Chereads / Love grows every second / Chapter 4 - Chapter 4: Ikaw si Anna.

Chapter 4 - Chapter 4: Ikaw si Anna.

Kuya? tawag ni Sassa sa kapatid habang itoy tahimik nanakaupo sa sa gilid ng pool na kasawsaw ang mga paa sa tubig, anong iniisip mo? may problema ba? sunod sunod nitong tanong, umiling lang si Jam bilang tugon pero hindi naniniwala sa Sassa, Kuya ako to si Sassa kailangan mo ba talagang sabihin sa akin yan?pangungbinsi nito. Ilang segundo pa ang lumipas at tuluyan na itong naglabas ng saloohin, Sas... simula nito biglang nakaramdam ng kaseryusohan si Sassa dahil binabanggit lamang nito ang pangalan niya kung may matindi itong nararamdaman lalong lalo na noong may kinalaman sa ex nito. Sas... bakit hindi ko siya magawang hindi pansinin? marter na ba ako dahil sa nakikipag kita at usap ako sa kaniya matapos niya akong lokohin? sunod sunod nitong tanong na nasasaktan, lumapit ng bahagya si Sassa para ilagay ang ulo ng kuya niya sa balikat nito upang aluhin at bigyan ng comfort bago sumagot, Kuya kilala kita! alam ko at ramdam ko lahat ng sakit na naramdaman mo noon, bilang kapatid mo ayokong nakikita kang malungkot at nasasaktan kayat galit ako sa kanya kahit na hindi ko pa siya nakilala simula noong maging girlfriend mo siya, pero kuya ayoko na patuloy mong saktan ang sarili mo dahil sa walang hiyang yun sabi nito na may nakakagalit na tono. Sorry bunso dahil nasasaktan ka dahil sa akin at hindi mo siya nakilala, pag nakikita ko siya sa school eh parang isa akong...bago pa niya matapos ang sasabihin ay agad na lumayo ng bahagya si Sassa dahilan ng pagkabigla, ano? ang ibig mong sabihin iisang school lang kayo I mean tayo? tanong nito nangigirit sa galit, gusto ko siyang makilala sambit nito at tangka na sanang tatayo ito ngunit pinigilan siya ng isang malakas na paghila rason upang mawalan ng balanse para tuluyang mahulog sa pool.

Nang makaahon na sa tubig upang pumasok sa bahay para mag bihis ay bigla na lamang ulit nag salita si Jam, Sas sorry! Saan?sa pagkahila mo ng malakas para tuluyan akong mahulog sa pool o dahil sa ayaw mo akong makilala ang babaeng yun? seryusong tanong nito. Ngunit nang hindi naka sagot ng ilang segundo ang kapatid ay nagpatuloy na itong naglakad palayo. Hindi sa ayaw ni Jam na ipakilala si Sassa kay Anna, nag aalala lang ito para sa mararadaman ng kapatid dahil sa noong niloko siya nito ay si Sassa ay doble dobleng nasaktan dahil sa lungkot at sakit na naramdaman niya, sa simula pa lang kase ay tinanong niya ito kung papayag ba siyang magkakaroon ito ng girlfriend at dahil sa ayaw ni Sassa ng kahati sa oras ng kuya niya ay tinanggihan niya ito ngunit hindi niya sinunod ito dahilan ng isang linggong walang kibuan. Magkaiba noon ang paaralan na pinapasukan ng dalawa dahil grumaduate si Sassa sa eskwelahang puro babae lamang samantalang si Jam naman ay nasa ISA na kayat kahit minsan ay hindi pa nito naipakilala ang kapatid.

Nagalit man noong una si Sassa ay wala siyang magawa kundi suportahan ang kapatid sa dahil sa nakikita niya itong masaya, kayat kung saan masaya ang kuya niya ay masaya na rin siya, ngunit ng mangyari ang lahat ay sobra din itong nasaktan. Naghiwalay ang mga ito dahil sa niloloko ni Anna si Jam na may iba itong boyfriend dahil dito ay parang namatay ang kapatid niya dahil totoong minahal ni Jam si Anna siya ang unang babaeng pinansin nito at nagustuhan sa kabila ng mararaming nagkakagusto sa kaniya.

