Pagkatapos umalis ng lahat. Maliban pa kila Kian, Karen, Aron at Winly. Dumating na rin ang pamilya ko. Yes. The Eugenio's invited them kahit na alam kong may agwat sa pagitan ng dalawang pamilya dahil sa nangyari kay Lance. Ang sabi kagabi. Di raw sila makapunta lalo at gabi na. Tsaka. Di pa raw sila sigurado kung makakapunta pa ba sila o hindi na. Kaya tinawagan ko din si Kuya Rozen tungkol dito.
"Kuya, tuloy pa ba kayo?. We are expecting you here.." dumaan ang sakit sa lalamunan ko ng marinig sa kanya na una ng tumanggi sina Mama at Denise. Knowing them. Kahit pa hindi magkaroon ng bakod ang pamilya namin sa kila Lance. Hindi pa rin sila pupunta dahil sa akin. May magagawa pa ba ako?. Wala. I can't deal with their egos na lagi nalang nangingibabaw sa kanila. But prankly. I'm hoping na tanggapin pa rin sana nila ako kahit ano pa ako o sino ako. Dahil ang nakaraan ko ay di na mababago. May sugat man. Ito naman ang humulma sa akin kung ano ako ngayon. I don't have any regrets. Kahit pa siguro hilingin sakin na balikan ang nakaraan ko para baguhin ito. Tatanggi ako at sasabihing, "Gagawin ko pa rin ang ginawa ko" without any hesitation because my past leads me to where I am right now. To where my heart is full, not empty. Happy and secured.
Naglakad ako. Nagpaalam para sunduin sila sa labas. Kulay abo at may halong puti sa maliliit na detalye ng lagpas taong gate ang pagitan namin. Nasa tabi ang guard na sya na ring driver o caretaker ng bahay kasama ng kanyang asawa. Pinagbuksan nya ako na may ngiti sa labi. "Salamat ho." yumuko pa ako ng bahagya. Nakasanayan ko na rin kapag nagpapasalamat ako.
"Ang Mama mo?. Pupunta ba?." di ko namalayan na sinundan pala ako ng asawa ko. Sa taranta ko. Lumilipad sa labas ang utak ko. Wala akong naramdaman na presensya nya. It's like, he floats."What about your sister?." He knew what had happened back then about me and my Mama with my sister. I don't have any idea or I have, but upon seeing him this near. Seems he knows everything about me. Pakiramdam ko. Wala akong maitago kahit na maliit na detalye sa kanya. Ang mga mata nya ay parang mapagmatyang na Agila. Na kaya nyang basahin ang nilalaman ng isip ko kahit ako mismo ay di alam kung anong tumatakbo rito.
"Not sure Love.." ang boses ko ay paos. Nalunok ko yata ang ugat dito dahilan para manghina bigla.
"Pero may darating?." parang nagdalawang-isip pa sya kung may aasahan pa ba akong pamilya ko o wala na. Natanaw ko sa mata nya ang sakit at awa para sa akin. Tinanggap ko iyon. Masakit sa parte ko pero hindi ko ito pinahalata sa kanya. Pinili kong ngitian sya't tanguan kahit ang totoo ay nanginig ang buong kalamnan ko sa katotohanan na, si Kuya lang ang nasa labas.
Naging isang linya ang labi nya. Agad din akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil nagbabadya ang luha saking mata. Di ko na iyon maitago pa lalo na kung nanlabo na ang mga mata ko't nakatingin pa rin sya. Di ko kaya. Sa ngayon. Nanghihina ako dahil sa pamilya ko. Nahihiya ako sapagkat heto ang pamilya nya. Tanggap ang buong ako. Kahit sino pa ako. Wala silang masabi. Kabaliktaran ng pamilyang pinanggalingan ko.
Dinig ko ang yabag nyang papalapit. "You're not alone, Love. Know that, I am here. Dan-dan is with us. I have my family. We are family.." inakbayan nya ako't bahagyang inilapit sa katawan nya. Wala man akong sabihin. He knew already. Ramdam nyang may hindi ako sinasabi sa kanya.
Nakabukas na ang gate. Buong buo. Kita na yata ang isang buong bahay na kapitbahay nila. Sa harap ay may isang BMW na itim. Nakaparada ito sa harap ng kapitbahay. Kinagat ko ang labi. Umaasang hindi lang si Kuya ang nandyan. Kundi silang lahat, kabilang na din si Daddy.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa duon si Kuya. Sya ang nasa driver's seat. Sinilip ko ang kabilang upuan. Walang tao?. Wala talaga syang kasama. Sya lang at wala ng iba. Nakumpirma ko ito ng tatawid na sya papunta sa gawi namin ni Lance. Nakapamulsa man. Ramdam ko ang kaba nya.
"Hi.. pasensya na. galing pa kasi akong Tuguegarao.." paliwanag nya agad. Di ko alam kung para sakin ba iyon o para kay Lance. Di ko din maikakaila na nagsasabi nga sya ng totoo dahil bakas sa mukha nya ang puyat at pagod.
