Hinusgahan dahil sa aking kasarian,
Mga minsan ko nang minahal ay ako ring iniwanan.
Ganito pala ang pakiramdam ng maiba sa pamayanan.
Tila isang kakaiba at makabagong nilalang.
Nangako sa sariling hindi na muling susubok—
Na ang puso ko'y 'di na muling titibok.
Ngunit ikaw ang katangi-tanging kumatok.
Nagsasabing: "Sa buhay mo ba'y pwedeng pumasok?"
Araw-araw, sa harap ng pinto, ikaw ay nakatayo—
May suot na mga ngiti at may baon na mga kuwento.
Sa mga salita mo ay nagpaagos ako.
At ngayon, ikaw ay nasa bisig ko na.
Nangangakong hindi ka napapakawalan pa.
Kahit pa pareho tayong Romeo sa kasulukuyan.
Itaga mo sa bato, ikaw lang iibigin at ako'y magpapakatotoo.