Chapter 7 - Capítulo cinco

Halos lumipas na ang buong araw at mabibilang na rin siguro ang oras na nakaupo ako sa kaliwang-gilid ng kama habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang ginawa nila sa akin. Going beyond the extent through killing me? Siguro nga kailangan ko na talagang kalimutan na pamilya ko sila, they didn't even become one since birth.

Paulit-ulit ko pa ring naaalala lahat ng ginawa nila sa akin. I couldn't even explain how ruthless the punishments were given to me kahit wala naman talaga akong ginagawang masama. From their eyes, I was just a huge mistake, a burden hard to handle. My existence was just nothing but an existence, no less no more.

We might exist but we actually have no worth for others. Mapapaisip ka na lang talaga kung may nagmamahal ba sa'yo o talagang wala.

Sa ngayon, 'yon ang palagi kong naiisip. Can you blame me if that's how I really feel? I feel like I am not even worthy to be loved. Kung nandito lang sana si mom, I don't have to suffer like this. Siguradong hindi niya hahayaang maranasan ko ang ganitong buhay. She was the one and only person who made me feel loved. Except her, wala ng iba pang nagmamahal sa akin kundi ang tanging sarili ko na lamang.

While I was still out of the blue unleashing those deeper thoughts, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ngunit hindi 'yon naging dahilan para matigilan ako sa pag-iisip. I just don't know what to do now. Kung tatakas ba ako o dito na muna ako and wait for them to release me?

I sighed for a moment. Please help me to decide.

"Miss Gale, buong araw na po kayong hindi kumakain. Sana po ay kumain na kayo ng hapunan dahil hindi po magandang nalilipasan ng gutom, lalo na't hindi pa tuluyang gumagaling ang sugat ninyo," napatingin naman ako sa likuran nang magsalita ang isang babae.

May hawak-hawak itong tray na puno ng pagkain at ipinatong 'yon sa bedside table bago humarap sa akin. Dahil doon ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

Halatang bata pa lamang siya dahil sa itsura nito. Nakakaamo rin ang kanyang mukha. She seems to be very much respectable lady of an upper-class servant wearing a black dress and a white apron, especially with some sort of a white head band on her head. She's totally cute. Parang gusto ko siyang maging kapatid.

Napansin niya ang pagtitig ko sa kanya which is why from there, I came to realize that she felt uncomfortable kaya bahagya itong napayuko, "A-ang ibig ko pong sabihin, h-hindi niyo rin po kasi ginalaw ang pananghalian na inihatid ko kanina. Buong umaga rin po kayong tulog kaya hindi ko na kayo dinalhan ng almusal dahil baka ayaw niyong maabala sa pagtulog," napatingin ako sa isa pang tray na kaninang tanghali pa nakalagay sa lamesa lalo na't tinignan niya 'yon at ibinalik ang tingin sa akin.

"Kumain na po kayo, Miss Gale. Hindi po gugustuhin ng buong pamilya na may mangyaring hindi maganda sa inyo habang nandito kayo sa poder nila," sa paraan ng pagtingin niya sa akin at bahagyang pagyuko, naramdaman ko ang pag-aalala niya dahil na rin sa tono ng pananalita nito. Kusa namang nagsalubong ang kilay ko.

Do captors care for their captives? I don't think so.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba kaya nga nila ako dinala dito dahil may plano sila? Bakit naman sila mag-aalala sa kalagayan ko?"

"P-pasensya na po kung hindi ko masasagot ang tanong niyo dahil hindi ko rin alam. Alam ko naman po na hindi maganda ang pagtingin niyo sa pamilyang 'to pero halos dito na rin ako lumaki. Kung ano man po ang iniisip ninyo tungkol sa kanila, nagkakamali po kayo. Hinding-hindi nila kayo sasaktan ng walang sapat na dahilan," pahayag pa niya. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong isipin dahil sa ngayon, magkahalong gulo at takot ang nararamdaman ko dahil hindi ko talaga alam kung anong balak nilang gawin sa akin. Wala akong ideya kung ano ang kahahantungan ko sa pananatili sa lugar na 'to.

"Kung ganon, pwede ko bang itanong kung anong pangalan mo?" sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.

