Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

YOU&ME (2WORLD) TAGALOG NOVEL

🇵🇭PurpleTears_6201
--
chs / week
--
NOT RATINGS
32.8k
Views
Synopsis
Paano kung pag tagpuin ang Nakaraan at Kasalukuyan??? anu kayang tadhana ang nag hihintay para sa dalawang taong pilit na susuungin ang pag kakaiba ng kanilang mundo? Pag-ibig kaya o Kapahamakan ang kahahantungan ng kapalarang kanilang pilit na ipaglalaban?
VIEW MORE

Chapter 1 - KABANATA 1

"WHAT THE!!!!!!"

"HEY YOU!!!! what do you think your doing???"

Nung mga sandaling iyon ay bahagyang nagising at napabangon si Agi sa kanyang higaan habang mahigpit na hawak ang manta(blanket)na nuoy naka balot sa buo niyang katawan.

"Ama!!"

Pabigla nyang reaksyon nuong masilayan ang punong tagapag lingkod na nakatayo sa Tapat ng durungawan. Sapagkat, hindi nya ito namalayang pumasok sa loob.

Mula pa nung mga sandaling matagpuan si Agi sa hangganan ng Abra ay itinagubilin na siya sa punong tagapaglingkod ng Datu na si ginoong Sadam, kaya naman mula nuon ay nasa pangangalaga na siya nito. At kahit na hindi siya nito isang tunay na anak ay inalagaan niya itong parang tunay na supling. Sapagkat, ayon sa kanyang katha ay maagang pumanaw ang kanyang asawa dahil sa isang malubhang karamdaman kaya hindi siya nito nagawang pagkalooban ng anak.

"Sumikat na ang araw Agi!!!."

Ang sabi ng kanyang ama-amahan. Ngunit hindi na rin siya nag taka pa, dahil sa bukod na may pagka pilyo ang batang kanyang kinupkop ay may isa pa itong katangian na walang katulad, sapagkat sa lahat ng tao sa banwa ay Sya lamang ang palaging tanghali na kung magising. Kaya nga madalas itong napaparusan ng prinsipe, at hindi na ito bago pa sa kanya.

"Paumanhin, Ama Subalit pakiwari koy nag karoon ako ng Isang kakaibang panaginip"

Ang tugon nya naman sa kanyang ama, atsaka hinawi ang nakabalot na manta sa kanya. Tumayo siya at yumupyop sa maliit niyang taburete na nuoy malapit sa kanyang tarangkahan.

"Ama!!! sa tingin nyo bay mayroon pang ibang mundo maliban sa mundo natin!?"

Pagtataka nyang usisa sa Ama, na nuoy na papakamot lamang sa kanyang ulo.

"A-anu kamo ibang mundo!? "

Ang hindi makumbinsing tugon ng kanyang Ama, atsaka ito napailing. Iniisip niyang nag papalusot lamang ito, dahil nuon paman ay madalas na itong gumawa ng alibay.

" Hindi ko rin po maintindihan ang panaginip na iyon Ama, Tila ba na punta ako sa ibang mundo,"

Ang nakakunot at nagugulumihanan namang tugon nya sa kanyang Ama habang nakatingin dito.

Ang totoo'y may ilang buwan na ring tila palagi siyang ginagambala ng mga panaginip na pakiwari nya'y totoong-totoo.

"Agi, Maraming ibig ipahiwatig ang mga panaginip, sapagkat para sa atin ito ay nag papakita lamang ng isang hindi matiyak na kaganapan sa hinaharap. Gayunpaman ang managinip ng isang kakaibang mundo ay....."

atsaka siya natigilan sa pag sasalita. Iniisip niyang baka may sira na sa utak ang kanyang anak-anakan dahil sa palagi itong nasusubrahan sa pag tulog.

At nang sandaling matigilan siya sa pag sasalita ay bahagya namang napalingon si Agi sa kanya, Kaya naman napatingn siya sa mga mata ni Agi at bahagyang napataas ang kanyang dalawang kilay na para bang nababasa niya ang nasaisip nito.

"Sa-sandali!!! iniisip nyo bang gawa-gawa ko lamang ang aking katha !?!?!?!?!?!?!"

Napatayong tugon niya kasabay ng tila nag huhurumintadong reaksyon.

