Matthew's POV
Hindi ako maka sagot sa mga tanong nya sakin ayaw kong amining mahal ko sya dahil baka hindi kami parihas ng nararamdaman. Baka mapahiya lang ako. Natatakot akong mapunta sya sa iba. Ayaw kong may mag ari sa kanyang iba. "Lumabas kana matt. Baka hindi ako maka pag pigil at masapak kita"
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumabas ng kanyang silid. Naka higa ako sa sofa at nag-iisip, iniisip ko kung kailan ako nag simulang mahulog kay heaven. "Hay! Hindi ko alam kong pano!!" Puno ng frustration kong sabi at ipinikit ko ang aking mga mata, matagal akong naka pikit at hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.
Heaven's POV
Lumabas si matt ng kwarto ko at naka hinga ako ng maayos. "hay! Nakaka inis na talaga sya!!" Bakit hindi nya ako pinag tanggol ng maaga sa lalaking nag ngangalang bry? Wala sa sarili akong napa baling sa pag-kaing dinala ni matt para sakin. Mahabang minuto ko ring tinitigan ang pag-kain at napag disisyonan kong umalis nalang. Wala naman sigurong mag hahanap sakin. Pababa ako ng hagdan dala-dala ang gamit ko na naka lagay sa isang malaking back pack. Nakita kong naka higa sa sofa si matt at naka pikit. Sigurado akong tulog na sya, dahil malalim na ang kanyang pag hinga. Naka labas na ako ng bahay at pumara ako ng taxi. Papunta ako kila Nathan sigurado namang pwedi akong maki tulog kahit isang gabi lang. Eksaktong 6:30 pm na ako naka rating sa bahay nila Nathan. Pinindot ko ang door bell at may bumukas ng gate at si manang andheng iyun. "Ahm... Magandang gabi po Manang andheng" magalang kong bati kay manang andheng.
Matthew's POV
Nagising ako at tiningnan ko ang aking pambisig at napa mura nalang ako ng makita kong 6:30pm na pala. Ang haba ng tulog ko.
Dali-dali akong tumalima at mabilis ang kilos. Nag luto ako ng adobong baboy at nilaga. Inilagay ko iyun sa tray at umakyat ako sa second floor at komatok sa pinto ng kwarto ni heaven. Naka ilang katok na ako pero wala paring bumubukas o nag sasalita sa loob, kaya minabuti ko nang buksan nalang ang pinto at pag bukas ko ay walang tao sa silid at agad-agad akong nag-tungo sa banyo, pag bukas ko ay wala ring tao dun. Dali-dali kong binuksan ang walk-in closet nya, at karamihan ng kanyang damit ay wala roon. "Fuck!" Mas mabilis pa sa alasingko akong lumabas ng bahay dala ang susi ng aking kotse. Nag tungo ako sa bahay ng kanyang nga magulang at wala rin sya dun.
Halos suyurin kuna ang buong syudad pero wala akong nakitang heaven! Tumutulong narin ang kanyang mga magulang sa pag hahanap. Mag dadalawang araw na syang nawawala, hindi nanga ako maka tulog kakahanap sa kanya, pero kahit anong hanap ko ay wala parin.