"Tawagin niyo po akong Blue. Lumaki po ako na ito ang naging tahanan ko. Ang sabi po kasi ni Senyora, natagpuan nila akong pakalat-kalat sa kalye kaya kinuha nila ako at inalagaan. Ang paninilbihan ko po sa kanila ang tanging kabayaran ko sa pagiging mabuti nila sa akin. Hindi nila ako kaanu-ano pero pinakain nila ako at binigyan ng matutulugan. Katulad po ninyo, tinanong din nila ang pangalan ko pero kahit ako, hindi ko rin alam hanggang sa blue na po ang ipinangalan nila sa akin," unti-unti naman itong ngumiti na lumitaw rin pati sa mga mata niya.

"Blue?" tanong ko ulit na ikinatango nito. Unti-unti akong napangiti dahil doon lalo na nang makita ko ang nakakahawang ngiti niya. Hindi ko alam pero pagkakita ko pa lang sa ngiti niya, napangiti na rin ako. I find it really odd. Is this her influence? Or charm?

"Blue? What a cute name," wala sa sariling saad ko. Ang masasabi ko lang, halatang mas bata siya sa akin but it's just obvious na masaya siyang naninilbihan sa lugar na 'to. I hope makayanan ko ring maging masaya at kontento katulad niya.

"Kaya sana po kumain na kayo. Gustuhin ko mang samahan kayo pero kailangan ko na pong umalis," sambit nito na ikinatango ko na lang.

Kinuha niya ang isang tray na hindi ko pa nagagalaw magmula kaninang tanghali bago niya tinahak ang daan papalabas ng kwarto. Bigla namang nawala ang ngiti ko dahil mapapaligiran nanaman ako ng katahimikan. Hindi ko alam kung paano ko papalipasin ang oras ng mabilis kahit walang ginagawa.

Bumalik ang tingin ko sa pagkain na inihatid niya. Tumayo ako para lumapit doon at kumain katulad ng hiling ni Blue. Hindi ko pa man natitikman, alam ko ng masarap dahil sa amoy pa lang nito.

There's a cheese pasta, bowl of soup, beef brocolli and acai berry juice...pero iba ang hinahanap ng mata ko sa ngayon hanggang sa muling bumukas ang pintuan kaya napatingin ako roon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon at sa pangatlong pagkakataon, my eyes met his dark and deadly eyes again. Halatang kakagaling lang nito sa trabaho dahil sa pormal nitong suot but why the hell did he come here? Seryoso at diretso ang tingin niya habang papalapit sa akin, "I've been told that you haven't yet eaten. Are you perhaps trying to kill yourself in hunger, Miss Serenity?" tanong nito hanggang sa bigla akong makaramdam ng pagkabalisa.

"W-wala akong gana," mabilis akong umiwas ng tingin.

"Is that a valid reason?" tanong niya pabalik kaya napatingin ako sa kanya. Still, there were no changes in his eyes.

"Should it be?" I seriously asked. Why am I this speechless? Muli nanamang umuurong ang dila ko.

"Of course, especially when it concerns your health," bigla na lang akong nakaramdam ng kaba nang sabihin niya 'yon dahilan para wala akong maisip na maisagot pa sa kanya. Natigilan siya sa mismong harapan ko kaya unti-unti akong napayuko.

"The problem may either be because you don't want to eat or you don't want the food served in front of you," lumipat ang tingin niya sa pagkain at ibinalik sa akin habang kasalukuyan siyang nakatayo sa harapan ko, "Is there something in your mind that will make your stomach crave for food?" tanong pa niya.

Hindi ko alam kung anong dapat na isagot dahil ang alam ko lang ay hindi ako nagugutom at wala akong ganang kumain. Umiling na lang ako bilang sagot, "How did you know that they were going to kill me?" wala sa sarili kong tanong dahil isa ito sa mga bagay na gusto kong malaman.

As much as I want to ask lots of questions, hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. I think this is the only and right opportunity for me to ask about it.

Unti-unti akong tumingala para tignan siya, "You are not in the right position to question me."

"Would you help me escape? Katulad ng ginawa mo date?" tanong ko nang may pagbabakasakali. They may not hurt me pero ayaw kong nakakulong ako sa iisang lugar. Minsan ko nang naramdam ang ganito sa mga kamay ni Philip, almost five years akong nakatali sa poder niya.

I wasn't able to enjoy my teenage life because of his obsession and selfishness.

