Chereads / Crumpled Paper / Chapter 16 - Trabaho (2.5)

Chapter 16 - Trabaho (2.5)

Nanginginig ang mga kamay ni Floro na pinipisil niya ngayon sa kaniyang likuran habang si Uno at Fauno naman ay lumulunok nang paulit-ulit.

"Ako nga kasi ang Kapitan, ano ba itong anak mo Ouran, hindi niya ba alam kung ano ang trabaho ng isang Kapitan?" mas pumalapit pa nang maigi si Uncle Jazzib kay Floro matapos ay hinawakan ng marahan ang balikat.

"Boy..." nanginginig ang mga tuhod na napapaatras si Floro, napapagitla na rin sina Uno at Fauno sa likod "...kaming lahat dito kasama na ang tatay mo ang gumawa ng barkong ito para sa inyo, ikaw, anak ka lang, wala kang naiambag kahit na isang barya" walang may sumubok na putulin ang katahimikan, kasalukuyan lamang kaming nakatingin sa kanila.

"This ship was built for your character development kaya hindi kayo maaaring makaalis sa bapor na ito sapagkat para rin naman ito sa inyo" napatikhim si Fauno habang humahalukipkip na yumuyuko.

"U-uncle Jazzib..." mahina siyang nagsalita habang nauutal.

"May problema ka, Faustino Ourani?" tugon sa kaniya ni Uncle Jazzib.

"Galit ka ba sa amin?"

Napatawa nang mahina si Uncle Jazzib matapos ay napaupo sa upuang nasa kaniyang gilid.

"No of course not, pinagsasabihan ko lang naman kayo para mas maunawaan iyang mga isip niyo" nanatili pa ring tahimik ang buong paligid.

"Anyway, mamayang gabi na pala dadating ang mga theater actors galing sa Visayaz, kayong mga Watch leaders: Fausty, Floro at Fauno kasama ka na Kokoa; make sure that their safety is totally secured hanggang sa makarating tayo sa Puerto Princesa, tapos always niyong babantayan ang mga gamit nila, kailangan ay matiyak niyo ring wala silang dala-dalang bomba"

"Aye" mahinang bulalas ni Fausty sa kaniyang upuan.

"Huwag nga kayong tamad. After that kayong dalawa Eebonee and Ebonna, make sure na mga masasarap ang lulutuin niyo darlings, kinakailangan ay lagi silang nabubusog kasama na rin kami" tanging tango lamang ang sagot ni Eebonee habang si Ebonna naman ay nakasimangot pa rin.

"And then ang mga medical pursers natin, Macaire and Kaisa, always niyong ipeprepare ang mga medical equipments in case of emergency. Alam niyo na ang gagawin niyo matatanda na kayo, hindi na dapat ako nagreremind eh" tahimik pa rin ang paligid at tanging ang paghilik lamang ni Uncle Ouran ang aming naririnig.

"Pagkatapos ang mates ng Bosun, Uno and Dos. Huwag niyong ibababad ang atensyon sa pagwo-work out dun sa gym, ang work niyo ang kailangan niyo pang iwork out, your father will guide you naman kasi nga siya ang pangatlong mate" malalim na napabuntong hininga ang karamihan sa kanila.

"Hindi ako makapaniwala, bukas na ba talaga?" parang nadidismayang tanong ni Kokoa.

"Oo, bakit may problema ka Kokoa?"

"A huge problem Papa, papaano ba kasi maiiwan na dito ang girlfriend niya, sino nga iyon Kuya, ah si Eftehia"

"Shut up!"

Napalanghap ng hangin si Uncle Jazzib, tumayo ito at maawtoridad ang posturang tumingin sa amin.

Sa pagkakataong ito ay nakita ko ang tinatagong awra ng tiyuhin kong ito, akala ko ay makulit ang taong iyan.

Ang dami-dami kong mga tanong na nasa kaniya ko lamang maririnig ang posibleng kasagutan.

