Pakiusap,
Tanggalin mo na,
Alisin mo na ang mga kadena.
Ayoko na,
Nakakasakal na.
Nangangalawang na ang aking pala-pulsohan,
Nagdurugo na ang katawan,
Wala na akong kalayaan.
Hindi pa ba?
Pakiusap,
Ako'y pakawalan mo na
Hindi na saya ang nadarama
Dahil sa tuwing kasama kita
Wala na ang ligayang iyong dala
Hindi na katulad ng dati
Makita ka lang ay agad nang mapapangiti
Pakiusap,
Pakawalan mo na.