"Once this family desires, this family will have. We don't want to be a burden in your pain so don't ever try to escape if you don't want to feel much more pain, Serenity. I'm warning you," walang pagbabago ngunit halatang may pagbabanta sa mga sinabi niya.

"But you are already a burden to my pain. I am just useless," pahayag ko.

"You are not here if you are useless. Think wisely," muli akong natahimik dahil sa sinabi niya. Am I really that useful to your plans? Bakit ako pa?

"Too bad that you have everything but you don't even have anything, Serenity." Tila mabilis na nagbadyang tumulo ang mga luha ko dahil sa inihayag niya. Tinalikuran niya ako at naglakad ngunit bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ay muli siyang tumigil at tumingin sa gilid nito. Mabilis na tumulo ang luha ko na agaran ko ring pinunasan.

Hindi ko alam ngunit parang isang saksak na tagos sa puso ang sinabi niya. He hit me directly. His words made that tear come out. He knows everything about me, ano pa ang hindi niya alam? I guess, nothing.

"Follow me," saad nito na diretsong lumabas kaya sinunod ko na lang ang gusto niya kahit na may nagproprotesta sa kaloob-looban ko. Pagkalabas ko ay katulad pa rin ng kahapon, mayroon pa ring mga nagbabantay sa bawat sulok ng mansyon na. Hindi ko lang talaga alam kung bakit kailangan pa nila ng armas na nakasabit sa katawan nila. Those guns make them scarier and horrifying.

I don't have a single idea why he asked me to follow him but I knew na wala rin namang sense kung itatanong ko pa. Too obvious that no one is even interested to answer all of my questions kaya bakit pa ako magsasayang ng laway na hanapin ang sagot sa kanila? Kasalukuyan siyang nasa unahan ko habang nakasunod naman ako sa likuran niya.

Bigla akong napaatras nang mapansin kong natigilan siya sa paglalakad nang aktong pababa na siya ng hagdanan. Nakatitig siya sa may pintuan ng mansyon na kasalukuyang binuksan ng dalawang maid papunta sa magkabilang-gilid. Natigilan din ako sa paglalakad at napatingin sa parehong direksyon.

May isang itim na kotse na halos kakarating lang at binuksan ng isang armadong lalaki ang pintuan nito. Mula dito ay lumabas ang isang napakagandang babae.

She was wearing a gold dress, golden high heels and gold accessories covering almost her whole body. Her hair was tied up in a ponytail kaya kitang-kita ko rin ang naglalakihang hikaw nito na kulay ginto. The man held her hand para alalayan siya sa paglabas ng kotse kaya nakita ko ang itsura niya. No man could ever reject nor deny that sparkling beauty from her direction. Kahit sino, mababaliw na makita ang isang katulad niya.

Napatingin naman ako sa likuran nito nang lumabas din ang isang batang babae mula sa sasakyan. She's not dressed in gold but just in a simple way as a child. She might already be three years old. But the question is, sino sila?

Ibinalik ko ang tingin sa kasama ko na diretso pa rin ang tingin sa dalawa. Nothing changed from the seriousness of his face. Parang wala siyang nakita. Seriously? Lalaki ba siya?

Nag-umpisa na itong maglakad pababa ng hagdanan habang papasok naman ang babae na ngayon ay hawak-hawak na sa isang kamay ang batang babae na kasama niya. Katulad ng sinabi niya, sumunod ako sa pagbaba niya pero natigilan ako sa gitna ng hagdanan nang tuluyan itong makababa sa dulo. Sakto naman ang paglapit sa kanya ng dalawa. Hinarapan ng babae ang bata at bahagyang yumuko para tapatan ito, "Greet your daddy, baby," pahayag niya dito na ikinakunot ng aking noo.

"Madam Olivia," saad ng lalaki sapat na upang marinig ng lahat at matigilan sa kung anuman ang ginagawa nila. I don't even know his name basta ang alam ko lang, 'Master' ang tawag ng lahat sa kanya.

Mabilis namang lumapit si 'Madam Olivia' sa kanila habang diretso pa rin ang tinginan ng dalawa. I mean this master and the beautiful lady. Tila nagsasaksakan sila ng tingin.

"Master," saad ni Madam Olivia nang makalapit siya sa gilid nito at bahagyang yumuko.