Inilahad ni Lance ang kamay nya rito. "Okay lang. Ang mahalaga. Nandito ka." kinuha ni Kuya ang kamay nya't nagkamayan sila. Pagkatapos ay nilapitan din ako ni Kuya para halikan sa noo.
Pumasok kami. The awkward silence ate us. At takot ako sa totoo lang. Mas gusto kong nagbabarahan sila kaysa ganito na walang namumutawi na kahit ano sa pagitan nila. The defeaning silence is so scary. I can't figure it out what's going on between them. Ganun kapag tahimik. Hindi mahulaan kung anong nasa isip nila o kung anong naiisip nilang gawin.Ang weird. Bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing walang nagsasalita. Nakakakaba.
"Thank you.." bulong ko kay Kuya ng nasa harap na kami ng main door. Naunang naglakad si Lance dahil tinawag sya ng Kuya nya. May tawag daw sa phone.
"All for you lil sis." ngiti nya sakin. Hinigpitan pa ang hawak sa braso ko. "Tito Roz!." sa may sala. Duon na tumakbo papunta samin si Daniel. Tumalon pa ito kaya bahagyang napaatras si Kuya para kargahin sya. Nakita kong sumunod na rin ang lahat sa likod ng bata.
"Pasok.." si Mommy ang nagpaunlak nito.
"Magandang umaga ho." bati din ni Kuya sa kanya. Inilahad ni Mommy ang daan patungong kusina kung saan andun ang Padre de Pamilya nila.
Nagtungo kaming dining area nila. Kasalukuyan pa rin sina Winly na kumakain habang naglagay naman ng isang plato si Manang. Bakas ang hiya at pag-alinlangan ni Kuya subalit sa kagustuhang wag mapahiya o maging ako sa pamilya ni Lance. Pinilit nitong ngumiti at naupo sa pwesto ng bagong lagay na plato.
"Magandang umaga ho Sir.." bati nya sa Daddy ni Lance.
"Magandang umaga din.. mabuti at napaunlakan nyo ang imibitasyon namin.." si Daddy na kasalukuyang umiinom ng tea. I sense some weird feelings na double meaning ang sinabi nya but I shook my head swiftly para matuon ng husto ang isip sa kanila.
"Opo naman sir. Pasensya na po kung ngayon lang din ako. Kahapon pa po sana dahil gabi ang party kaso nasa daan pa po kasi ako. Bumyahe galing ng Tuguegarao."
"What about your Dad?. Di ba nya alam?." I can confirm now that he is disappointed na sya lang ang dumating. Wala ang mga taong inaasahan nya.
"Alam po nya. Nadismaya nga po sya dahil kakagaling po nya rito. Hinatid ko po kasi sila duon. Di nya po alam na darating kayo."
Bumuntonghininga si Daddy. Mommy, hold his shoulder para siguro pakalmahin ito. "Pero ang sabi nya po. Sa makalawa. Babyahe sya para sumadya rito sa inyo.. gusto nya rin kayong makausap."
"Yes.. we really need to talk personally.. hindi na namin itutuloy ang kaso sa kapatid mo but I want assurance na di na ito makakalapit pa sa amin o kahit sa kapatid mo."
Lumunok ako. Sakit ang dumaan rito sa lalamunan ko. Gustuhin ko mang umoo at sumang-ayon sa sinabi nya. May parte pa rin sa akin ang tumatanggi at hayaan nalang ako sa kung paano ako kay Kuya Ryle. It's not their decision anymore. I got their point. They want to protect me. Pero hindi lahat ng proteksyon ay maganda. May mga proteksyon na kailangan din ng pagpaparaya.
"Dad." ang bunso nyang anak ang nagsalita.
"This is for our safety and hers.." tumingin sya sakin. Tinignan din ako ni Kuya pagkatapos ng Daddy ni Lance.
"But Dad.. hindi ba dapat, si Joyce ang kausapin mo about this?. It's her decision to decide what's-.." naputol ang sasabihin ni Bamby ng sapawan sya ng Daddy nya.
"You have to understand me Bamby. I just want to protect my family and one of this is your best friend. Kailangan nilang maintindihan iyon lalo na at hindi rin madali para satin ang inabot ng Kuya Lance mo. They're still lucky because we don't want them to get sued. Thanks to Joyce."
"Daddy naman.. hindi na makakain ang bisita nyo nyan." sumingit si Kuya Mark sa kanyang Ama. "Saka na natin pag-usapan yan pagkatapos dito sa dining.. Marami pa namang oras.." dagdag pa nya.
"Tsaka. Galing pa syang Tuguegarao Dad.. half of the day ang byahe patungo ron.. make him rest please.." si Bamby ito na lumapit pa sa Daddy. Bumulong sya duon at binigay si Daniel sa kanya. "Maglaro muna kayo ni Dan-dan.. he wants to play with you daw.."
"Si Knoa nalang. I have visitor." giit pa nya. But Bamby is so persistent to get him away from here. Mabuti nalang at nagpatianod na din ito sa dalawang apo na gustong makipaglaro sa kanya. Thanks to Bamby. For protecting Kuya, and also me.