Pinatong ko ang sariling baba sa aking kanang kamay matapos ay tiningnan siyang maigi mula ulo hanggang paa.

Papaano niya iyon naitago sa akin gayong kaytagal naming nagsama sa maliit na bahay?

Isa ba akong duwag upang hindi ito mapagtanto?

Kung ganoon ay nilalaruan niya lang pala ako?

Nais kong sapukin ang kaniyang mukha dahil sa inis.

Hindi ko lang kasi kayang tanggapin na umiiyak ako ng totoong luha sa kaniyang harapan pagkatapos siya naman ay umiiyak dahil natatawa sa kaniyang mga pinanggagawa? Imposibleng pangyayari.

__

Nilanghap ko ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakaginhawa gaya ng ganitong natural na taglay ng kalikasan, masyado pa yatang naipit ang aking sikmura doon sa masikip na amoy ng bilangguan.

Dinungaw ko ang tila paraisong anyo ng umaasul na kalangitan at napangiti.

Hindi ko aakalaing makakarating ako sa puntong ganito pala ang estado ng totoo kong mga pamilya.

Akala ko ay daig pa sa putik ang aming tinatapakan, iyon pala ay tinitingala na kami kagaya ng inaasam ng karamihan.

Subalit hindi ko gusto ang ganitong karamdaman, mas gugustuhin ko pang maging isang umid si Uncle Jazzib sapagkat makulit siya kapag tanging ang kaniyang katawan lamang ang nagsisilbi niyang boses.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng dagat at ganiyang ka nalang kung ngumiti?" napangiwi ako matapos ay napabuga ng hangin.

Napalingon ako sa kaniyang gawi habang nakapamulsa.

"Tapos na ba ang inyong pagpupulong sa loob?" matipid siyang napangiti at tumabi sa akin.

"Humihingi ako ng kapatawaran sa'yo, Khalil" humalakhak ako nang mahina matapos ay ibinaling ang atensiyon sa malakas na alon ng dagat.

"Anong trip niyo, Uncle?" unti-unting nalulusaw ang ngiti sa aking labi.

Dumadausdos na kasi sa aking sikmura ang matinding pandarayang kaniyang ginawa.

"Ginagawa lang namin ang tradisyon ng mga Prinastini, Khalil" napalingon ako sa kaniya.

"Nais lang naman naming turuan kayo ng mabubuting pag-uugali at mabubuting gawain" nakakunot ang noo kong nanatili pa ring nakadungaw sa kaniya.

"Hindi ko kayo maintindihan" napatingin rin siya sa akin ng mariin.

"Limang taong gulang pa lamang kayo non..."

Napahalakhak siya.

"...ah basta ayun, napag-isipan naming gawin ang tradisyon ng pamilya"

Pinukulan ko siya ng masamang tingin.

"Teka nga lang, sino nga ba ang nagsabi sa iyo na mayroon tayong lahing Mexicano?"

Kinamot ko ang sariling batok habang pilit na inaalala kung saan ko iyon nasabi.

"Tanda mo pa ba noong dalawa tayong nakatayo sa salamin? May pinakita kang larawan sa akin ng isang lalaking mexicano, akala ko ay mayroon tayong lahi sapagkat kamukhang-kamukha mo iyong tao" napahawak siya sa kaniyang tiyan dahil sa katatawa.

Hindi ko alam kung bakit siya natatawa sa sinabi kong iyon.

"Tanga, wala tayong dugong dayuhan ano ka ba, sadyang magaganda lang talaga ang lahi natin" napasimangot ako nang malaman iyon.

Dinibdib ko kasi sa matagal na panahon ang kasinungalingang iyon, pinagmamalaki ko pa nga sa iba.

"Meron pa pala, akala mo ba ay labinlimang taon ka pa?" napakunot ulit ako ng noo  sa tanong niyang iyon.

"Labing-siyam na taong gulang ka na, Khalil" labis akong napailing nang hindi makapaniwala sa kaniyang sinaad, hindi ko alam kung bakit ang aking totoong edad ay kailangan pang ipagtago sa akin.

