Buong gabing hindi nakatulog si Jam dahil sa pag iisip tungkol sa sinabi ni Anna, si Anna ang ex-girlfriend niya na niloko siya at nakikipag date ito habang siya'y nasa America naging sila noong grade 10 kalagitnaan ng taon at dahil sa sineryoso niya ito ay umabot ito ng mahigit isang taon, ngunit dahil sa desisyon ng Mama at Papa niya na sa America siya mag-aaral. Noong unang mga buwan ay okey naman ang kanilang komuniksiyon halos araw araw sila nagtatawagan pag kagaling sa school, ngunit dahil sa malayo si Jam at hindi naman ito masyadong nagtatatanong kung ano ano ang pinagkakaabalahan ng girlfriend niya ay nagsimula itong makipagdate sa iba, hanggang sa nawili na ito at sa tuwing mag uusap sila via video call ay palagi itong nagmamadaling patayin ang phone at sa huli na nga ay ni halos hindi na niya nakakausap sa isang linggo ang girlfriend nito kung mag usap man ay lagi itong nagmamadali. Ang kanilang relasyon ay tuluyan ng nasira, dahil sa nangyari sa buhay pag ibig ni Jam noon ay siya ring dahilan kung bakit gustong gusto ni Sassa na pumuntang America para doon na rin mag aral at masamahan ang kaniyang kapatid, wala sa linggid ng lahat na ang tanging sumbungan ni Jam sa lahat ng kaniyang kabigoan ay ang nag iisa si Sassa.
Kinaumagahan- Dahil sa hindi siya nakatulog ay maaga na lamang itong pumasok sa paaralan. Habang naglalakad siya sa hallway ay may isang lalaki ang umakbay sa kanya at nagtanong ng mapang inis, ang aga mo yata di ka nakatulog no? kinuha niya ang kamay ng lalaki na naka akbay sa balikat niya at tumugon tigilan mo nga ako Gab, tsaka ang aga mo naman yata ngayon inspired? umiling ito ng may mapangutyang ngiti at nag salita Jam bakit mo pa kase pinapansin yung ex mong yun? niloko ka lang naman nun at isa pa hindi mo obligasyon na pumunta sa mga lugar kung saan siua makikipag usap, patuloy nitong pagpupukaw sa katotohanan kay jam. Ayoko maging bastos tsaka kahit papano....minahal mo siya pagputol niyang tugon, bro bilang kaibigan mo alam ko naminahal mo siya ng todo oo andun ka na pero tignan mo naman sa ginagawa mo mas sinasaktan mo sarili mo ,pinapatunayan mo lang sa kaniya na hanggang ngayon may pagtingin ka pa rin sa kanya naiinis nitong paliwanag. Tahimik lamang si Jam dahil sa isip niya ay purong katotohanan ang lahat ng sinabi ni Gab, ngunit bago pa sila ma upo sa bawat silya ay nagtanong muli si Gab kailan namin makikilala ang kapatid mo matagal tagal na rin tayong magkakaibigan di mo pa rin sa amin pinapakilala ang kapatid mo? may kyuryusidad nitong tanong. Tumingin ito sa kanya at tumugon " mamaya" habang itinaas ang isang kamay at nagbanta na babantayan kita gamit ang dalawang daliri na nakatotok sa dalawang mata, itinango niya ang kaniyang ulo at nakangiti bago umayos ng upo
Sa Canteen...
Nakaupo si Sassa malapit sa may pintuan kasama si Alex, Sas hindi ko nakita si Clare mukhang di nanaman siya pumasok takhang sabi nito, actually kaina ko pa nga siya hinahanap dalawang araw ko lang siya nakita simula nung makilala ntin siya sa mall paliwanag nito kay Alex. Alam mo nung araw na yun parang may kakaiba na akong nararamdaman parang may mali ehh! pagsasabi nito, di mo ba napapansin noong isang araw? tanong nito, nagkibit balikat lamang si Sassa at tumugon ng wala naman bago itinuon ang sarili sa pagkain nito, ngunit sa kaloob looban nito ay napansin din niya hindi niya lang maamin para hindi na tuluyang mag alala ni Alex. Kahit wala pa kasing isang buwan silang magkakilala ay ramdam nito na totoo ng kaibigan ang turing nito sa kanila at mabilis para kay Alex ang magtiwala kayat para sa kanya ay parang mga kapatid na niya to, habang iniisip ito ni Sassa ay hindi niya mapigilang magalak dahil sa nararamdaman niya ito na mahal na niya ang dalawang babae. Huwag ka ng mag isip ng kung ano ano tungkol kay Clare hayaan mo pagnakita natin siya o pagpumasok na siya tatanungin natin siya kung may problema ba ito okey pag aalo sa namomoblemang si Alex, ngumiti lamang ito habang nakatingin kay Sassa at tumango.
Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin ni Alex na nagbubulungan ang mga babaeng nakaupo malapit sa kinauupuan nila, napansin din ito ni Sassa ngunit hindi niya ito inintindi. Halika na balik na tayo sa classroom, yaya niya kay Alex tumango lamang ito para sa pag sang ayon bago nagsalita sandali bibili lang ako ng makakain natin dun habang naghihintay ng klase bago tumayo at mabilis na tinungo ang food section, habang naghihintay siya kay Alex ay agad nagtilian ang mga babae na kanina pa nagbubulungan, ang dahilan ng mga tiliang ito ay ang tatlong mga gwapong lalaki na papasok sa canteen yumuko ito para hindi makilala ngunit nagulat ito na napansin niyang nakatayo ang mga ito sa harapan niya.
Habang nasa counter si Alex ay napansin niyang nagtilian ang mga babae at agad siyang tumingin sa kanilang pwesto para tingnan si Sassa at agad niya kinuha ang kaniyang pinambili para mabilis na nagtungo kay Sassa na napapalibutan ng tatlong lalaking matataas ang pigura, nakayuko ang ulo ni Sassa ng makalapit na siya, nagtaas lamang ito ng ulo ng mapansin niya ang kaibigan at ngumisi sa mga lalaki habang tangkang tatayo ay agad itong pinabalik sa upuan ng isang lalaki. Saan ka pupunta? tanong nito, pinagtitinginan tayo ng mga estudyante bulong ni Sassa, ehh ano naman kung nakatingin sila bawal ko bang lapitan ang nag iisanv prinsesa ko? pabalik nitong tanong ,kuyaaaaaa! pagpipigil nitong galit na sabi. Guys this is Sassa pakilala nito habang inaakbayan my little princess, Sassa si Gab at Michael mga kaibigan ko, inilapat ni Gab ang kaniyang kamay para makipag shakehands kay Sassa ngunit si Jam ang umabot nito at itinuro ang dalawang daliri sa mga mata nito, Ikaw? nagulat na tanong ni Sassa ng makita ang mukha ni Gab, magkakilala kayo? takhang tanong ni Jam, Ohhh! hi ikaw pala nakangiting sambit ni Gab. Tinitigan siya ni Jam ng matalim sa mata ng nagtatanong, itinaas nito ang dalawang kamay para sabihing wala siyang masamang ginawa, at itinuon ni Jam ang tingin kay Sassa ng nagtatanong. Siya ang bumunggo sa akin noong unang araw ng klase naiinis na paliwanag ni Sassa, naka nganga lamang si Alex sa mga sandaling iyon ng hindi niya maintindihan ang kung anong nangyayari at napansin ito ni Michael na kanina pang tahimik na kakikinig lamang, ikaw? sino ka? tanong nito, nauutal na sumagot si Alex a..a.ko? ahhh! siya si Alex kaklase ko pakilala ni Sassa, Alex si Jam kuya ko. Umi echo sa utak ni Alex ang mga sinabi ni Sassa na kapatid niya si Jam habang tumatakbo ang utak niya at nag tatanong kapatid ni Sassa si Jam ang kilalang si Jam, na hindi makapaniwala sa lahat ng nalaman. Natauhan lamang ito ng i abot ni Jam ang kamay para makipagshakehands, natagpuan na lamang niya ang sarili niya nakikipagkamay sa isa sa pinakasikat at gwapong lalaki sa buong ISA. Nice to meet you Sassa wika ni Michael na kanina pa nakatingin kay Sassa, ngumiti at nakipagkamay si Sassa dito bago nag paalam na papasok na sila sa klase, tumango lamang ang mga ito bilanv pagsang ayon, hinila ni Sassa ang kaibigan na hindi pa rin makagalaw sa lahat ng nagyari. At dahil sa nangyari habang papasok sila sa klase ay halos nagbubulungan ang mga estudyante na nadadaanan nila na nakatingin sa kanilang dalawa.
Natapos ang buong araw sa school na puno ng bulong bulongan dahil sa nangyari dahil sa wala namang narinig ang iba sa kung ano ang napag usapan sa mga nangyari ang sumabong ang haka haka na si Sassa ay ang bagong girlfriend ni Jam at ipinakilala ito sa dalawang matalik na kaibigan. Napansin ni Alex na kanina pa tahimik si Sassa kayat nagtanong ito Okey ka lang ba? iniisip mo pa rin ba iyong nangyari? nag aalala nitong tanong, anong gagawin ko mangiyak ngiyak na tanong ni Sassa. Anong ibig mong sabihin? Swerte mo nga tatlong mga gwapong lalaki ang close sa iyo tugon nito ng may pagkainggit, anong swerte dun? nakikita mo ba lahat ng yan lahat ng pinag uusapan nila ay ako mangiyak ngiyak na sabi, bakit pa kasi ngayon pa si kuyaaa naman ehhh sabi nito nang may problemadong tono.Tumawa ng malakas si Alex rason para tumingin ng matatalim ang mga nasa hallway, at nagsalita ng malakas anong magagawa mo ehh ang ganda ganda mo, matalino ka at mayaman! anong problema kung lalapit sayo sina Jam, Gab at Michael habang nakangiti...tumigil ka nga ano ka ba pinapalala mo ang sitwasyon ehhh habang tinatakpan ang bibig ng kaibigan, magiging center of attention tayo ayoko ng maraming nagagalit sa akin o nag iisip ng masama sambit nito. Wala ka ng magagawa hindi mo na mababago ang mg utak ng mga yan wika nito habang pinaikot ang kamay niya nakaduro ang isang daliri nga mga estudyanteng nasa hallway.
