Chereads / Isang Daang Tula Para Kay Lira / Chapter 1 - Chapter 1: Ang Unang Tula

Isang Daang Tula Para Kay Lira

KingNato
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 24.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Ang Unang Tula

Pinagmamasdan ko noon ang bawat pagpatak ng ulan sa aking harapan habang nakasilong. Inisip ko ang mga bagay-bagay na laging gumugulo sa isip ko. Problema sa paaralan, problema sa pamilya at problema sa pag-ibig. Ang sarap pagmasdan ng ulan ng mga oras na 'yon. Mahuhuli na ako sa klase ko ngunit hindi parin ako umaalis sa aking kinatatayuan kahit na may dala akong payong sa aking bag ng mga oras na 'yon. Hindi ko alam ngunit may nagsasabi sa akin na "mamaya na" kaya naman hindi ako umalis at sa halip ay pinagmasdan ko pa lalo ang ulan. Ilang minuto pa ang nagtagal at nagpasya na akong pumunta sa aking paaralan. Kinuha ko ang aking payong at binuksan ko ito at ng itaas ko naito tila tumigil ang aking mundo sa pagkat nakita ko s'ya. Matamis na ngiti, maningning na mga mata at ang mukha n'ya na hinding hindi ko kayang wag titigan. Sumilong din s'ya sa bubong ng waiting shed na kinatatayuan ko. Muling naudlot ang pag-alis ko dahil gusto kong maghintay kasama at nagbabakasakali rin ako na baka malaman ko ang pangalan n'ya. Habang dumadaan ang bawat minuto pakiramdam ko nagiging isang kilometro and limang talampakang layo n'ya sa akin.

Tatlongpung minuto kaming nakatayo habang pinalilipas ang ulan nang may tumawag sa kan'ya narinig ko sa usapan nila na pinagmamadali na s'ya ng isang lalaki nakausap n'ya sa cellphone. Ilang sandali muna ang lumipas bago may lumabas na salita mula sa bibig ko. Dahil sa tagal ng pananahimik ko natuyuan ako ng laway at nahirapan akong magsalita ngunit nagtagumpay ako na kausapin s'ya. Sinabi ko sa kan'ya na may isa pa akong payong sa bag ko at pwede n'ya itong gamitin kung gusto n'ya. Parang aatakihin ako sa puso ng nakita ko kung gaano s'ya kasaya dahil sa sinabi ko.

Binigay ko sa kan'ya ang isa ko pang payong at nagtanong s'ya kung paano n'ya iyon maibabalik sa akin. Hihingiin ko sana ang pangalan n'ya at kung saan s'ya nakatira para maibalik n'ya yung payong sa akin at para naman alam ko kung paano ko s'ya makikita ulit pero naisip ko wag nalang. Napagtanto ko kasi na hindi sapat ang isang kagaya ko para sa isang angel na kagay nya. Sinabi ko nalang sa kan'ya na ibalik n'ya nalang sakin kapag nagkita kami ulit ng hindi inaasahan. Mabilis s'yang umalis pero para sa imahenasyon ko dahan-dahan lang s'yang umalis. Tumalikod s'ya sa akin at kumaway sabay ngiti.

Pumasok narin ako sa paaralan ng umalis s'ya at hindi s'ya mawala sa isip ko noong nasa paaralan ako at nang umuwi na ako naiisip ko parin ang maganda n'yang mukha at nang kinagabihan nagising ako dahil sa pagpatak ng ulan sa bubong ng aming bahay bigla ko muling naalala ang mga nangyari nung umagang iyon pero hndi ko na masyadong maalala ang mukha n'ya. Pinilit kong alalahanin pero hindi ko magawang matandaan. "Paano ko nagawang makalimutan ang mukhang 'yon?", tanong ko sa sarili ko. Hindi ko na nagawang alalahanin ang wangis n'ya kaya naman sumulat nalang ako ng tula para sa kan'ya. Sa tulang iyon ikwenento ko ang nangyari sa akin at pinamagatan ko itong Ulan. Kinaumagahan dumaan muli ako sa wating shed na 'yon, pero wala s'ya. Ilang araw akong nagpa balik-balik pero ni anino n'ya hindi ko na nakita.