Chereads / No More Promises / Chapter 272 - Chapter 30: Danica

Chapter 272 - Chapter 30: Danica

"Mahal, it's a girl." Surprise baby shower. Yan ang naging regalo ni Bamby sa aking kaarawan. Hindi ko din inaasahan ito sapagkat sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan nilang mag-asawa. They are still here para lang maisakatuparan ang lahat ng ito. The them is star and spaces.

"Thank you. I love you." Mahigpit akong niyakap ni Lance sapagkat isa ito sa pangarap nya. Ang magkaroon ng babaeng anak.

"I'm so grateful for having you in my life. Thank you for coming to me. Thank you for choosing me." Bulong pa nya habang nagkakagulo ang lahat sa kainan.

"Thank you also for giving me such a wonderful life. For giving me a handsome son and a baby girl. Thank you for being you, Lance.." halos maiyak ako sa emosyon na naghalo-halo ngayon.

Nagsaya ang lahat. Binati kami't binigyan ng mga regalo para sa bata. Ang saya ng oras at ng araw na iyon.

"Dan-dan, anong gusto mong name ng baby sister mo?." One day. It's a weekend. And of course. That's a family day. Lance is busy cooking for our lunch habang kami ng anak nya ay nakasalampak lang sa sofa. Abala sa panonood ng tv.

"I don't know Daddy.."

Natawa lamang ako. Maging ang Daddy nya ay hindi mapigilan ang halakhak nya. "Think some unique name for her young boy.."

"Why me Daddy?. I don't know anything." Parang matandang tugon nito sa Ama. "Ask Mommy.."

Para makisama na rin sa trip ni Lance. Binato ko ulit sa bata ag gusto ng Ama. "Think about it Dan. I don't have anything in my mind." Tumingin sakin ngayon ang bata. Ang dungis nya talagang kumain. Pinunasan ko ang labi pati ang kanyang baba.

Tahimik muna sya. Lumingon naman si Lance sa gawi namin. Kumindat ito sakin. Meaning. He's saying that he's satisfied for me to get ride on his will.

Nag-isip nga sya. Matagal. Bago nya itinaas ang kanang kamay sabay sabi ng, "Danica, Daddy."

"There you have it. Thanks man!." binuhat sya ni Lance at inikot ikot sa ere. That day is one special day too dahil walang pagsadhan ang tuwa at galak sa mukha naming lahat.

"Take care of the kids, mahal ha?." Nagtaka sakin si Lance matapos ko sabihin sa kanya. Kakatapos naming mamili ng mga kailangan para sa reunion na gagawin mamaya. I don't know where did I got that idea of. It's like. Kailangan ko lang sabihin sa kanya kahit obvious naman na kahit hindi na.

"What?. Of course Mahal. They're my precious gems with you.." kunot ang noo nya dito. Nalilito sa akin. "Tsaka. I can just do that if I'm with you.."

"What if, I'm not?." Huminto sya sa ginagawang pagbabalat ng sibuyas. Yung mga mata nya. Ang pula na.

"Are you kidding me?. Damn Mahal! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan." He turned that serious note into a teasing happy hour of ours. Malalaki ang tawag namin at maging si Daniel ay bagsak ang katawan matapos habulin sya ng Ama sa buong bahay.

Ngunit ang lahat nga yata ay may hangganan.

Sa pagbaliktad ng sasakyan ni Aron. Tili na ni Bamby ang narinig ko. Mura na rin ni Kuya Mark ang bumaon sa isip ko. At pangalan ko na rin ang huling dinig ko na bigkas ni Jaden. At si Lance na rin ang huling pangalan na lumabas sa labi ko.

Hindi ko alam kung paanong nangyari ito.

Biglaan. Walang sign. Walang pasubali. Ang aksidente ay aksidente.

Nagising nalang ako na puro puti ang nakikita ko. May mga ilaw ito na syang dahilan para masilaw ako. Tumingin ako sa magkabilang gilid ko. May dalawang tao na hawak ang bakal sa magkabilang gilid ko.

"Nasaan ho ako?. Sino po kayo?." I wanted to utter those words pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maigalaw ang buong katawan ko. Then there's something running after us. Nung sinilip ko iyon. Gaya ko. May tao rin sa gilid nung bed na tinutulak patakbo. Yung relo na suot nung tao. It's Bambys. "No way!. Wag nyong sabihin na sya yung nasa higaan?."

"Anong nangyayari?. Ano pong ginagawa namin dito?. Yung anak ko?. Yung anak sa sinapupunan ko.."

Tinakbo ako ng mabilis at sa magkabilang pintuan na kami ipinasok. I held the hand of someone na masyadong abala sa ginagawa sa akin. "Yung baby ko. Please save her.." naiiyak kong saad. Natigilan ang lalaki at awang-awa syang tumingin sakin. Tapos saka lamang sya tumango ng mapagtanto siguro yung sinabi ko.

They amde a check on me. Madami. Yung duguan kong damit. Tinanggal na rin.

"This is too risky, Ma'am. We need to talk to your guardian." Dulo nalang ng boses nung nurse ang narinig ko. I tried to blink. For me to atleast come to my senses but damn it! Bakit ang bigat na ng katawan ko?.

"We cannot risk your life, even your baby inside."

"Bakit ho?. Gawin nyo po ang lahat para iligtas sya.."

"Yes ma'am. No worries. All you can do right now is rest and have faith on us." Paniniguro ng doktor.

Before closing my eyes. I saw the glimpse of Lance. I tried my best not to cry here and more. But damn it!.

"Lance!." Sa isip ko nalang ito sinambit. He held my hand. He's crying. A lot habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Please stay with us Mahal.. kaya mo yan.." I don't what he's trying to say. "Please stay strong for Danica."

Tinignan ko sya. Nanghihina na talaga ako't nawawalan na ng lakas. "Take care of the kids Lance." Ito ang gusto kong sabihin sa kanya pero itong labi ko. Hindi ko an maibuka.

"You can do this, can you?." Anya sa nanginginig na boses. "Lumaban ka! Para sa mga amin, mahal ko.." anya tapos humagulgol na sa tabi ko. Hindi nya makita ang pagsulyap ko sapagkat masyadong abala ito sa paghagod sa mga kamay ko.

I don't know anymore. All I can think about right now is my child, Danica. I can risk it all for her to see the beauty of the world. Gagawin ko ang lahat. Mailigtas lamang sya.