Kaya naman napatingin sa kanya ang kanyang Ama habang nag pipigil sa kanyang tawa.

"Ama, bakit ba kayo tumatawa dyan!?, akala nyo bay nag bibiro ako? Totoo ang sinasabi ko!!!! alamo nyo bang kakaiba silang manamit, at Isa pa kakaiba rin ang kanilang pananalita tila isang lingwahe na hindi pa naitala sa ating kasaysayan."

Tugon niya habang pilit paring kinukumbinsi ang kanyang Ama. Subalit, dahil nga sa ramdam nya rin na napaka imposible ng mga ito ay napaupo na lamang siya atsaka napabuntong hininga. Sapagkat hindi niya lubos na maisip kong bakit tila ginugulo siya ng panaginip na iyon, at nais niyang tuklasin ito, hindi dahil para tigilan na siya nito kundi para alamin Kung bakit parang nais siyang hatakin ng panaginip na iyon, Kaya nga pakiramdam niya ay hindi talaga ito Isang karaniwang panaginip lang.

"Agi"

"Agi"

"Agi"

Nung mga sandaling iyon ay napukaw siya sa pag kakatulala, Kaya naman bahagya niyang naiangat ang kanyang ulo atsaka tumingin sa kanyang Ama na kanina pa pala pinupukaw ang kanyang pansin habang kinakaway ang kamay nito sa harap ng kanyang mukha.

"Agi!!! May nais akong itanong sayo"

Sabi ng Ama niya, habang nag-aayos ng kanyang higaan.Subalit dahil nga sa para bang wala siya sa sarili ay napa sagot siya ng labas sa ilong.

"Hanggang kailan mo nais na umupo dyan?Kasi sa tingin ko kanina ka pa inaantay ng Mahal na prinsipe?"

Kaya naman bahagyang napatingin si Agi sa kanya na para bang nag tataka, napakunot siya ng noo atsaka na paisip kung bakit sya inaantay ng Mahal na prinsipe, samantalang ang alam niya ay tutungo lang sila ng kabisera upang tapusin ng prinsipe ang kanyang page iimbentaryo bago ganapin ang pamamangkaw.

"LAGOT NA!!!!!!! Naku yari na naman ako nito sa Mahal na prinsipe,"

Nung mga sandaling maalala nya ang pinag-usapan nila ng prinsipe ay nanlaki ang kanyang mga mata at nagmamadali itong tumayo atsaka umakma ng labas sa silid subalit agad naman siya pinigilan ng kanyang Ama.

"Agi!!!!! tutungo ka sa Mahal na prinsipe ng ganyan ang iyong kasuotan".

Pagpipigil nito sakanya, kaya saglit siyang napatingin sa kanyang kasuotan.Atsaka nya lamang napag tanto na nakasuot pa pala siya ng pantulog na balabal. Kaya naman agaran siyang lumingon atsaka bumalik upang makapag palit ng kasuotan.

Samantala, sa kabilang banda naman habang nag mamadali siya sa pagpapalit ay napansin ng gilid ng kanyang mga mata na tumatawa ang kanyang Ama.

"Te-teka Ama, bat hindi nyo ba ako sinabihan agad??? batid nyo namang may pag ka lobo ang prinsipe kung mag parusa"

Sapagkat, kahit na sabay silang lumaki ng prinsipe at matalik silang mag kaibigan ay mahigpit ito page dating sa alituntunin ng puod. At isa sa pinaka ayaw ng prinsipe ay ang pagiging iresponsable sa tungkuling iniatang nito sa mga tao.

Kaya naman napapakamot soya sa kanyang ulo, sapagkat kahapon lang ay masinsinan silang nag-usap ng prinsipe, sa kabila nun ay nangako rin siya dito na hinding hindi na siya mahuhuli.

Habang natataranta ay napansin ng gilid ng kanyang mga mata ang tawang-tawa na reaksyon ng kanyang Ama habang naka tingin sa kanyang labis na nag mamadali.

"Sandali, ama sinandya nyo ba na hindi ipaalala sa akin para parusahan ako huh!?"

Tugon nito habang nag susuot ng kanyang panyapak.

"Hindi!!"

Tugon naman nito habang pinipigil parin ang kanyang sarili.