"Bring Melody in her room," hinawakan ni Madam Olivia ang isang kamay ng bata at sinunod ang gusto ng lalaki.

Umakyat sila kaya nang makasalubong ko ang dalawa ay bahagya akong napayuko at napatabi. Ibinalik ko ang tingin sa dalawa na ngayon ay matalim ang tinginan sa isa't-isa, "Where have you been, Erin?" tanong ng lalaki.

Ipinagtaka ko na lang nang matawa ang babae na parang hindi ito makapaniwala, "Really? Instead of being concern to your daughter, that's what you're going to ask me?"

"Why would I need to ask that if I could see that Melody is all fine?"

"Seriously, Ali?! Kahit minsan iparamdam mo rin naman sa amin ng anak mo na may halaga kami sa'yo!" sigaw nito na mas lalong nakapagpatahimik sa buong paligid. Nagtitinginan na rin lahat ng nakabantay sa buong mansyon pati ang mga maid. Pero ang nakakapagtaka lang, wala pa ring pagbabago sa itsura ng master nila kahit na halatang maiiyak na ang kausap niyang babae.

"We've been providing everything you need, Erin. Isn't it enough to show both of you that I really care?"

"No! Because you only care about your work! Sabihin mo nga sa akin, kailan ka nagkaroon ng oras sa amin?!" tinapatan pa ni Erin ang lalaki hanggang sa may tumulong luha mula sa mga mata niya, "I saved a lot of time for you and you know that, Erin. Don't forget that you were the one who didn't have time for us," natahimik naman ang babae dahil sa isinagot nito sa kanya. Nilagpasan siya ng lalaki at nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Erin. Mabilis niya ring pinunasan ang mga luha niya.

What am I supposed to do now? Babalik na ba ako sa kwarto o susunod pa rin ako sa kanya?

"I heard we have a guest," aktong babalik na ako sa kwarto ay natigilan naman ako at napatingin kay Erin na ngayon ay nakatingin na sa akin magmula sa baba. Natigilan rin ang lalaking 'yon sa paglalakad habang nakatalikod sa kanya. Tinignan ni Erin ang asawa nito at alam kong tama ang hinala ko dahil sa paraan ng pag-uusap nila.

"Hindi man tayo madalas na magkita but I know your every move, Ali," dagdag pa niya na ngumiti ng masama.

"You just got home pero bakit hindi ka pa rin nakakapagpalit ng damit? Galing ka na sa taas hindi ba? You were supposed to have a shower or greet your mom right after you got home, my dear husband," ibinalik naman nito ang tingin niya sa akin na ikinasalubong ng kilay ko. Ano bang ibig niyang palabasin?

Tinignan nito ang kwarto ko mula sa ibaba kaya napatingin din ako roon at napansing bahagyang nakabukas ang pintuan. Doon ko na lang din napagtanto na napakat*nga ko talaga at bakit hindi ko 'yon nagawang maisara kanina. Alam ko na kung anong nasa isip ni Erin ngayon.

"Sa ibang kwarto ka pumasok, Ali?" ibinalik ko ang tingin kay Erin na ngayon ay nagkibit-balikat at pinagtaasan ako ng kilay.

What the hell is happening?

"You're right. I went to her room first right after I got home," bigla namang nag-iba ang ekspresyon ni Erin dahil sa isinagot ng asawa niya na hanggang ngayon ay ipinagtataka ko pa rin. Is that really a big deal for the both of them?

"Why so confident telling me about it?" hindi makapaniwalang tanong ni Erin habang masama ang tingin sa akin.

"Because I did nothing wrong."

"But for me it was all wrong. Entering another woman's room is totally wrong— "

"Enough with your nonsense reasons and your out of place jealousy!" natigilan siya nang sumigaw naman ang asawa nito. His loud voice was enough to make your body tremble in fear.

"Nonsense reasons? Really?! Ako pa talaga ang mali ngayon?!"

"And what do you expect me to say, Erin?!"

"I want her to leave this house!" saad nito na inilipat muli ang tingin sa akin.

"That won't happen," pag-iling ng asawa niya.

"And why?"

"Blue," pahayag ng lalaki. Mabilis naman siyang nilapitan ni Blue hanggang sa may ibinulong siya rito. Tumango si Blue bago lumapit sa kinatatayuan ko.

