Chapter 6 - Capítulo quatro

Unti-unti akong nagmulat ng paningin habang ramdam ang pananakit ng aking katawan. Isang itim na kisame ang sumalubong sa akin habang nakasabit doon ang isang mala-kristal na aranya na siyang nagbibigay kislap sa paligid. Inilibot ko naman ang aking paningin hanggang sa tumambad ang isang kwarto na siyang hindi pamilyar sa akin. Mas malaki ito sa kumpara sa kwarto ko at alam kong ngayon lang ako nakapunta rito. This is neither my husband nor my father's house, kung ganon nasaan ako? The light was just dim kaya hindi rin ganon kasakit sa mata. The walls were outlined with black floral patterns, even the flooring with its plane black color.

Though black is the absence of light, this room defines the color itself as elegant and sophisticated. Sadyang kakaiba sa paningin at nakakamangha. Black might not be my favorite color but I could say that this room has been making me fall in love with it slowly.

Dahil doon ay dahan-dahan akong napaupo sa kama. Ibinaling ko ang tingin sa aking kanang balikat hanggang sa kusa akong may naalala. That moment knocked in my head. I saw how my own father shot me at hinding-hindi ako nagkakamali. I fell right into the water. But looking at myself now, I am still alive.

Paano 'yon nangyari?

Higit sa lahat, may takip na rin ang tama ko sa balikat ngunit hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pananakit at pagkirot mula rito. Maski ang suot ko ngayon ay iba na rin. Isang kulay puting bestida ang bumabalot sa aking katawan. Napaisip pa 'ko dahil hindi ko alam kung bakit nag-iba ang suot ko.

With that, I stood up from my bed and I couldn't even blame my body kung nanghihina pa rin dahil sa lahat ng nangyari but there were particular events na hindi pa rin malinaw sa alaala ko. I think I heard something before I totally lost consciousness.

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa gilid ng kwarto at hinawakan ang dalawang puting kurtina para sumilip sa labas.

Nanlaki na lang ang mata ko nang tumambad sa akin ang isang napakalawak na lupain. Sa pinakadulo ay may dalawang nagsisilakihang gate na kulay itim. May mga lalaki rin na tila nagbabantay sa buong lugar, but what caught my attention were the weapons they were carrying while walking back and forth into their position with their formal suits. Aside from that, there were also two men in bigger size na nagbabantay sa mismong gate. I wasn't able to take a glimpse of the whole place dahil gabi na rin at medyo madilim na sa labas. Habang abala ako na obserbahan ang buong paligid ay napatingin sa akin mula sa ibaba ang isa sa mga nagbabantay.

If I am not mistaken, this room where I am right now lies on the second floor kaya nakikita ko sila mula rito sa itaas.

Mabilis kong isinara ang kurtina at ibinalik sa dati nitong pwesto nang makaramdam ako ng kaba dahil sa pagtingin ng isa sa mga lalaki sa kinatatayuan ko. Napatalikod ako mula sa bintana para huminga ng malalim not until I felt something tight attached on my right hand.

There I saw a metal bracelet attached on my right hand. It was just a simple bracelet pero pakiramdam ko ay may mali. Inilapit ko pa ito sa akin para maayos na tignan. I was about to remove it from my hand nang biglang may kumatok sa pintuan kaya napatingin ako doon, "You're finally awake, young lady," saad ng isang babae pagpasok niya.

Maayos ang pananamit nito at halatang may edad na rin. Bahagya pa siyang napayuko sa akin, "W-where am I?" tanong ko dito kaya tinignan niya ako. She just gave me a bit of smile from her face, "Now is not the right time to answer all of your questions, young lady. Godfather is waiting for you. Please follow me," kahit puno pa rin ako ng pagtataka at marami akong gustong itanong sa kanya. It was just obvious na hindi siya interesadong sagutin ang mga tanong ko.

