Ikaw ang reyna;
Kakaiba ang iyong kakayahan;
Lahat kami napaluhod;
Lahat kami napasaunod.
Tila panahon ng pananakop,
Wala kaming magawa;
Wari isang polo y servicio,
Napilitang kumilos.
Nasakop mo ang sangkatauhan;
Karamihan ay mga lumalaban;
Ngunit, kami ang mga Maharlika,
Hindi nagpapatalo; hindi sumusuko.
Hindi lang kami mga tao;
Kami ang lahi ng mga Pilipino;
Magpapa-alipin; magpapa-angkin;
Ngunit ang sa amin ay amin.
Sakit ka lang, CoViD ka lang;
Ngunit hindi mo kami malilinlang;
Kung noon ay naipamalas ang kagitingan;
Ngayon naman, ang sandata namin ay ang kalusugan.