As usual. Maingay. Magulo. Tawanan dito. Halakhakan duon. Tuksuhan sa kabila. Dito lang sa pwesto namin ni Bamby ang medyo kalmado.
"So, what's your next plan na girl?." Ani Karen na bakas na sa mukha nya ang kalasingan. Pulang pula na ito. Kanina pa pabalik-balik si Kian dito saming mesa. Pinapaalalahanan sya na huwag syang masyado sa alak. Subalit heto sya't parang sa aming tatlo nila Bamby. Sya ang pinaka-natamaan na ng simpleng alak. "Ako kasi.. huk.." nasamid na ito sa sariling laway. Inabutan ko sya ng isang basong tubig ngunit imbes inumin nya diretso yun. Nilapag nya lang sa mesa. "Hindi ko alam.." may lungkot yata akong naramdaman ng marinig sa kanya ito. Ewan ko. Parang may gusto syang iparating. Di ko din alam kung ramdam din ito ni Bamby.
"Hindi ba, may business kayo?. Why not focus on that?."
"It is not ours yet, Bam. Mahirap sabihing negosyo namin kahit hindi pa. It's his parents business. Never ours." May problema nga sya o sila about her husband's family. Noon pa man. Naririnig ko na rin na may agwat ang pamilya ng dalawa. Ang huling balita ko galing kay Winly. Hindi pa nga naililipat sa pangalan ni Kian ang negosyo ng pamilya nila. It's the house lang daw ang sariling pangalan ni Kian because ito ang iniregalo sa kanya ng Angkong nya noong nabubuhay pa ito. But the rest. It's his Mom's. Kaunti lang din sa Dad nya.
"I mean.. why not establish your own?." Tama nga naman sya. Ang galing lang talaga ni Bamby pagdating sa mga ganitong bagay. Tama nga ang Kuya nya sa bansag dito na The Walking Book. Kasi nga. Kahit down na down na yung kausap nya. She can still find a way para bigyan ng buhay o pag-asa ito. Unbelievably amazing!.
"Kasi, if there's a will. There's definitely a way.. kailangan lang talaga ng perseverance and patience to do it."
See that?. Saan kaya nya nakukuha ang mga bagay na ganyan? Ako nga. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin kay Karen dito tapos sya? Hindi man lang tubuan ng kahit isang butil ng pawis sa noo. Parang propesyon na nya ito. Gamay na nya't nakasanayan na.
"I can talk to Jaden later. Maybe we can talk about establishing business here too.."
"Good idea Bam.. pwede rin kami ng Kuya mo dito." I interrupted her. Tinignan nya ako't mabilis na tinanguan.
"I'll message this to our group chat. Para kung sino ang interesado. We can make a time to talk about it. Habang nandito kami. Tayo bes.. para hindi sayang ang panahon.."
Sa aming lahat. Si Bamby ang may pinaka-kontrolado ang pag-inom ng alak. Ako naman ay, juice lang ang pwede dahil nga, nagdadalang-tao. Ang isang bilog na Ginebra na may halong tang na juice ang syang tinatagay ng dalawa. Si Karen. Knock out na rin. Binuhat na sya ni Kian at iniakyat sa silid kung saan ang tulugan ng lahat mamaya.
Their big guest room. Kasya kaming lahat duon. Napagpasyahan ng lahat kanina bago uminom na, we sleep there just like the old times. Bahala na daw muna ang mga matatanda sa mga bata.
"So, nasa taas na si Bamblebie?." Nagulat ako sa biglang pagyakap ni Lance sa akin mula sa likod ko. It's not his usual thing. Natamaan na rin yata ito. Ng sobra! Kaya heto sya't parang wala sa sarili.
"Hmmm.. Gutom daw sya.. naghahanap ng ramen kay Jaden kanina."
"Di kaya buntis na naman sya?. Hihihi.." hagikgik nya pa sa dulo. Nakiliti ako sa init ng kanyang hininga na tumatama sa leeg ko. Tinampal ko bigla ang kamay nyang magkahawak kamay sa may bandang tyan ko. "Lagot na naman ang Kuya Lance neto.."
"Ssshhhh.. wag ka ngang maingay.. lasing ka ba?." Tanong ko pa kahit obvious naman ang lahat. Kahit nakapikit pa ako ay malalaman kong hindi sya normal ngayon. Lakas ng tama ng lokal na alak. Hindi kasi nya brand.
"Hindi kaya.. I'm still in control Mahal.." tukoy nya sa kalasingan nya. Anong in control? Psh!.
"Psh!. Sige nga. Kung hindi ka lasing. Ipagluto mo din ako ng pansit.." hamon ko dito.
"Ano?. Wag mong sabihin na manganganak ka na?."
Pak!. Isang tapik na naman iyon sa mga kamay nya. Kung kanina ay ininda nya lamang iyon. Ngayon hindi na. Dinig ko na ang hinaing nya.
Sa susunod pa na linggo ang eksaktong araw ng panganganak ko. Bakit nya naman kaya nasabi ito?. Hay!..