Tinalikuran niya ako at nag-umpisang maglakad kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Paglabas ko, I couldn't stop but to take a look around the whole place in view of the fact that it was so stunning. Expensive paintings were attached on the dark walls and there's also the presence of crystalic chandeliers in the middle.

Marami rin kaming nadaraanan na mga kwarto and I am really sure that each room has their own purpose. There were also expensive vases na siguradong mas mahal pa sa buhay ko. Higit pa doon, halata namang mahal lahat ng mga gamit dito. Just like what I've seen earlier sa kwartong pinanggalingan ko, may mga lalaki ring nagbabantay dito sa loob while carrying their weapons, specifically shotguns.

We were currently on the second floor of this house or mansion or whatsoever dahil sa laki ng lugar na 'to kaya napapatingin din ako sa baba. Nang makarating kami sa pinakadulo ay natigilan ito sa paglalakad na siya ring ginawa ko. Hindi ko maiwasang titigan ang isang pintuan sa tapat namin ngayon na siyang pinakakakaiba sa lahat ng pintuang nadaanan namin. Nabighani na lang ako nang makita kong may pinindot siya mula sa gilid ng pintuan hanggang sa kusa itong bumukas.

I just found out that it was an elevator nang makita ko ang kabuuan nito. Napalunok ako nang pumasok doon ang babae at nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw ay nginitian niya ako, "Step in, young lady," saad pa niya na sinunod ko naman hanggang sa magsara ang pintuan.

Napatingin ako mula sa itaas ng pintuan nang magliwanag ang gitnang parte nito ng kulay pula, "Code 13," saad ng kasama ko hanggang sa napatingin ako sa buong elevator nang may magsalita mula roon na siyang hindi ko inakala, "Black Alpha activated," nag-umpisa na ring gumalaw ang kinatatayuan namin kaya napahawak ako sa gilid dahil sa pagkabigla.

All of a sudden, I felt something suspicious. Wait! We were actually going down. Saan niya ba talaga ako dadalhin? Hindi ako nagkakamali dahil ramdam ko na pababa kami ngayon.

I was about to ask her nang bumukas naman ang pintuan ng elevator matapos ang ilang segundo nitong pagtigil. Tumambad sa akin ang isang maliit na daanan at sa pinakadulo nito ay isa nanamang pintuan, "This way, please," saad ng babae kaya muli akong sumunod sa kanya. Just like the room where I was earlier, the wall and the floor were also painted with black.

Sa paligid namin ay nagkalat naman ang iba't ibang klasi ng mga armas na nakasabit. Tila ginawa itong dekorasyon sa buong pasilyo habang napapalibutan naman ng kulay asul na ilaw ang bawat sulok ng dinaraanan namin. Pagdating namin sa pinakadulo ay may dalawang lalaking nakabantay. They were holding shotguns na nakasabit sa katawan nila at nang makalapit kami ay napayuko sila, "Godfather is waiting inside, Madam Olivia," saad ng isa na pinagbuksan kami ng pintuan.

Though I've been hesitating to come in, wala rin naman akong nagawa lalo na't hindi ko alam kung ano ang lugar na 'to at kung nasaan ako. Pagkapasok namin ay sumalubong ang isang kwarto na napakadilim hanggang sa muling magsara ang pintuan kaya napatingin pa ako doon. Bahagya namang yumuko ang babae sa harapan ko, "Young lady is here, Godfather," pahayag nito kaya napatingin ako sa harapan niya.

Unti-unti ko namang naaninag ang isang lalaking nakaupo sa gitna. There was a smoke coming out of his cigarette na nasa bibig nito. Sa likod naman niya ay may isang babae— nakapatong ang isang kamay nito sa kanyang balikat, though I couldn't clearly see them dahil medyo madilim.

"Obrigado, Olivia. Você pode sair agora."

(Thank you, Olivia. You may leave now.)

Nagsalubong na lang ang kilay ko nang makarinig ulit ako ng isang lengguwaheng hindi ko maintindihan, "As you command, Godfather," maayos na tumayo ang babae sa harapan ko at nagawa ko pa siyang sundan ng tingin sa paghakbang niya papalabas.

