Chereads / Isang Daang Tula Para Kay Lira / Chapter 4 - Chapter 4: Lira at Jack

Chapter 4 - Chapter 4: Lira at Jack

Isang araw pinakisuyuan ako ng aking ina na mamalengke. Natagalan ako sa pamamalengke at nagutom ako kaya naman kumain ako sa isang Fast food chain. Nagulat ako dahil nakita ko si Andrew na may kasamang ibang babae, pinagmasdan ko sila at nakita ko na ang lambing-lambing nila sa isa't-isa kaya naman naisip ko na may ibang babae si Andrew. Nainis ako ng sobra sa nakita ko dahil tila bumalik sa aking alal-ala ang ginawa nga aking itay sa aking inay. Naaalala ko ang aking itay sa katauhan ni Andrew noong mga oras na iyon. Gusto ko s'yang lapitan at suntukin pero hindi ko ginawa dahil wala naman akong karapatan. Mga ilang araw lang matapos mangyari 'yon nakita ko si Andrew at sinubukan ako nitong kausapin at yayaing pumunta sa birthday party ng kapatid n'ya pero tinanggihan ko ito.

Isang gabi nag-post si Andrew sa social media at nalaman ko na nasa ospital ang kapatid n'ya dahil sa sakit na Cancer. Naalala ko yung mga panahong pinagsamahan namin ni Andrew kaya naman kinabukasan pinuntaha ko s'ya sa kanila upang damayan kahit na galit ako sa ginawa n'ya. Kinaumagahan naka salubong ko si Andrew, malunkot s'ya at makikita na puyat at pagod s'ya. Kagagaling n'ya lang pala sa ospital para bantayan ang kapatid n'ya. Niyaya n'ya akong sumama sa kan'ya at sinamahan ko s'ya. Pag dating sa ospital pumunta na kami agad sa kwarto ng kan'yang kapatid at sa labas nakita ko ang ka'yang mga magulang at ang babaeng nakita kong kasama n'ya sa Fast Food. Nagtataka ako kung bakit nandoon ang babaeg iyon at ng lumabas ang doktor mula sa kwarto pumasok sila sa loob at ako naman ay nagpaiwan. Ilang sandali lang lumabas narin ang mga magulang nila at nakita ko na tila magkasundong-magkasundo ang mga magulang ni Andrew kaya naman naisip ko na sana gan'yan din ang mga magulang ko. Sunod na lumabas ang iniisip kong babae ni Andrew. Pinapasok ako ni Andrew sa loob at nagulat ako kung sino ang nasa loob. "Ang Tanga ko" ayan ang sabi ko sa aking sarili dahil nagkamali pala ako. Ang babaeng nakasama kong magpatila ng ulan at ang babaeng inakala kong girlfriend ni Andrew ay ang kapatid n'ya pala. Doon ko nalaman ang pangalan n'ya at doon ko narin naipakilala ang sarili ko sa ka'ya. S'ya Lira, mas bata ng isang taon sa amin ni Andrew at isang grade 11 student. "Jack pala ang pangalan mo" Sabi n'ya sa akin. Di ko alam kung ano na ang susunod kong sasabihin hanggang may kinuha si Lira sa mga gamit n'ya. Ito pala ay ang payong ko. Napagtanto ni Andrew na ang babaeng kwinento ko sa kan'ya ay ang kapatid n'ya.

"Teka muna kaya mo ba pinakuha ang payong na yan sa akin para lang maibalik yan kay Jack?" sabi ni Andrew. "

"Oo, pakiramdam ko lang kasi na makikita ko s'ya ulit ngayon" sagot naman ni Lira

Ngumiti s'ya sa akin at muli parang lumiwanag bigla ang paligid at parang sasabog ang dibdib ko ng makita ko muli ang ngiti n'ya na walang sing sarap pagmasdan. Salamat sa kan'ya dahil muli ko nanamang natatanaw ang araw. Pag kauwi sa bahay kinuha ko muli ang aking papel at ballpen upang isulat ang aking ika-limang tula para kay Lira. Ilang araw pa daw magtatagal si Lira sa ospital kaya naman araw-araw ko s'yang dinadalaw sa ospital at doon na muling nagkakakulay ang mundo ko.