Kuyaaaaaaaa! hintay, sigaw ni Sassa habang bumababa ng hagdan galing sa ikalawang palapag ng bahay sa kuya niya, ngunit nang lima na lang ang natitirang hakbang para makatapak siya sa sahig ay bigla itong nawalan ng balanse, agad na tumakbo si Jam kay Sassa na naka bulagta sa sahig at tinignan kung may malay ba ito at sa kabutihang palad agad naman itong umupo sa kinabagsakan niya, saan ang masakit? nag aalalang tanong nito habang tinitignan lahat ng parte ng katawan ni Sassa para makasiguradong wala itong kahit na anong sugat o bali. Okey lang ako, masakit lang ng kaunti ang binti ko pero kaya kong tumayo sagot nito habang nakangiti upang hindi mag alala ang kapatid nito, Gusto mo bang dalhin ka namin sa doktor tatawagan ko si Mama? tanong ulit nito, Kuya okey lang ako hindi na lang muna ako papasok ngayong umaga para di ka na mag alala, hayaan mo nang si Nanay Sally muna ang nurse ko ngayon kunting pahinga lang ito tsaka wala naman akong bali ehh usal nito sa kuya niya.
Walang nagawa si Jam kundi magtiwala dito, ako na ang bahala sa kanya anak usal ni Nanay Sally, lumakad ka na at baka ma late ka pa sa klase mo tatawag ako pag may problema pag aalo nito.
Si Sassa ang nag iisa niyang kapatid, ang nag iisang prinsesa ng kanilang pamilya, kayat para kay Jam ito ay isa niyang responsibilidad na panatilihing ligtas ang kanyang kapatid. Sa halos isang oras na nasa klase ay wala ito sa pag iisip dahil sa nag aalala ito ng sobra kay Sassa, ni hindi siya kumikibo at napansin ito ni Gab, kayat tinapik niya ito sa balikat para bumalik sa mundo ang pag iisip.
Huy! okey ka lang ba bro? pag aalalang tanong nito, kanina ka pa walang kibo may problema ba? sunod nitong tanong. Okey lang bro may iniisip lang ako sagot naman nito, mukhang napaka laki ng problema mo wag mong sabihing si Anna yan? pabiro nitong usal habang marahang tinapik ang balikat ni Jam at tumawa. Ano ka ba? bakit napunta kay Anna ang usapan? pagkainis nitong sagot kay Gab, ohh kung hindi tungkol kay Anna ehh kanino? takhang tanong nito. Tumingin lamang ito kay Gab at nag sabing sa kapatid ko, nahulog siya kanina sa hagdan habang pababa ,sabi niya okey lang daw siya ipapahinga na lang daw niya iyon kwento nito, ohh okey naman pala ehh bakit tulala ka pa rin? nakakibit balikat nitong na tanong kay Jam.
She is my little princess! diin nitong sagot. Nag iisa kong kapatid....Oo na pamputol na tugon ni Gab, alam ni Gab na simula pa noong nagkakilala sila ni Jam ay mukhang bibig nito ang kapatid niyang babae, ngunit kahit kailan ay ni hindi pa nito nakita ang nakababatang kapatid ang pagkakaalam lang nito ay ang pangalan ay Sassa.
Tara na bro canteen muna tayo gutom na ako ehh! yaya nito kay Jam habang hinimas himas ang tiyan niyang wala na daw laman.Tumayo na si Jam at lumakad papuntang canteen.
Mag iisang linggo na din ang nakalipas ng magsimula ang klase, at ang magkakaibigan simula noon ay magkakaibigan pa rin hanggang sa ngayon at yan ay sina Jam, Gab, at Michael.Si Jam ay ang sikat na President Organization noon at archery athlete, si Gab naman ay ang varsity basketball player at isa sa mga playboy sa campus, at ang panghuli ay si Michael na vocalist ng school band isa din siyang football player.