Sa kabilang banda naman ay nilapitan naman si Erin ng asawa nito at hinawakan ang braso niya para hilain palabas ng mansyon, "Let me go!" pagmamatigas pa ni Erin habang papalabas silang dalawa.

Sandali akong natigilan nang maalala ko ang sitwasyon ko noon sa mga kamay ng magaling kong asawa. Erin was just like Philip, there were desperation in her eyes na madalas kong makita sa sarili kong asawa and I think that's what makes her husband treat her the hard way. Their master is just like me.

"Miss Gale," napatingin naman ako nang magsalita si Blue na nasa harap ko na.

"Pagpasensyahan niyo na po kung ganito ang sumalubong sa inyo sa ikalawang araw niyo dito sa mansyon. Kailangan niyo nang masanay sa kanilang dalawa," pahayag niya na ikinasalubong ng kilay ko, "Ha? Bakit naman?"

"Actually po, hindi naman talaga sila ganyan date. Oo nga po pala Miss Gale, hindi na kayo masasamahan ni master kaya ako na lang ang inutusan niya," sambit nito na napangiti.

"Sasamahan saan?" tanong ko.

"Sunod lang po kayo sa akin. Siguradong magugustuhan niyo ang makikita niyo," natutuwang saad niya.

Tinalikuran niya ako kaya katulad ng sinabi niya ay sumunod ako sa kanya pababa. Mga ilang minuto rin ang lumipas sa paglalakad namin at kulang pa yata ang salitang mansyon dahil sa laki ng lugar na 'to. I would never wish to live in a place like this.

Tumigil si Blue sa harap ng isang pintuan at binuksan 'yon kaya doon nabaling ang atensyon ko. Pagpasok namin sa loob ay tumambad naman sa akin ang isang kusina. Sa lahat yata ng lugar sa mansyon na 'to, ito ang pinakamagugustuhan ko dahil hindi siya ganon kalaki.

Out of nowhere, I inhaled the fragrance of something so sweet. Nakakatakam ang amoy.

Tahimik sa loob hanggang sa isara ni Blue ang pintuan at sumunod naman ako sa paglalakad niya. Tila napawi lahat ng nararamdaman kong hindi maganda nang sumalubong sa akin ang isang kulay puting lamesa na napupuno ng mga matatamis na pagkain.

With that, the way how I gazed on the stars is the same way how I stare at those glistening desserts.

There were different flavors of cupcakes, layered cakes, pudding, cookies, pie, brownies, cheesecakes, dessert pizzas and fruity desserts. Nawala lahat ng iniisip ko habang unti-unti naman akong lumalapit doon at isa-isa silang tinignan. Entering this room is just like a world of paradise. Sino pang magkakagusto na lumabas dito?

"You like it?" napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Senyora. Papalapit siya ngayon sa akin habang may ngiti sa mga labi nito. May suot pa nga itong gloves na kasalukuyan niyang inaalis sa kamay niya at ipinatong sa tabi. Her dress matches the unicorn color of the sweet foods in front of me, especially the cupcakes. Napalunok na lang ako habang isa-isang tinitignan ang mga 'yon at dahil sa dami nila ay napalakad na ako.

"May birthday celebration po ba?" nakangiting tanong ko sa kanya habang sumusunod siya sa akin. Hindi ko rin napansin na nagawa ko siyang kausapin sa ganoong paraan.

"Nothing. It is just my hobby," napatingin ako sa kanya nang may pagkabigla sa mga mata ko, "K-kayo po ang gumawa nito?"

"Yes," sagot niya na mas nakapagpabigla naman sa akin, "L-Lahat po?" paglilinaw ko pa.

"I could see delight in your eyes. Just like you, I also love sweets, Gale." pahayag pa niya.

I can't believe this! Nakakamangha!

Itinuro naman niya ang mga pagkain kaya ibinalik ko ang tingin doon, "Go on, choose whatever you want. You can try everything if you want," I gave her a 'seriously look' dahil hindi talaga ako makapaniwala kaya tumango siya. Ibinalik ko ang tingin kay Blue na nakatingin lang sa amin at nag 'thumbs up' pa gamit ang dalawang kamay kaya muli kong ibinalik ang tingin sa mga pagkain.