Para sa ibang tao ay pasaway nga tingin nila Kay Agi Kaya dapat lang itong mparusahan kapag nag kakamali. Subalit, para sa kanyang Ama ay natutuwa siyang nakikita na natutuon ang pansin niya sa ibang bagay. Dahil nuon paman ay palagi na itong nag tatanong tungkol sa totoo niyang mga magulang?, Kung saan siya nag mula?. At kahit na nasasaktan siyang makita na nagungulila ito sa pagmamahal ng tunay na mga magulang dahil na palapit na ang damdamin nito sa anak-anakan ay wala siyang magawa para rito, Kaya nga Kung minsan ay iniisip niya na kung maaari lang sanang ipag tapat sa kanya ang totoo ay ginawa na nito upang kahit sandaliy makita itong masaya. Subalit hindi iyon maaari sapagkat manganganib ang buhay nito, at hindi lang yon dahil lahat sila sa puod ay manganganib rin, kaya nga kahit nais niyang sabihin ay pilit niyang tinitiis na makita ang lungkot sa likod ng masayahing mukha ni Agi.

Kaya naman, sa tuwing nakikita niyang naaabala o natutuon sa ibang bagay ang attensyon ni Agi ay nakakahinga siya ng maluwag dahil nga sa bukod sa kanya ay wala ng nakakaalam at nakakakita ng malalim na lungkot nito maliban sa kanya. At dahil nga sa takot si Agi sa galit ng prinsipe ay hinahayaan nya itong maparusahan, at kahit Anu pang sabihin ng ibang tao sa kanya ay gagawin parin nya ito para matuon ang pansin ni Agi sa pag sunod sa prinsipe at hindi sa mga bagay na magiging dahilan ng kanyang kalungkutan at ito ay ang PAG-IISA.

"Bat kayo tawaq ng tawaq dyan? na para bang ang saya saya nyo pang mapaparusahan na naman ako. Tssssss...makaalis na nga lang si Ama talaga walang ibang napagdidiskitahan kundi ako, parehas lang kayo ng prinsipe"

Tugon nito atsaka siya tuluyang umalis upang tumungo sa puod ng prinsipe.

Makalipas ang ilang sandali ng pag lalakad ay natuntun na nga niya ang bukana ng puod.

At sa di kalayuan ay natanaw nya naman agad ang isang matipunong ginoo sa labas ng dampa.

Nakasuot ito ng pambalabal na abot hanggang sakong. Ito ay yari sa telang enkahe na may ibat-ibang disenyo ng bulaklak ang nakahabi sa palibot nito, mayroon ding ibat-ibang beads na nuoy ginamit upang kanyang maging kulindang sa bewang, at makikita din nuon ang suot niyang sambalilo na yari sa banig na binalutan ng enkahe ang laylayan upang maging pangkubli ito sa mukha.

"Mahal na Prinsipe, Tila ang aga nyong nagising"

Nakangiting bungad na pagbati nuon ni Agi kasabay ng pag yuko bilang tanda ng pag galang subalit nakatayo lamang ang prinsipe habang bahagyang binagtas(crossed) ang kanyang mga kamay

"At ikaw Agi!!!! tila na huli ka na naman"

Ang seryong(serious) tugon naman ksa kanya ng prinsipe kasabay ang pag iling-iling.

"nag kakamali po kayo kamahalan, sa katunayan nyan maaga po talaga akong nagising, ang totoo nga nyan ikalawang gawi ko na po ito ngayon, sapagkat na gawi na ako dito kanina kaya lang sinabi ng iyong tagapagbantay na nag papahinga pa raw po kayo kaya naman bumalik uli ako sa aming dampa."

Pagpapalusot na tugon niya nuon sa prinsipe, subalit nakatayo lamang ito habang bahagyang nakakunot ng noo na tila ba hindi siya naniniwala.

"Naku!!!!!! mukang hindi Ata sya maniwala sakin."

Ang patagong sabi ni Agi sa kanyang sarili, habang nag palipat-lipat ng tingin sa lupa at sa prinsipe.

"Sabihin mo Agi sino sa aking mga tagapag bantay ang makakapag patunay na nag sasabi ka ng totoo!!!!!"

Paninigurado nya namang tugon. Isang saang para sa prinsipe upang matulog kung nag sisinungaling si Agi sa kanya o nag sasabi ito ng totoo.

