Chereads / Love grows every second / Chapter 5 - Ako si Clare!

Chapter 5 - Ako si Clare!

Si Clare ay anak ng isang nagtitinda lamang sa palengke na may maliit lamang na pwesto dahil sa grumaduate siya isang pampublikong paaralan ng valedictorian ay nakakuha siya ng full scholarship sa ISA, noong una ay ayaw niya itong pansinin dahil iniisip niya na para lamang sa mga mayayaman ang pag aaral dito ngunit may kumpiyansa ang Ama nito sa kaniya na kaya niyang makipagsabayan sa mga mayayaman pagdating sa katalinohan ay wala siyang magawa kundi tanggapin ito at patunayan na totoo ang sinasabi ang kaniyang Ama, dalawa lamang silang magkapatid ngunit may sakit ang kanilang Ina, kaunting trabaho kase nito ay hinihika na ito. Mataas ang pangarap ng kanilang Ama sa kaniya kaya't gaano man kahirap ang ang kumita ng pera ay sumusikap ito maibigay lamang ang kinakailangan para sa pambili ng mga gamit para sa projects.

Tahimik na uri ng bata si Clare ngunit may nakatagong katalinuhan sa likod nito, nang makita siya nina Sassa sa mall na iyon ay pinagkakasiya niya ang kaniyang natirang baon para ibili ng kinakailangan niyang gamit para sa kanilang gagawing activity. Ayaw niyang humingi ng pera sa ama nito, tungkol naman sa tumawag ng araw na iyon na ikinabalisa ni Alex iyon ay ang kaniyang tito para tanungin kung may balak bang magbayad ng utang ang kaniyang ama.

Ang puhunan na ginamit ng kaniyang ama sa maliiy na negosyong ito ay hiniram lamang sa kapatid nito dahil sa ito'y nakakaangat sa buhay, paminsan minsan ay hindi nakakabayad sa tamang oras ang kaniyang ama dahil sa ang pera na dapat ipinambabayad ay ginagamit muna sa kaniyang pag aaral o di kaya ay sa gamot na iniinom ng kaniyang Ina.

Madalas si Clare ay umiiyak sa isang tabi ng kaniyang silid upang kahit papaano ay mailabas niya ang hirap na nararamdaman niya.Ngunit nang maging malapit siya kina Sassa at Alex at itinuring siya nitong mga kaibigan ay hindi na siya masyadong nakakadama ng kalungkutan dahil pagkasama niya ang mga ito ay nagagalak ang kaniyang puso. Sa loob kase ng maraming taon na nag aaral siya ang kaniyang laging destinasyon ay paaralan at bahay lamang, dahil sa walang nakikipag kaibihan sa kaniya. Hindi lahat tanggap ang social status ng kanilang pamilya, sa totoo lamang hindi naman sila salat talaga yung wala nang makain kahit papaano ay nakakaangat sila sa ganoong sistema.

Ang aking buhay ay puno ng drama at puro paghihirap, minsan naiitatanong ko sa sarili sa dinami l-daming tao na mayayaman sa mundo bakit sa dito pa? yan ang tanong na minsan bumabagabag sa isip ko, yung dapat hindi ko naman dapat itinatanong sa sarili na iisip ko.

Oo, ako si Clare salat man sa yaman ay magpapatuloy pa rin na tatayo sa tuwing madadapa, pupunasan ang luha sa tuwing papatak, mangangarap hanggat kaya, lalaban kahit mayroong maliit na tyansa at tatawa hanggat may dahilan para maging masaya.