Chereads / No More Promises / Chapter 234 - Chapter 32: Talo ka

Chapter 234 - Chapter 32: Talo ka

We went around Cebu for just two days. We had fun. Atleast for me. I had fun, a little because of Knoa. Kung wala siguro sya. Baka nasa gilid lang ako't pilit hinihila ng mga kasama kong makisama sa kanila. I know they already knew what did happened. Di na nila kailangan pang tanungin kung anong nangyari dahil tanaw na tanaw nila ang pwesto namin noon. At base pa sa itsura ko?. Bakas palang ng luha saking mata?. Alam na nila kahit di ko pa sabihin sa kanila.

"Kuya naman!?. Kailan mo naman kami pagbubuksan dito ha?. Hindi ka ba nagugutom?. Susmaryosep!." nandito na kami sa bahay after that long journey of Cebu. Nagkanya kanya na ang lahat dahil may pasok na din sila. Pero kami. Heto pa rin dahil sa isang linggo pa ang balik namin. Kanina pa din kumakatok si Bamby kaso gaya ng dati. Di ko sya pinagbubuksan. I isolated myself from them simula pagkauwi namin rito. Isang araw nang lumipas. Kaya heto itong kapatid kong nangungulit na. "Baliw ka lang kung iisipin mong magpakamatay.." I heard her heavy sigh after saying this. Actually. I'm thinking of doing that. Ano pa kasing saysay ng buhay ko diba?. Wala na sya. Bumigay na sya. Lumayo na sya. Nagsawa na sya. Ano pa bang aasahan ko hindi ba?. Wala na!. Tapos na! "Tsaka, bat mo naman gagawin yun.. sya lang ba babae dito sa mundo?. Marami pa.." alam ko naman na yan. Ang kaso. Ang puso. Hindi natuturuan ng kung sino lang. Kung pwede nga lang noon pa na turuan itong tumingin sa iba. E di ginawa ko na. Di na kailangan pang sabihin pa. Kaso. Mahirap e. Wala akong kontrol dito. Di ko madiktahan ang puso ko. "Sa gwapo mong yan?. Magmumukmok ka lang dyan?. Hays..." naiimagine ko na kung paano sya sumandal sa pintuan ng silid ko't nakahalukipkip. Ganunpaman. Wala pa rin akong balak syang pagbuksan.

Gusto kong mapag-isa. Mag-isip pa.

Sandali pa syang natahimik. Heto rin ako't piniling bumangon at buksan ang kurtina para may pumasok na hangin man lang. Tas bumalik din ako sa pagkakahiga. "Nangangawit na ako dito Kuya." ang akala kong umalis na sya. Di pa pala.

Pumikit ako't hinagod ang buhok patalikod. "Sorry Bamblebiee. Gusto kong mapag-isa. Please.." dahil kapag hindi pa ako nagsalita rito. Baka bigla nalang bumukas ang pinto ko kahit wala akong pahintulot. May spare key sila kay Manang. Anytime soon. Kaya nilang pumasok rito. But thanks still. They respectfully knew that I want to stay away first from all. Lalo na sa ingay. Kaya siguro di rin nagtangka si Kuya na kumatok. Ito lang tong bunso namin na sobrang kulit. Concern lang din siguro.

Mabagal syang walang imik. "Don't worry. Hindi ako magpapakamatay rito." I think I should tell her my assurance para lubayan na nya muna ako.

"Siguraduhin mo lang Kuya Lance. Dahil kung hinde. Ako na mismo ang susugod sa babaeng iyon at isusubsob ang mukha nya sa semento. I'm not kidding. I'm freaking mad serious here." yeah. I know dahil nagkasunod ang Kuya at pangalan ko sa pangungusap nya. It's literally a sign that she's mad and in a serious mode. Ganyan yang bata na yan. Malalaman mo talagang galit sya kapag galit sya. Ako lang ata ang nakakaalam sa trails nyang to. Di ko din alam sa parents at kay Kuya. Maybe.

"Thanks lil sis." there's no other words for her to calm her anger but to thanksd her. "Hayaan mo na muna ako. Lalabas din ako pag gusto ko."

"At kailan naman iyon ha?. Kapag maputi na yang buhok mo?."

"Nope.. kapag napagtanto ko na ang lahat lahat lil sis."

"Tsk! Ang dami mo pang rason e isa lang naman ang sagot dyan.." di ko na sya tinanong pa kung ano iyon dahil isusunod nya lang din iyon. "You're not going to ask what?. O well. Knowing you?. Especially now?. Ugh!. Wag na nga lang."

"Tsk.." napangiwi na lang ako sa gitna ng magulo kong isip.

"Basta.. before we flew back.. labas ulit tayo.. bawal tumanggi.. sisikmurain talaga kita.." tumango ako kahit di nya naman kita.

After that. Naging tahimik na ang kapaligiran. Napuno ng katanungan ang isip ko na di ko din kayang bigyan ng kasagutan.

How come na umabot ako sa ganitong sitwasyon?. I never lie about my feelings towards her but why did she does?. It's all a lie. A fucking big lie. Ang sabi nya. Minahal nya ako. Kailan iyon nagsimula?. At kailan din iyon nagtapos?. Minahal nya ako?. Noon?. Bakit ngayon?. Nawala nalang ba basta?. Bakit?. Sinong dahilan?. May iba pa ba?. Ang kapatid?. Posible pero pakiramdam ko mababaw pa rin. Sa tuwing naiisip ko ang dahilan ni Ryle para kamuhian ako?. Ayokong maniwala na yun lang. May iba pa na hindi nila kayang sabihin sakin?. Ano iyon?. Bakit kung makapagsalita nalang si Joyce. Parang wala kaming binitawang pangako sa isa't isa?. Ganun nalang ba ang lahat?.