"Gutom nga ako. Gusto ko ng pansit.." totoo na ito. Hindi na para lang subukan kung lasing ba sya o hinde.
"Hingi nalang tayo kay Bamblebie. Tutal hindi nya mauubos lahat ng iluluto ng kanyang asawa?."
I growl. "Akala ko ba hindi ka lasing?. Bakit mo pinapasa kay Jaden ang request ko?."
Ngayon lamang sya umalis sa pagkakayakap sakin at umupo naman ito sa mismong harapan ko. Tapos ay tiningala ako.
"I can do anything for you my dear Love. Except for cooking pansit. It's not even my expert.."
"I don't need your expertise here Lance. Lasing ka kasi.. aminin mo nalang.." nguso ko sa likod ng aking isip. Ipinakita ko sa kanya ang pagkunot ng noo ko kuno para maniwala syang naiinis ako.
"Hindi ako lasing Mahal ko.." nagpuppy eyes pa ang loko! Psh! Hahahaha!....
"Ano lang kung ganun, aber?."
"Lasing lang ako sa pagmamahal na meron ako sa'yo..."
"Hay naku Lance 'the pogi' Eugenio. Lasing ka kasi eh. Bakit ayaw mo pang aminin?. Hahaha.." singit bigla ni Kuya Mark sa amin. Hindi ko napansin na, kami nalang pala ang nandito. Lumabas lang yata si sya para tumulong magligpit ng mga kalat.
"Shut up, please.." angil nito sa panganay.
"See? Hahahaha.. maka-shut up ka dyan?.."
"Aray!.." isang sipa sa likod nya ang lumipad. Napatayo itong si Lance ng Wala sa oras. "Hindi nga ako lasing." Giit pa rin nya.
Hay naku!. Paano kaya nya nasabi na hindi sya lasing?. Hahaha. Magsalamin kaya sya.
"Lasing ka! Sige nga. One plus one?." Napangiwi ako sa tawa ng biglang ihirit ito ni Mark. Bigla ring kumirot ang tyan ko.
"Damn it! Basic.. wala bang mas mahirap dyan?." Hamon naman neto. Wala. Lasing talaga sya. At sa minsang pagkakataon na ganito. Ang cute nya lalo. Mas lumalim pa ang pagkagusto ko sa kanya. Hay! Lance 'the pogi' Eugenio.
"Oh sige. Two plus two?. Hahahaha.." di na rin mapigilan pa ni Kuya Mark ang matawa sa ginagawa.
"You crazy Mark 'The heartbreaker' Eugenio.. huwag mo nga akong pagtawanan.." reklamo na nito. Hinarap nya na rin ang Kuya nya.
Oh!.
The Heartbreaker. Ang panganay.
The pogi. Ang gitna.
The Walking Book. Ang bunso.
Astig naman talaga nila!.
Ako din kaya?. Ano ako?. The troublemaker?. Hmm.. pwede!.
"Argh!.." napangiwi na naman ako sa kirot.
"Ahahahahahahah... mahinang nilalang ka pala eh.. pikon?.."
"Anongโ?. Sinong pikon ha?. Hindi ako lasing?."
"Lasing ka!. Sirang plaka na kaya yang linya mo.. that's not the usual the pogi Eugenio of the family... hahaha.." pang-susutil pa nito.
"Aray!.." napadaing na ako sa kinauupuan ko. Sinubukan kong tumayo pero mas sumakit pa.
"Argh!. Whatever dude!."
"Bwahahahahahahahah!.."
"Lance!." Unang tawag ko sa pangalan nya. Hindi nya narinig. Naglakad na ito papasok ng bahay. Binabalewala ang mga hirit pa ng Kuya nya. Nadismaya ako. Nakalimutan na yata ako.
Humilab na ang tyan ko. Natanaw ko ang likuran nyang nasa loob na. "Lance!!!...." buong puso ko ng sigaw. Agad napasugod ang Kuya nya palapit sakin. I don't know kung narinig pa nya ako.
"Oh shit!.. Calm down Joyce!.." inalalayan nya ako sa pagtayo. "Lance fucking Eugenio!.." sya na ang tumawag pero walang lumabas na bulto nya. Mukhang, tulog na ito at hindi na marinig ang kahit na sino.
Sina Jaden mag-asawa ang lumabas at Aron. "Shit!.. dito tayo Kuya.." agad gumalaw si Bamby at dinala nya kami sa labas kung saan nakahilera ang mga sasakyan. Umandar ang sasakyan ni Aron at duon nila ako pinagtulungan na sumakay.
"Si Lance?." Hanap ko sa aking asawa. Nasa magkabilang side ko ang mag-asawa. Habang nasa harapan ang dalawa.
"Tulog na tulog bes. We tried to wake him up nung narinig ka but.." umiling nalang si Bamby sa kasunod na sasabihin.
Naitikom ko nalang ang labi dahil kasabay ng tampo ko ang pagsakit ng buong katawan ko. Shit!.
"But don't worry okay?. Kasama mo naman kami. Di ka namin iiwan.." she assured.