"Finally, I've had the chance to meet the general's daughter," muli akong napatingin sa harapan nang magsalita ang lalaki.

A dim light became visible which paved me a chance to clearly see their faces. That one whom they call godfather was wearing a suit while the girl behind him was wearing a black floral maxi dress. Their serious faces made me feel uncomfortable as their gazes were stabbing mine.

"W-where am I?" mahinang tanong ko sa kanilang dalawa.

"Don't worry, honey. You are in a safe place...for now, I assume," sagot ng babae. Both of them have a good looking face despite of their ages pero kahit na ganon, I could still sense authority, power and militancy inside this room. Hindi ako komportable sa kanilang dalawa.

"How's your father?" sandali akong natigilan nang itanong 'yon ng lalaki sa akin pagkatapos niyang kunin ang sigarilyo sa bibig nito gamit ang kaliwa niyang kamay at naglabas ng usok mula sa kanyang bibig.

Kusang napakuyom ang kamay ko nang maalala ko ang ginawa nila sa akin. They must be celebrating for being murderers.

"Hon, you shouldn't be asking her about it yet. She's still moving on about what her family did to her," inilapit ng babae ang bibig niya sa tainga ng lalaki para ibulong 'yon ngunit nagawa ko pa ring marinig kahit na may distansya ako mula sa kanila.

This godfather held her hand na nakahawak sa balikat nito. He faced her by looking at his side before giving her his most generous smile. They must be so sweet but still seems dangerous, "Ano po ba talagang kailangan niyo sa akin?" napunta naman sa akin ang atensyon nila nang magsalita ako. Sorry to interrupt but this place seems to be burning my feet.

From being generous, finally I had a glimpse of an evil grin from the godfather's face na tuluyang nakapagpatayo ng balahibo ko. Nakita kong ipinatong niya ang sigarilyo sa isang maliit na lalagyan na nakapatong sa lamesang nasa harap nito, "So it was all true? The general's daughter and the senator's wife is a courageous woman. Philip's amoure is not afraid of anything nor anyone," pahayag pa niya.

"But young lady, you can't carry out that attitude here in my territory. As long as you are here, you will either follow my rules or be a lesson to everyone about the importance of complying with my rules. You choose," napalunok ako mula sa kinatatayuan ko nang sabihin niya 'yon. The tone of his voice was familiar to me. He himself clearly describes authority. It was like I heard that tone before.

Disregarding that, what do they really need from me?

"Sino po ba talaga kayo?" tanong ko. Nag-umpisa na rin akong manginig at tila unti-unti na rin akong naninigas sa kinatatayuan ko.

Patagal ng patagal, pabigat ng pabigat ang paghinga ko. I can't be here any longer and I swear na kapag nagtagal pa ako dito, baka ikamatay ko na. It was unexpected meeting people with so much power and authority just by hearing their voices and meeting their glances. Actually, it was already my forth time dahil may nangyari na rin pala noon. First was from the past, second was from the detective, third was the man who surrendered me to Philip and now this?

Bahagya itong natawa bago nagsalita, "We are not the type to simply introduce ourselves, young lady. We want to be hidden, deep down the underground. Let's just say, we are the enemy of the society you lived in."

"K-kung hindi niyo kayang magpakilala sa akin, just tell me what you want. Gusto ko ng umalis dito," seryosong saad ko sa kanila knowing na pinapalibutan nila ako. Whoever they are, I know that they are dangerous kaya kailangan ko na silang layuan bago pa man sila may gawing hindi maganda sa akin. Bakit ba kailangan na lagi na lang akong napapalibutan ng mga delikadong tao?

"If you're leaving, then you're not giving us what we want."

"What?" nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito, "You're not going to leave my territory not until I give you the permission to leave. You are staying here, young lady."