Sa dami ng iniisip ko. Dumagdag pa ang cellphone kong maingay. It's Mom. Hindi ko kayang magsalita. Hinayaan ko lang syang kumuda. "I miss you, son.." nakagat ko ng mariin ang labi ko. May luha na rin sa mga mata ko. "Kung anuman ang pinagdadaanan mo. Laban lang ha. Kaya mo yan. Know that we are here for you. Always anak.."

Sasagot na sana ako kaso garalgal lang na boses ang narinig ko. "Love you anak.." dito na ako tuluyang umiyak. Umiyak nang umiyak hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak.

The other day. Aron came to visit me. Gaya ng iba. Di ko rin pinagbuksan. "Pre, magpapasama sana akong pumuntang mall. Bibili ng gift para kay Veb.."

Bakit ako pa?. Tsaka. Di nya pa ba alam pumuntang mag-isa ng mall?. Tsk!

"Birthday pa pala ni Niko. Tara dun sabi ni boy Jaden.." ano bang petsa ngayon?. Hayss.. Sila nalang. Wala akong gana.

"Lance, the great pogi!. Ano! Hahayaan mo nalang bang masayang yang lahi mo ha?. Kingwang bakla to!. Dinaig pa si Winly." kinatok nya ng paulit-ulit ang pinto kaya naman narindi na ako.

"What?!." galit ko syang pinagbuksan.

Tinitigan nya ako ng matagal. Saka umiling na may kasamang malakas na pagbuntong hininga. "Nakita mo na ba sarili mo sa salamin ha?." without asking me my permission if he can enter my room. Basta na itong naglakad. Gaya ng kanyang nakasanayan. "Ang Lance na ayaw na ayaw sa mudumi at walang kaayos-ayos sa katawan?. Tapos ikaw ngayon?. Really Lance?."

"Wala ako sa mode Aron. Anong kailangan mo?." nagsalubong ang kilay ko nang tumayo sa tabi ng pintuan. Hawak ang saradura.

Tumitig ito ng matagal. Mula ulo pa hanggang paa ko. "Kung magpapatalo ka nalang basta sa nangyayari sa buhay mo?. Talo ka talaga."

"What do you want from me then?. Magsaya?. Magpaparty?. Or go to night clubs ha?."

"Your choice bro. I'm not here to argue nor pull a fight. Andito akong kaibigan mo dahil concern ako sa'yo. Hindi lang ako. Pati ng buong tropa at pamilya mo. You act as if your world is already gone. Fuck it!. Asshole!. Sa ilong ka ba nya humihinga para itigil mo ang mundo mo nang dahil sa iniwan ka na nya?. Loser!. Akala ko ba matalino ka ha Lance!. Ngayon mo nga patunayan yan samin na kaibigan mo kung gaano mo ginagamit yang utak mo?. Don't tell us your lame excuses dahil hindi kami madadala ng mga paawa mo. Kingina pre!. Para babae?. Oo. Asawa mo sya. Naging asawa mo na sya. Pero nasaan sya?. Diba wala na?. Dapat rin bang walain mo ang sarili mo para lang sa kanya?. What the heck?. Pagtatawanan kita ng sobra kung yan ang irarason mo. Para saan pa't pinili mong maging kaibigan ako ha?." huminga sya ng malalim dahil sa haba ng sinabi nya. Tumayo sya't namaywang. "Hindi namin sinasabi na wag kang malungkot. Wala rin kaming sinabi na huwag mong pansinin ang sakit at hinanakit. Pero sana wag mong hayaan na lamunin ka ng pag-iisip at pighati. Hindi lang sa isang tao umiikot dapat ang mundo mo Lance. Hindi man kayo nagtagal. Isipin mo nalang kung anong mga bagay ang gustong ituro sa'yo ng lahat ng to. Hindi ito nangyayari nang walang dahilan. May malalim itong aral na kailangan mo lang alamin ng ikaw lang. Help yourself out dude. Ipakita mo sa kanila na hindi lang basta Lance Eugenio ang iniwan nila kundi isa ng ganap na doktor at espesyalista pa. Hindi ba mas maganda ang ganun?."

Yumuko ako. Wala akong sinabing mali sya. Bagkus. Ang lahat ng sinabi nya ay may laman. "Ganito. Think now. Hihintayin ka namin sa baba. Ikaw na bahala kung pupunta ka o hinde. We'll give you an hour. But.." tumigil sya. Hindi ako gumalaw. Gusto kong hintayin ang kasunod ng sasabihin nya. At may feeling din ako kung ano yun. "But if you choose to stay here all day long..." See?. I knew it. "Don't give me a call whenever you need me dahil madidismaya ka lang." anya saka umalis na ng walang pakundangan.

Ano pa nga bang pipiliin ko diba?. Syempre ang kumilos at bumaba para sumama sa kanila. Mas lalong di ko kaya ang mamuhay mag-isa ng wala sila. Baka matuluyan na akong mabaliw rito.