Chereads / Work of Words / Chapter 8 - Pareho lang tayo, Mahal

Chapter 8 - Pareho lang tayo, Mahal

"Mahal, nandyan ka pa ba? Baka makasama sa bata 'yang sobrang pagtatrabaho mo?" tanong ng asawa ko.

"Hindi naman siguro, mahal. Sandali lang at matatapos na 'to," sagot ko.

"Osiya, bilisan mo na at nakapagluto na ako. Siguradong magugustuhan mo 'to!"

"Talaga ba? Basta't walang bawang, swak na sa 'kin. Alam mong allergic ako doon." pagbibiro ko. "Sige na. I love you!"

"Mahal din kita."

Natapos na ko na rin sa wakas ang trabaho. Mabilis na akong bumaba at naghintay ng masasakyan.

"Mahal, pauwi na ako," bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

"Mag-ingat ha? 'Yung bata…"

"Opo. Sige na at eto na 'yung jeep." Pinara ko na ang na jeep. Buti na lang at may dalawang tao sa loob. May kasabay ako.

"Bayad po…" agaw ko sa atensyon ni manong. Napansin ko na pabalik-balik ang sulyap nito sa kalsada at sa rearview mirror. Hindi ko na lang pinansin.

"Aswang. Kumakain ng mga lamang-loob. May kakayahan silang patayin ang isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang sa paghawak sa tiyan ng ina nito." Napahawak ako sa tiyan ko ng marinig iyon mula sa radyo ni manong. "Manananggal. Nilalang na nahahati ang katawan, takot sa mga metal, asin at bawang; paborito ang puso ng tao."

"Miss, mag-ingat ka…" biglang sabi ni manong . Hindi ko na lang pinansin.

Ilang minuto pa at narito na ako sa tapat ng pinto. Pero bakit parang... ang baho!

"Nandito na ako!"

"Oh, mahal! Kanina pa nakahanda ang pagkain." bungad niya.

Bigla niyang niya akong niyakap at mabilisang hinalikan. Akmang hahaplusin niya ang aking katawan, pero agad ko siyang pinigilan.

"Sandali nga mahal! Ano 'yon? Bakit ang baho!?" tanong ko.

"Ha? Wala naman ah? Siguro sensitive lang ang pang-amoy mo lalo ngayon at buntis ka." May punto siya.

Nasa hapag na kami. Sumubo na ako ngunit...

Nalukot ang mukha ko sa lasa. Biglang sumakit ang katawan ko. Umunat ako at doon rin ay lumitaw ang aking mga pakpak at pangil. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa mula sa akin.

"Masarap ba?" tanong niya habang nakangisi.

Sabi na nga ba't... "Taksil ka!"

"Pareho lang tayo, Mahal."