May mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay sa buhay ng isang tao. May dahilan kung bakit may mga taong maagang namamatay, may dahilan kung bakit may mga taong nabibiyayaan ng mahabang buhay. May dahilan kung bakit may mga gaya ni Rowan na nabigyan ng pangalawang pagkakataon na mabuhay, at may mga taong gaya ni Jack na hindi nabiyayaan ng isa pang pagkakataon na itama ang kaniyang mga pagkakamali't baguhin ang kaniyang tadhana.
Para kay Rowan, ang hinaharap niya ngayo'y resulta ng mga dahilang ito na walang sinoman, kahit siya, ang may kontrol at may hawak. Subalit binigyan siya nito ng isang malinaw na perspektibo na ang buhay ay hindi permanente at wala itong anumang malinaw na katiyakan. Kung kaya dapat na pahalagahan ng tao ang bawat segundo niya sa mundo at sikapin na itama ang maling mga pasya't maging bukas sa anumang ihahain ng kapalaran, maging mabuti man ito o masama.
At kung sakali man na dumating ang panahon na haharapin na ng tao ang kaniyang kamatayan, nakasisiguro siya na ang buhay niya'y naging makabuluhan. Magiging parte ito ng isang malaking kasaysayan na magsisilbing aral sa sinomang makakarinig at makakabasa ng kanilang mga talambuhay...
Hindi man sa panahong ito...
...ngunit sa darating na hinaharap.
═ ══════ Wakas ══════ ═