Tatakbo na naman ako,
Ipipilit ko na naman ang sarili ko,
Hahabulin ka naman
hanggang sa mapagod ako,
Walang katapusang paghahabol,
Bunga kaya ay kailan sisibol?
Sa bawat yapak,
Papunta sa'yo, ako'y hinahatak
Wala akong kawala
Nakuha mo ako
Pero nakuha ba kita?
Hindi, malamang.
Dahil hanggang ngayon ay nag-aabang
Nag-aabang sa'yo
Naghihintay na baka sa wakas ay nakahabol ako
Ngunit hindi pa rin pala
Dahil hanggang ngayon
Ang atensyon mo ay nasa kaniya