Dahan-dahan kong kinuha ang isang 'unicorn cupcake' na nasa tapat ko at wala sa pagdadalawang-isip ko 'yong tinikman. Nakita ko naman ang pagtitig sa akin ni Senyora na halatang hinihintay ang sasabihin ko kaya napalunok ako at sandaling natulala sa lasa katulad ng aking hinala. Napatingin ako dito habang ngumunguya hanggang sa may kung anong reyalidad ang pumasok sa isip ko.

"Hindi mo ba nagustuhan?" napatingin ako sa kanya na halatang nalungkot sa inasal ko kaya umiling ako at ngumiti, "Masarap po. It was just...I came to recall my memories together with my mom. I remembered everything about her. Mahilig din po kasi siyang gumawa ng mga desserts. It was my first time to taste her cupcakes but never did I expect that it would also be the last bago siya namatay," sandaling napawi ang ngiti ko ngunit pinilit kong ibalik.

"I'm really sorry about that," saad ni Senyora na hinawakan ang isang balikat ko.

"Okay lang po. In fact I should be thankful dahil dito naalala ko si mom," tinignan ko ang cupcake at ibinalik ang tingin sa kanya na ikinangiti rin niya hanggang sa ibaba nito ang kamay niya, "Don't thank me but the one who sent you here. By the way, sino nga pala ang nagsabing dalhin dito si Gale, Blue?" tinignan naman niya si Blue kaya napayuko ito.

"Ah Senyora, ipinahatid po siya ni master dito. Hindi pa po kasi kumakain buong araw si Miss Gale."

"Bakit? Ayaw mo ba ng mga pagkain namin dito sa mansyon?" tanong niya na ikinailing ko, "H-hindi naman po. Wala lang talaga akong ganang kumain," sagot ko lalo na't may pag-aalala din sa mga mata niya. What's with these people? Sino ba ako para masyado silang mag-alala? Pero ayos lang ba talaga na kinakausap ko sila ng ganito knowing that they are my captors?

"Oh I see, kaya ka siguro ipinadala dito ng anak ko pero bakit hindi ka niya naihatid hanggang dito?" tinignan naman niya ulit si Blue, "A-ah kasi po Senyora, m-may nangyari nanaman po," hindi mapakaling sagot nito.

"Nangyari?" ibinalik nito ang tingin sa akin habang tinitignan ko naman si Blue dahil parang ayaw niyang magsalita, "Is it about his wife again?" nag-iba ang tono ng pananalita ni Senyora at ang maamo niyang mukha ay napalitan ng pagkadismaya. Nanatili na lang na nakayuko si Blue at natahimik sa isang sulok.

"Sorry if you had to witness a lover's quarrel but I don't think if it's really lover's quarrel at all," napabuntong-hininga naman si Senyora.

Umiling ako at ngumiti, "Okay lang po Senyora. Mas malala pa ang nangyayari sa aming dalawa ni Philip."

"I knew what he had been doing to you. You don't deserve someone like him, Gale," pahayag naman nito na ikinayuko ko.

"Here, have a taste," ibinalik ko ang tingin sa kanya nang may iabot siya sa akin na isang platitong naglalaman ng pagkain. By the way I see and smell it, nakakagutom at halatang masarap.

It was a cheesecake with strawberries on top of it, the strawberry dip was dripping at every corner na mas lalong nakakapagpatakam sa dila at paningin.

"Oh I almost forgot, this is my new dessert and I want to call it strawberry cheesecake. Actually hindi ko pa siya natitikman. I am afraid that I've made the wrong choice of ingredients. Since you like sweets, I would like you to have a taste of it for me. And of course, have some recommendations to make it better."

"Sigurado po ba kayo?" pagdadalawang-isip ko na ikinatango naman niya. I could see no harm in her face at parang mabait naman talaga siya. I could even see hope in her eyes na titikman ko ang ginawa niya. Hawak ng isang kamay nito ang platito habang ang kabila naman ay hawak ang isang tinidor.

The way na tratuhin niya ako and the way she smiles... why does she resemble my mom so much? Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya lalo na't nakangiti siya ngayon.

Kumuha siya mula roon gamit ang tinidor at inilahad sa akin, "Come on, have a taste. I want to know how it tastes like."

Nakikita ko rin ang pagkinang ng mga mata niya kaya wala na akong nagawa kundi isubo 'yon. Pinakaunang dumapo sa aking dila ay ang strawberry kaya mainam ko 'yong nilasahan.

