Chereads / Isang Daang Tula Para Kay Lira / Chapter 3 - Chapter 3: Sila Pala

Chapter 3 - Chapter 3: Sila Pala

Isang araw naglalakad kami ni Andrew papuntang canteen ng may tumawag kay Andrew. Kilala ko ang tinig na yon at hindi ako maaaring magkamali iyon ang tinig ng babaeng iyon, ang babaeng matagal ko nanghinahanap. Paglingon naging sakit ang pagkasabik na nararamdaman ko dahil lumapit sa kan'ya si Andrew at ibinigay ni Andrew ang kan'yang mga dalang gamit na pambabae dito. Pumasok na agad sa isip ko na, sila pala. Ayaw kong masaktan pa lalo kaya naman tumalikod nalang ako at umalis. Hindi namalayan ni Andrew na wala na ako, ipapakilala pa naman sana n'ya ako sa babaen iyon.

Kina gabihan nagmukmok ako sa kwartoi kagaya ng dati kong ginagawa at noong gabing iyon ko rin isinulat ang aking ika-apat na tula. Ito ay isang elihiya para sa aking nasawing puso. Dumaan ang ilang araw na hindi ako nagpapakita kay Andrew. Muli akong bumalik sa dati kong gawain, ang mag mukmok at kaawaan ang sarili ko. Muli kong naramdaman na wala na akong pag-asa, walang kaibigan, walang kasintahan, hiwalay ang mga magulang, at hirap na hirap sa pag-aaral.

Napansin ng aking inay na lagi nanaman akong malungkot. Nagulat ako dahil dati ang akala ko wala sa aking pakialam ang aking ina dahil puro nalang sila away ng aking itay sa telepono at puro nalang din s'ya trabaho. Tinanong n'ya ako kung bakit muli akong bumalik sa pagiging malungkutin. Sinubukan kong magkwento sa kan'ya ngunit hindi ko kaya dahil nasanay ako na malayo ang loob ko sa aking inay. Ilang saglit s'yang naghintay na magsalita ako ngunit ng napagtanto n'ya na hinidi ako magkwekwento ngumiti s'ya ng may halong pagkadismaya at sinabi n'ya sa akin na " geh ayos lang yan" sabay alis pamuntang trabaho. Muntik ko nang maramdaman ang pakiramdam ng may isang inang handang makinig sa akin pero hindi pala, nagkamali pala ako.

Wala naman akong personal na galit sa aking inay hindi ko naman s'ya masisisi kung bakit s'ya nakipaghiwalay sa aking itay. Alam ko na sa paghihiwalay nila ay labis s'yang nasaktan dahil nandoon ako noong araw na iyon, ang araw kung kaylan nagkaroon ng lamat ang pagsasama ng aking mga magulang. Bata pa ako noon ng nahuli ng aking inay na may babae ang aking itay. Naabutan ko silang nagaaway noon sa daan habang ako ay pauwi sa amin at nagtataka ako kung sino ang babaeng kasama ng aking itay at kung bakit galit at umiiyak ang aking inay. Wala akong kaide-ideya kung ano ba ang nangyayari non pero tanda ko ang mga sinabi ni inay kay itay noon " hayop ka!", nagtaka ako dahil hindi naman hayop ang tatay ko, sinabihan n'ya rin si itay na "ang sama-sama mo " at "mangloloko ka" kaya naisip ko baka kriminal si itay. Habang sinisigawan s'ya ni inay ay napalingon sa aking kinatatayuan ang aking itay at nagulat ito, kaya napatingin din sa akin ang aking inay. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at ng akmang kukunin na ako ng aking itay ay hinablot ako ng aking inay at napatingin ako sa aking inay ng pumatak sa aking mukha ang kanyang luha. Pinag-agawan nila ako at pinapili. Sa murang pag-iisip hindi ko dapat dinanas ang ganong klase ng sitwasyon, pero isa lang ang alam ko non ang inay ko ang umiiyak kaya naman s'ya ang nasaktan at sa kan'ya ako dapat sumama.

Magmula ng araw na 'yon hindi na umuwi si itay ng bahay. Noong una laging nagpapadala ng sustento ang aking itay ngunit ng nagkaroon na s'ya ng mga anak sa kan'yang pangalawang kinakasama ay bibihira nalang s'ya magpadala kaya naman kumayod si inay para matustusan ang aking pangangailangan doon na s'ya nawalan ng oras sa akin at doon ko narin naramdaman na mag-isa nalang ako. Kaya naman kung tatanungin na may galit ba ako sa aking ina wala ang isasagot ko pero may tampo ako sa kan'ya, kung galit man ako sa isang tao yun ay sa aking ama.