Chereads / Work of Words / Chapter 10 - Lambing ni Nanay

Chapter 10 - Lambing ni Nanay

Sa bawat umagang tayo'y nagigising;

Sigaw ni nanay ang nagpapabangon sa atin;

"Gising! Bumili ka na ng ulam kay Aling Pasing!"

Dali-dali ka namang kumilos sa takot na si Nanay ay magalit.

"Cellphone ka na naman, tanghali ka na nga gumising!"

Sigaw ni Inay na magagalitin.

Umirap ka naman nang palihim—

Sa takot na siya'y atakihin.

Pinupuna ako ni Nanay nang paulit-ulit;

Sabi nila, ganiyan daw sila magmahal sa atin—

Pinupuna ang mga ginawang mali—

O, 'di ba? Ang ganda ng paglalambing! May hanger sa puwit!

Hindi ko naman sinasadyang ituring siyang hanging—

Pinapakiramdaman lang natin;

Sadyang ang pagmamahal ko'y 'di maipakita sa lambing;

Gayunpaman, 'nay, numero uno ka sa akin!