"How is it?" tanong niya sa akin kaya napalunok ako.

It's good but there's something wrong. Sumobra sa tamis. I don't want to lie pero nang tignan ko si Senyora, halatang masaya siyang hinihintay ang sasabihin ko. Kagaya nga ng sabi niya na hindi niya pa natitikman, siguradong meron at meron pa ring mali, kulang o sobra dahil ito ang unang beses na ginawa niya 'to. Should I tell her about it or should I just pretend na okay naman ang ginawa niya?

Masarap naman pero sobrang tamis lang talaga.

"I-it's delicious," wala sa sariling saad ko at ngumiti.

"Are you sure?" ibinaba niya ang platito at tinidor sa lamesa bago ibinalik ang nag-aalalang tingin sa akin. Napawi naman ang ngiti sa mga labi nito na siyang napansin ko.

May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?

Aktong magsasalita ako ay sabay kaming napatingin sa pintuan nang biglang may kumatok. Nakita namin ang isa sa mga kasamahan ni Blue, "Senyora, may naghahanap po sa inyo," magalang na saad nito.

Muli niyang hinawakan ang isang balikat ko at ngumiti, "Sorry but I have to leave now. Please have your dinner already dahil hindi magandang nagpapalipas ka ng gutom. Magpapadala rin ako ng dessert sa kwarto mo. So if you may, please excuse me," tumango ako at nginitian siya bago ito tuluyang lumabas.

Lumapit naman si Blue sa akin, "Miss Gale, ihahatid ko na po kayo pabalik sa kwarto ninyo," wala na rin akong nagawa kundi tumango at sumunod kay Blue papalabas sa kusina. Hanggang kailan ko ba kailangang sumunod sa kanila?

Habang naglalakad naman kami paakyat ay bigla kong naalala ang naging reaksyon ni Senyora kanina, "Blue, may nasabi ba akong hindi nagustuhan ni Senyora kanina?"

Pakiramdam ko rin ay bigla akong nagkaroong ng concern sa kung anuman ang nararamdaman niya.

"Ano po ba talagang lasa ng ginawa niya?" tanong naman niya sa akin pabalik. Natigilan ako sa paglalakad kaya napaharap siya sa akin, "Lagi po kasing may mali sa mga dessert ni Senyora lalo na kapag unang beses niyang ginagawa ang mga 'yon. Mahirap pong magsinungaling sa pamilyang 'to, Miss Gale."

"Sa tingin mo ba nagsinungaling ako?" tanong ko.

"Ang ibig ko pong sabihin, umaasa si Senyora na sasabihin niyo sa kanya kung ano ang mali sa ginawa niya dahil alam rin naman niya na may mali pero hindi niyo po ginawa kaya biglang nag-iba ang reaksyon nito."

"Ganon ba?" tila nakaramdam na lang ako ng lungkot at pagkahiya dahil sa ginawa ko, "So alam niyang nagsinungaling ako?" wala sa sariling tanong ko na ikinatango naman ni Blue.

"Pero hindi naman po siya nagalit sa inyo," dagdag pa nito na nginitian ako.

Siguro nga sa susunod hindi na ako magsisinungaling. Uh, too bad for me. Bakit ba iniisip ko pa 'yon?

Itinuloy na lang namin ang paglalakad paakyat ngunit natigilan ako nang mapansin ko ang pagtigil ni Blue sa kalagitnaan ng hagdanan. Hinarapan niya ako at inilapit nito ang bibig niya sa aking tainga, "Kung pwede po, huwag niyo ring sasabihin kay Miss Erin na ipinadala kayo ni Master sa dessert kitchen," bulong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit naman?"

"Actually po, si Miss Erin lang ang pinapapasok ng pamilya dati sa kitchen na 'yon pero ngayon hindi na siya pinapayagan na pumunta roon," diretso naman ang tingin ko kay Blue.

"May nangyari po kasi sa kanilang mag-asawa na hindi nagustuhan ng pamilya ni Master lalo na't pinapatuloy nila rito si Miss Erin dahil kay Melody. Mas mukha pa ngang anak ni Senyora si Miss Erin dati at palagi silang magkasama sa dessert kitchen para gumawa ng mga desserts. Kaso simula nung nagalit sina Godfather at Senyora kay Miss Erin, hindi na nila siya pinapayagan na makapunta doon sa kitchen. Kapag nalaman po ng asawa ni Master na galing ka doon, baka awayin ka niya kaya huwag niyo pong sasabihin," paliwanag pa niya.