"Mahal na prinsipe, ang totoo ay hindi na po bale kung ilang beses akong gumawi rito, ang mahalaga ay naririto na po ako ngayon."

Pag iwas naman nyang tugon, subalit kahit na ilang beses na ilihis niya ang usapan nila ng prinsipe ay nag patuloy parin ito sa paghihinala.

Kaya naman nuon ding yon ay ipinatawag ng prinsipe ang lahat ng kanyang mga tagapag bantay.

"Agi naririto na ang aking mga tagapag bantay, sabihin mo sino sa kanila ang iyong nakita nuong gumawi ka rito kanina"

Tanong naman ng prinsipe habang nakatayo sa likuran niya ang mga tagapag bantay.

"Aking mga tagapag bantay, sabihin nyo ang totoo napansin nyo bang pumunta dito si Agi kaninang umaga!?"

Pahabol nya pang tanong sa mga tagapag bantay na nuoy mga nakayuko lamang at hindi kumikibo.

Sa buong rehiyon ng cordellera ay kilalang-kilala ang prinsipe sa pagiging Matalino sa lahat ng bagay, kilala rin siya bilang isa sa mga matipuno at may magandang itsura, bukod pa duon ay maraming nahuhumaling sa kanya dahil sa magaling siya sa pakikipag laban at higit sa lahat ay Kaya niyang basahin ang Isang tao Kaya batid niya kung nag sasabi ito ng totoo.

"Ah..... kamahalan, sya po ang nakita at nakausap ko kanina."

masidhing tugon ni Agi habang itinuturo ang Isa sa mga tagapag bantay na nuoy nasa bahagyang kaliwa ng prinsipe, Kaya naman dahil ditoy nagugulumihanan ding napa tingin sa kanya ang tagapag bantay atsaka lumingon sa prinsipe.

Kaya naman napaikot ng tingin ang prinsipe at ibinaling ang tuon sa tagapag bantay na tinukoy ni Agi.

"Ikaw nga ba ang tagapag bantay na nakakita kay Agi kanina"

Paninigurong tanong ng prinsipe sa tagapag bantay. Samantala, habang nag iimbistiga siya ay nag pagewang-gewang naman si Agi upang habulin ang tingin ng tagapag bantay, upang tumingin ito sakanya, Kaya nga ng sandaling mag tama nga ang kanilang mga tingin ay agad siyang dinilatan ni Agi ng mga mata na may halong pag babantay upang siyay matakot at mag patunay na nakita nga nya ito. Subalit sa kabilang banda naman ay hindi niya napansing kanina pa pala sa kanya nakatingin ang prinsipe.

"Agi!!!!!!!! wag mo nga syang takutin."

Wika ng prinsipe habang nakatingin at nakabagtas ang kanyang mga kamay sa likod.

"Naku Mahal na prinsipe hindi ko po sya tinatakot, Nais ko lang naman na sabihin nya ang totoo."

Pagpapalusot naman ni Agi, atsaka ito nag pangiti-ngiti sa prinsipe at sa tagapag bantay.

Kaya naman, nag utos ang prinsipe na bumalik na silang lahat sa kanilang ginagawa, at nang makaalis nga ang mga ito ay napabaling naman Kay Agi ang tuon niya.

"Agi, Nais kong kumuha ka ng isang dambunging(sack)trigo"

Utos nuon ng prinsipe kaya naman kahit tila ba nagtataka si Agi ay agad nalamang niyang sinunod ang utos sa kanya.

Kaya nga tumungo siya sa silid ng trigo atsaka nag pasan ng isang dambungin kanyang likod at tumungo uli pabalik sa Mahal na prinsipe.

"kamahalan Ito na po, Sandali anu po bang gagawin natin dito!?"

Sapagkat hindi nga niya lubos maisip Kung para saan ang trigong iyon. Sa halip ay humanga pa sya sa prinsipe dahil paki wari niya may nais na pag bigyan ang prinsipe nito, dahil nuon pay ginagawa nya na ito sa tuwing tumutungo sila papuntang kabisera. Gayunpaman, napapaisip siya dahil sa bukod na mabigat ang trigo ay nagtataka siya dahil sa halip na mag patawag ang prinsipe ng tagapag lingkod upang kunin at buhatin ang trigo ay sya mismo ang pinagawa.