Ikaw ang may kasalanan! sambit nito habang inuundayan ng suntok ang kuya niya, aray ano ba? natatawang tanong ni Jam, kung hindi mo ako ipinakilala sa mga kaibigan mo at hindi ka lumapit sa akin kainina edi walang problema. Mali ba na ipakilala ko ang kapatid ko sa mga kaibigan ko? tanong nito, Hindi naman aa ganun kuya ehh naiinis nitong tugon ,pero ang alam ng lahat iba dugtong nito, okey kung gusto mo ipapa announce ko na si Sassa Libertine Agustine ay ang aking nag iisa kapatid ang ibig sabihin lang nun, siya ay isa ring anak ng may ari ng paaralang ito -pag iinis nito. Ewan ko sayo! galit na wika ni Sassa, maiba ako Alex ang pangalan ng kaibigan mo hindi ba? pag iiba nitong tanong, Oo bakit? naiinis na sagot nito, wala nakita ko expression niya kanila gulat na gulat ahh! sambit nito, sino hindi magugulat ehh bumili lang siya ng makakain tapos pagbalik niya may tatlo ng mga sikat at ang gagwapong lalaki ang nakatayo sa kinauupuan namin pamimilosopong sagot nito.Sa bagay pero cute siya sabi ni Michael nakangiti nitong saad, kuya haaa kilala ko mga lalaking yun pati na yung Gab na yun naiinis na sabi nito. Sandali talaga bang hindi mo kilala si Gab? nag aalalang tanong nito, iniiling ni Sassa ang ulo at nag paliwanag gaya nga ng sabi ko kaina siya ang bumangga sa akin noong first day of school. Huwag kang lalapit doon pag wala ako ha! ayoko bilugin ka ng gagong yun- pag aalala nito.
Huh? wala kang tiwala sa kaibigan mo, bulong sa utak ni Sassa infairness gwapo siya habang nakangiti, napansin ito ni Jam at nag banta.
Hoy! sinasabi ko sayo wag kang lalapit o makikipag usap dun pag wala ako. Opoooooooooo! kuya! pagsang ayon nito ng may matamis na ngiti. Alam kasi ni Sassa na ayaw lang siya ng kuya niya na maging isa sa babaing sasaktan lang ni Gab dahil sa totoo lang bawat araw ng papapalit palit iyon ng girlfriend.
Papasok palang ng bahay ang magkapatid ay na amoy na nila ang pagkaing niluluto sa kusina dahil sa sobrang sarap ng amoy ay agad silang dumeritso sa kusina para tignan kung sino ang nag luluto at ng makita ang pamilyar na likod ng babaeng nakaharap sa kalan nagkatinginan ang dalawa sabay halik sa magkabilaang pisngi ng babae. Oh! andito na pala ang mga anak ko, kamusta ang pag aaral? nakangiti nitong tanong, bumuntong hininga si Sassa na parang napagod , tumawa ng mahina ang Ina nito. Sandali na lang to at maluluto na mag palit muna kayo, tumango lamang si Sassa at agad na umakyat sa kwarto, naiwan si Jam at yumakap sa Ina sabay sabing I love you Ma. Ngumiti ang Ina at hinalikan ito sa gilid ng ulo, segi na magpalit ka na muna utos nito. Ramdam ng magkapatid na kahit gaano man sila ka laki na ay nandiyan pa rin ang mga magulang nito para alalayan at alagan sila, kayat si Jam at Sassa ay lumaking magkasundo at nagmamahalan dahil sa mga magulang nito. Para sa dalawang magkapatid wala silang pakialam sa kung anong isipin ng mga taong makakakita sa kanila sa tuwing maglalambinb sila sa kanilang Ina.
Ang Ama nila ang siyang nagpapatakbo ng kanilang negosyo ngulit sa kahit na anong busy pa ito ay may oras pa rin itong binibigay sa mga anak dahilan kung bakit malapit sila sa isa't isa ang palaging ginagawa nilang tatlo ay ang mag taekwondo, kayat hindi maipagkakaila na marunong si Sassa magseldefense dahil sinanay sila ng Ama nito, at para na rin sa kanilang siguridad upang kaya nilang ipagtangol ang kainilang mga sarili.Noong una ay ayaw ito ng kanilang Ina dahil sa babae si Sassa ngunit dahil sa gusto rin ito ng anak wala siyang magawa kundi suportahan nalang ito at paalalahanan na huwag kalimutang mag inggat dahil bilang Ina ay ayaw niyang masaktan o magalusan man lang ang kaniyang nag iisang prinsesa, kayat ganoon na lamang kung mag alala si Jam para dito.