Heaven's POV
Nung sinuntok ni matt ang kaibigan nya ay bigla nalang akong tumakbo patungo sa aking silid. Nanginginig ako sa takot at hinihingal ako. Hinihika na ako!! Fu*k sh!t! Bigla kong hinanap ang inhaler ko pero wala nasa baba rin ang mga gamot at ang inhaler ko.
Hinang hina na ako nang marinig kong may kumatok. Kahit kinakabahan ako dahil sa nangyari kanina at hirap na hirap na akong huminga. Binuksan ko ang pinto at nakita kong si matt yun at walang pasabing natumba ako at dali dali nya akong sinalo. "M-ma-matt y-ung in-haler k-o paki kuha sa sal-la ple-ase" Kinakapos na ako ng hinunga at dali dali na syang tumayo at pinangko ako pababa. At kinuha niya ang inhaler ko at ibinigay nya sakin at dali-dali ko namang hinigop iyun. Naka lipas ang mahabang minuto ay naka hinga narin ako ng maluwag. At biglang naalala ko nanaman ang nangyari kanina at bigla nalang akong napa iyak. Naramdaman kong niyakap ako ni matt hindi naman ako umangal pa at umiyak sa kanyang dib-dib.. Hindi ko namalayang naka tulog pala ako.
Matthew's POV
Nung nakita ko syang hinang hina at nahihirapang humunga ay parang gusto kong sapakin ang sarili ko. Dahil sa ginawa ni bry mapapatay ko talaga sya!. Nung binuhat ko sya pababa ay nakita kong namumutla na sya hindi ko alam na may asthma pala sya! Bat hindi ko alam? Napaka walang kwenta ko talaga asawa!
Nung naramdaman kong tulog na sya ay hindi ko mapigilang titigan ang maamo nyang mukha. Wala sa sariling hinalikan ko sya sa labi at sabay bulong ng "para ma-disinfect ka dahil hinalikan ka ng kumag na yun!" May pagka irita kong sambit ng maalala ko kong pano nya hinalikan si heaven! "I love you" wala sa sarili kong bulong sa kanya at ipinahiga at kinumutan. "Pasensyan na ah. Nadala lang naman ako ng selos ko dahil nakita kitang may kasamang lalaki kanina. Kaya di kita napag tanggol kay bry. Sorry talaga " puno ng senseridad kong sabi. Sabay halik sa kanyang noo.