"Nais kong pasanin mo ang dambunging yan papunta ng kabisera hanggang pabalik dito, bilang parusa sa iyo."

seryosong utos ng prinsipe Kay Agi. Batid niyang kaibigan at kababata niya si ito, bukod pa duon ay paborito rin ito ng Datu, ng mga tao at ng kanyang buong mag-anak, subalit para sa prinsipe ang ginawa niyang pag sisinungaling sa harap ng mga tagapag bantay maaaring mag dulot ng kawalan ng page galang sa angkang ng Datu kaya itinurin niya itong isang pag labag, dahil kung hindi siya parurusahan ng prinsipe ay baka isipin ng lahat na may kinikilingan ang ipinatutupad nilang batas. Kaya naman para hindi na ito maulit ay pinatawan niya ng parusa si Agi upang hindi siya pamarisan ng iba.

"Ah..... ka-kamahalan"

"Kung nag sabi ka lamang ng totoo ay hindi ko na sana maiisipan na gawin ito sayo bilang parusa. Subalit na gawa mo pang mag sinungaling upang pagtakpan ang iyong sarili, Isa pa nagawa mo ring idamay ang Isa sa aking tagapag bantay. Gayunpamay nababatid ko paring nag sinungaling ka, kaya naman bilang parusa sa iyong ginawa iniuutos kong pasanin mo ang trigong iyan upang ikay mag tanda "

Batid ni agi na may Isang salita ang prinsipe, Kaya pag sinabi nitong parurusahan kanya, ay parurusahan ka nga nito.At kapag ipinag utos niyang ikay bigyan ng gantimpala ay hindi na ito mag babago. Kaya nga ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng pamamalakad sa puod ay ipinagkakatiwala sa kanya ng Datu, dahil katulad nitoy may kakayahan siyang mamalakad at mangasiwa ng puod kapag wala ang kanyang Ama.

"Kamahalan, tinatanggap ko naman pong nagkamali nga ako. subalit makatarungan ba namang pag buhatin nyo ako Mula dito hanggang kabisera tapos pabalik pa uli dito? baka naman maaring kalahati lang ang aking pasanin kamahalan"

Nakabusangot na sabi ni Agi, habang nag dadabog ng kanyang paa.

"Nagrereklamo kaba Agi!!!! nais mo bang dagdagan ko pa yan ng isa pang dambungin?"

"Ay Teka, Ito na po bubuhatin ko na."

Saka nya ipinasan ang dambunging trigo sa kanyang likod

" Naku napaka gaan lang po pala nito kamahalan."

Puno pa nya kasabay ng nakakalokong ngiti.

Kaya naman napailing na lamang ang prinsipe habang nakatingin kay Agi habang nag pagewang-gewang sa pag lalakad dahil sa bigat ng kanyang dala, kasabay pa nito ay ang mainit na sikat ng araw na nag patagaktak ng kanyang pawis sa buong katawan.

**AGI'S POV**

Pag buhatin ba naman ako ng isang dambunging trigo papunta ng kabisera tapos may pabalik pa!!!!.

Napaka ligalig talaga nitong si prinsipe Ayte hindi man lang mag pautang ng kasalanan hindi nya ba alam kung gaano to kabigat!!!!? mag palit kaya kami ng kalagayan at sya ang pabuhatin ko nitong trigo sa tingin nya kaya makakarating sya ng kabisera. Natatawa kong bulong saking sarili habang nag lalakad.

"Agi!!!!! anong tinatawa tawa mo dyan, at bakit tila yata may binubulong ka huh!!!!?"

Akalain nyong napansin nya pa yon? Alam nyo bang hinahangaan ko ang Mahal na prinsipe, hindi lang dahil sa magaling Sya, matapang, at may angking talino, kundi dahil sa mabuting tao siya na may mabuting puso, maliban lang pay pinaparusan nya ako!!! dahil wala Sya talagang awa noh.

"A-ako kamahalan!!!? Wa-Wala po!!, kinakausap ko lang ang aking sarili ng sa ganun ay hindi ako mabagot habang nag bubuhat"

"Ah ganun ba!!?"

Tipid nya namang tugon habang nag pa Ngitingiti na nagmamasid sa aking nagbubuhat

tssssss...