"Y-you can't do that to me," napailing na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Of course I can," unti-unti akong napaatras dahil doon lalo na't seryoso at matatalim ang mga tingin niya sa akin ganon na rin ang babaeng nasa likuran nito na masama ang ngiti. Tumakbo ako papalapit sa pintuan para tumakas dahil hindi ko na kakayaning makatagal pa sa lugar na 'to.

Ngunit bigla na lang may sumulpot na dalawang lalaki sa harap ng pintuan kaya nagawa nila akong mahawakan at pigilan. Sapilitan naman nila akong ipinaharap muli sa dalawa, "Bitawan niyo 'ko!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

"You are here because of your father and loving husband. Don't put the blame on us but to them. After all, we haven't done anything to you yet but them...they almost killed you, young lady. Shouldn't you be thanking us? We just saved your life," pahayag nito.

"How do you even expect me to thank you when you're just like them?! Making me a captive?! Kung galit kayo sa kanila, sila ang dalhin niyo rito at hindi ako! Like I care whatever you want to do with them!" sigaw ko pa at hindi ko maikailang magalit sa tuwing naaalala ko ang mga itsura ng mga taong pumatay sa akin.

"Bravo," natahimik ako nang mabagal itong pumapalakpak ng maraming beses. Habang ginagawa niya 'yon, tumayo siya at unti-unti akong nilapitan kaya nagtama ang mata namin. I could still familiarize those dark eyes of him. I exactly saw someone like him. That man I met on my dad's birthday.

"Don't compare us to them because there are no words that could be fit to describe me and my family, young lady. You're showing us exactly what we want from you, and that's what we're going to have sooner or later," mas lalo ko namang ipinagtaka ang mga sinabi niya.

"Being untamed is the only thing which brought you here. I could see confusion in your eyes. Soon, you'll understand, young lady. But from now on, you are our captive," pagkatapos niyang sabihin 'yon, mahigpit naman akong hinawakan ng mga tauhan nito nang talikuran niya ako para muling bumalik sa kinauupuan niya.

"What did I do to you para gawin niyo 'to sa akin? Can you please just let me go?" pakiusap ko sa kanila. I didn't clearly understand what he meant pero isa lang ang naiintindihan ko, I am their captive for a reason that I don't even know.

"We won't be hard to you, young lady. Go back to your room peacefully and if ever she resists, force her to go back, gentlemen. You may now leave," nawala ang higpit ng pagkakahawak nila sa akin nang sabihin niya 'yon. Tila natigil naman ako sa pagpupumiglas dahil sa ginawa nila at sinamaan ko ng tingin ang matandang lalaki sa aking harapan, "How long are you planning to keep me here?" tanong ko.

"When the time is right," kahit ramdam ko ang panginginig ko sa galit. Alam kong hindi ko sila matatakasan. I need to calm down first in order to think of another plan. Napayuko na lang ako at pinilit pakalmahin ang sarili ko. I took a deep breath first before vomitting the right words out of my mouth, "Just make sure that it won't take that long. I can't live being imprisoned forever," tinalikuran ko na sila na siya namang nakapagpabitaw sa pagkakahawak ng mga tauhan niya sa akin. Kaya sa huli ay pinagbuksan nila ako ng pintuan.

I'll definitely come up with a plan to leave this place.

Katulad ng sinabi niya, sinamahan ako ng dalawang lalaki. I even looked at them trying to find out kung paano ko makukuha ang mga armas na nakasabit sa katawan nila but I knew that it's too impossible to happen for now dahil na rin sa sitwasyon ko at panghihina ng katawan ko.

Paglabas ko, nakita kong naghihintay ang babaeng kasama ko kanina. If I am not mistaken, her names's Olivia. Yumuko naman siya nang makita niya ang paglabas ko, "I suggest that we go back to your room, Miss Gale."

So they all know me? Paniguradong lahat sila dito, kilala na ako. Too unfortunate if someone hasn't been informed.