Kinaumagahan ay hindi pa rin nagpapansinan ang magkapatid at napansin ito ng kanilang mga magulang, seninyasan ng Mama nila ang asawa na tanungin pero umiling ito na nangangahulugang ayaw sundin ngunit dinilatan siya nito ng mata na nagagalit kaya't wala itong nagawa at tuluyang sinira ang masamang atmospera na bumabalot sa harap ng hapagkainan. Mga anak may problema ba kayo? tanong ng kanilang ama, sabay na umiling ang dalawa at sumagot ng wala po- nagkatinginan ito upang sabihin gamit ang mata na mayroon, kilaa ko kayong dalawa naging ganyan na kayo noong magkaroon ng girlfriend si Jam, anong pinagkakasamaan ng loob ninyo sa isa't isa? malumanay na tanong ng kanilang Ina. Ilang segundo pa ang lumipas at wala pa rin sa kanilang dalawa ang nag sasalita kaya't nagpasya itong magtanong ulit na may kumandong tono, hindi ba talaga kayo magsasalita? wala bang unang magsasabi ng problema niyo? Ma! Pa! yang anak niyo nagpapakatanga na naman seryusong tugon ni Sassa rason upang tignan siya ni Jam, Kuya I know that you love her back then pero sana naman wag mo ng saktan sarili mo, wag mo ng sayangin oras mo sa babaeng yun usad ni Sassa na nag aalala. Si Anna? tanong na maypagkakahulugan ng kanilang Ina, Nak! hindi namin pinapakialaman ang mga desisyon niyo o nanghihimasok sa pagkakaroon ng girlfriend o boyfriend pero kung ako ang tatanungin Sassa ayoko muna na magkaroon ka, paliwanag ng Ina. Natigilan ng bahagya si Sassa dahil sa totoo naman ay wala pa siyang balak dahil wala namang natitipuhan siya sa school, at nagsalita Mama! si kuya ang main topic at ang kaniyang EX girlfriend pag didiin nito sa salitang ex, tigilan niyo na ang walang kibuan niyo hindi sa inyo bagay ang may sama ng loob sa isa't isa Jam you know what I mean pagtatapos nitong sinabi at tumayo sa kinauupuan para pumuntang kusina.

Sabay dumating sa school ang magkapatid at dahil sa nangyari sa canteen ay naging mas maingay ang pangalan ni Sassa, nasa magkabilaan ang building ng junior at senior highschool sa college ngunit hindi naman ganoon kalayo ilang kayat iisa lamang ang canteen ng buong school kaya't malaya ang mga estudyante na pumunta sa kung saan mang building gusto nila. Habang naglalakad ang dalawa si Sassa ay nasa likuran ni Jam na nakatingin sa cellphone para tignan ang nagtext na si Alex, ay bigla itong natigilan sa pagkabangga niya sa likuran ng kapatid, tumigil ito ng biglang may humarang na magandang pigura ng isang babae sa dinaraanan nila dahilan ng paghinto nito, ngunit sa pagkagulat ay nagtanong si Sassa nakatingin sa likod ng kapatid, ano bang problema mo? hindi kumibo si Jam kayat tinignan niya ang nasa harapan nung akma na siyang magsasalita ay agad niyang narinig ang bulong ng kaniyang kapatid "Anna", dahilan ng pag bago ng ekspresyon niya. Hi Jam bati ng babae, ngunit lumakad at pumwesto si Sassa sa harapan ng kaniyang kapatid" Ikaw si Anna?" tanong nito ng nakataas ang kabilang kilay, and you are? pabalik na tanong ng babae. You don't need to know my name for now on but I know soon you will, nakangiting tugon ni Sassa at tuluyang hinila ang kapatid para umalis sa lugar na iyon.

Si Alex at si Clare ay naghihintay sa gilid ng hallway malapit sa banyo, hindi nagdalawang isip si Alex na tanungin si Clare kung ano ba ang nagyayari dito bakit hindi ito pumasok ng dalawang sunod sunod na araw, ngunit ang taging paliwanag lamang nito ay nagkaroon ng sakit ang kaniyang Ina at walang magbabantay at mag aalala dito dahil ang ama ay siyang nagbabantay ng maliit nilang pwesto sa palingke na nagtititnda ng mga gulay.

Nang makarating na si Sassa ay agad nila iyong sinalubong at nag tanong bakit naman ang tagal mo sabi mo kanina ka pa nandito? tanong ni Alex, ngumisi lamang si Sassa sa kaniya at nagsalita may nakasalubong kase kami ni kuya na dating kilala niya kaya ayon pinakilala niya ako pagsisinungaling na paliwanag, itinango lamang ni Alex ang kaniyang ulo ng may pagsang ayon, ngumiti si Sassa bago tuluyang itinuon ang atensiyon kay Clare na kanina pa tahimik, Uyy! bakit ngayon ka lang pumasok nag aalala kami sayo ehh? tanong nito kay Clare, ngumiti lamang ito at nagyaya nang lumakad papuntang klase, hindi naman sa ayaw niyang sabihin sa mga ito ang kaniyang mga rason dahil sa mahigit palang isang linggo silang magkakakilala pero ayaw lang niya itong bigyan pa ng alalhanin dahil ramdam din niya na hindi siya ng mga ito hindi tulungan o pabayaan.

Nagpatawag ng emergency meeting ang school Org. para sa nalalapit na School Sport Fest, dahil sa buong campus ang kasali ay lahat ng estudyante ay inimbitahan na dumalo sa pagpupulong sa isang napakalaking football feild ay ginanap ang meeting, dahil sa mahigit 50,000 na estudyante ang nag aaral dito ay halo halo na ang pwesto, ang iba naman lalong lalo na ang mga matagal ng estudyante dito ay hindi na pumunta at tumambay na lang kung saan saa. Ang tatlong magkakaibigan ay nakaupo malapit sa exit, hindi ni Sassa inaasahan na sakanilang harapan ay ang isang babae na kani kanila lang niya nakilala. Tinitignan niya ito mula sa likod, at napansin ito ng kaniyang mga kaibigan, girl sino ba ang babaeng yan at kanina mo pa tinitignan? kilala mo ba siya? tanong ni Alex, ngumuso si Sassa bilang tugon, Oo siya lang naman ang babaeng nanloko at nanakit sa pinakamamahal kong kapatid tugon nito.