Subukan nyo kaya akong tulungan kamahalan noh!!...Ang tagapag bantay na iyon, mamaya talaga yon sa akin. NAKU!!!!!!sinasabi ko talaga sakanya mga mata nya lang ang walang LATAY!!!

*****KABISERA NG KABUGAO*****

Makalipas nga ang ilang sandali ay natuntun na narin namin ang kabisera at dahil narin sa labis na pagod habang nag lakad ng may pasan na isang dambunging trigo ay bahagya ko itong inilapag sa labas ng tarangkahan papasok sa tanggapan ng kabisera.

Nang makapasok sa loob ay agad naman akong yumupyop(sit) sa gilid ng salansanang yari sa yantok na nilalagyan ng mga libro upang makapag pahinga at mula nga nuon ay naramdaman ko ang pagpapawis ng aking buong katawan, kung saan ay sumalat(feel) din ang pangangalay ng aking likod, braso at binti kaya naman duon nalamang ako namahinga.

Samantala naman ang Mahal na prinsipe ay nagsimula ng mag imbentaryo mula sa trigo, bigas, at tabaco na nuoy ipapasok sa pamilihan kasunod din nito ay ang pag iimbentaryo sa porsyentong buwis ng mangangalakal na umaangkat sa mga produktong nag mula sa lalawigang Apayao.

Makalipas pa ang ilang sandali ay nag simula naman sa pag iimbentaryo ang prinsipe sa mga produkto na isusulat nuon sa talaan ng imbakan upang gawin uling binhi sapagkat ginagawa lamang iyon upang hindi mabawasan ang mga produktong ilalabas sa kabisera.

"Agi!!!"

Tawag sakanya ng Mahal na prinsipe habang nagbibilang sa mga produkto at yumupyop sa upuang nakaharap sa kanyang mesang yari sa tabla

"Anu na naman po iyon kamahalan"

Naiirita tugon ni Agi habang nag papaypay ng abanikong tangan(hold) niya.

"Nais kong matutunan mo ang lahat ng aking ginagawa dito sa kabisera upang sa aking pag papakasal ay ikaw na ang humalili sa akin bilang bagong pinuno"

Sabi nito, habang bahagyang napatigil sa pay bibilang. Ang totoo'y malapit na nga niyang ipag katiwala Kay Agi ang pagmamahala ng kabisera dahil sa ilang araw nalang ay ikasal na siya kahit labag sa kanyang kalooban.

"Kamahalan maaari po bang ituro nyo na lahat maliban sa gawain dito sa kabisera, sapagkat napaka raming dapat na tuunan ng pansin dito at sa malamang ay mababagot lamang ako!!!!"

Ang sagot naman ni Agi na para bang walang paki alam. Subalit sinasabi nya lamang iyon upang hindi makaramdam ng kalungkutan ang prinsipe. Sapagkat, sabay-sabay silang tatlo ni Bai Min-hee na lumaki kaya bukod sa alam nya ang buong ugali ng prinsipe ay batid rin nya kung sino talaga ang tunay na iniibig nito, Kaya batid niyang nag papanggap lamang ito pero ang totoo'y labis na nag durusa ang kalooban niya dahil sa responsiblidad na nakaatang sa kanya na ni kahit minsan ay hindi nya ginusto, Subalit dahil nga sa isa siyang prinsipe Kaya kailangan niyang unahin ang kapakanan ng kanyang nasasakupan bago pa ang kanyang sariling damdamin.

"Subalit ito rin mismo ang minungkahi Ni Ama sa akin Agi, kaya mas mainam na sumunod na lamang tayo!!"

Ang nuoy tila walang ganang sagot ng prinsipe.

Ang prinsipeng si Ayte ay nagiing(grow) at namulat sa pagiging isang dugong bughaw kaya naman kumapara sa akin ay iba Ang pananaw niya sa buhay, sapagkat tanging alituntunin lamang ang kanyang iniisip sa buhay bukod dun ay wala na

"Sya nga po pala kamahalan, gusto ko lang itanong kong nais nyo ba talagang mag pakasal sa binukot ng Raha?"