Sandali akong natulala dahil sa sinabi niya. Why did they even let me enter that kitchen kung alam nilang ikakagalit ni Erin? Unang pagkikita pa lang namin kanina, halatang ayaw niya sa akin. What more kung malaman niya ang tungkol doon? Tama nga si Blue. Hindi niya dapat na malaman but so what kung malaman niya? Wala naman akong ginagawang masama hindi ba?

"Sige, makakaasa ka," tumango na lang ako na ikinangiti ulit niya at muli kaming naglakad hanggang sa makapasok ako sa kwarto.

"Salamat pala Blue," tumalikod ako para harapan siya, "Saan po?" tanong nito na ikinangiti ko.

Kahit papaano, nakalimot ako ng ilang minuto, "Dahil sinamahan mo ako."

"Wala po 'yon. Kumain na kayo, Miss Gale."

"Sinamahan saan?" napatingin naman ako sa direksyon ng isang taong nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Erin na nakaupo sa sulok ng kwarto ko. Tumayo ito habang nakakibit-balikat at dahan-dahang naglakad papalapit sa kinatatayuan ko, "Sinamahan saan?" tanong pa ulit niya kaya nagkatinginan kami ni Blue.

"Inutusan po kasi ako na samahan siya sa labas para magpahangin," sagot niya kay Erin kaya pinagtaasan siya ng kilay nito.

"Really? Bakit parang takot na takot silang mawala ang babaeng 'to? She's the captive, right? She must be isolated or be kept away from everyone?" masama ang tingin nito sa akin habang nasa harapan ko.

"Leave us," pahayag niya kaya napatingin si Blue sa akin. Tumango ako kaya wala na rin siyang nagawa kundi umalis at iwan kaming dalawa hanggang sa magsara ang pintuan ng kwarto.

"Do you really think that's what they really are?" tumalikod siya at naglakad papalapit sa kama para maupo doon. Sinundan ko siya ng tingin lalo na't gumuhit pa ang isang masamang ngiti sa labi niya.

"You might not have a single idea pero nakita mo naman kung paano ako tratuhin ng sarili kong asawa hindi ba?" tanong pa niya.

"Alam ko rin kung paano ka tinrato ng senador na siyang asawa mo."

"Ano bang gusto mong sabihin?" tanong ko pabalik sa kanya.

Naglaho ang masamang pagngiti nito at tumayo. Unti-unti siyang lumapit habang seryoso ang tingin sa akin at ipinatong ang dalawa nitong kamay sa magkabilang-balikat ko, "I want to say that we are just the same, Gale."

I could even see sympathy from her eyes. Well, I don't need those.

"Matagal na akong nakatira sa bahay na 'to just before my daughter Melody was born. We are just in the same age yet we are already held captive by marriage. Nakita mo kung paano nila ako tratuhin sa mansyon na 'to. You were a bystander earlier and so did everyone. Maraming nakakita kung anong ginagawa ng asawa ko at ng pamilyang 'to sa akin pero wala silang ginawa. I just want to tell you na ganito rin ang mangyayari sa'yo kapag nagtagal ka pa sa lugar na 'to."

Sandali pa akong natigilan dahil sa mga sinabi niya habang magkatapat kami, "But why did you already have a daughter?" alam kong masyado pa kaming bata para magkaroon ng anak pero bakit nagkaroon na sila ng anak?

Was that a mistake?

Naguluhan ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo at kung sino ang dapat kong paniwalaan.

Muli itong tumalikod para maupo sa kama at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin nang makita ko ang pagtutubig ng mga mata niya.

Tila may gustong lumabas mula roon na hindi niya magawa.

"My husband did that to me," it was like time has stopped nang sabihin niya 'yon.

"D-do you mean... " napalunok na lang ako habang pinipilit na alisin sa isip ko ang gusto niyang iparating. Marahil hindi niya gustong sabihin ng diretso ngunit nakuha ko ang sagot na hinahanap ko.

I don't wanna think that way but she already said it.

"You're right. I've been abused too."

Continua...

Thank you for 'still' reading! Love you!