantine. Nakatanggap ulit siya ng tawag galing sa hospital na pinagdalhan niya kay Rod. Ngunit hindi doctor o nurse ang nakausap niya. Kung di ay Si Rod.

"R-Rex, ako 'to si Rod." Pakilala nang nasa kabilang linya.

"Rod? K-Kumusta ka? Anong lagay mo diyan?" Alalang-alala na tanong niya.

"Heto, malapit ng bumigay. Rex, I love you until I die." Aniya sa nahihirapan bigkas ng kausap niya sa phone.

Nakaramdam siya ng panghihina sa linya ni Rod na nagbibigay sa kanya ng takot. "Hindi ka pwede mawala!" Angil niya. Magsisimula nang mangilid ang mga luha niya. "H-Hindi... Huwag mo ko iiwan, Rod! Nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan." Pahina nang pahinang usal niya. Ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib dahil halos pigil ang kanyang pag-iyak.

"May magbabago ba kung sakaling gumaling ako? Wala na 'kong mauuwian, Rex. Wala na kong mga pamilya."

"Pamilya tayo, Rod." Turan niya. "Hindi ko kayang mawala ka. Please... Kayanin mo. Labanan mo!" Pagsusumamo niya. Halos gusto na niyang lumuhod sa kinatatayuan niya ngunit batid niyang hindi siya nito makikita.

"Naks, nararamdaman kong umihip yata ang panahon?" Birong rinig niya kay Rod mula sa kabilang linya. Kaya saglit siyang napangiti. "Rex, para sa'yo lalaban ako. Hinding-hindi ko papakuin ang pangako ko sa'yo."

"Good," Nakangiting tugon niya. "Maghihintay ako hanggang sa gumaling ka."

"Binigyan mo ko nang lakas ng loob eh!" Biro pa nito. "Oh, siya ibababa ko na 'to. Sinadya ko pang makiusap sa kanila para tawagan at kausapin ka. Salamat mahal kong, Rex. I miss you at mag-iingat ka lagi!" Sabay end nito ng call.

Matapos niya marinig ang mga sinabi ni Rod ay tila hinaplos ang kanyang puso. Nawala ang paninikip ng dibdib niya at pangamba para kay Rod, ngunit naro'n pa rin yung pag-aalala niya. Aaminin rin niyang namimiss na niya ito at gustong-gusto na niya ito makasama. Handa siyang maghintay ng matagal basta't mabalitaan niyang gumaling ito ay masaya na siya.

NAGDAAN ang isang buwan. Nakatanggap ulit siya ng tawag mula sa hospital. Nabalitaan niya na gumaling na si Rod sa sakit nito at makakauwi na. Labis ang galak ng kanyang puso dahil do'n. Sa wakas ay makakasama na niya muli si Rod.

Habang naghahanda siya ng pagkain para sa pagbabalik ni Rod. Nakarinig siya ng katok. Mabilis siyang nagtungo sa pintuan upang pagbuksan kung sino 'yon. Laking gulat niyang si Rod pala 'yon. Tuwa agad ang naramdaman niya sa mga oras na 'yon at hindi na niya napigilan pang yakapin ito nang makita niya. Sobra niya kasing namiss ito.

"R-Rex, hindi ako makahinga." Ani Rod sa pagitan ng yakapan nila.

"Sorry," nahihiyang kumalas siya sa yakap. "Hindi ko lang mapigilan." Dagdag niya pa.

Nakita niyang ngumiti si Rod. "Wala sakin 'yon. Namiss kita ng sobra, Rex!" Masayang wika nito.

"Me too." Nakangiting tugon niya. "Welcome come back!"

"Thank you!" Aniya ni Rod.

"Halika, tuloy ka sa bahay!" Alok niya rito. Mahinang hinampas naman siya ni Rod Sa braso.

"Para kang sira!" Natatawang usal nito. Kung Kaya't pati siya ay natawa na rin.

Inalalayan niya si Rod papunta sa kwarto nito dahilan para magtaka ito sa kinikilos niya.

"Rex.." Tawag pansin sa kanya ni Rod.

"Hmm.." Aniya.

"Pansin ko hindi ka naman ganyan?" Biglaan seryosong tanong nito.

Huminga siya ng malalim. "Ang totoo niyan. Nag-aalala pa rin ako sa'yo, I mean sa kalagayan mo."

"Wala ka dapat ipag-alala," umiiling na sambit nito. "Dahil nasa maayos naman na akong kalagayan!" Dagdag pa nito.

"Kailangan mong magpahinga. May sakit ka sa puso sabi ng doctor, tama ba?" May pag-aalalang tanong niya.

Hindi agad nakaimik si Rod. Sa halip yumuko lang ito tsaka nag-angat ulit ng tingin.

"S-Sorry nagsinungaling ako. Sinabi ko lang 'yon sa'yo para--" Hindi na niya pinagpatuloy pa ang sasabihin nito sa halip hinalikan niya ito sa labi.

"Okay lang," Aniya. "Hindi ako magagalit. Naiintindihan kita."

"Bakit mo ko hinalikan?" Gulat na sambit ng kaharap niya.

"Hindi pa ba obvious? Nagugustuhan na kita, Rod. Nakakatuwa nga lang dahil kinain ko yung mga sinabi ko sa'yo dati na hindi ako papatol sa kapwa ko!" Paliwanag niya.

"Ibig sabihin.." Tila di makapaniwalang usal nito. "Gosh!"

"Kahit ano pa sabihin ng mga nakamata satin, ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Mahal kita Rod!"

"OhMyGhad!" Kinikilig na sabi ni Rod. "Mahal na mahal din kita, Rex!"

Napangiti siya sa tugon nito kung kaya't niyakap niya ito.

"Love you until I die. Hanggang sa kabilang mundo, ikaw lang Rex!" Ani Rod.

Habang lumaganap ang virus sa buong mundo. Pandemya ang naging daan upang makilala ng lubos nina Rex at Rod ang isa't isa. Pandemya rin ang dahilan kung paano nasubukan ang kanilang samahan mula sa galit, sakit, pagpakumbaba, pagtanggap at pagmamahal. Nang dahil sa pandemya nagbago ang pananaw ni Rex sa kanyang buhay.

Hindi dapat hinuhusgahan agad ang pagkatao ng kapwa. Dapat inaalam muna ang dahilan at kung paano ito makakaepekto Sa damdamin ng isang tao. Sa halip unawain at suportahan.

_____

~shitloccah