Ang totoo tinatanong ko ito hindi dahil sa gusto kong alamin ang sagot nya kong Oo o hindi, dahil ang gusto ko'y mag salita Sya o mag utos sya ng Kung Anu, para hindi sila ikasal ng anak ng raha. Sapagkat kahit hindi niya sabihin ay nag-aalala siya para sa kanila ng Bai na si Mayang.

At para sa akin ay hindi maka tarungan ang kasaunduang iyon, dahil bakit siya pakakasal sa binukot na hindi nya naman Mahal? Hindi bat ang pag papakasal ay para sa dalawang taong nag mamahalan? Kaya naman kung ang pagpili sa iyong iniibig ay tulad ng pag pili sa kasuotang iyong isusuot ay Isang kahibangan lamang dahil sa oras na ayawan mo ito kapag hindi mo gusto ay pababayaan mo nalang, hindi bat maaaring sa huli'y parehas lang silang mag durusa?. Hindi bat mas masakit na mag dusa ka habang buhay sa piling ng taong hindi mo Mahal keysa iwasa ang Isang pag-ibig na sa simula pa lang ay hindi mo na dapat pa hinayaang mapag buklod?.

"Agi, Isa akong anak ng Datu kaya naman ang usapin patungkol sa pag-aasawa ay hindi ako ang nag papasya. Anong malay natin sa kalaunan ay matutunan ko ring mahalin ang anak ng Raha"

Sagot nito na para bang sa tono niyay wala na ngang pag-asa na mabago pa ang kapalarang nakatadhana sa kanya, Kaya sa halip na sumang-ayon sa usapin ay tinanggap nya ito ng maluwag sa kanyang kalooban. Iniisip na lamang niya na maraming mga tao sa kanyang nasasakupan ang makikinabang sa kasunduang iyon sapagkat kalakip ng kasal ay ang pang habang buhay na kapayapaan.

"Subalit kamahalan, Ang damdamin nyo'y nag durusa at kaakibat nito ay labis pangungulila. Kaya naman batid kong sa hinaharap ay pipilitin nyong maibsan ang pag durusang iyon, sapagkat dahil sa kakulangan ng Isang damdamin ay mag hahanap ito ng isang tao na bubuo sa kakulangang iyon."

"Kung ganun anong ibig mong sabihin Agi? na suwayin ko ang ating Datu?"

Ang tugon ng prinsipe habang bakas ang labis na pag kagulo ng kanyang isipan.

Sapagkat, naisip narin nga niyang takasan ang kapalarang iyon subalit tila hindi ni kayang mag pasya para sa kanyang sarili.

"Hindi iyon Ang ibig kong sabihin kamahalan"

Nung mga sandaling iyon ay bigla nalang nawalan ng kakayahang mag paliwanag pa si Agi, dahil iniisip niyang may punto nga ang prinsipe. Gayunpaman, nalulungkot siya dahil sa Isang dugong bughaw ang prinsipe kaya napaka babaw lamang ng halaga o ibig sabihin ng pag-ibig at pag-aasawa para sakanya. Ngunit hindi rin nya ito maaaring sisihin sapagkat isa syang prinsipe na may katungkulan sa mga tao at sa kanyang pamilya kaya kung ihahambing ang kanyang kahusayan sa isang pang karaniwang ginoo na tulad ko na walang ibang ginawa kundi ang mag bigay ng suliranin ay hindi nga siguro maiintindihan ang nais niyang ipabatid. Ang totoo humahanga ako sa Mahal na prinsipe ngunit sa kabila nun ay nakakaramdam din ako ng labis na Awa sapagkat ang damdamin niya ay pinamamahalaan ng iba!!!!!".

"Agi!!! Halikana buhatin mo na ang dambunging trigo at babalik na tayo sa puod"

Tawag nuon ng prinsipe Kay Agi nuong matapos nitong iligpit at hinahanay ang mga libro sa dati nitong pinag lalagyan.

"Hu-huh!!? ah--o-opo kamahalan"

Subalit may isang bagay na hindi nais ni Agi page dating sa prinsipe at yon ay ang pagiging matandain nito sa lahat ng bagay , sapagkat kapag may nagagawa siyang kasalanan o pag kakamali rito ay hindi niya agad ito nakakalimutan, kahit na subukan pa nya itong libangin ay maaalala parin nya ito kaya naman pag dating sa prinsipe ay wala ngang ligtas si Agi!....