Bahagya akong ngumiti at tumango bilang sagot. Kailangan ko muna sigurong magpahinga at uumpisahan ko ang pagtakas kapag may sapat na akong lakas para magawa 'yon. Ipinagtaka ko na lang nang aktong aalis na kami ay bigla siyang napatingin sa likuran ko at muling napayuko, ganon na rin ang dalawang lalaki sa likuran ko kaya napatingin din ako sa aking likuran ng wala sa oras, "Senyora," saad ni Olivia.

From there, I saw the godfather's woman approaching us with her smile. Just like how they look at one another earlier, alam kong mag-asawa silang dalawa or maybe, she's just a mistress? Uh, nevermind.

Ngumiti naman ito sa akin, "There's no need for you to accompany her anymore, sasamahan ko siya," sambit niya sa tatlo bago ibinalik ang tingin sa akin, "B-But Senyora, Godfather told us to— "

"Don't worry, Olivia. My husband knows," inilahad naman nito ang kamay niya sa akin kaya napatingin ako roon, "Come on, honey. I'll take you back to your room," hinawakan niya ang kamay ko— sabay hila sa akin papalayo sa kanila.

Hindi ko ba alam kung matatakot o matutuwa ba ako sa kanya but what if nagpapanggap lang siyang mabait pero hindi naman talaga? Nakita ko pa lang siya kanina, iba na ang pakiramdam ko. Habang hila-hila niya ako ay may ngiti sa labi nito. If ever she's really the wife of that godfather, she's so beautiful then. I could say that she and the man earlier are both younger than my father.

Pumasok kami sa loob ng elevator at may pinindot siya dito bago nagsara 'yon, "Don't worry," napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. I am totally confused because of what's happening. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari, "You are safe here," at lumawak ang ngiti nito habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko at nakatingin sa akin.

Dahil doon ay napalunok ako, "S-sinasabi niyo lang po ba 'yan para hindi ako magtangkang tumakas?" tanong ko sa kanya habang kinakabahan na ikinailing naman niya. Kung kailangan ko silang diretsuhin ay gagawin ko para lang malaman kung ano ba talaga ang balak nila.

"Of course not. I'm saying this dahil 'yon ang totoo. You may be having a bad impression to my husband but I swear that he's a kind person and so do this family." Tama nga ako na mag-asawa sila.

"But why do you want me here as a captive?"

"Now is not the right time to talk about it," pag-iwas niya ng tingin sa akin, "Is it because of my father and husband? Kung dahil po doon, then you are just wasting your time. You may have a plan against them but I am just useless. I will be of no use to your plans," pahayag ko kaya ibinalik niya ang tingin sa akin at muling sumilay ang ngiti sa labi nito, "If you are useless, why do you think you are here, Gale?" sandali akong natigilan ng banggitin niya ang pangalan ko.

"You may be useless to them but for us, you are the opposite of what they think you are," bumukas ang pintuan ng elevator kaya hindi ko na siya nagawang tanungin pa nang bitawan niya ang kamay ko at inunahan ako sa paglabas.

Sumunod ako sa kanya lalo na nang mapansin kong papunta talaga siya sa kwarto kung saan ako nanggaling kanina. May mga nakakasalubong pa kaming mga nagbabantay at yumuyuko sila sa tuwing makakasalubong kami, I mean it was just because I am with her, this one whom they call Senyora. Shall I address her the same too?

Pagdating namin sa kwarto ay binuksan naman niya ang pintuan at diretsong pumasok doon, "Masakit pa rin ba?" kumunot ang aking noo sa tanong niya na hinarapan naman ako. Humakbang siya papalapit sa akin at napahawak sa magkabilang balikat ko gamit ang dalawa nitong kamay. Napatingin siya sa aking kanang-balikat kaya napag-alaman ko kung alin ang tinutukoy niya.

Nagpumilit akong ngumiti at bahagyang umiling, "Your father must really be insane for killing you, honey," ang sumunod niyang ginawa ang siyang ipinanlaki ng mga mata ko.

