Sa bawat oras na sila ay nag-iisa,
Sino ang yayakap sa mga may sakit na dinarama?
Sino ang pupuno sa matinding pangungulila?
At handang umagapay sa mga oras na sila'y umiinda?
Walang sinuman ang handang magsakripisyo,
Walang mainit na katawan ang yayakap sa'yo,
Tanging sarili lamang ang inaasahan
at ang haplos at yakap ng walang hanggang paghihirap
Matinding kalungkutan
bitbit ng hanging malamyos
Ang tanging kasama ng katawang nakaayos
Sa isang madilim na kwarto'y tila nakagapos
Tinik ng pasakit, halik ng kamatayan
unti-unting dumdampi sa mahinang katawan.
Bago humantong sa ganitong kasadlakan,
Hayaan ang pamilya na ikaw ay hagkan,
Bawat minuto'y inyong pahalagahan
Lubos na pagmamahalan, inyong iparamdam
Hayaang pagmamahal ang siyang mangibabaw,
Kung ayaw mong mangyari na ang ganitong eksena ay sa balintataw mo na lamang matatanaw