Chereads / Work of Words / Chapter 2 - Talon ng Letra, Karagatan ng mga Salita

Chapter 2 - Talon ng Letra, Karagatan ng mga Salita

Nalunod na sa karagatan ng isip,

Ang mga ideya ay nagbago na ang ihip.

Lumamig na ang mga yakap ng salita,

Lumumbay na ang mga letra.

Utak ko'y tinanggal ang kainosentehan,

Minulat sa totoong mundong kinalakihan.

Nais sanang baguhin kaya nagpakilala sa literatura

Subalit, inatake naman ng mababangis na mapanghusga.

Kaya sa pang-araw-araw, tinta ko'y nagbabago—

Handa na naman sa mga panibagong letrang ililipon,

Umaagos mula sa utak na nilason ng iba,

Hanggang makaabot sa kaagapay kong pluma.

Sa bawat mabatong salitang inihahagis,

Hindi nagpapa-api 'pagkat husay ko'y nagtatangis.

Panghinaan ng loob ay hindi mararapatin,

Bagkus, gawing inspirasyon at pagyabungin.