Dear Soulmate,
Gusto ko lang muna i-describe ang sarili ko.
Ang buhok ko ay hanggang balikat, ang kulay ng mata ko ay brown at tama lang laki, morena ang kutis ko, at hindi gaano katangusan ang ilong ko at least, cute naman ako.
At alam mo bang kaya kitang ipaglaban, hindi tulad diyan, hindi na nga pinaglaban, iniwan pang luhaan. Char!
Hindi ko alam kung saan kita makikilala, hindi ko alam kung bakit ko ito sinusulat. Joke, meron talagang dahilan.
Kasi, kaya ko 'to sinulat para kapag nagkita na tayong dalawa ay ipapabasa ko sa'yo 'to.
Kung anong gusto kong plano nating dalawa, ano kayang naiisip ko sa'yo at mga bagay na gusto at gumugulo sa isipan ko.
Soulmate, excited na akong makita at magtagpo ang landas nating dalawa. Sana ay ganoon ka rin sa akin.
Bago ko pala tapusin ito, gusto ko lang magpakilala sa'yo.
I'm Zyra Marie Del Fierro, ang babaeng parang sa'yo.
Love,
Zyra