Pilit ko pang inaanalisa ang kaniyang binubulalas.

"Meron pa ba akong hindi alam"

"Hindi ko alam" mapait akong napahalakhak.

"Anong klaseng sagot iyan?"

Bumuga siya ng hangin.

"Hayaan mo munang lumipas ang panahon at malalaman mo rin ang lahat"

Napalunok ako at napaupo sa mahabang upuan nitong terasa.

"Naririto pala ang mapa ng buong barko, kung sakali kasing maligaw ka ng landas ay mayroon kang gabay up—"

"Ibigay mo muna iyan kay Akari, baka mapunit ko pa iyan eh"

Nawawari ko sa aking gilid na napapakamot siya ng kaniyang ulo.

Galit ako, Uncle Jazzib.

Galit na galit.

"Nasaan ba siya?" tiningnan ko siya nang masama.

"Nangunguha ng isda kasama si Ebonna" hindi siya umimikat pinagpatuloy lamang niya ang pagpupulupot ng mapa.

"Khalil"

"Oh?"

"Nais ko sanang ikaw ang mamahala sa mga tagapaglinis nitong barko"

"Tatanggapin ko iyan kahit wala na akong matatanggap na kapalit" malawak siyang napangiti sa naisumbat ko.

"Kung ganoon ay nalulugod akong malaman na nanaisin mo pala ang pinapatrabaho ko sa iyo, hindi mo pa ba iinumin iyan?" ang tinutukoy niya ay itong isang bote ng alak na binigay sa akin kanina ni Uncle Eemanuel.

"Iinumin ko sana, kaso ay wala akong makitang baso rito" isang malakas na halakhak na naman ang naitanggap ko mula sa kaniya.

"Inumin niyo nalang mamaya ni Akari. Teka, hindi ba't kasa-kasama mo kanina ang iyong mga pinsan?"

Tumayo ako at ininat ang braso sa ere.

"Kasalukuyan silang natutulog sa kwarto, tumakas lamang ako kasama si Akari at Ebonna" labis kong dinadamdam ang pagtama ng malamig na hangin sa aking balat.

"Wala ka na bang itatanong sa akin, may aasikasuhin pa kasi ako maya-maya kaya hindi na kita makakausap" nilingon ko siya habang nanunundot pa rin sa aking mata ang masamang titig.

"Nakalimutan ko na ang nais ko pa sanang itanong eh" nakatanaw sa dagat na usal ko sa kaniya.

Kasalukuyan ko nang naririnig ang kaniyang mga yapak papalayo sa akin.

"Aliwin mo muna ang iyong sarili diyan" hindi ko siya nilingon subalit tinugon ko pa rin ang kaniyang sinabi.

"Opo, Kapitan" napangiwi ako nang malamang nabanggit iyon ng aking bibig.

Oo kapitan, sana iyon para maramdaman niyang nagagalit ako sa kaniya. Masyado lang talagang magalang ang aking dila sa pagbibigkas ng mga salita.

Nilingon ko ang aking likuran upang tingnan kung hindi pa ba umaalis si Uncle Jazzib, subalit nang tuluyan kong tingnan ay sina Akari at Ebonna na ang aking naabutan.

Mayroong hawak-hawak na balde si Akari habang nagngingising inaalalayan sa pag-akyat si Ebonna.

"Ano iyan?" nangungunot ang noong tanong ko kay Akari habang tinititigan ang magkahawak nilang kamay.

"Want to see these little fishes, Lil? They were so cute, look!" agad na binitawan ni Ebonna ang kamay ni Akari matapos ay inagaw sa kaniya ang dala-dalang balde.

Napanganga ako nang makita ang nakuha nilang mga isda.

"Prituhin mo na iyan doon, Ebonna. Masarap iyan kapag piniprito" napasimangot siya nang marinig ang sinabi ko.

Nakapamulsang pumalapit sa amin si Akari, pinukulan ko siya ng masamang tingin.