Si Gab at Jam ay magkaklase hanggang sa ngayon dahil iisa ang course na napili nila kayat halos araw araw ay magkasama ang dalawa, si Michael naman ay business Ad. dahil gusto ng Papa niya na siya ang magpatakbo ng kumpanya nila sa sandaling hindi na niya kaya ang lahat.
Gab stands for Gabriel Alexis Bustamante, isang malaking sakit sa ulo para sa mga babae.
Michael klenth Zamora, ang gentleman at masunuring anak.
-Canteen-
Bro! bati ni Michael sa dalawang kaibigan,Ohh bakit parang wala sa mundo to si Anna ba yan kinukulit ka ba niya ulit? takhang tanong na may mapangutiyang ngiti habang tinapik ang balikat ni Jam na nakatingin kay Gab, bro hindi si Anna, sagot naman ni Gab na nakakibit balikat. Ehh kung hindi si Anna sino? diing tanong nito,
kapatid niya maikling sagot ni Gab at uminom ng tubig. Dahil sa hindi mapakali si Jam inilabas niya ang phone niya upang tumawag sa kanyang kapatid upang tanungin kung nasa anong kalagayan na ito, wala pang dalawang ring ay sumagot na ito , kamusta na pakiramdam mo? masakit pa rin ba ang balakang mo? sunod sunod na tanong nito sa kabilang linya. Kuya okey lang ako sa makatuwid nandito na ako sa school, tsaka hindi na masakit hindi naman ganun kasama ang pagbagsak ko ehh diin nitong paliwanag . Nasaan ka puntahan kita ngayon? tanong nito habang nag aalala, Kuya okey lang ako, hindi na ako bata salamat sa pag aalala pero sure na okey na ako diin ulit nitong sabi, okey basta tawagan mo ako kung may masakit sayo? usal nitong walang magawa habang nag aalala. Opo huwag ka nang mag alala matapos sabihin ito ay pinatay na nya ang kanyang telepono.
Hindi mo masisisi kuya mo kung subrang nag aalala yun sabi ni manong Andrew, ayaw lang niya na nasasaktan ka kayat kung ayaw mong mag alala ang lahat sayo lalong lalo na ang kuya mo ay mag iingat ka lagi saad nito, alam ko naman po yun di ko naman ginusto kanina na mahulog paliwanag ni Sassa habang nakakamot sa ulo, sige na po mauna na po ako paalam nito habang naka ngiti.
Ibinaba na ni Jam ang telepono at huminga ng malalim, Ohhh ano okey na ba siya? tanong ni Michael, tumango lamang si Jam bilang pag tugon ngunit may diing nagtanong si Gab ng "puntahan"? hindi ako sa nakikinig sa usapan niyo kanina sa telepono pero narinig kong nasa school na siya, pagtataka nito. Oo tama ang iniisip mo andito din siya nag aaral grade 11 okey ka na? nakangiting sagot nito, kung ganoon maaari na namin makilala at makita ang nag iisang prinsesa ng Agustine family? tanong ng may matamis na ngiti sa mukha ni Gab. Kahit kailan talaga pagdating sa babae pati bata pinapatos mo umiiling na saad ni Michael kay Gab, huwag na huwag kang magkakamali kaya nga ayaw kong ipakilala sa inyo kase ayaw ko na mabuwag lang ang pagkakaibigan natin lalo na sayo usal ni Jam na may pagbabanta kay Gab at tumayo sa kina uupuan. Ikaw kahit kailan kapatid niya yon sa tingin mo ba hahayaan ka niyang paglaruan ang nag iisa niyang kapatid saad ni Michael kay Gab habang iniiling ang ulo, joke lang yon di naman ako seryoso dun ehh pagpapaliwanag nito. Bro! nagbibiro lang ako paliwanag nito kay Jam habang hinahabol sa paglalakad, tumigil ito at nagsabing magbiro ka tungkol sa ibang bagay wag lang kay Sassa naintindihan mo? galit nitong saad, itinaas ni Gab ang dalawang kamay bilang tugon na hindi siya lalaban dito. Ngumisi lamang ang lalaking nakasunod lamang sa likod ng mga ito.