Sampung araw, sampung araw akong paulit-ulit na dumalaw kay Lira at sa sampung araw na iyon nagawa kong sumulat ng siyam na tula para sa kan'ya kaya naman labing apat na tula na ang aking nagawa para kay Lira. Isang beses naiwan ko ang gamit ko sa kwarto n'ya at hindi n'ya sinasadyang makita ang aking mga tula para sa kan'ya. Pagbalik ko ay inabutan ko s'yang binabasa ang mga ito. Tumingin s'ya sa akin at ngumiti. Ang ngiti n'yang 'yon ang pinaka natatanging ngiti na nakita ko simula ng makilala ko s'ya, hindi maitatago na ang ngiting iyon ay may halong kilig. Pinabasa ko ang lahat ng tula sa kan'ya at matapos n'yang mabasa ang mga ito pinuri n'ya ako at sinabi n'ya na nagustuhan n'ya ang mga ito. Sa saya ko nangako ako sa kan'ya na gagawan ko pa s'ya ng kahit ilang tula pa, kahit isang daang tula pa. Tumawa s'ya at sinabi n'yang "sige aasahan ko yan".
Pagkalabas n'ya sa ospital naging malapit pa kami lalo sa isa't-isa. Sinasama nila ako sa bahay nila para manood ng mga paborito n'yang movie, lumalabas diin kami ng kami lang dalawa at minsan isinasama ko rin s'ya sa bahay. Para na nga kaming magkasintahan pero walang label. Ang mga araw na magkasama kami ay puno talaga ng saya. Pagkasama ko s'ya parang lahat ng gumugulo sa isip ko nawawala. Nagkaroon ako ng isa pang dahilan para magpatuloy at magsikap sa buhay. Tinuro n'ya sa akin na maging mapagpasalamat sa mga bagay na nangyayari sa akin. Muli akong nag-aral ng mabuti at pinursigi n'ya akong kumuha ng scholarship noong una ay ayaw ko pa dahil hindi naman ako matalino pero sinabihan n'ya ako na lahat ng bagay nadadaan sa sipag kaya naman tinulungan n'ya akong magreview at sa kabutihang palad isang honor student si Lira kaya naman naging isa s'yang magaling na tutor sa akin. Kahit na nahihiya dahil mas mataas ako ng isang baitang sa kan'ya at ako pa ang kan'yang tinuturuan ay pinilit kong gawin ang lahat upang matuto.
Isang beses habang narereview kami sa bahay namin umulan, dumungaw s'ya sa pinto at pinagmasdan ang ulan ng nakangiti. Lumapit ako sa kan'ya at tinanong n'ya ako kung naaalala ko pa ang araw na 'yon, ang araw kung kaylan ko s'ya unang nakita. Tinabihan ko s'ya at sinabing "oo naman". Bigla s'yang tumahimik at sinabi n'ya na natatakot s'ya, natatakot s'yang iwanan ang mundong ito, natatakot s'ya na hindi na makita ang mga mahal n'ya sa buhay at natatakot din s'ya na iwanan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko naman kasi inaasahang sasabihin n'ya ang mga salitang iyon dahil nawala narin sa isip ko na may sakit nga pala s'ya. Sa sobrang saya kasi ng mga dumaang araw hindi ko naramdaman na problemado s'ya, kaya naman hinahangaan ko talaga ang baabeng ito dahil sa kabila ng lahat matatag parin s'ya at hinihiling ko na sana ganon din ako. Pinilit kong mag-isip ng sasabihin pero hindi ko talaga maisip kung ano ba ang dapat kong sabihin ng mga oras na 'yob kaya naman niyakap ko s'ya at hindi ko man nakita alam kong umiyak s'ya nong mga oras na 'yon. Habang pinagmamasdan ko s'yang lumalabas sa gate namin naramdaman ko ang takot na paano kung bukas hindi ko na s'ya makita.