Chereads / No More Promises / Chapter 239 - Chapter 37: No turning back

Chapter 239 - Chapter 37: No turning back

It takes time for me to take that surprise. Nangapa at nagulantang ako. Me?. Have a son?. As in ako?. Hanggang ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging balita ng pamilya ko. I didn't expected it. Well. It's so damn unexpected. Para akong nanalo ng loto kahit hindi naman ako tumaya. Ganun ba talaga?. Pwede ka ring manalo sa ibang bagay kahit wala kang ginagawa para planuhin ang pagkapanalo rito?. How amazing unseen things are. Di ko tuloy matanto kung masaya ba ako. Kung malungkot ba ako?. Naging kumplikado nalang basta ang buong ako. I did told you many times that I've moved on. Na masaya na ako sa kung ano ang narating nya at kung sino ang kasama nya. Never pumasok sa isip ko na, maaari pala. Maaaring makabuo kami. Like, nangyari ba talaga?. Ayokong maniwala. Nakapa-imposible! Isa lang ang masasabi ko. It's a miracle!

Umalis sila Bamby rito after two days. Sinundo sila ni Jaden. And yes. Pinilit ko syang tawagan na ang asawa nya dahil kung hindi, baka tuluyan na itong iwan sila't pagsawaan sya. Natakot sya't mabilis na kumilos para rito.

Naupo ako sa maliit na sala at kinuha ang cellphone para tignan ang profile picture ni Rozen sa Facebook. Ang sabi ni Bamby. Duon daw may larawan ang mag-ina ko.

Mag-ina ko?.

"Damn Joyce!." mura ang lumabas sa labi ko ng tumambad sakin ang larawan nila ng isang batang kandong nya. Kung susuriin ko ang edad ng bata. Siguro mga dalawang taon na rin. Maputi ito. Bilugan ang mukha. Medyo singkitan ang mata. Ang labi ay manipis at mamula-mula. Ang ilong nito'y katamtaman lang ng tangos. Over all. Minnie me?.

"Bakit tinago mo sakin ito?." di ko mapigilan ang magalit. Anong rason kung bakit nya hindi ito sinabi?.

Sinasave ko ang mga litrato nila. May kasama pang buhat ni Rozen ang bata. Meron ding, hawak sa kamay ni Ryle ang batang may suot na pulang sumbrero na nakabaliktad. Ang iilan na ay, sila nang mag-ina.

Sa ngayon. Di na ako nagdalawang-isip na tawagan si Aron. "Zup, handsome?." bungad nito sakin. Mukhang humahangos pa ng hininga. I wonder what he's up to. "Wait a minute.." hays... Tong loko na to!. Kasalukuyan atang gumagawa ng milagro. "Anong problema?. Napatawag ka?." binuksan na nito ang video nya. It's a video call. Kanina, tinakpan nya agad.

"Is Joyce have a son?."

Nagkakamot ito ng ulo at kung ano pang kinukutkot sa likod ng matigilan sya't naestatwa sa harap ng camera. "Anong sinabi mo?." he asked after realizing what he heard.

"May anak ba ako?."

"I don't know.." agaran ang pagsagot nya rito. Parang nabigla pa sa narinig. "May nabuntis ka bang iba ha?. Tsaka. Kailan ka pa nagkaroon ng bago?. Di ka man lang nagsasabi?."

Nakamot ko ang sariling ulo sa inis. Wala ba talaga syang alam?. O nagpapanggap lang?.

"Look. If you're thinking that you can play a trick on me today?. Don't bro. Wala akong panahon sa mga ganyan ngayon."

"Ha?. What are you talking about?. Teka nga. Calm your self. Wala akong alam sa pinagsasabi mo Lance Eugenio kaya magkwento ka muna bago high blood ha?."

Peste! Di naman ako high blood. Nagtatanong nga ako e.

"May anak ba kako si Joyce?."

Itinikom nya ang kanyang mga labi. Para bang. Ngayon nya lang napagtanto ang tinatanong ko.

"My Dad and my sister told me about this. Totoo ba?." I continued while he is still not saying anything. Hinawakan nito ang ilong saka baba. Kumurap sya't parang nag-iisip kung magsasabi ba sya ng totoo o hinde.

"Honestly bro. Nalaman ko lang din yan kay Jaden eh."

"You talked to him?."

"Yep.. Nung times na pinalayas sya ng kapatid mo. Hahaha.. lokong isa.. luhaan lagi ang boy Jaden. Pero balik tayo sa topic mo. Yes, Lance the pogi. May anak si Joyce. Batang lalaki."

"Nakita mo na?." umiling sya. Feeling ko tuloy. Sinadya talaga nilang mangyari noon ang lahat para itago sakin ang katotohanan. But, for what?.

"Ask Dennis. Sya palang ang nakakita dun sa bata. And he said. He's just like you dude.."

Laglag ang panga ko sa narinig. It is really true. Totoo ngang may anak ako sa kanya and she hide it from me.

"Alam mo ba kung saan sya nakita ni Dennis?."

"Sa Bohol daw bro. Accidentally."

And that clears everything in me. Anong ginagawa nila duon?. Nagtatago?. Grabe! Hindi ba sila napapagod?.

"I asked Dennis kung ano pang tinanong nya sa kanila and he just said, they're not staying in one place. He added. She and your son is currently living with Ryle."

Sumakit ang ulo ko sa impormasyong nakuha. Kung bakit hanggang ngayon, hindi matanggap ni Ryle ang pagkabigo. Hindi ko na alam. Para syang hindi lalaki sa ginagawa nya. He's just wasting time and breaking his sister's heart without knowing it. At di man lang ba sumagi sa isip nya ngayong may pamangkin na sya rito na, kailangan na rin ng bata ang atensyon ng isang Ama?. Don't tell me, hahayaan na nyang ganun ang sitwasyon ng kapatid nya because he is always there?. He's too selfish for that.

"If you want to see your son bro. Go home and chase them. Di ako naniniwala na di mo na Mahal ang asawa mo. Wag mong hayaan na sa kamay nalang ni Ryle umiikot ang mundo ng mag-ina mo."

Mabilis akong umoo sa kanya. Tama sya. Sa akin na nakasalalay ang buhay na gusto ko para sa pamilya ko.

This time.

"There's no turning back."