Natagpuan ko na lang siyang nakayakap na sa akin na siyang ikinatigil ko. Why is she acting like this to me? Pero aaminin ko na sa mga oras na 'yon, hindi ko naramdaman na mag-isa ako. Pakiramdam ko ay may isang taong nakakaintindi sa totoong nararamdaman ko kahit pawang ngiti at tapang ang nakikita nila sa akin.

"I know how hard your situation is. I was also in the same position as yours for the past 30 years," lumayo siya sa pagkakayakap sa akin, "Ano pong ibig niyong sabihin?" pagtataka ko.

"You should take a rest now, Gale. Please sleep well and untroubled. I assure you that nothing bad will happen to you here," hinila niya ako papunta sa kama at pinaupo doon. Napatingala naman ako dahil nakatayo siya sa harapan ko, "Paano niyo po nalaman ang ginawa sa akin ng sarili kong pamilya?" I know that I am asking too much questions but that's because nalulunod na ako sa sobrang dami kong tanong.

"Senyora, master is already here," napatingin kami sa pintuan nang pumasok ang isa sa mga kasambahay nila, "Tudo certo. Eu estarei lá," pahayag naman niya dito.

(All right. I'll be there.)

Muling yumuko ang kasambahay kay 'senyora' bago tuluyang umalis. Hinarapan naman niya ako habang nakangiti pa rin. I am not even aware about her name.

"Your answer is here," masayang sagot niya na mas lalong nakapag-pagulo sa isip ko. I was asking her kung paano nila nalaman na pinatay ako ng pamilya ko? What does she meant by that? Bigla na lang niya akong tinalikuran habang naiwan naman akong nakaupo sa kawalan. Nakita ko ang paglabas niya ng kwarto pero hindi niya naisara ang pintuan kaya bahagya itong nakabukas.

Because of curiosity, I decided to take a peek through the door kaya sinundan ko siya ng tingin sa paglalakad. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang lalaking paakyat sa hagdanan, "How was your job?" tanong ni senyora nang salubungin ang lalaki.

"If you're asking about my usual work mom, it was all fine. But if you're asking about our negotiators, they were completely taken care of even before they accomplished their plan against us," sagot naman ng lalaki pagkaakyat niya. Sabay na sila ngayong naglalakad ngunit halatang padaan sila sa kwarto kung nasaan ako habang nakasilip naman ako sa kanila.

"Good to hear about that, Ali. By the way, kumain ka na ba?"

"I had some in the office, mom."

"Wait for us in the dining room then, tatawagin ko lang ang dad mo," mabilis na naglakad si senyora kaya naunahan niya ang kasama nitong lalaki.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa muli siyang pumasok sa elevator. Nang magsara 'yon ay muli kong ibinalik ang tingin sa lalaki ngunit hindi ko na siya matanaw. Inilibot ko pa ang aking paningin para hagipin ang kinaroroonan niya ngunit wala na akong natagpuan.

Napahawak na lang ako ng biglaan sa aking dibdib dahil sa biglaang pagsulpot ng kung sino sa mismong harapan ko, "I am well pleased seeing you again, Serenity. How pleasant it is to meet you for the second time. Do you believe me now, amoure?" nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino siya. Those dark and deadly eyes met mine for the second time and that tiny yet deadly smirk appeared from his face again.

He was still gazing at me just like the way how he was looking at me that day. Kaya pala pamilyar sa akin ang boses ng lalaki kanina. He called senyora his mom. It only means the one whom they call godfather is his father. Katulad noong una kaming nagkita, ganon pa rin ang nagiging reaksyon ko sa kanya. Kusang umaatras ang aking dila.

And he was right, I could still remember.

Ngunit bago pa man ako makasagot ay natanaw ko na lang ang paglalakad nito papalayo sa akin. He already warned me that day that my family would kill me pero bakit ibinigay niya pa rin ako kay Philip?

Continua...

There's more coming our way. Have a good day and God bless! Always be on track for more updates.