Chereads / Work of Words / Chapter 15 - Umaasa

Chapter 15 - Umaasa

Sa tuwing nag-iisa,

Ikaw ang naaalala.

Ang mga kilig na iyong ipinadama,

Ang inis sa tuwing nang-aasar ka,

At ang tawa sa tuwing nagbibiro ka.

Hindi ko mapigilang umasa,

Dahil kita sa iyong mata

Ang pagningning sa tuwing kasama kita.

Sana totoo,

Sana 'di biro,

Dahil umaasa ako,

Dahil ang mga motibo ay nahahalata,

Pero sana hindi ka nagpapasa,

Hindi ka lang naiinip o walang magawa,

Dahil irog ko,

Ako ay umaasa